Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Fangirling ABCs at the #ABSCBNBall2018

Image Description Alora Sasam   |   04 October 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

K


Komedyante. Ang saya ko dahil nakapag-selfie ako sa mga lodi kong mga komedyante. Gaya ni Vice Ganda na minsan ko lang makita. First time ko rin siyang nakita sa ganoong event. Ang bongga pa ng gown niya. Siya talaga ang idol ko pagdating sa “Be You.” Kakaiba si idol Vice at consistent siya sa brand niya. Nakasayaw ko naman si idol kong Rufa Mae Quinto sa dance floor. Tawanan pa kami habang binabalikan namin ang eksena namin sa Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka. Bago maglakad sa red carpet ay nilapitan ko talaga si Pepe Herrera for a selfie. Nakatrabaho ko na siya sa The Hopeful Romantic under Regal Films pero bitin pa ako. Sana makatrabaho ko pa siya ng mas matagal. Niyakap ko naman agad si Kuya Bayani nang makita ko siya. Isa siya sa mga paborito kong komedyante mula pa nuon. Pinangarap ko rin maging side kick ng mga bida dahil sa kanya. At syempre si Juliana Pariscova hiningan ko rin ng selfie. Mahal na mahal ko siya talaga. Magkasama kami sa Funny Ka Pare Ko ng Cinemo Channel. Ang bait niya at ang talino. Hindi rin siya nagpatalo sa labanan ng gowns. As usual napaka-warm talaga ni Ate Kakai Bautista sa akin. Tawang-tawa pa ako dahil hindi pa siya nakalakad sa red carpet ay hirap na siya sa gown niya. Hindi na daw siya makahinga. Kasama niya as always ang kanyang Kiefie, Ms. Maja Salvador. Isa sa mga friendship goals ko sa showbiz.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:K1.jpg

Vice Ganda


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:K2.JPG

Ruffa Mae Quinto


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:K3.JPG

Pepe Herrera


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:K4.JPG

Bayani Agbayani


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:K5.JPG

Juliana Parizcova Segovia


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:K6.JPG

Kakai Bautista


Fangirling ABCs:




Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE