Fangirling ABCs at the #ABSCBNBall2018

Image Description Alora Sasam   |   04 October 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

U


ULTIMATE IDOL is no other than Ms. Judy Ann Santos. Siya talaga ang top priority sa listahan ko. Rumampa muna ako sa red carpet. Pagkatapos ay bumalik ulit sa standby area kung saan kasama kong nag-abang ang mga photographers. Para na rin akong parte ng press. Hindi ko inintindi ang pagiging artista at ginawa ang tungkulin ko bilang isang fangirl. For the very first time nasa isang building lahat ng idols ko. At hindi nga ako nagkamali sa desisyong mag-abang dahil na tsempuhan ko talaga ang pagdating ng Agoncillo couple. Nag-message ako kay ultimate idol bago ang ball kung pwede ba akong magpapicture sa kanya at nagreply naman siya at sabing lumapit lang daw ako. At iyon nga ang ginawa ko. Lumapit agad ako sa kanila bago pa sila ininterview ng press. Sobra pa akong kinilig dahil siya pa mismo ang nagsabi na pumagitna ako sa kanilang mag-asawa. Napaka-down to earth talaga niya! Hindi ako nagkamaling mag-effort sa kanya bilang fangirl dahil sinusuklian niya ang pagmamahal ko. Pagdating sa ballroom ay magkatabi pa kami ng table. Ka-table niya sina Ms. Jodi Sta. Maria. Ang sweet nila ni Bub Ryan niya. Nasaksihan ko pa ang smack nilang dalawa. Inalalayan pa siya ni Ryan habang dumadaan sa table namin. Syempre hindi ko pinalampas na maghello ulit. Hindi rin niya ako ulit binigo at with wide smile ay binalik ang hello ko. Sayang lang at hindi ko na sila nakita sa dance floor. Gusto ko pa naman siya makasayaw. Maybe next time. Sana may next time pa!


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_S-W:U.JPG

Judy Ann Santo-Agoncillo and Ryan Agoncillo



Fangirling ABCs:




Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE