Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Fangirling ABCs at the #ABSCBNBall2018

Image Description Alora Sasam   |   04 October 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

T


T for Tiktok dahil iyon ang naging topic namin agad nina Ms. Jodi Sta. Maria at Mr. John Arcilla. Nakasalubong ko si Mr. John Arcilla sa labas ng ballroom at nagkagulatan kami dahil naalala ko ang tiktok videos niya at nakilala niya ako dahil sa tiktok videos ko rin. Binalak nga sana naming gumawa ng tiktok video sa oras na iyon pero nagmamadali ata siya kaya hindi ko na rin pinilit. Pero ang cute lang na nakita ko na siya sa wakas dahil napakagaling niyang aktor at nakakatuwa ang mga tiktok niya. Iyon rin ang topic namin ni Ms. Jodi nang magkalakas ako ng loob na lumapit sa table niya. Magkatabi lang kami ng table kaya naghanap talaga ako ng tsempo na lapitan siya. Bago pa magstart ang program ay naglakas na ako ng loob. Nagulat pa siya nang bigla ko siyang kinalabit sa balikat. Paglingon niya ay tinawag niya agad ang pangalan ko. Gusto kong umiyak kapag alam ng idol ko ang pangalan ko. Humingi agad ako ng selfie na agad naman niyang inoohan. Pagkatapos ay sinabi agad niyang pinapanuod niya ang mga tiktok videos ko. Lumaki talaga ang mata ko sa sinabi niya. Sabi pa niya na sana gumawa kami next time ng tiktok video. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na niya kailangan pang sabihin iyon dahil iyon mismo ang gusto ko. Isa talaga siya sa gusto kong makatrabaho.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_S-W:T1.JPG

John Arcilla


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_S-W:T2.JPG

Jodi Sta. Maria



Fangirling ABCs:




Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018