Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Fangirling ABCs at the #ABSCBNBall2018

Image Description Alora Sasam   |   04 October 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

L

Lipstick ni Anne Curtis ang dala ko sa clutch bag ko. Hindi iyon ang shade na suot ko pero dinala ko para iyon ang pang-retouch ko. Hindi ko rin pinalagpas ang moment na ipakita iyon mismo kay Dyosang Anne. Inabangan ko siya sa standby area. Kasama niya ang kanyang hubby Erwan. Kilig na kilig ako habang nag-aantay na matapos siyang ma-interview ng press. Saktong pagdaan niya ay kinapalan ko na talaga ang mukha kong humingi ng selfie. Tinawag niya akong Alors. Parang sasabog ang tenga ko sa kilig ng marinig ang name ko sa bibig niya. Yung feeling na hindi ka nakalimutan ng idol mo. Alam kong nagmamadali na siya kaya binilisan ko na ang kilos. Habang nagse-selfie kami ay pinakita ko agad ang dala kong lipstick ng company niya. Natuwa siya at nagpasalamat. Bago siya umalis sabi pa niya ay “See you later.” Para akong mabuang sa narinig ko. Yes talaga! See you later idol kong Dyosa! Nang matapos ang program at nagsipagsayawan na lahat sa dance floor ay gusto ko sana rin makasabay siyang umindak kaso nahiya ako lumapit dahil mga barkada niya ang kasama niya. Kaya hanggang tingin sa malayo na lamang ang kapwa niyo fangirl.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:ABCs of ABS-CBN Ball:FW%3a_K-M:L.JPG

Anne Curtis



Fangirling ABCs:




Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE