Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Craziest Things I Ever Did For Love

Image Description ArlynMR   |   06 March 2018


We met for a reason, and it’s either you’re a blessing or a lesson

It’s not always about heart breaks and moving on. Minsan, maiiwasan mo rin ang mga ganitong pagkakataon if you will look at the situations differently. May darating talagang mga tao sa buhay natin where—either a blessing or a lesson. Yung mga akala mo wala ka nang magagawa kasi dead end na pero meron pa pala. May chance pa pala. May pag-asa pa. Ikaw lang itong sumuko agad.

Here are some situations I can relate to about relationships. Things I learned and understood in the process of loving someone and being a friend. 

“I can’t imagine having a long-distance relationship.”

Mahirap talaga ang LDR. Nangako ako noon sa sarili ko na kapag pumasok na ako sa relationship, hindi pang-long distance. Nakita ko kasi sa parents ko kung paano sila nahirapan dahil ilang taon din si father sa ibang bansa. Pero kung ano pa yata ang iniiwasan, yun pa lalo ang ibibigay. Sumugal ako sa LDR na yan kahit malaki ang chance na hindi mag-work. Unang buwan pa lang, puro duda na at lagi kong ini-expect na maghihiwalay din kami. Puro negative thoughts, grabe. Natatakot ako na baka lokohin niya lang ako at iwan in the end. Hindi lang masakit sa heart, masakit pa sa time at bulsa. Sagad na sagad ang data ng phone dahil sa kaka-video call. Lagi pang late sa trabaho kasi hindi puwede sa akin na hindi mag-uusap sa umaga pagkagising ko, at siya naman bago matulog. #Clingy!

But it’s possible pala. Constant communication, effort and love kept us alive. Ako ang madalas sumuko sa aming dalawa, but he keeps holding on. Kaya naniwala ako sa love (hindi pa sa forever; forever takes time.) Naniwala ako na may chance. Hindi naman kasi ibig sabihin ng pag-alis niya ay iniwan ka niya. Keep positive! Good vibes lang!

#AlexAdvice: “Mas okay matakot kesa malungkot.”


“He’s so lazy, or he’s such a workaholic.”

Ang hirap nito. Di ba may kasabihan na, “it takes two to tango?” For me, para mag-work ang relationship, kailangan talaga ng effort from both ends. May effort si ate girl at si kuya guy. Hindi lang sa actions and words, dapat talaga may happenings. Hindi lang mga big surprises, I’m talking about simple and unplanned efforts. Yung super natural and fragile, you won’t/can’t believe that that simple act will make you cry from happiness and get so kilig. Bawal ang tamad! Make your significant one feel so special and loved. Hindi mo pwede idahilan na busy sa work. (Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.) You can do this by just looking at them, spending some quality time, and making them laugh. Huwag na magpatumpik-tumpik pa dahil kapag natauhan yan, baka magsisi ka kapag iba na ang nagpapasaya sa kanya.

#AlexAdvice: “When dating, don’t look for someone who will complete you. Look for someone who will complement you.”


“Masyado s’yang independent at mapagbigay sa relationship.”

Minsan nasabi sa akin ni kuya guy na malaki ang kasalanan niya sa akin. Sobrang confused ako, siguro dahil inaaway ko siya tapos yun ang sasabihin niya sa akin. I asked him, why? Kinabahan ako dahil baka niloloko na niya pala ako at aamin siya sa akin. Ako ang nang-aaway, pero siya ang may kasalanan daw. Then he told me, I was so giving at natatabunan daw nun ang mga efforts niya. Hindi ko na raw nakikita ang ibinibigay niyang efforts kasi galit na daw ako. Kaya daw naghahanap na ako ng way out sa relationship namin.

Unlike other guys, hindi nila ito sasabihin sa girlfriends nila. Siguradong makikipaghiwalay na lang at sasabihin na “sorry, but I can’t reciprocate your feelings.” Na-realize ko lahat ng mali niya at mali ko. From that simple acceptance, mas lalong nagkaroon kami ng drive not to give up. Sabi ko nga, dalawa kayo sa relationship na yan. To work it out, kailangan ng team work.

#AlexAdvice: “No woman deserves to be an option” 


“Hindi siya pala-reply sa text.”

Ako lang ba yung magaling mag-report ng mga bagay-bagay sa chat? Like, gusto ko alam niya lahat ng ginagawa ko (a must-do sa mga LDR) at gagawin ko. Kung maaari, gusto ko pa nga ako unang kakausapin niya paggising at huli sa gabi. Ang #Clingy di ba? Pero iyon ang nagwo-work sa akin. Iyon ang motivation ko sa relationship namin. Ang problema lang? Hindi siya ganun! Sobrang nahirapan ako dito. Okay nga lang sa kanya na hindi kami mag-usap maghapon and I was like, NO! Eventually, naintindihan niya ang dilemma ko. Na to keep this going, kailangan talaga ng constant communication. Na-adapt din niya ang ways ko. At ngayon, siya na ang hindi pumapayag na hindi kami mag-usap two times a day.

#AlexAdvice: “Ang mga babae daw eh parang adobo, hindi kumpleto kung walang suka at toyo.”


“Magkaiba kami ng religion.”

May girl friend ako na na-judge naming magkakabarkada noong college. Kasi naman, three months pa lang yata sila ng boyfriend niya eh nagpa-convert na ng religion. We were like, “Girl! Hindi ka pa sigurado diyan, uy!” Napaka-religious pa naman ng family niya. Magulang lang niya ang may alam na nagpa-convert siya. Napaka-feminist pa naman namin dahil siya ang nagpalit ng religion. If the guy loves her, siya ang magpapa-convert di ba? Nasa seven years na sila sa relationship nang tanungin ko kung bakit. Ano ginawa ng boyfriend niya?

Sabi niya sa akin, kahit kailan hindi daw siya pinilit ng boyfriend niya. Noong una, inaaya lang daw siya nito na um-attend at syempre ayaw niya pero nag-try na rin siya dahil sinusubukan din naman ni guy na mag-attend sa kanya. And eventually, na-realize na lang niya one day, siya na mismo ang nagkukusa. She actually learned to love the religion.

I came to realize that not everything is what we thought it seemed it be. Ilang taon din kaming nagduda, yun pala may kwento sa likod ng desisyon na iyon. Ngayon, ipinaglalaban ko yung learnings ng kaibigan ko sa mga tumataas ang kilay dahil sa desisyon niyang iyon.

#AlexAdvice: “Happiness is dependent on what’s happening around you. Joy is something that comes from within.”


More advices and lessons from Alex Gonzaga’s Dear Alex, Break na Kami. Paano?! Love, Catherine. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018