Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THAT NERD IS A ROYAL PRINCESS

Image Description @yhiannemaxhien   |   26 May 2020


Pinili ni Aryaniah ang iwan ang nakagisnan niyang marangyang buhay para takasan ang responsibilidad bilang isang prinsesa Dahil sa kagustuhan ng ama niyang ipakasal sa isang maharlikang tulad niya

[ CHAPTER 1 ]

ARYANIAH'S POV

"Hala late na ako sa klase ko!" Hindi magkadaugagang sabi ni Xhinia nang makababa siya ng hagdan.

Ikaw ba naman magpuyat kakapanood ng Korean Drama eh sinong hindi malalate. Buti nalang hindi ako gaya niya.

Si Xhinia kasi sosyal, Maganda, iyong tipong lahat na nasa kaniya. Samantalang ako naman only one word can describe me ."NERD".

No one knows my real story. Even Xhinia, She became my bestfriend three years ago. Kadarating ko lang nun dito wala akong kilala maliban sa sarili ko. Dahil iba ang lenggwahe nila at hindi ko talaga maintindihan. Until I met her. The first I saw her I thought she wouldn't notice me. Pero hindi pala lahat tulad ng iniisip ko. Siya ang tumulong sa'kin sa lahat ng bagay tinuruan niya akong intindihin ang salita nila. Hindi naman mahirap matutunan. Nag-aaral kaming pareho pero hindi tulad ko si Xhinia. Nag-aaral siya dahil sa support na nakukuha niya sa magulang niya samantalang ako ay kailangan ko pang magtrabaho para may makain at makapag-aral. Hindi ito ang buhay na kinalakihan ko pero kung ito lang din ang paraan para sumaya ako. Baliwala na lahat ng hirap na mararanasan ko.

Sa loob ng tatlong taon kahit papano naging masaya ako dahil nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Nagagawa ko ang mga 'to nang hindi kailangan ng permiso mula sa magulang ko. Malaya kong nagagawa lahat ng gusto kong gawin.

Bandang alas dos ng hapon narating na ako sa school. Si Xhinia maaga talaga siyang pumapasok dahil busy siya sa darating na event sa school.

Hindi naman ako mahilig sa mga party although nakasanayan ko iyan noon. Hindi na ngayon. Puro pasosyal lang naman ang mga iyon.

Manang nga tawag ni Xhinia sa'kin kasi nga daw ang baduy ko ang laki pa ng eyeglasses ko. Tapos minsan ang damit ko hindi fasionable para sa isang Med. student. Ano ba kasi dapat isuot ang magmini-skirt at mag-spaghetti dress kapag pumasok sa school. Dakilang kaibigan talaga niya.

Well nasanay na rin ako sa kaniya. Nakakasakit na nga minsan magsalita pero natural na iyon sa kaniya. Alam ko naman kasi paano mag-ayos sadyang kailangan ko lang magmukhang ewan sa harap ng iba. Pero kapag nasa bahay ay maayos naman ako manamit. Pakialamera lang talaga si Xhinia.

"Aryaniah Hendelthon." Saktong tinawag ang pangalan ko ay siyang pagdating ko.

"Present!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa upuan ko.

"Why are you late Miss. Hendelthon?"

"Sorry Sir, Hindi na po mauulit." Sabi ko sabay tawa ng mga kaklase ko..

Ganiyan sila lagi sa'kin. Dahil tingin nila isa lang akong nobody. Pero kahit ganiyan sila sa'kin hindi ko magawang magalit. Dahil hindi naman nila ako kilala talaga hindi ko din sila kilala maliban sa pangalan nila. Wala na akong dapat alamin pa. Basta nandito ako para mag-aral.

Although lagi akong nabubully dahil sa itsura ko daw. Ngayon lang yata sila nakakita ng ganitong itsura.

Matapos ang klase namin. Nagtungo agad ako sa library para gawin ang mga pinagawa sa'min. Hindi ko na kasi magagawang mag-aral kapag nasa bahay na ako. Bukod na ang ingay ni Xhinia. Ay papasok pa ako sa trabaho. Pag-uwi ko galing work ay matutulog nalang ako.

Ganito ang lagi kong ginagawa araw-araw.

Pasado alas singko na ako natapos mag-aral agad ko naman niligpit ang gamit ko. Nang bigla may humablot nito sa'kin.

"Pwede ko bang mahiram 'to? Balita ko ay matalino ka." Kumunot ang noo kung nakatitig sa kaniya.

Gwapo √
Maporma √
Mayaman √
MAYABANG √

Ganiyan ang pagkakadescribe ko sa kaniya sa isip ko. Halata naman sa tindig pa lang niya. Mayabang na.

"Akin na iyan, Ano ba!" Pilit kong inaagawa sa kaniya ang gamit ko at dahil mas matangkad siya kesa sa'kin kaya hindi ko magawang abutin ang kamay niyang nakataas.

"Pahiram nga kasi." Bully ang isang 'to nagmamadali pa naman ako baka malate ako sa trabaho ko nito.

"Ano ba! Akin na iyan nagmamadali ako." Pakiusap ko

"Ibabalik ko 'to sa'yo basta ba ipangako mong tuturuan mo ako bukas." sus iyan lang pala.. Teka? ano daw?

"Anong tuturuan kita? Ayoko nga saka mukhang mayaman ka naman ba't hindi ka kumuha ng tuitor h'wag ako ang inaabala mo busy ako."

"Aba't hoy nerd ang choosy mo hah! Alam mo bang ang iba nag-eeffort pa mapansin ko lang sila tapos ako tinatanggihan mo?" Mayabang talaga grabe!

"Eh? Ano naman ang paki ko aber? Isa pa hindi ako interesado kahit kanino."

Nang hindi niya namalayan bigla kong inagaw gamit ko sa kaniya saka ako kumaripas ng takbo.

"Hoy nerd bumalik ka dito!" Habol niya sa'kin buti nalang nakasakay agad ako sa taxi.

May saltik yata ang isang iyon. Ano ba trip nun?

"HALA! 5 minutes nalang malalate na ako sa trabaho ko." Sigaw ko.

Bweset kasalanan 'to ng mayabang na iyon. Nakakainis , Pinakiusapan ko nalang ang driver ng taxi na pakibilis niya ang pagmamaneho. Hindi naman ganun kalayo working place ko sa School namin.

Buti nalang din talaga walang traffic at nakarating agad ako may 2 minutes nalang talaga malalate na ako.

"Niah nandiyan ka na pala bilisan mo dadating ang anak ni Boss." Sabi ni Kieyla.

Sa isang Coffe shop & resto bar ako nagpapart-time. 5hrs lang ang working hours ko. Minsan kapag marami ang costumer nag-oover time ako. Kapag nandito ako sa work hindi maiwasan na makita ko ang mga schoolmate ko buti nalang talaga at sa Kitchen ako na-assign hindi naman sa kinakahiya ko sarili ko sa kanila ayoko na makita nila ako dahil paniguradong mangbubully lang sila sa'kin.

Kung nagtataka kayo bakit Pagdodoctor ang kinuha kong course at bakit ako nagwoworking student. Scholar kasi ako pero kahit ganun kailangan ko pa din magbayad ng tuition dahil sa mahal ang pagdodoctor buti nalang malaki-laki ang naipon ko noon kaya iyon ang ginagamit ko pangtuition ko. Nagwoworking naman ako para pangbayad sa tinitirhan namin ni Xhinia kahit dakilang mayaman siya ayaw niya tumira sa kanila at dahil spoiled brat sumuway din sa gusto ng magulang niya.

Maya maya pa ay nagsimula na akong magluto ng mga orders ng mga costumer. Minsan naman ay nasa coffee shop ako naaassign. Pero madalas dito ako sa bar. Dahil marunong naman akong magluto kaya dito ako nilagay sa kitchen. Minsan taga hugas din ako.

Kahit nakakapagod nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Hindi ko kasi naranasan noon ang ganito dahil may sarili naman kaming taga luto, taga laba at taga linis. Marangyang buhay ika nga.

Kumusta na kaya ang mga magulang ko? Hinanap kaya nila ako. Panigurado akong hinanap nila ako bukod hindi ko iniba ang pangalan ko sadyang ang itsura ko lang ang nag-iba.

Pero sino ba naman ang mag-aakalang ako 'to sa layo ba naman ng pinanggalingan ko malabong makarating sila dito.

Maganda ang pilipinas. Marami akong naririnig na magagandang kwento tungkol sa lugar na'to. Kaya pinili kong dito pumunta. Hospitable naman ang mga tao hindi nga lang lahat. Base on my own experience lalo na sa school.

"Hoy! Niah, tulala ka na naman diyan hatid mo raw 'to sa office ni Boss nandun ang anak niya." Sabi ni Camylle isa ri sa mga kasama ko

"Eh bakit ako? Bakit hindi ikaw ang magdala niyan doon. Marami pa akong gagawin dito sa kitchen."

"Jusko teh! Ako ba si Aryaniah hah? sa pagkakaalam ko Camylle ang pangalan ko. Kaloka ka! ikaw nga daw magdala nito dun." Kahit kailan talaga ang hilig mang-okray ng babae'ng 'to.

"Akin na, nanenermon ka na naman eh!"

"Siya bilisan mo ako muna dito sa kitchen nandun naman si Kieyla kaya na niya dun.

Agad ko naman kinuha ang dala niyang tray. Saka ako umakyat sa second floor nandun ang office ng Boss namin. First time ko mamemeet ang anak ni Boss.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Muntikan ko ng mabitawan ang dala kong tray nang sa nakita ko.

"IKAW!" Sigaw ko.

"Yes nerdy." Nakangisi niyang sagot.

Bakit siya? Sa dinami-dami ng pwedeng maging anak ni Boss bakit itong mayabang na'to pa!

Umayos ako ng tayo, Dahil nagtatrabaho lang ako dito at Boss ko ang mayabang na nasa harap ko. Kaya dapat maging magalang ako.

"Ito na po order niyo Sir, kung may kailangan pa po kayo tawag lang po kayo. Aalis na po ako at may gagawin pa po ako." May diin kong sabi.

"Teka! Sinabi ko na bang pwede ka ng umalis?" Nanandiya talaga ang mayabang na'to.

"Baka po mapagalitan ako ng Daddy niyo, kung hindi naman po nakakaabala sa inyo ay aalis na po ako at tatapusin ko pa po naiwan kong trabaho sa baba." Nakakaubos ng pasensya ang isang 'to.

Kung hindi lang talaga anak ni Boss 'to kanina ko pa 'to sinipa.

"May kasalanan ka pa sa'kin. Kaya hindi ka pwedeng umalis." Kunot noo ko naman siyang tiningnan.

"Wala po akong naalalang nagawan ko ng masama paano ako nagkaroon ng kasalanan sa'yo."

"Ninakaw mo ang puso ko." Aba't lokong 'to.

"Pwede ba! Wala akong panahon makipagchikahan sa'yo nandito ako para magtrabaho hindi para makipagchikahan sa'yo.

Matapos kong sabihin iyon agad akong lumabas.

"Argghh! Nakakainis bakit ba ang malas ko sa araw na'to." Bulong ko sa sarili ko.

"Oh! ba't ganiyan ang itsura mo? Para kang nalugi ah!" Bungad sa'kin ni Kieyla pagbaba ko.

Hindi ko siya sinagot bagkus dumiretso ako sa kusina.

Pasado alas dyes na ng gabi ako nakauwi. Bukas pa ang ilaw sa kwarto ni Xhinia. Nanonood na naman 'to ng Korean Drama.

Humiga muna ako saglit. Ang sakit ng likod ko. Siguro kung hindi ako umalis sa'min hindi ko mararanasan ang lahat ng 'to. Ang mga kamay ko noon na halos walang galos ngayon ay may galos na. Hindi na ako ang dating Aryaniah, Ibang-iba na ang buhay ko kumpara noon. Oo nga't marangya ang buhay ko noon pero hindi ko naramdamang sumaya ako gaya ngayon. Na kahit nahihirapan ako masaya ko at masasabi ko sa sarili na may silbi ako bilang tao.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019