Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Sampung Talatang Tula Para Kay Mayor Vico

Image Description @krisbuluran   |   22 March 2020


My confession poetry for Mayor Vico Sotto Vivico

Magandang araw Mayor Vico,

Sana'y maganda ang araw mo.

Nais kong malaman mo,

Na sa iyong mga ngiti ay humahanga ako.


Noong una kitang makita,

Nagdulot ng kilig sa akin ang gwapo mong mukha.

Dala mong ligaya ay hindi mapapawi,

Basta't ikaw ay makita kong nakangiti.


Hiling ko ang mabuting lagay ng iyong kalusugan,

Sapagkat kailangan ka namin na iyong kababayan.

Hindi man buong bansa ang iyong responsibilidad,

Buong bansa naman ang humahanga sa iyong abilidad.


Ang iyong angking talino, 

Ay pumapantay sa iyong puso.

Nararamdaman mo suliranin ng iyong kababayan, 

At gumagawa ka ng solusyon upang ito ay tugunan. 


Ang iyong kasipagan ay talagang tumatatak,

Na nagpapa "sana all" sa lahat.

Kaya naman maraming humihiling,

ng isang Presidenteng iyong kasing galing. 


Tunay nga ang tinuran ng ating pambansang bayani,

"Kabataan ang pag-asa ng ating bayan".

Iyong pinapatunayan na kaya nating mga kabataan,

Na paunlarin ang ating bayan.


 Salamat sa iyong dalang inspirasyon,

Na nagbibigay pag-asa sa ating bayan.

Pag-asa na meron paring mabubuting politiko,

Na handang mag bigay ng buong serbisyo.


Nais kong malaman mo,

Na hindi lang sa iyong ngiti ang paghanga ko.

Pati sa iyong angking kabutihan at talino,

Ako ay buong pusong humahanga sa iyo. 


At sa tuwing kakain ako ng biko,

Naalala ko kung gaano ka kabuting tao.

Kasing tamis ng biko ang iyong serbisyo at ngiti,

Kaya naman huling huli mo ang aming kiliti. 

 

Sampung taon man ang pagitan nating dalawa,

Hindi iyon hadlang upang hangaan kita.

"Age doesn't matter" ika nga nila,

Mahal kita Mayor ng bayan!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018