Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Ang Manliligaw ni Clara

Image Description AC.LYN   |   11 May 2020


This story will bring us to the time during traditional Filipino courtship, and the everlasting love of Clara and Ibarra as they face the challenges of Clara's overprotective brothers.

Sabi nila yung kapag may kuya ka, para ka na din may pangalawang ama. Normal kasi sa kanila yung maalaga, mapagmahal, kasangga mo sa anu man, poprotekta sa'yo sa kahit na anong kapahamakan. At ako maswerte ako kasi mayroon akong kuya, hindi lang isa kundi lima. 

At dito iikot ang kuwento ko

Ako si Maria Clara Pinaglaban, 25 taong gulang. Isang teacher sa Brgy Mabuhay Elementary School. Bunso sa anim na magkakapatid at Mayroon akong limang kuya. 

Si Kuya Isagani na Isang bank manager. Kuya Basilio na isang jeepney driver at may-ari ng talyer. Kuya Elias na  paextra-extra sa mga action movies. Kuya Tiago na barangay tanod/ super chef sa bahay namin at higit sa lahat si kuya Crispin na mananabong. 


Alam ko medyo pamilyar ang mga pangalan namin diba? Tila mga character sa libro ni Rizal, pero wag kayong mag-alala wala tayo sa kwento ng El filibusterismo o Noli me Tangere. Sadyang kinareer lang talaga ng mga magulang namin ang pagiging Fan sa likha ni Rizal kaya naman ipinangalan nila kame sa mga character sa libro. 



Well ganito kasi yon. Nagkakilala ang mga magulang namin sa UP. Parehong sumali sa Teatro at doon sila nagkamabutihan. Sabay umibig kagaya sa mga character na isinasadula nila. At dahil sa mahilig ang inay sa pagbabasa ng mga likha ni Rizal ay iyon ang ginamit ni itay para makuha ang matamis nitong Oo. Iniipit niya lang naman ang mga love letters niya sa libro para mapansin iyon ng inay. Kaya ng magpakasal sila at sa wakas dumating ang unang kuya ko ay napagdesisyonan nila na sa libro na iyon kunin ang pangalan ni Kuya. Hanggang sa nasundan na at dumating pa ako sa buhay nila. 


Pero wala eh, hanggang sa huli kinareer ng mga magulang namin ang pagiging fan nila at kinasamaang palad ay natulad sila sa ilang karakter na hindi pinalad at naging makili lamang ang buhay sa mundo. 


2 taong gulang pa lamang ako noon nung pumanaw sila kaya simula non ang mga kuya ko na ang tumayo na ilaw at haligi ng tahanan. Ng dahil sa pagkawala nila si Kuya Isagani lang ang nakatapos ng pag-aaral sa mga kuya ko dahil kinailangan huminto ng ibang kuya ko para may maipang tustos araw-araw. Si Kuya Isagani ang agad na nagtrabaho para maitaguyod kameng magkakapatid hanggang sa maging legal ang edad ng ibang mga kuya ko ay agad silang kumayod para mapagipunan ang pag-aaral ko. 

Kaya totoo na tila ama ko na din sila na maituturing... Mga kapatid ko na nagpalaki at nag aruga sa akin. At utang ko sa kanila ang lahat ng meron ako ngayon. 


Naiintindihan ko yung hirap na pinagdaanan nila. Kaya siguro ganon din katindi ang pagiging protective nila sa akin kahit hanggang ngayon na nasa edad na ako para gumawa ng sarili kong mga desisyon? Ay ang nararamdaman pa din nila ang inisip ko. 

At may mga bagay ako na kailangang ilihim dahil alam kong masasaktan ko sila. 

Halimbawa nalang doon ay ang tungkol kay John Ibarra. 




  • (4 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019