Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Tampo

Image Description MOR 101.9 For Life   |   02 April 2018


Sobrang sakit ng naramdaman ko.

Dear DJ Chacha,

Call me JM, 19 years old.

2014 nang mag-asawa muli ang Mama ko.

Dahil doon kaya nagkatampuhan kami. Sobrang sakit ang naramdaman ko pero hindi naman po ako nagpapaka-selfish. Maraming nangyari at isa na dito ay ang napabayaan kong pag-aaral dahil sa kanyang bagong kinakasama na ikinasama ng aking loob. Napahinto tuloy ako ng college dahil doon. Umalis ako ng bahay ng March 2015, pagkatapos ng debut ko. Tumuloy ako sa bahay ng kaibigan na maluwag naman akong tinanggap.

Habang sinusulat ko ang letter na ito, one year and six months na akong hindi nagpapakita sa kanila dahil meron pa din akong sama ng loob. Meron kaming communication pero madalang akong kumustahin ng aking Mama.

Maganda at stable naman ang trabaho ko ngayon pero nami-miss ko na sila sa bahay lalo na ang kuya ko.

Ito ang #Heartbeats ko,

JM


Heartbeats with DJ Chacha is a multi-awarded program of MOR 101.9 For Life, ABS-CBN's FM Radio Station. Heartbeats airs on weeknights, 9PM to 12AM. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE