The Next Move

Image Description kirschenheiter   |   16 January 2019


Paano 'pag muli kayong pinagtagpo ng ex mo of four years dahil sa 'di inaasahang pangyayari sa isang taong naging dahilan kung bakit naging kayo in the first place?

"May, I... I want to get off this relationship. I'm sorry."

Napatingin ako kay Edward. Akala ko'y naglulungkot-lungkotan lang siya kanina't may malaking surprise siya for me tulad ng karaniwan niyang ginagawa... hindi ko naman alam na malungkot pala talaga siya. May surprise nga siya for me, but this is not the kind of surprise I'm expecting to hear.

"Edward... what are you talking about? Anong... I want to get off this relationship? Edward, okay ka lang ba?"

"I'm serious, May. Sa relationship, both partners should be happy and contented, hindi lang ako or hindi lang ikaw. I don't want to sugarcoat my words kasi I want you to know the truth, straight from my heart. Hindi na kita mahal, Maymay."

Nanlambot at nanginig ako lalo na sa huling narinig. 'Yon na yata ang pinakamasakit na pangungusap na narinig ko sa tanang buhay ko. Itong lalaki sa tabi ko, itong lalaki na niligawan ako't sinagot ko almost four years ago... hindi na ako mahal.

"Paano nangyari 'yon? Magkasama lang tayo n'ong isang araw, 'di ba? Ang saya-saya mo pa nga eh. Falling out of love doesn't happen overnight. Tapatin mo nga 'ko Edward... may iba ka na ba?"

"May, wala." Humarap siya sa aki't hinawakan ang mukha ko. "I'm not cheating on you, but I feel like... I'm indirectly giving you heartaches by pretending to be happy and carefree everytime na kasama kita. You deserve someone who will make you genuinely happy Maymay. It's not me."

"But you are my happiness, Edward! May mali ba 'kong nagawa, may ayaw ka ba sa'kin na gusto mong baguhin ko? Gagawin ko Edward para sa'yo... just please... please don't do this." Hindi ko na alam kung ano'ng itsura ko, walang-tigil na kasi ang pagbagsak ng luha ko. Ang kapal pa naman ng nilagay kong eyeliner sa mata.

"I just want to be happy again, May... and I'm not happy with you anymore." Napatakip ako ng mukha, sobrang sakit ng sinabi niya. "I know someday, makakahanap ka rin ng taong magpapasaya sa'yo, someone who will give you the love and happiness you deserve. Hindi na ako 'yon Maymay, I'm sorry."

"Edward, 'wag mo akong iwan. Please." Nagulat siya nang bigla akong lumuhod sa harap niya. "A-Ang dami ko nang plano for the two of us... akala ko ba, ikaw ang happily ever after ko? Edward naman eh..."

"Tumayo ka riyan, May." Inalalayan niya ako patayo't mahigpit akong niyakap. "Maganda ka, mabait ka... someday, you'll find your true prince charming and you will achieve your happily ever after with him." Hinawakan niya ang kamay ko bago siya naglakad palayo pabalik sa sasakyan niya. Napatakip ako ng bibig, gusto ko siyang habulin at sampal-sampalin para magising siya sa katotohan pero nakaalis na siya't isa pa, ayokong gumawa ng eskandalo rito sa park. Para akong nasa isang masamang panaginip, biglang nanikip ang dibdib ko sa sakit ng mga sinabi niya. Hindi pwedeng mahal pa niya ako kahapon ta's ngayon, hindi na. Ang lakas ng kutob kong may iba na siya, pero bakit? Pangit ba 'ko, kapalit-palit ba 'ko? Alam ko sa sarili ko na naging mabuting girlfriend ako sa kanya. Sinakyan ko lahat ng gusto niya, tinanggap ko ang mga mali't pagkukulang niya. May nagawa kaya akong mali na hindi ako aware? Ang dami ko pang tanong na gusto kong sagutin niya pero hindi ko alam kung may guts pa ba siyang makipagkita sa'kin pagkatapos nito... or kung kaya ko pa ba siyang harapin after this.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to... sana hindi na lang kita sinagot Edward. Pakiramdam ko, I wasted four years of my life with him.

Sana, hindi na lang kita minahal.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE