The Prince's Fiancee

Image Description HopelessPenWP   |   25 July 2019


When Michelle died, her soul was transferred inside a popular novel Now posing as Lady Amelia Kleona Michelle needs to survive inside the novel and make sure that the main lead will not kill her


“Bibitawan mo na ba ang kaso, Attorney?” tanong ng lalaking naka itim. Anino lamang niya ang nakikita ko habang naglalakad siya palapit sa akin. Dahan dahan akong humahakbang palayo noong maramdaman ko na ang dulo ng bangin sa aking likuran.


The gun clicked and the man pointed it to me. Nanginginig na ako sa takot pero hindi ko hinayaang makita niya iyon.


“Huling pagkakataon, Attorney. Bibitawan mo na ba ang kaso?” aniya. Mayabang akong ngumiti bago dahan dahang umiling.


“Bakit ko bibitawan? Malapit ko ng maipanalo, eh,” sagot ko. Hindi ko makita ang reaksyon niya bukod sa pagtaas ng kanyang baril. My instinct kicked in and I immediately stepped back. Namali ako ng hakbang at agad akong nadulas sa bangin. Kumapit ako sa isang malaking bato roon para subukang makaakyat muli. Nakarinig ako ng mabibilis na hakbang bago ko nakita iyong lalaki. Kinasa niyang muli ang baril bago iyon itinapat sa akin.


Lumiwanag ang buwan at tumama iyon sa kanyang mukha. Napasinghap ako ng makita ang pulang mata nito. Mabilis ang naging galaw niya at agad na pinaputok ang baril. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking balikat bago ako bumitaw sa bangin.


Bumagsak ako sa tubig at agad akong nilamon ng mga alon. Sinubukan kong makalangoy pero malalakas ang hampas sa akin hanggang sa unti unti na akong lumubog. I tried to breathe and swim, to fight for my life, but the pain from the fall and the gunshot was unbearable.


Is this my end? After twenty eight years of fighting to live, will this be my end? The waves drowned me more as the moonlight shone on me. That was the last thing I saw before I finally closed my eyes.


Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng magising. Sunod sunod ang ginawa kong pag hinga habang nararamdaman pa rin ang mga alon na humahampas sa akin. Hinawakan ko ang aking dibdib para lamang magtaka.


Kinapa ko iyon at hindi maramdaman ang hapdi ng tama ng baril. Itinaas ko ang kumot at muntik na akong mapasigaw ng makita ang aking balat.


K-kailan pa ako naging ganito kaputi, h-ha?!


Inikot ko ang aking paningin sa kwarto. Napasinghap ako ng hindi makilala iyon. Ang puting puting pader nito ay hindi katulad ng asul sa aking kwarto. Tumakbo ako sa malapit na salamin roon para tingnan ang aking sarili para lamang magulat sa nakita sa aking repleksyon.


S-sino yan?!


Tinaas ko ang aking kamay para haplusin ang aking pisngi at ganoon din ang ginawa ng nasa salamin. Sa sobrang takot ko ay napasigaw ako bago bumagsak sa sahig. Tumaas ang kamay ko para ituro iyong repleksyon at ganoon din ang ginawa nito.


Natutop ko ang aking bibig para pigilan ang panibagong sigaw. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at napatalon ako mula sa pagkakaupo.


“Amelia, bakit ka sumisigaw? May bisita ang iyong Papa at rinig ka hanggang sa hapag,” tuloy tuloy na sabi ng isang matandang. Napanganga na lamang ako habang siya ay tinutulungan akong makatayo. Inayos niya ang aking pantulog bago ako muling tinitigan.


“Ipapaakyat ko na ang mga katulong rito para makapagbihis ka na. Pagkatapos ng iyong almusal ay agad kang pumunta sa hardin para sa mga leksyon. Naghihintay na sa iyo roon ang iyong Mama,” anas niya. Nanginginig kong tinuro ang sarili ko habang iyong matanda ay pinapanood lamang ako.


“A-ako si Amelia?”


Kumunot ang noo niya at biglang nag alala.


“Magpapatawag ako ng manggagamot,” anunsyo nito at tumakbo na palabas ng aking kwarto. Naiwan ako roon na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.


Namatay ako kagabi sa bangin. Sigurado ako roon. Kaya bakit…bakit…


Tiningnan kong muli iyong salamin. Naroon pa rin ang repleksyon noong babaeng pula ang buhok. Katulad ko ay gulat na gulat siya sa mga nangyayari.


Amelia…


Hinaplos ko ang aking buhok. Kulay pula ito na pinaresan ng lilang mata. Amelia ang aking pangalan. Kung hindi ako nagkakamali, kung tama ang hinala ko….itong lugar na ito ay ang lugar sa kwentong binasa ko noon!


Nasa loob ako ng libro?!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE