Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Guy Called Forever

Image Description Makoy_Avelino   |   26 March 2020


Naniwala si Isabel na talagang walang forever nang hiniwalayan siya ng kaniyang nobyo Subalit nang dumating sa buhay niya si Miguel, ang 148 years old na lalaking hindi namamatay, nagbago ang lahat

EPILOGUE
The Memento

BINUKLAT ni Isabel ang kopya niya ng huling nobela ni Miguel na pinamagatang Walang Hanggang Magpakailanman. Ilang beses na niyang nabasa ang bestseller nitong aklat. Kapag binabasa niya iyon, tila kasama niya palagi ang lalaking pinakamamahal.
Wala mang personal na nakakikilala rito, maliban sa kaniya, sa kaibigan, at mga kapatid niya, maraming fans ang nagre-request na muling maglathala ng mga kopya niyon. Pagkalipas ng apat na taon mula nang mai-publish, apat na beses na ring nai-reprint ang libro.
Sa katunayan, may offer mula sa isang kilalang TV network para sa publisher. Nais nilang gawan ng movie-tie in ang nobelang ginawan ng readers at netizens ng hashtag na WHM.
Gustong-gusto niya ang nakasulat na tula sa author’s page.

Sa Iyo, Mahal

Ikaw ang nakangiting araw ng aking buhay,
Ang aking hinihintay na pag-ibig.
Kapag ika’y wala, hindi ako mabubuhay;
Hindi ko mararamdaman ang langit.

Isa ka sa mga natupad kong pangarap,
Ang aking bituin sa madilim na gabi;
Ang inspirasyon ng aking pagsisikap,
Ang bulaklak ng aking pighati.

Sa iyo ko lamang ibibigay ang lahat:
Pag-ibig na wagas, pagmamahal na tapat.
Kapag bumuhos ang malakas na ulan,
Ako ang payong na iyong maaasahan.

Salamat sa iyo, mahal kong irog;
Sa pagmamahal mong ubod ng tamis.
Dumating man ang panahon na tayo’y magkakalayo,
Pangako, kailanman ay mananatili ka sa aking puso.


Naalala niya ang sinabi noon ni Miguel na lahat ng gawaing pansining ay nagtatagal kailanpaman. Ngunit hindi lang ang mga akda nito ang mananatiling buhay kahit kailan kundi ito mismo ay mananatiling buhay sa puso niya hanggang sa dulo ng walang hanggan.
“Mama, ‘lika na, ‘tulog na tayo.”
Nilingon niya si JM, ang apat na taong gulang na anak niya—nila ni Miguel. Inaantok na ito. Mukhang napagod ito nang husto sa pamamasyal nila kanina. Dinalaw rin nila ang puntod ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang nobyo. Kasama nila si Tin at ang kaniyang mga kapatid.
“Sige, anak, susunod na ako.”
Pinilit nito ang sariling humakbang palapit sa kaniya. “Ano pa po ba ‘ginagawa mo?”
“Binabasa ko ulit itong libro ni papa mo.”
“Kailan ko na po pala puwedeng basahin ‘yan, Mama?” Ilang beses na itong nangungulit sa kaniya.
“Kapag nasa tamang edad ka na.” Iyon ang lagi niyang sagot. Hindi kasi pambata ang genre ng nobela kaya hindi pa angkop iyon para dito. “Sige na, mag-good night ka na kay papa mo.”
Sabay silang tumingala sa langit at tumingin sa mga bituin.
“Good night, Papa.”
Naikuwento niya sa kanilang anak ang sinabi noon sa kaniya ni Miguel tungkol sa mga bituin:
“Buhat nang mawala ang aking mga mahal sa buhay, nagbago ang tingin ko sa mga bituin. Naisip ko na sila ang mga taong nang-iwan, ang mga taong hindi na babalik kailanman. Kahit papaano, kapag gabi at madilim na ang lahat, tinutulungan nila ang buwan sa pagbibigay ng liwanag at ngiti sa mga labi ng mga iniwan nila. Hindi ko alam kung nasaan sila sa napakaraming mga bituin. Pero natitiyak kong sila’y nakatingin sa akin.”
Sigurado siya na isa si Miguel sa mga tala sa langit at nakamasid sa kaniya at sa kanilang anak. Natitiyak din niyang hindi nito nais na makita siyang malungkot at umiiyak, kaya pinigil niya ang nagbabadyang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Tiniklop niya ang libro at nagpakawala ng isang ngiting kasing-ningning ng mga bituin.


***WAKAS***


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019