Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Rodilyo

Image Description Bb.kirzty   |   10 February 2018


Rodilyo #WalaKayoSaExKo Rodilyo.. sasakyang Rodilyo o Rollercoaster, Ganyan ko ilalarawan ang Ex-story na ito.

Rodilyo
#WalaKayoSaExKo
Rodilyo.. sasakyang Rodilyo o Rollercoaster, Ganyan ko ilalarawan ang Ex-story na ito..

Naalala mo ba yong unang beses na nakapasok ka sa isang theme park? Mapa-EK, Star City, Disneyland, o kahit ano pa yan, 'di ba may kakaibang saya sa pakiramdam?! Lalo na 'pag nakita mo na yong mga rides! At sa lahat ng mga 'yon, mama-mangha ka sa roller coaster dahil sa nilaki, at sa hinaba nong perokaril, may paikot pang riles kaya matatakot ka pero, mapapaisip ka ng, "Kayanin ko kaya 'to?" Yong magdadalawang-isip ka ng sumakay, 'tas aayaw ka na pagnaririnig mo yong hiyawan, at sigawang "Ayoooko na!" Pero maloloka ka kasi balik naman sila ng balik sa pila para sumakay uli! Ganon!! Ganon ang pakiramdam ko, pag-usapang pag-ibig. Kahit pa gusto ko, hindi ako nagpapabola. Hindi ako bibigay hanggang ma-feel kong mahal ako, yong feeling na secured, at safe ako.. because I deserve it.

(Para sa privacy ni Kuya, Hindi ko na imi-mention kung sino siya, wala rin naman s'yang honor para mai-mention, Char!)

Bata pa Lang ako nong unang nagcross ang landas namin ni kuya. Wala namang espesyal sa kanya, Tumatak lang s'ya sa isip ko dahil sa isang insidente. Napaiyak n'ya ko. Hindi kasi ko iyakin, bukod sa parents ko, wala pa kong ibang iniyakan. Kaya pagkatapos non, iniwasan ko na s'ya, at 'di na muling nagkita.

Akala ko lang pala 'yon! Kasi, makalipas ang 10 taon, nahanap n'ya ko sa Facebook. At dahil matagal na, limot ko na ang isyu sa pagitan namin, casualan kong in-accept yong friend request nya. Hanggang naging magka-kulitan sa messenger, sa tawagang magdamagan, to food trip over chismisan.

Napabilib nya ko. Hindi lang dahil sa mas mukha na syang tao non, o sa ayos ng trabaho n'ya pero dahil caring siya. Yong pakiramdam na safe ka, at 'wag ka! natatandaan nya ang birthday ko, Kesehodang tanda n'ya mula pa nong nagaaral kami, o nasipat n'ya sa FB ko, may dating yon! (Mga kamag-anak ko nga 'di sigurado sa birthday ko, eh!) Narealize ko n'on na ok naman pala siya. Kahit napaiyak na n'ya ko, naisip ko na iba naman na ang panahon. Kung sa rollercoaster nga, nagkandahilo't, kandasuka na 'ko, inuulit-ulit ko pa, bakit hindi ang maging kaibigan siya, 'di ba?
Lumipas ang ilang taon ng  friendship, at nauwi na nga sa pasaringan ng feelings. Yong mga biruan na alam mong my laman?! Yong moment na wala kang kamalay-malay, nahuhulog ka na pala, at keri lang sa'yo kasi asang-asa ka na sasaluhin ka nya!
Sa sobrang ayos ng lahat, nasabi ko sa sarili ko na baka "Siya na." Kumbaga yong thrill, at kakaibang high kapag nasa ere ka na ng Rollercoaster? yong pakiramdam na tila you're on top of the world, I was at that peak, no'ng out nowhere, bigla na lang nag-iba siya. Tumamlay ang usapan, nawala yong ka-sweetan, hanggang umabot pa sa "indyanan." Inisip ko na baka nasa akin ang mali, kaya sinuyo ko, ginawa ko 'yong mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko.

Hanggang sa nalaman ko yong totoo.. Sumakabilang "theme park" na pala siya,
may iba na pala siyang pinasasaya.
No'ng una, hindi ako makapaniwala kasi kaibigan ko siya e, matalik na kaibigan! Tiwala ako na we were close enough to be honest with each other, at mature enough para hindi maglokohan, pero 'yon pala tatapusin n'ya lang sa isang tawag, at sa isang labas sa ilong na sorry?! Natapos kami ng ganon-ganon lang?!
Naaalala mo ba yong pakiramdam na habang nasa itaas ka ng sasakyang Rodilyo e sobrang saya mo 'tas biglang mapapalitan ng lungkot kasi pagmulat ng mata mo ay nasa dulo ka na pala ng riles at kelangan mo nang bumaba, ngunit ayaw mo pa.. Higit pa 'don yong sakit! Parang nabagsakan ako ng buong riles!

Nahirapan akong magmove-on no'n, Kinailangan kong "i-reprogram" yong sarili love kasi nadepress ako ng bongga. Nandyan yong nagself-pity ako, sinisi ko sarili ko,
Nakipagdate, at nakipagflirt sa mga kapangalan nya para lang patunayan na kaya ko s'yang palitan..
Umiyak ng walang pinipiling lugar at umarteng parang wala lang..
Pasakitin ang tenga ng mga kaibigan ko kaka-kanta ng mga kantang pwede kong i-relate sa kanya..
I-connect ang mga hugot ko sa bawat meeting sa team ko..
At ang pinakatanga sa lahat e ang Mag-thank you sa kanya pagkatapos n'ya kong sabihan ng "Buti nga hanggang ganyan lang ginawa ko sa'yo"
Ang lupet, di ba?!

Kaya wala talaga kayo sa Ex ko. Sa husay n'ya magpasakay,  mádadala ka nya, at madá-dala ka.Mabuti nga ang Roller coaster, may paalala, hindi s'ya para sa nerbyoso, at may sakit sa puso. 'Di tulad n'ya, yong sakit na iiwan n'ya sayo e 'yong tipong 'di kayang gamutin ng Siyensya, at kung mamalasin ka, kahit panahon pa ang magsabi, mag-iiba ka na at 'di na manunumbalik, gaya ng dati.





  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Girl in the End

Lies. Deception. Lust. Who gets the love? Who should be loved? Girl in the end.

Image Description

09 August 2018