Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




1896 Love Affair

Image Description MissOldLady   |   19 February 2020


Ang 1896 Love Affair ay isang kwento ng modern day woman na naging concubine sa taong 1896Isang dalaga ang mata-trap sa taong 1896, magiging concubine ngunit iibig sa iba.

Hello! Welcome to my vlog! Salamat sa pagsuporta sa lahat ng views, likes, comments and subscribes. Ngayon, andito tayo sa loob ng kwarto ko, kasi ngayon tungkol sa mga colletion ng luxury bags ko ang aking ipapakita sa inyo."

"Nakita niyo na ang loob ng kwarto ko sa mga unang vlog ko kaya hindi ko 'yun bibigyan ng parte sa vlog na ito." 

Nakaupo ako sa isang upuan na nasa isang malapad na mesa kung saan ay nakahilera lahat ng bags. 'Yung pwesto ay doon kung saan ako mostly ng re-review ng kung anu-ano, sa bandang kanan ng kama, kung saan may hindi kalakihang espasyo.

Inayos ko ang camera sa aking harapan at pagkatapos ay muli akong nagsalita.

"Ngayon isa-isahin nating e-review ang mga bags ko, mula sa bakit ko 'to nagustuhan, bakit ito ang napili ko, kung maganda ba, kung maayos ba gamitin mga ganun bes. Okay simulan na natin, kasi after nito may pupuntahan pa ako hindi rin ako busy noh?" Natawa ako.

"Okay. I owned a different kinds of luxury bags, Hermes, LV, Dior, Channel and others, pero ang fave ko talaga ay Hermes hindi ko alam kung bakit, siguro ang ganda talaga ng brand, classy, mamahalin talaga ganun. At tsaka pala guyz isasama ko na 'yung latest na nabili ko, guyz ang ganda talaga bagong labas guyz, Birkin guyz actually under pa rin siya ng Hermes ganun. Its super nice pero again ang mahal pero sulit naman. Okay dito na muna tayo sa mga collect---" ang malakas na tinig ni Papa ang nagpatigil sa akin sa pagsasalita.

"Jossy Yna!" Galit siya alam ko dahil kapag isinigaw na niya buong pangalan ko.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa doon ang galit niyang mukha. Naglakad siya papasok at tumayo sa aking harapan.

"Pack your things. Stop what your doing, ngayon din pumunta ka sa Hacienda natin sa Caloocan." Matigas ang boses niya kaya alam kong buo na ang kanyang pasya. Pero hindi mawala sa akin ang umapila pa rin.

"Pa naman, ano naman ang gagawin ko sa Hacienda Josefina? Hindi ako mabubuhay doon wala yatang signal doon eh." 

"Tigil-tigilan mo na 'yang kaka-vlog mo. Kinakain 'yan ang utak mo tingnan mo nga 'yang sarili mo, lumayas ka sa law school dahil dyan sa lintik na vlog na 'yan."

"Pa naman nag-usap na tayo eh!"

"Stop it, Jossy Yna pack your things!" Galit na talaga siya.

"Pa!"

"Nag-usap na tayo pero hindi ka natutoto, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tigil-tigilan mo na ang kakabili ng mga 'yan." Turo niya sa mga bag ko. "Million para sa isang bag, Jossy isang buong angkan natin ang mabubusog ng halagang iyon."

"Pa babayaran ko naman 'yon eh."

"Babayaran saan sa kakarampot mong kita?"

"Pa naman bago pa lang kasi ako maliit pa lang ang subscribers ko kaya ganun pero kikita din ako ng malaki."

"Enough! Hindi ka matutoto kung laging kang naka-shielter dito. Jossy hindi madaling kumita ng pera at lalong hindi magic na naging ganito buhay natin. Pinaghirapan 'yon ng mga ninuno natin." Bumuntong-hininga siya. Panahon na siguro para matutoto ka, maranasan mo ang buhay ng mga ninuno natin."

"P-Pa!" Kinakabahang protesta ko.

"Doon ka muna sa ancestral house natin. Doon maranasan mo ang buhay ng walang luho. Pack your things!"

"Pa!"

"Sumunod ka!"

"Pa naman ayaw ko."

"Manang Rosa!" Hiyaw niya.

"Pa."

"Bakit ho Sir?" Humihingal na sambit ni Manang, ang isa sa mga kasambahay namin.

"Manang, ayaw kumilos ng Ma'am Jossy mo kaya ikaw na ang mag-impake ng kanyang mga gamit."

"Ayaw ko. Pa pag-usapan natin 'to pagbigyan niyo ako kahit ngayon lang."

"Pack your things!"

"Anak niyo ako. Ano lang ba ang halagang 'yon magiging akin din naman 'yon."

"Isa pa 'yang ugali mong 'yan kaya hindi ka nagpupursige kasi nasa isip mo ang mamamahin mo."

"Totoo naman sapat na 'yun para mabuhay ako."

"Wala kang mamanahin kung hindi ka susunod." Pasigaw niyang sambit.

Natigilan ako pero hindi ako natakot ganun naman talaga siya pag galit na galit na talaga.

"Anak niyo ako pero ang lupit niyo sa akin." Mangiyak-ngiyak kong apela sa kanya. Pero wala eh, tigas talaga paano na?

"Pack your things!" Agad siyang umalis.

"Pa, ilang araw ako doon?" 

"Hanggang sa matuto ka." Hiyaw niya bago sumira ang pinto ng kwarto.

Haysst paano na? Anong gagawin niya sa probensyang 'yon? Nagpapadyak ako sa sobrang inis at nasabunutan ko ang sariling buhok. Ang saklap ng buhay ko, papahirap niya talaga ako hayyss kainis!

******************

ANG HACIENDA JOSEFINA, ay matatagpuan sa isang maliit na Barrio sa syudad ngayon ng Caloocan. Isang ekta-ektaryang lupain na natataniman ng mga tubo, 'yun ang business ng pamilya namin. Ngunit, hindi naman 'yun talaga ganun kalaki, isa lang 'yung ancestral house ng mga ninuno namin pero sa paglipas ng panahon dahil sa pagsisikap naging ganun kung ano ito ngayon.

Haysss! Napabuga ako ng hangin sa bibig at napatanaw sa labas ng bintana. Buti nalang maganda ang panahon hindi maulan hindi din naman maaraw.

Papasok na kami ngayon sa bukana ng Barrio, na kung saan sa bandang itaas ay may signage na Welcome to Barrio Amorlanda!

Haysss! Wala na ngang atrasan 'to sana may signal doon eh asa pa ako dito nga wala ng masagap ang phone ko eh, hayss inis na hindi maipinta ang aking mukha. At nadagdagan pa ng biglang paghinto ng kotse namin.

Napahawak ako sa aking noo. Ano naman 'to?

"Manong anong nangyari?" Tanong ko bago makalabas sa sasakyan ang kasama kong driver. 

'Yung lang ang magandang ibinigay ng Papa ko ang ihatid ako ng kotse dito.

"Eh Ma'am mukhang nasiraan tayo."

"Sigurado ka ba? Baka naubas lang ng gasulina?"

"Hindi Ma'am kasi kakapa-gas ko lang ho kahapon."

"Ganun?" 

Lalong tumindi ang inis ko. Nagpapadyak ako at halos kalbuhin ko na ulo ko. Kaya lumabas ako kung hindi baka mabaliw na ako. Baka sa labas makasagap ako ng signal at makapag-upload hindi ko pa naa-upload 'yong ginawa kong vlog kanina.

Para akong tanga habang bitbit ang aking laptop. Lakad dito lakad doon pero wala talga eh, "Ano bang klaseng lugar 'to?" Inis na bubulong-bulong ko.

'Yung mga mata ko busy sa kakahanap ng signal kaya, hindi ko napansin na may mababangga pala ako. Pero sa totoo lang hindi ko naramdam ang presensya niya, doon lang nung nabangga ko na siya.

"Ay pasenya na ho Tatang!" Tatang kasing parang kasing tanda na niya lolo ko.

Tinitigan niya ako ng maigi.

"Pasensya na ho!" Ulit ko baka hindi niya narinig.

"Mag-iingat ka!"

"Hu?" Mahina kasi ang pagkakasabi niya.

"Matagal ka na niyang hinihintay!"

Kinilabutan ako bigla. Himdi ko maintindihan ang kanyang sinasabi pero kinabahan ako.

Pinulot niya ang natapong basket at muling isa-isang ibinalik sa loob ang kung anu-anong dahon.

"Babayaran ko nalang Tatang." 

Tumayo siya at muli akong tinitigan.

"Hindi lahat nabibili ng pera. Maswerte ang naging buhay mo, malayo sa naging buhay niya. Matoto kang magpahalaga ng mayroon ka."

"Hu?"

Hindi na siya sumagot at nagmamadaling umalis.

"Tatang!" Hiyaw ko pa rin.

Bigla namang kumilimlim ang kalangitan. At umihip ang malakas na hangin. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib hindi ko malaman kung bakit kay lakas ng pintig nun.

Napabalik tuloy ako sa loob ng sasakyan. Hinagilap ko agad ang aking phone tatawagan ko si Papa magmamakaawa talaga ako kinakabanhan ako sa mangyayari eh. Hunted house na 'yata 'yung pupuntahan ko eh.

Pero bes wala talagang signal eh. Mukhang tuloy na nga ito ang lupit talaga ni Papa.

Kaya muli akong napalabas ng sasakyan. "Manong, matagal pa ba 'yan?"

"Ma'am hindi ko ho mahanap ang sira eh mukhang hindi ho ito maaayos ngayon tatawagan ko nalang ho Papa niyo."

"Manong, wala ho signal."

"Paano po ba ito Ma'am?" Napakamot ito sa ulo.

"Sige ganito nalang. Hindi nalang naman malayo din ang lalakarin kaya mauna na ako. Kapag nakontak mo na si Papa at napaayos na 'to saka mo nalang isusunod mga gamit ko."

Kapag kasi nagtagal kami sa daan baka lalo kaming magabihan. Nakakatakot pa naman ng daan may mga poste ng ilaw pero wala masyadong kabahayan. Mabuti na 'yung nandoon na ako sa Hacienda bago dumilim.

"Kayo ho bahala Ma'am."

"Sige ho Manong," mabilis kong isinukbit sa leeg ang dala kong LV na bag at sa kaliwang kamay ang hindi dapat na maiwan ang aking laptop, 'yung phone nasa bulsa na ng ragged jeans ko.

Nagsimula ako agad maglakad. Sa daan may nakakasalubong naman ako na napapatingin sa akin kaya medyo kapante pa ako. 

Pero bago ako makarating sa Hacienda ilang hakbang nalang sana 'yun nang biglang may humarang na matitipunong kalalakihan sa aking harapan. Mukha nila parang pinaglumaan ng panahon. Hindi ako nagpahalata na kinabahan bagkus nagpatuloy ako sa paglakad.

Pero bes mukhang ako talaga ang pakay nila. Hindi sila natinag sa kinatatayuan, kaya biglang umalpas ang woman instinct ko. Danger, alam kong nasa panganib ako kaya wala nang isip-isip pa bigla akong tumakbo.

"Habulin niyo!" Hiyaw ng isa sa kanila. Kaya binilisan ko lalo ang pagtakbo.

Pero mga bes ang bibilis nilang tumakbo kaya naabutan nila ako. Isang magaspang na kamay ang humila at pumigil sa braso ko kaya nagpupumiglas ako.

"Tumigil ka!" Asik ng mukhang pinaglumaang sangganong lalaki. Kay lakas niya bes isang kamay lang nahila niya agad ako. Sige isakay 'yan."

Tumigil ang isang kalesa sa aming harapan na ikinalaki ng aking mga mata ngayon lang ako nakakita ng kalesa.

Namangha man pero hindi ako tumigil sa kakapiglas. 

"Ano ba bitiwan niyo ako!"

"Sabi ko tumigil ka!"

"Hindi ko kayo kilala humanda kayo sa Papa ko."

"Pare, mukhang nababaliw na ang babaeng 'to."

"Pakawalan niyo ako." Tinadyakan ko ang lalaking humihila sa akin. Kaya munti kok na niya akong hambalusin ng kanyang kamao buti nalang may biglang sumigaw.

"Tama na 'yan, Rolando!" Tinig mula sa kung saan.

"Ginoong Andres!" Sambit ng lalaking pinaglumaan ang itsura at mukhang sanggano dahil sa gusgusing damit at makapal na balbas sa bibig.

"Isama niyo siya ng maayos. Huwag niyong kalimutan kung sino siya nagkaintindihan ba tayo?"

Hindi nakaimik ang mga ungas. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon mabilis kong tinulak ang nakahawak sa akin sa swerte ko dahil napaluwag ang hawak ng lalaki sa akin.

"Sandali Mister, hindi ko sila kilala promise tulungan mo ako." Humangangos ako papunta sa kanyang tabi.

"Sumama ka ng maayos." Seryoso niyang pagkakasabi.

"Hindi ko nga sila kilala!" Asik ko. Nakakairita na kasi.

"Josefina!" Ganting asik ng tinawag na Andres.

Biglang napadilat ng malaki ang hugis almond kong mga mata.

"Hu?"

"Josefina!" Ulit niya.

"H-hindi ako si Josefina!" Umiling-iling na tanggi ko.

"Tama na!" Ngayon naman bigla naging maamo ang kanyang tinig.

"Hindi nga ako si Josefina at hindi ko kayo kilala!" Hiyaw ko. Ayaw makinig eh pagkakamalan ba ako.

"Josefina Marciano."

May kilala akong Josefina Marciano pero ang hirap lang kasing tanggapin eh.

"H---"

"Josefina Marciano, ang babaeng concubine sa maikling salita kalaguyo." Relax lang siya ng sabihin yun.

Pero heto ako ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Ano daw? 

"Con---Hindi!" Malakas na hiyaw ko. At biglang ako nahimatay. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
25 September 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
26 June 2019