Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Now Playing: Bring Me the Night by Sam Tsui & Kina Grannis


Naranasan mo na bang magkaroon ng ka-LDR o Long Distance Relationship? `Yung tipong magkabilang mundo ang peg niyo ng taong mahal mo.


Sabi ng ibang tao na may ka-LDR, mainam din daw `yung ganitong sitwasyon. Dito raw nasusubok ang ‘loyalty’ ng taong mahal mo. Dito mo malalaman kung kakayanin ba niyang hindi tumingin sa iba kahit na hindi kayo magkasama. Malalaman mo rin kung hindi ba magbabago ang pagmamahal niya sa `yo kahit na magkalayo kayo. Isa rin daw `to sa mga paraan para hindi magkasawaan ang magkasintahan. Minsan daw kasi kapag araw-araw na magkasama, iyon ang nagiging dahilan kaya nagkakahiwalay ang dalawang tao.

Sabi naman ng iba, mahirap daw ang LDR. Ang hirap kapag malayo sa `yo `yung taong mahal mo. Hindi mo siya mahawakan. Hindi mo mayakap. Kapag umiiyak siya, hindi mo mapunasan ang mga luha niya. Kapag may problema siya, hindi nagiging sapat para sa `yo `yung salita para ma-comfort mo siya. Gusto mo pa rin siyang hilahin papunta sa `yo at yakapin siya nang mahigpit.


Bilib ako sa mga taong nananatiling loyal sa taong mahal nila kahit na LDR sila, kahit na hindi sila madalas magkasama, kahit na hindi sila madalas magkita, at kahit na magkalayo sila. May mga tao kasi na malayo lang ang mahal nila ay maghahanap na ng iba. Kahit nga hindi sobrang magkalayo, naghahanap pa rin ng iba, eh. Iyon pa kayang sobrang layo nila sa isa’t isa? Maswerte ka kung nakakita ka ng tao na kahit mawala ka sa paningin niya ay ikaw pa rin ang hahanap-hanapin.


Para sa mga taong nasa ganitong sitwasyon, `wag kayong mag-alala, magkikita rin kayo. `Wag lang kayong susuko. Kung talagang mahal niyo ang isa’t isa, mapagtitiisan niyo ang ganyang sitwasyon. At kung totoo ang nararamdaman niyo, magtitiwala kayo na darating ang araw na magkakasama kayong muli. Tiwala, loyalty, communication, at pagmamahal lang ang puhunan sa long distance relationship.

Para naman sa mga taong ayaw sa ganitong relasyon, naiintindihan ko kayo. Alam ko na mas gusto niyo na nakakasama ang taong mahal niyo. Hindi naman `yan kawalan ng tiwala kaya ayaw niyong malayo sa isa’t isa, takot lang talaga kayo na mawala sa inyo ang taong mahal niyo.

At para sa mga taong nasira ang relasyon dahil sa LDR, siguro hindi pa sapat ang pagmamahal niyo sa isa’t isa. O `di naman kaya’y hindi kayo ang nakatadhana.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE