Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Now Playing: Someday by Nina


“Someday someone’s gonna love me…”


Isang linya sa kanta ni Nina na pinamagatang Someday. Pero isa rin itong linya ng mga taong nasaktan. Ng mga taong naghihintay na dumating ang taong magmamahal sa kanila ng pang-habambuhay.


Minsan kapag nasasaktan tayo, nasasabi natin ang mga katagang, “Hindi ko siya kayang mawala sa akin! Hindi ko na kayang magmahal ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya!” Totoo kaya ito? Napaninindigan nga ba natin ang mga katagang ito? Sa tingin ko, out of 10, dalawa lang ang sasagot ng oo and the rest ay hindi. Lalo na kung isa lamang kabataan ang nagsabi ng mga katagang iyan. Maniniwala pa sana ako sa `yo kung isa kang mermaid na kapag tumibok ang puso sa isang tao, iyon na talaga ang mamahalin mo. Ang kaso, tao ka lang at wala kang buntot na kagaya ng sa mermaid.


May mga tao na kapag nasaktan, akala mo hindi na ulit magmamahal. Akala mo paninindigan ang mga salitang, “Ikamamatay ko kapag nawala ka.” Pero kapag naghiwalay kayo, lumipas na ang maraming taon ay buhay pa rin siya.

Mahilig kasi tayong magsalita ng tapos. Kadalasan pa, kapag nagmahal tayo, feeling natin hindi na `yon masusundan pa, hindi na `yon mapapalitan pa. At d’yan ka nagkakamali. Maaaring hindi tayo maka-move on agad sa isang break-up, sa isang tao. Pero darating ang araw na mapapalitan din siya sa puso mo. At iyong taong iyon, ang siyang magiging daan para makalimutan mo ang taong nanakit sa `yo.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE