Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Now Playing: Time Machine by Six Part Invention


“Sana magkaroon ng time machine para maitama ko ang mga pagkakamali ko.”


Minsan mo na rin bang nasabi ang mga katagang ‘yan? Sigurado ako na oo. Sino ba namang tao ang hindi humiling ng time machine?


Naranasan mo na rin ba na magkaroon ng mga katanungan kagaya ng, “Paano kaya kung…”, “Ano kaya ang nangyari kung…”, “May magbabago kaya kung…”? Sigurado rin ako na oo. Maraming pagkakamali ang isang tao at maraming tao ang gustong baguhin ang mga pagkakamaling iyon.


But, this is reality. Kailangan nating tanggapin na hindi na natin pwedeng itama ang mga pagkakamaling nagawa natin sa nakaraan. Isa `to sa mga dapat nating matutunan sa buhay, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaari nating burahin ang isang pagkakamali gamit ang pambura. Parang exam… hindi sa lahat ng pagkakataon ay available ang salitang ‘erasure’.


Tandaan din na hindi totoo si Doraemon, na hindi niya tayo kayang bigyan ng pinto na maaari nating gamitin upang ibalik tayo sa nakaraan.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE