Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Someday. Someone. Somewhere.


Isinaksak ko ang earphone sa aking tablet saka nakinig ng kung ano-anong kanta. Tumingin ako sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan ko. Handa na ba akong iwan ang lugar na `to?

Huminga ako nang malalim saka pumikit. Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko ang dalawang tao na dahilan ng aking pag-alis. Napangiti ako nang mapakla.


Oo, handa na akong iwan ang lugar na `to.


Habang nasa biyahe ay hindi ko napigilang balikan ang mga nangyari noon. Ang mga pangyayaring naging dahilan kung bakit ako malungkot ngayon, kung bakit ako nasasaktan, at kung bakit kailangan kong lisanin ang lugar na `to.

Aalis ako para mag-move on. Cliché? Yes. Pero hindi ko sigurado kung babalik pa ako. Masyadong masakit ang mga nangyari na muntikan pa akong magpakamatay. Sino nga bang hindi maiisipang magpakamatay kung `yung taong pinagkakatiwalaan mo ay niloko ka?

Akala ko siya na `yung knight in shining armor ko at ang magiging forever ko, pero akala ko lang pala `yon. Marami talagang namamatay sa maling akala. Akala ko noon mga babae lang ang tinatawag na “gold digger”, may mga lalaki rin palang ganoon.


Crush na crush ko noon si Christian. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang gwapo na kagaya niya? Idagdag pang varsity player siya. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Maraming babae ang nagbibigay ng kung ano-anong regalo sa kanya. Maraming babae ang halos ibigay na ang sarili sa kanya. Marami ring babae ang gustong ligawan siya… at isa ako sa mga babaeng iyon.

Ilang beses akong nagpapansin sa kanya, kahit na mahirap dahil magkaiba kami ng kurso at schedule, gumagawa pa rin ako ng paraan. Lumipas ang mahigit isang taon at sa wakas ay napansin na niya ako. Naging magkaibigan kami at dumating sa punto na tuluyan na akong nahulog sa kanya. `Yung hulog na hulog na, hindi na mapipigilan pa at tuluyan na akong nakabitiw. Nakakahiya man pero ako ang nanligaw sa kanya. Ginawa ko ang lahat para mapasagot siya. Binalewala ko lahat ng mga panghuhusga na natanggap ko. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila dahil nakikita ko sa mga mata ni Christian na unti-unti na rin siyang nahuhulog sa akin.


Lumipas ang dalawang buwan at sinagot na ako ni Christian. Sobrang saya ko no’n. It was one of the happiest days in my life. Ipinakilala ko siya sa mga magulang ko at hindi naman sila tumutol sa relasyon naming dalawa. Inihabilin pa ako ng daddy ko sa kanya, ingatan daw niya ako kahit ano’ng mangyari dahil ako lang ang anak nila. Nangako si Christian na iingatan niya ako at hindi niya ako pababayaan. Nangako siya noon, pero hindi siya tumupad.


Sa tuwing may date kaming dalawa, ako lagi ang sumasagot sa mga gastusin. Ayos lang naman sa akin `yon dahil ang sabi niya mahirap lang daw sila. May sakit din daw ang nanay niya kaya naman hindi siya nakakapag-ipon para sa mga date namin. Sa tuwing hindi siya nakakasipot sa araw ng pagkikita namin, ang dahilan niya ay nagtatrabaho raw siya. Paniwalang-paniwala naman ako. Syempre, mahal ko, eh. At sa oras na nagmahal ang isang tao, ibibigay na rin niya ang buong tiwala niya sa taong kanyang minamahal. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali na aking nagawa.


Isang araw, habang papunta ako sa gym para puntahan si Christian, naabutan ko siya na may kasamang babae—si Kyla, isa sa mga kaklase ni Christian at may gusto rin sa boyfriend ko. Naglakad ako papalapit sa kanila pero bago pa ako tuluyang makalapit ay napahinto ako dahil sa mga narinig ko.

Hindi totoo na mahirap ang pamilya ni Christian. Hindi rin totoo na may sakit ang nanay niya at wala talaga siyang part-time job. `Yung mga perang hinihingi niya para sa gamot daw ng nanay niya ay ginagamit niya na pang-date nila ni Kyla. Kaya hindi siya gumagastos sa mga date at monthsary namin ay dahil inilalaan niya `yon sa relasyon nila ni Kyla. `Yung minsan na hindi niya pagpunta sa mga date namin ay dahil din sa babaeng kaharap niya nang mga oras na `yon. Hindi niya ako mahal o minahal man lang. Pera ko lang ang habol niya. Alam niyang patay na patay ako sa kanya kaya alam niyang hindi ko siya matatanggihan.

Susugurin ko na sana siya nang marinig kong tanungin siya ni Kyla kung bakit kailangan pa niyang manghingi ng pera sa akin. Napahinto ako at pinakinggan ang isasagot niya.

“Syempre, para may extra ako. Para hindi agad nauubos ‘yung pang-date natin.”

Pagkatapos kong marinig ‘yon ay agad ko silang nilapitan at sinampal ko si Christian. Iyon ang unang beses na nanampal ako ng lalaki. Hindi ko na rin pinatagal ang relasyon namin at noong araw rin na `yon ay nakipaghiwalay ako sa kanya. Masakit man para sa akin pero alam ko na iyon ang dapat kong gawin. Ilang araw akong umiyak no’n at nagmukmok sa bahay. Ilang beses din akong pinagalitan ni Daddy dahil halos ayaw ko nang pumasok sa school.


Hanggang sa isang araw ay natauhan ako.


Noong araw na wala sina Daddy at Mommy sa bahay ay nagpunta ako sa bar. Doon ay may nakausap akong isang lalaki. Sinabi ko sa kanya ang mga problema ko kahit na hindi naman kami magkakilala. Sinabi ko sa kanya ang panlolokong ginawa sa akin ni Christian, at sinabi ko rin kung gaano ko kagustong kalimutan ang hayop na nanakit sa akin. Noong una’y hindi nagsasalita `yung lalaki. Tinitingnan niya lang ako at inaabutan ng alak. Umiiyak na ako pero parang wala siyang pakialam.

Kinabukasan, hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Basta ang alam ko lang ay sobrang sakit ng aking ulo pagkagising ko. Nang mahimasmasan ako ay naalala ko `yung lalaking kumausap sa akin sa bar. Tiningnan ko ang aking mga gamit kung kumpleto pa, baka kasi ninakawan ako ng lalaking `yon. Habang nagbubuklat ng gamit ay nakakita ako ng isang papel, binuksan ko `yon at binasa. Galing `yon sa lalaking kumausap sa akin kagabi.

You don’t deserve him. You deserve someone else. `Wag mong sirain ang sarili mo dahil sa isang lalaking walang kwenta. Maraming nagmamahal at marami pang magmamahal sa `yo. `Wag mong sirain ang buhay mo dahil sa kanya. Dapat nga ipakita mo sa kanya kung sino ang sinayang at ano ang pinakawalan niya. Cheer up, babe. I know, someday, you will find the right guy for you.


Simula nang mabasa ko ang sulat na `yon ay inayos ko ang aking sarili. Nag-aral akong mabuti. Marami na akong na-miss na lesson pero humabol ako. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko si Christian pero hindi ko `yon pinahahalata sa kahit na sino. Hindi ko ipagkakailang mahal ko pa rin siya pero unti-unti ay sinusubukan kong kalimutan siya.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo at nakapasa agad sa board exam. Nagkaroon ako ng magandang trabaho at mas umayos pa ang buhay namin ng aking pamilya. Pero hindi pa rin ako nakaka-move on sa panloloko ni Christian. Kaya naman heto ako, paalis ng bansa. Nagbabakasakali na kapag umalis ako ay makakalimutan ko ang lalaking minsan kong minahal.


Binuklat kong muli ang papel na ibinigay ng lalaking kumausap sa akin noon sa bar. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikilala o nakikita ulit. Hindi ko na rin kasi gaanong matandaan ang itsura niya. Lasing ako noong mga panahong kinausap niya ako kaya hindi ko talaga siya matandaan. Sinubukan ko siyang hanapin sa bar pero hindi na muling nagsalubong ang aming mga landas.


I know, someday, you will find the right guy for you.


Napangiti ako kasabay ng pagpupunas ng luha sa aking mga mata. Hindi pa rin ako nakaka-move on kay Christian pero kagaya ng lalaki sa bar ay naniniwala ako na mahahanap ko rin ang taong para sa akin. Alam kong darating ang oras na makikilala ko ang lalaking magmamahal sa akin ng totoo, `yung hindi ako gagamitin, `yung hindi ako lolokohin at sasaktan. Naniniwala ako na balang araw ay makikita ko rin ang tamang lalaki para sa akin… sa tamang lugar at sa tamang oras.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019