Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Now Playing: Just a Dream by Sam Tsui & Christina Grimmie


Minsan mo na bang nasabi ang mga katagang, “reality is better than dreams”? O mas madalas mong sabihin ang, “dreams are better than reality”?


May mga pagkakataon na mas masarap mamuhay sa reyalidad. Pero kung hindi maganda ang nangyayari sa buhay natin, sigurado ako na mas gugustuhin pa nating managinip na lang. Hindi ba’t kapag napapagod na tayo ay parang gusto na lang nating matulog? Kapag nasasaktan tayo, mas gusto pa nating managinip dahil minsan ay kabaliktaran ng nangyayari sa reyalidad ang nakikita natin sa ating panaginip.

Pero hindi natin dapat takbuhan ang reyalidad. Ayos lang na managinip pero sana matuto pa rin tayong harapin ang nangyayari sa ating buhay. `Wag tayong magkulong sa kwarto at matulog nang matulog. Lumaban tayo. Harapin natin ang mga pagsubok. Dahil darating ang araw na mas gugustuhin na natin ang mamuhay sa katotohanan kaysa sa mga kathang-isip lamang.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE