Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Long Distance Relationshit


Hey, babe! Answer your phone!

Nakakailang tawag na ako pero bakit hindi ka sumasagot?

Babe…

Answer your phone, please? Pag-usapan naman natin `to.

Babe…


Nakakailang tawag na ba ako? Mahigit sampu na pero wala pa ring sumasagot. Puro ring lang ang naririnig ko. Mukha ngang na-lowbat na ang cellphone na tinatawagan ko, eh. Nakakailang text na ba ako? Mahigit dalawampu na pero wala pa rin akong natatanggap na reply. Ni simpleng ‘hi’ ay wala. Ano na bang nangyayari sa amin? Maayos naman kami noon. Bakit nagkaganito kami ngayon?


Biglang umilaw ang cellphone ko at nakita kong may text na dumating mula kay Kenneth, ang boyfriend ko.

Busy ako. Mamaya ka na tumawag.

Sa dinami-rami ng text ko ay iyon lang ang naging sagot niya. Huminga ako nang malalim saka nag-reply.

Sige po. Text mo `ko kapag hindi ka na busy. I love you, babe.

Sampung minuto ang lumipas pero wala akong natanggap na reply. Ni ‘I love you too’ ay wala. Tama nga talaga sila, na ang I love you ay hindi isang tanong pero masakit kapag walang sagot.

Naramdaman ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa aking kanang mata. 3 years na kami ni Kenneth, mula third year high school ay boyfriend ko na siya. Mahigit anim na buwan niya rin akong niligawan pati na ang mga magulang ko. He’s my first boyfriend, my first love. Sino ba namang hindi mai-in love sa kagwapuhan niya? Halos lahat nga ng babae sa school namin noon ay humaling na humaling sa kanya. Nagkakandarapa sila sa paglapit kay Kenneth. Kaya nga laking gulat ko noong ligawan niya ako. Ang malupit pa no’n, playboy siya.

Mula noong ligawan niya ako ay nangako siya na magbabago na siya. Hindi na siya titingin sa ibang babae at ako na lang ang babae niya. Nagawa naman niya ang pangako niya. Tinupad niya `yon dahil magmula noong maging kami ay wala na siyang ibang sinamahang babae kun’di ako.

Tinanong ko pa nga siya noon kung bakit ako ang napili niya, at ang tanging sinagot niya lang ay, “Sa `yo tumibok nang mabilis ang puso ko, eh. Saka kapag nakikita kita nawawala lahat ng tao sa paligid ko. Feeling ko tayo lang ang tao sa mundo.” Oo, napaka-cheesy pero isa `yan sa mga naging dahilan kung bakit ko siya mas lalong minahal.

Wala kaming gaanong nagiging problema noon, maliban sa mga babaeng ayaw pa rin siyang tantanan. Naaalala ko pa na minsan akong nakipagsabunutan sa isang babae dahil ayaw niyang tigilan ang boyfriend ko. Na-guidance ako no’n, pinag-stay ako sa guidance office ng 8 hours which is bilang ng oras na inilalagi ko sa school. Pinaglinis din ako ng principal’s office. Awang-awa sa akin no’n si Kenneth at sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari. Napakalma ko lang siya noong sabihin kong, “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginusto ko `yung ginawa ko dahil gusto kong tigilan ka na niya. Tandaan mo rin na may tiwala ako sa `yo, sa kanya ko walang tiwala.”

Simula noon wala ng nagtangka pang lumandi kay Kenneth. Nakita kasi nila kung paano ko kinalmot ang mukha ng walanghiyang babaeng ayaw tigilan ang boyfriend ko. Naging maayos na ang relasyon namin sa school at hindi na rin ako natatakot na may lalandi pa sa mahal ko maliban sa akin.


Marami na kaming nabuong plano ni Kenneth. Pareho pa kami ng gustong course kaya pinlano na rin namin kung saan kami papasok. Hanggang sa dumalaw sa amin ang tita ko na galing sa ibang bansa. Sinabi ni Tita Jema na siya ang magpapaaral sa akin pero kailangan kong sumama sa kanya sa Baguio, kung saan siya nakatira. Mahirap lang kasi ang pamilya namin at aminado ako na hindi ko sigurado kung kaya ba akong pag-aralin ng mga magulang ko sa college. Hindi gaya ng pamilya ni Kenneth na mayaman, kayang-kaya siyang pag-aralin ng mga magulang niya kahit saang eskwelahan niya gustuhin.

Sinabi ko kay Kenneth ang tungkol doon at nag-away kami. Nag-suggest pa nga siya na pag-aaralin na lang daw ako ng pamilya niya, basta `wag daw akong lumayo. Hindi ako pumayag. Ayokong dumepende sa kanya. Isa pa, hindi pa naman kami kasal para gastusan ako ng pamilya niya ng ganoong kalaki.


Ilang linggo naming pinagtalunan ang tungkol sa paglipat ko sa Baguio. Ang katwiran ni Kenneth ay baka hindi namin kayanin ang long distance relationship. Mahirap daw `yon. Sobrang nakaka-miss daw, which is totoo naman. Mahirap naman talagang malayo sa taong mahal ko. Alam ko na para akong maho-home sick kapag nagkahiwalay na kami. Hindi ko na siya madalas na mayayakap. Hindi na kami makakapag-date. Hindi na kami makakapanood ng sine ng sabay. Pero ano bang magagawa ko? Kailangan kong unahin ang pag-aaral ko dahil kinabukasan ko ang nakasalalay rito.

Sinabi pa nga ni Kenneth na kaya naman daw niya akong buhayin pagdating ng araw. Mayaman daw sila, kayang-kaya niya akong pakasalan kahit na wala akong trabaho. Pero hindi ako pumayag. Nagalit pa nga ako sa kanya dahil parang sinasabi niyang `wag na akong mag-aral at magtrabaho. Oo, masarap ang buhay ko kung ganoon nga ang mangyayari, pero ayaw kong maging mangmang. Hindi sapat na nakatapos ako ng high school. Hindi sapat na siya lang ang kikilos kung sakaling kami nga ang magkatuluyan. Nauubos ang yaman at hindi ko alam kung hanggang kailan ang yaman na iyon.


Nagtalo kami nang nagtalo hanggang sa muntikan pa kaming maghiwalay. Pero kalauna’y pumayag din si Kenneth. Mas gugustuhin pa raw niya na magkalayo kami kaysa sa tuluyang maghiwalay. Nangako na lang din ako na uuwi ako sa Pampanga tuwing bakasyon. Nangako rin kami sa isa’t isa na hindi kami mawawalan ng komunikasyon at gagawin namin ang lahat para mag-work ang relasyon namin.

Hanggang sa dumating na ang araw na kailangan ko ng sumama sa tita ko papuntang Baguio. Noong una nahihirapan kaming mag-adjust ni Kenneth. Minsan bigla niya akong ite-text na, “Babe, papunta ako riyan sa inyo, may dala akong ice cream!” Tapos bigla niyang susundan ng, “Oo nga pala, nasa Baguio ka na. Ako na lang ang kakain ng ice cream na `to.”

Kapag ganoon ang nangyayari ay hindi ko mapigilang hindi umiyak. Masakit. Mahirap. Pero kailangan naming magtiis. Kailangan naming i-priority ang pag-aaral namin dahil isa `to sa mga magiging daan para umunlad kami sa hinaharap.


Dumaan ang isa hanggang sa maging dalawang taon, nanatili kami sa ganitong sitwasyon. Tuwing bakasyon ay umuuwi ako at sinusulit naming dalawa ang mga araw na magkasama kami. Hanggang sa isang araw, biglang nagbago ang ihip ng hangin sa relasyon namin. Biglang lumamig.

Third year na kaming pareho at abala sa kanya-kanya naming research paper at requirements para sa fourth year at OJT. Nawawalan na kami ng oras sa isa’t isa at minsan nga’y dumaraan ang isang araw na hindi kami nakakapag-usap. Simpleng good morning at good night na lang. Minsan nga’y wala pang I love you. At mas lalong lumamig ang hangin nang malaman ni Kenneth na hindi ako makakauwi ngayong bakasyon dahil sa OJT.


Busy ka pa ba? Mag-usap naman tayo, oh. Miss na miss na kita. :(


Pagka-send ko no’n ay nahiga na ako sa aking kama. Mula kanina ay hindi na ulit siya nag-text. Iniisip ko na lang na busy rin siya sa OJT niya.

Napapapikit na ako dahil sa sobrang antok at pagod nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong tiningnan at nakita kong tumatawag si Kenneth. Parang nawala ang antok at pagod ko. Sinagot ko agad ang tawag niya.

“Hello, babe?” bati ko.

“Sandra…”

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Para bang may nangyaring hindi maganda. O mangyayari pa lang?

“Sandra…”

“B-Bakit?”

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. “Hindi ko na kaya…”

Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata pero pinigilan kong humikbi at gumaralgal ang boses. “W-What do you mean? Babe, I miss you…”

“Sandra, hindi ko na kaya `to. Hindi na ako makatagal.” Hindi ako nakasagot at tuluyan nang kumawala ang aking hikbi. “I’m sorry. Pero hindi ko na matiis ang ganitong set-up. I miss you. God knows how much I miss you! Pakiramdam ko mababaliw na ako. At para mawala ang kabaliwan na `to… ay…”

Pinilit kong magsalita kahit na walang tigil ang paghikbi ko. “A-Ano’ng ginawa mo?”

“Sandra, I’m sorry. Maghiwalay na tayo.”

Nabitawan ko ang cellphone ko at doon na bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Kenneth at tanging pag-iyak ko na lang ang maririnig sa kwarto.


Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko ang facebook account ni Kenneth. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha ay agad kong kinuha ang cellphone ko. Patay na ang tawag, tingin ko’y pinatay na ni Kenneth. Binuksan ko ang facebook account ko at tiningnan agad ang timeline ng lalaking mahal ko. Doon ay nakita ko ang pagbati ng iba’t ibang tao ng ‘congrats’. Nag-scroll ako hanggang sa makita ko ang isang post ng isang babae kung saan may picture ng ultrasound… at naka-tag ito kay Kenneth.

Binasa ko ang caption, “Bata pa ako para sa ganitong responsibilidad pero hindi ako nagsisisi dahil ikaw ang kasama ko noong ibinigay ang blessing na `to. Thank you so much, Kenneth Ramos! I love you, babe!”

Bumuhos muli ang mga luha ko. Walang tigil. Tuloy lang sa pag-agos. Nag-scroll pa ako at nakita kong nagpalit na ng relationship status si Kenneth, “Engaged with Shane Navarro”.


Akala ko kaya namin ang long distance relationship pero akala ko lang pala `yon. Well, kinaya ko at pilit kong kinakaya. Pero si Kenneth ang unang bumigay. Siya ang unang sumuko. Hindi na niya ako nahintay. Hindi niya kinaya…


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE