Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Ang librong ito ay naglalaman ng ibat ibang kwento na hango sa mensahe at liriko ng ibat ibang awitinIkaw, anong kanta ang nababagay sa love life mo

Now Playing: Best Friend by Jason Chen


“I fell in love with my best friend…”


Alam ko na noong mabasa mo ang kanta na ginamit ko sa kwentong ito ay alam mo na agad kung tungkol saan ang kwentong ibabahagi ko. Tungkol ito sa isang napaka-cliché na plot kung saan may dalawang magkaibigan, lalaki at babae, at ang isa ay na-in love sa isa. In short, na-in love sa best friend.

Napaka-cliché na nito pero alam ko na isa `to sa love problems ng tao, lalo na sa mga babae. Ang hirap naman kasing pigilan ng puso. Bigla na lang tumitibok kung kanino. Hindi rin naman natin maaaring turuan ang puso kung sino ang dapat niyang lamanin. Kusa na lang tayong mahuhulog nang hindi natin namamalayan.


Kung tatanungin ko ang sampung tao kung na-in love na ba sila sa best friend nila, I bet siyam ang sasagot ng oo. Kung tatanungin ko rin naman sila kung ano ang kinahinatnan ng kanilang pagmamahal sa taong iyon, I bet na pito ang sasagot ng na-best friendzone sila at tatlo naman ang sasagot ng nagkatuluyan sila.

Mahirap ma-in love sa kaibigan mo at lalo na sa best friend mo. Una, hindi mo alam kung pareho ba kayo ng nararamdaman. Pangalawa, kung sakaling hindi mutual ang feelings, maaaring ikasira ng pagkakaibigan. Syempre, maa-awkward ka na sa kanya o `di kaya’y siya ang maa-awkward. And of course, masasaktan ang isa kaya siguradong magkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan niyo.

Pero paano nga kaya kung umabot ka na sa point na mahal na mahal mo na siya? `Yung hindi mo na mapigilan ang nararamdaman mo at parang gusto mo ng sumabog? Aamin ka kaya kahit na hindi ka sigurado sa magiging resulta? O mamahalin mo na lang siya ng palihim?


In my opinion, mag-observe ka lang muna. Obserbahan mo siya kung may possibility ba na mahal ka rin niya. Pwede rin naman na daanin mo sa jokes, baka sakaling kumagat. Pero kung nakikita mo na may pagtingin siya sa iba, kung nanliligaw siya ng iba, `wag ka ng umasa, bes. Hindi ka mahal no’n.

Pero nasa sa `yo pa rin ang final decision. Are you willing to take the risk? Or not? Ano man ang maging desisyon mo, tandaan mo lang na, may mga taong hanggang kaibigan lang talaga sa buhay mo.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE