Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



At the end of the day, you’ll realize that Life may not always be easy, but it’s always worth living.

CHAPTER THIRTEEN

Nothing’s constant in this world. We are all dynamics.


THE OTHER DAY, I decided to wake up early so I can go to school early too. Gusto ko munang umiwas sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kokote ko at nasabi ko iyon sa kanya.

I regret it. I really do, but on the other side of my mind, something’s telling me that it’s just right. I did nothing the whole night but to cry silently.

Pagkatingin ko sa sarili ko kanina sa salamin ay namamaga ang mga mata ko kaya alam kong uusisain ako ng kahit sino man ang makakakita sa akin.

“Hija, ang aga mo.” Saad ni Tita Rose. Nadatnan ko siya sa kusina na nagluluto na nang agahan. Kumunot ang noo niya at mataman akong pinagmasdan. “Umiyak ka?” Umiling naman ako at ngumiti.

“Napuyat lang po dahil sa dami ng kailangang i-research para sa projects namin sa school.” Marahan namang tumango si Tita Rose na sa tingin ko ay kinagat ang pagsisinungaling ko. “M-May kailangan pa po pala akong asikasuhin sa school, Tita. S-Sa school na rin po ako kakain.”

Tita Rose took a glance at the wall clock.

“At six am? Sobrang aga naman ata? Eight pa ang pasok niyo, tama?” marahan akong tumango at ngumiti.

“Unfinished project po, Tita. That’s why I need to be early.” Tumango naman siya ulit at ngumiti.

“Baunin mo na lang ito para hindi ka na magastos.” Tita made an egg sandwich for me and gave me a bottle of water.

“Thank you, Tita.” I said as I turned my back and decided to go.

Nilakad ko mula sa bahay hanggang sa may sakayan, medyo malayo pero tiniis ko kasi alam ko na walang dumadaan na tricycle sa amin. Nasa may sakayan lahat.

I was about to ride a jeepney when there’s a familiar car that beeped me up. I nearly jump out of startle. It was Luke’s car.

“Nerdy! Sabay ka na!” kita ko na nagtinginan ang mga tao kaya yumuko na lang ako at nagtungo sa kotse ni Luke na ipinarada niya sa may tabi ng daan. “Ang aga natin, ah?” nakangising tanong nito. I just nodded then flashed him a smile.

“M-May gagawin pa kasi ako.”

“May gagawin o iniiwasan mo si Life?”

“Iniiwasan? Why would I do that? ‘Tsaka nakatira ako sa kanila hindi ba?” I tried to fake a smile.

“I don’t know. Why don’t you tell me why? It’s either you love him or… you don't want to fall for him anymore so you’re building a wall between you two.” Luke stated. Natawa naman ako sa naging sagot niya.

“Alam mo Luke, ang dami mong alam.” Sagot ko nang natatawa. He just shrugged his shoulders then flashed me a smile.

“Kain muna tayo, nag-almusal ka na ba?” Umiling naman ako.

“But Tita Rose made a sandwich for me.” I replied as I showed him the sandwich I am holding.

“Maaga pa naman, kain muna tayo sa may motorway tapos ay doon mo na rin kainin iyan.” He suggested.

“Sige, pero ako naman magbabayad ngayon.”

“No, I don’t let girls pay for me.”

“You men are so egoistic.”

“We are gentleman, Nerdy. In case you didn’t know.” He laughed and he even rolled his eyes.

“Whatever you say, Luke.”

He parked his car in front of the motorway. Agad naman siyang um-order para sa amin at ako naman ay nag-hanap na lang ng lugar.

“So, ano nga, ba’t ang aga mo?” he asked as if he’s really not satisfied with the answer I just told him awhile back.

“Iyon nga, may gagawin pa.”

“I’m taking up Psychology in case you didn’t know. Kung may gagawin ka pa, hindi ka na sana pumayag na dito tayo kumain.” He rolled his eyes.

“Twisted ideas, Luke. But fine, I’m trying to avoid him. Kahit ngayon lang.” I replied in full honesty.

“Why?” He asked curiously.

“N-Nasabi ko na kasi sa kanya na mahal ko siya.” Luke burst out laughing.

Binato ko naman siya ng fries at sinamaan ng tingin kaya natahimik siya. He’s laughing even if there’s nothing funny about it.

“Seriously?” I nodded.

“Seriously.”

“Well, w-what did he say?”

“He said that this can’t be. That I shouldn’t and we’re best friends.” Luke’s jaw dropped.

“Damn! He’s harsh. Alam ko mas nasaktan ka ro’n kesa sa pambubully ko sa ‘yo noon.” Marahan akong humalakhak at tumango.

Good thing I can still laugh despite of everything. The breakfast with Luke just went well. As usual, tawa na naman ako nang tawa dahil sa kabaliwan niya.


“Thank you, Luke. I’ll just see you when I see you!” I said as I exited his car. Tumango naman siya at ngumiti.

Maglalakad na sana ako papunta sa library dahil maaga naman nang marinig ko ang boses ni Life sa likod ko.

“So you two are bestfriends now, huh? Iyan na ang unfinished project? Ang mag-almusal kasama siya at magtawanan?” He asked in a serious tone of voice.

Agad na kumunot ang noo ko at hinarap siya. Maaga pa kaya nakakapagtaka na nandito na siya agad.

“What’s your problem with him, Life? He’s a nice guy!” He laughed sarcastically and rolled his eyes.

“Tang’na! Nice guy? The hell he is! Well then if you feel like he’s already your bestfriend, then go! I won’t mind.” Tinalikuran niya ako at nagsimula na siyang maglakad. Hinabol ko naman siya.

“Teka nga, Life! Ano ba?” Hinigit ko ang braso niya at pinilit siyang tumingin sa akin.

“Ano? Don’t talk to me from now on, Nerdy!” He hissed.

“Really, Life? You’re being unreasonable! Alam mo, siguro nga mas maganda na hindi na muna tayo mag-usap, kasi hindi na kita maintindihan!” I said in a low voice as I turned my back on him.

I heard him curse but he didn’t chase after me. Agad akong nagpunta sa library. Hindi ako pumasok dahil wala akong gana.

I never imagine that this day would come. Kung si Life ang mawawala sa akin ngayon, wala ng matitira. But this is life. Nothing’s constant in this world. We are all dynamics.

Siguro nga kailangan ko nang masanay mabuhay na wala ang presensiya niya sa tabi ko. Kasi alam ko naman sa sarili ko na sa ayaw at sa gusto ko, mangyayari at mangyayari rin ito, napa-aga nga lang dahil sa katangahan ko.

A couple of hours have passed and a couple of hours of crying, I decided to go out. At kung su-swertehin ka nga naman, makakasalubong mo pa ang professor niyo.

“Miss Nerdy delos Santos, nasa university ka pero hindi ka pumasok.” She concluded, “Meet me in my office.” And I did as I was told. Great! Just great!



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018