Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




That Gangster Trake Corpuz

Image Description hwannyssik   |   06 May 2020


Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong school. She's the rule maker yet there's Trake Corpuz, the trouble maker. What if they meet?


Chapter 5

Pristine Madrigal

The heck!! Bakit hindi ako makakita?? Bakit parang nakatali ako? Ano bang nangyayari?

Then it hit me. Sh*t nakidnap ako!!

Pero bakit? Sino namang timang ang gagawa ng kaengotang to? Seriously, ako pa talaga ang pinili nila huh? Lakas ng loob, mukha bang may makukuha sila saakin? Sa pagkakaalala ko wala naman akong nakabangga kanina maliban na lang sa grupo ng Gino Gomez na yun.

Hindi kaya ito na yung punishment na sinasabi niya saakin kanina sa locker room?

"Oh gising na pala ang bihag"

Bigla akong may narinig na pagbukas ng pinto, yung boses nung nagsalita hindi pamilyar saakin. Nakakainis kung hindi lang talaga ako nakatali dito baka kanina pa akong nakatakas. Lecheng posas to kapag pinagpilitan kong ilusot ang kamay ko baka wala na akong maiuwing kamay nito sa bahay pag-nagkataon.

"Oh ano pang hinihintay niyo? Hindi niyo ba tatanggalin ang piring ng babaeng yan? Paano ko makikita ang mukha niyan?" napalunok naman ako ng sunod-sunod kahit naman kasi basagulera rin ako minsan may kinatatakutan din naman ako no. At isa pa kung grupo ang mga ito aba baka hindi ako umubra sa kanila babae kaya ako.

Hindi muna ako kaagad nakaaninag dahil masyadong maliwanag, pumikit-pikit muna ako sandali para maadjust ang paningin ko.

Halos atakihin naman ako sa puso ng unang mabungaran ko ay ang napakalapit na mukha ng isang lalaking wala atang pambiling toothbrush. At dahil medyo may pagka magugulatin pa naman ako eh bigla kong iniuntog ang ulo ko sa ulo niya. Instinc kasi

Aba ikaw ba namang malagay sa posisyon ko? Sinu ba namang hindi magugulat kung bigla na lang bubulaga sa harapan mo ang nawawalang kapatid ni shrek? Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso kung hindi baka natuluyan na ako dito.

Anyway, mabilis siyang inalalayan ng mga tauhan niya. Sh*t ang dami nila

"Aba't gago kang babae ka!!"

Nakatanggap ako ng isang malakas na sampal, yung panga ko parang nawala ata. Yung mukha ko sa sobrang lakas nung pagkakasampal ay napatagilid. Namamanhid yung parting yun ng mukha ko. Ikaw ba namang sampalin ng bakulaw tinginan ko lang kung hindi mapunggal yang ngipin mo. Maswerte na ako't matigas ang pagmumukha kong ito.

Immune na immune na eh.

"Bakit ka ba nananampal!!! At ako pa talaga ang sinabihan mo ng g*go? Subukan mo kayang tumingin-tingin sa salamin??" nanggagalaiti ako habang sinasabi yan sa pagmumukha niya. Ang sakit kaya nung sampal niya buti sana kung kagat lang ng lamok eh pero hindi.

"Sigurado ba kayong siya nga yun? Hindi ito ang babaeng nakikita kong kasa-kasama ng dalawang yun!!!"

"Pero boss nakita naming kausap siya ni Gino pati na rin ni Trake kaya posibleng siya yun"

Wala akong magets sa mga pinagsasabi nila, at bakit napasama ang pangalan ng dalawang ungas na yun dito? Ibig sabihin walang kinalaman ang Gomez nay un sa pagkakakidnap saakin? Kung ganun sinu? At bakit pa ako nandito kung yung dalawa pala ang may atraso sa kanila? Sa pagkakaalam ko hindi ko naman kaclose ang dalawang yun para mapunta ako sa ganitong sitwasyon.

"Bakit niyo ba ako kinidnap? Anu bang kailangan niyo?"

"Manahimik ka nga diyan!! Baka gusto mong madagdagan yang pasa sa mukha mo!!"

Tinitigan ko siya ng masama na kung pwede lang makamatay ang mga tingin, kanina pa siya nakabulagta sa sahig.


Third Person's POV

Si Trake ang tipo ng taong hindi nangengealam sa buhay ng may buhay, dahil una wala siyang pakialam pangalawa wala siyang pakialam at pangatlo dahil wala pa rin siyang pakialam pero heto siya't nagmamasid sa labas ng abadunadong building na pinagdalhan sa ika niya ay "stupid girl".

Hinihintay niya ang pagdating ng gang na daig pa ang mahinhing babae sa pagkilos. Kanina pa nga siyang nairita kung pwede nga lang ay kanina pa siya nakapasok pero syempre naisip niyang total naman ay nakapagsyesta na ang buong gang aba'y oras na para mahughug ang mga pinagkakain nila.

'Where the hell are they?' sa isip isip niya. Ubod pa naman ng pagkainipin at bugnutin ang isang ito kaya kapag babagal-bagal ka't gusto mong makipagkita sa kanya ay mabuti pang iadvance mo na ang relo mo.

Medyo nawala ng kaunti ang pagkainis sa mukha niya ng makita na ang paparating na 3 sportscar.

"Mabuti naman at nakarating din kayo" bungad niya kaagad sa mga kasamahan na isa-isa ng lumalabas sa kani-kanilang mga sasakyan.

"ito naman na-late lang eh" inakbayan pa siya ni Timothy na kaagad din naman niyang tinanggal. Masyadong clingy ang isang to sa medaling salita Feeling Close.

"Anu bang ginagawa natin dito? Bakit bigla mo na lang kaming pinatawag?" pati si Gio naguguluhan sa kaibigan, sinu ba namang hindi eh wala naman silang napag-usapang ganito. Biglaan lang ang pagtawag sa kanila kaya nakakapagtaka at si Trake pa talaga huh.

Trake just shrugged "Nah I just feel responsible for that person"

Tumaas ang kilay ni Lay, syempre si Lay kasi yung may pinakamalambot na puso sa kanilang lahat at naiintriga siya sa sinabi ni Trake. Anu kayang nakain ng ugok nay un? Isip isip ni Lay habang sumusunod na sa gang.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang 7TD, sinipa nina Timothy at Chaser ang pintuan ng abandunadong building. Walang pakialam kung anu mang naghihintay sa kanila sa loob noon. Wala nga talagang kinatatakutan ang pitong ito kaya walang dudang kahit sinung makarinig sa pangalan ng grupo ay nasisindak.

"Uy hindi bay un yung babae sa parking lot?" manghang-mangha ang itsura ni Gio.

Sasampalin na sana ulet nung lalaki si Pristine pero salamat sa kadaldalang taglay ni Gio ay hindi yun natuloy. Nabitin lang sa ere ang kamay niya.

Si Pristine naman ay napatingin din sa grupo nina Trake. Hindi siya gumawa ng kahit anung ingay o di kaya ay tulong sa mga ito. Bilang president syempre masakit sa parte niyang wala siyang kalaban-laban sa mga kumidnap sa kanya pride nga naman, mamatay ka na't lahat ayaw pa ring lunukin. Atsaka di ba nga ayaw niyang isipin ng mga ito na kilala niya ang 7TD dahil baka mas lalo lang siyang mapahamak.

Nagsenyasan ang mga kalaban at isa-isang sumugod sa 7TD.

Bale 10 laban sa 6 ang labanan kulang sila ng isa eh.

Suntok dito suntok doon , sipa dito sipa diyan.

Walang gustong magpatalo sa dalawang grupo pero sadyang mas malakas at mautak lang ang 7TD kaya napabagsak nila ang mga kalaban, maliban sa isa.

Kahit medyo may kalakihan ang lalaki halata sa kanyang mukha ang pagkataranta, lahat kasi ng mga tauhan niya knock-out na.

"Sinu ang nag-utos sayo?" si Chaser na ang unang nagtanong kahit na may posibilidad na wala silang makuhang sagot.

"Walang nag-utos, gusto ko lang kayong gantihan dahil ang yayabang niyo!!" nang-gagalaiting sabi nito.

"Eh anu ngayon? Kung naiingit ka gumaya ka. Inggitero pa ang isang to eh ah!" umiral nanaman ang kayabangang taglay ni Jackson kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Chaser. Mainitin pa naman ang ulo ng isang yun daig pa ang may red flag.

"Tapusin na ang isang yan, ang daming alam eh" si Trake na mainipin hindi na napigilan pa ang bibig.

Si Pristine? Ayun nganga paano ba naman kasi nagawa nilang patumbahin ang sampung mga lalaking yun samantalang mas malaki pa iyon sa kanila. Hindi naman kasi ganun kalalaki ang mga katawan ng 7TD.

"Tumayo ka na diyan kung gusto mo pang makauwi"

Kanina papala siyang nakalagan ni Trake pero hindi niya yun napansin sa sobrang pagkatulala sa mga nakita. Medyo mapula yung mga kamay niya dahil kanina pa siya nagpupumiglas ang sakit pa naman ng posas.

Napatumba na nila ang lalaking lider ng grupo kaya ngayon ay na kay Pristine na ang atensyon ng mga ito. Si Chaser nakataas ang mga kilay habang nakatitig sa kanya, bago tumingin kay Trake.

"Pauwi na ako nagkataon lang na nakita ko siyang dinampot ng kung sinu na akala ko kasama sa gang ni Gino nakakaawa naman kung hindi ko to tutulungan. Teka bakit ba ako nagpapaliwanag?" naiirita si Trake sa mga mapang-asar na tinging ipinupukol sa kanya ng mga kasamahan.

"Oo nga bakit ka nga ba nagpapaliwanag? Hindi ka naman namin tinatanong?" si Lay yan na nakataas ang kilay, sa kanilang lahat parang siya lang ata ang hindi nakakakuha sa mga nangyayari. Masyado kasing inosente eh.

"Ewan ko sa inyo, tara na nga" sabi ni Trake pagkatapos ay nagwalk-out.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
15 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
16 November 2019