Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




That Gangster Trake Corpuz

Image Description hwannyssik   |   13 November 2019


Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong school. She's the rule maker yet there's Trake Corpuz, the trouble maker. What if they meet?


Prologue


Sa isang abandunadong lote ay may dalawang grupo ng mga kalalakihan ang nagtutumpukan magkakaharap ang mga ito at nagtatagisan ng tingin sa isa't-isa.

"Anu bang kailangan niyo saamin?" tanong nung isang lalaking hindi gaano katangkad, nakasuot ito ng unipormeng dark blue ang polo at itim naman ang pantalon. Hindi ito gaanong katangkaran may pilat ito sa kanyang kaliwang pisngi.

Natatawang dumura ang isang lalaki mula sa kabilang linya, pang-karaniwan lamang ang itsura nito ngunit matangkad ito "Hoy mga bata baka hindi niyo nakikilala ang mga binabangga niyo? Kilala niyo ba kami?" masyadong maangas ang dating ng lalaking yun at dinuro-duro pa isa-isa ang mga lalaking nasa kabila.

"Tama na ang sat-sat tanda simulan na natin para matapos na" sabi nung isang lalaki na matangkad, may hikaw itong itim sa kaliwang bahagi ng tenga nito sa kanilang pito siya lamang ang naka t-shirt na may nakasulat na Don't Mess Up With Me naka cap din ito at nakapamulsa habang ngumunguya ng chewing gum. "Aba't" susugod sana ang isa pero agad din napigilan ng kanyang kasamahan mukhang nainsulto ang kabilang grupo dahil sa inasta niya.

"Huh napakalakas naman ng mga loob niyong magsiga-sigaan ditto samantalang mga bata lang kayo, ang dapat sa inyo ay umuuwi na sa kani-kanilang mga bahay at magtago sa mga saya ng mga nanay niyo" asik ng isang lalaking may napakaraming tattoo sa braso may piercing ito sa may dila.

Nagsikuhaan na ng kanya-kanyang mga pampukpok ang mga lalaking kasamahan nung nakapiercing may baseball bat, tubo, kahoy ang mga ito.

Nag-umpisa nang magsisuguran ang mga lalaki sa mga binatang kung titingnan ay mga nasa highschool pa lamang dahil sa mga suot na uniporme. Naghiwa-hiwalay ang mga ito at nagsenyasan.

Isa-isang nagsilapitan ang mga kalaban sa lalaking naka sivillian parang wala lang sa kanya na siya ang may pinakamaraming kalaban sa kanilang pito. Tatlo ang lumapit sa kanya at pare-parehas pang may mga dalang sandata samantalang siya ay wala. Ang mga kasamahan naman niya ay tigdadalawa o di kaya naman ay isa ang mga kaharap.

"Hindi ko gusto ang pagsisiga-sigaan mo bata at mas lalo naman yang tabas ng dila mo" wika nung lalaking may hawak ng baseball bat "Tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo bata" patuloy nito bago sumugod sa binata.

Mabilis ang mga pangyayari wala pang ilang minuto ay napabagsak niya kaagad ang isang yun na may hawak na bat sa pamamagitan ng pagsipa nito sa baba nito, ni hindi man lang namalayan ng kalaban niya ang kanyang ginawa.

"Akala mo ba mapapatumba mo ako ng ganun ganun lang? Hoy kayong dalawa sugurin ang isang yan!!" sabi niya sa kanyang mga kasamahan na kahit nakaramdam ng kaunting kaba dahil hindi basta basta ang batang yun ay sumunod pa rin sa lalaki.

Isa-isa silang sumugod sa binate na nakapamulsa lamang habang tinititigan sila ng walang gana. Sumugod ng sabay ang dalawa ngunit mabilis lang niyang naiiwasan ang mga atake ng mga ito.

Kung pagmamasdang mabuti hindi naman talaga ganon kalakas ang mga kalaban nila lumamang lamang ito sa taas at laki ng katawan other than that ay wala na idagdag pa na meron silang mga dalang armas.

"Yan lang ba ang kaya niyong gawin?" may halong pang-aasar na wika nito sa mga kalabang pagod na pagod na sa kahahabol at kahuhuli sa kanya "Ang yabang mo namang bat aka! Eh wala ka namang ibang ginawa kundi ang umiwas at umilag ganyan ba talaga ang magaling? Nadududwag?!!" tila nag-init ang ulo ng binata sa narinig mahina pala huh ngumisi ito sa mga kalaban, isang ngising napakahirap kalimutan at nakakapanindig balahibo.

Medyo napaatras naman ang mga ito aminin man nila o hindi ay nakaramdam sila ng kakaibang takot. Sinu ba ang batang to?

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at sa isang iglap lahat ng mga kalaban niya ay nangangatal sa kinatatayuan hindi makagalaw at nanginginig ang mga kasu-kasuan.

Ilang Segundo at bumagsak ang mga kalaban sa sakit na nararamdaman hindi makapaniwalang tinignan siya ng mga ito "P-paanong" nilapitan ng binata ang mga lalaking hindi na makatayo pa sa tinamong suntok sa kanilang katawan "Mahina pala huh?!"

"Hoy, anu ba yan tapos ka na ba? Aalis na kami"

Mas naunang natapos ang mga kaibigan niya kesa sa kanya hindi niya kasi ugaling magmadali sa isang bagay mas gusto niyang inuunti-unti ang lahat kumbaga sa desert lalasahan mo muna ng paunti-unti ito kapag alam mo at nakakasiguro kang masarap ito ay saka mo lalantakan.

"Magbabayad kayo!!" sigaw ng nagsisilbing pinuno ng mga lalaking natalo napapailing namang tinawanan sila ng isa sa mga kasamahan ng binata "Sige ba ikaw bahala manong, yun ay kung makakatayo ka pa diyan" sabay hagalpak nito ng tawa nakatanggap tuloy ito ng batok mula sa mga kaibigan.

Ito talaga ang pinakabaliw sa kanilang pito masyado itong mayabang pero may maipagmamayabang naman.

Naghuhuntahan ang mga ito na parang sanay na sanay na sila sa kanilang mga ginagawa may nagpapayabangan sa kung ilang minute kinalaban ang kanilang kaharap kung paanong galaw ang ginawa kung pinagpawisan ba kung mahina ang kalaban etc.

"HOY MGA GANGSTER!!! NANDITO LANG PALA KAYONG MGA HINAYUPAK KAYO!!" isang napakalakas na bulyaw ang pumawi sa masasayang mukha ng mga ito nanlalaki ang mga matang nagkatinginan ang mga ito.

Para bang nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata at sa isang iglap ay nag-unahan ang mga itong magtago sa kung saan-saan. May nagtago sa likod ng poste, mayroon sa mga tumpok ng gulong yung iba naman ay sa sobrang takot ay halos madapa na sa pagtakbo.

"Anu nanaman to?" mahinahong tanong ng isang babae.

Matangkad ito may katamtamang kulay ng balat hindi masyadong maputi sakto lamang, nakalugay ang buhok nitong hanggang likod at higit sa lahat may maangas itong ekspresyon mula sa tindig na parang barakong barako at sa mga sleeves na nakataas.

Nakapamewang itong inilibot ang mga tingin sa mga lalaking nakahandusay sa lupa.

Matapos ilibot ang paningin ay walang kaabog-abog itong naglakad patunogn direksyon ng binata na hindi man lang natinag sa mala leong sigaw nito. Nakipagtagisan pa ito ng tingin mas matangkad siya sa babae ng kaunti.

"Oh-oh" sabi nung isa na nagtatago sa mga gulong

"Mukhang galit nanaman si pres. Satin"

"Ahh" napadaing ang lalaki sa lakas ng pagkakasikmura sa kanya ng babae sinamaan niya ito ng tingin "bakit ba ako? Hindi naman ako ang nag-umpisa sila yun dapat sila ang binubugbog mo!!" sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito na walang iba kundi ang mga lalaking siga nanapatumba nila.

Nanlalaki ang mga mata ng mga lalaking nakakita halos mabali ang mga leeg ng mga ito sa pag-iling at parang natateng hindi mapakali sa kanilang kinauupuan.

Piningot niya ito "A-Aray" sinenyasan niyang magsilaban ang iba kung hindi ay makakatikim din ito sa kanya kinaladkad niya ito habang hawak hawak ang tenga pinakawalan lamang niya ito ng maisama niya ang mga ito sa mga kasamahan.

Nakatanggap ng tig-iisang malalakas na batok ang bawat isa sa kanila "Aray naman pres masakit yun ha" nakatanggap muli ito ng isa pang batok isang reklamo katumbas ng isa pang parusa ganun kasimple kaya kung ayaw mong madoble ang parusang matatanggap mo ay mas mabuting itikom mo na lamang ang bibig mo.

"Alam niyo bang halos lahat g mga teacher kayo ang inirereklamo? At talagang suot niyo pa talaga ang uniporme niyo habang nakikipagbasag ulo, gusto niya ba talagang sirain ang reputasyon ng eskwelahan natin?!" sermon niya sa lahat. Hindi naman talaga siya pupunta roon kung hindi lang talaga ito kasama sa mga tungkulin niya. Ni hindi pa nga niya nakikita ang mga ito malamang sa malamang baka palaging absent ang mga ito.

"Sorry naman pres dapat pala nagpalit muna tayo—" bago pa maituloy nito ang kanyang sasabihin ay agad na natakpan ng mga kasamahan ang bunganga nito mas malala pa ang aabutin nila kapag nag-init ang ulo nito "Pinasasakit niyo talaga ng ulo ko eh anu? Iligpit nio na yang kalat niyo at ikaw" tinuro niya ang lalaking nakasivillian "Baket?" tanong nito. "Baka gusto mong tapusin muna yang sembreak drama mo? Lahat ng teacher ako ang ginagambala ng dahil sayo! Kelan ka ba papasok?"

Hindi naman ito umimik at parang wala lang sa kanya ang mga narinig niya. Talagang masaya lang asarin ang babae pero kahit ganun huwag kang tatanga-tanga kapag gagawin mo yun kung gusto mo pang sikatan ng araw bukas.

Naiinis na umalis ang babae kelan ba mabaabwasan ang mga pasaway na estudyante sa eskwelahan nila?



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019