Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




That Gangster Trake Corpuz

Image Description hwannyssik   |   13 February 2020


Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong school. She's the rule maker yet there's Trake Corpuz, the trouble maker. What if they meet?



Chapter 2: The Gangsters

Nakatulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim, nasa HQ (head quarters) ako ng student council. Naiisip ko iyong dalawang grupo na nakabangga ko noong isang araw, I wonder kung ganun ba talaga sila kakinatatakutan. Ngayon ko lang sila nakita dito sa school, how come na hindi ko sila kilala samantalang sikat pala sila dito?

"Uy Pristine!"

"Yow"

"Magandang umaga pres."

Tiningnan ko lang sila at saka bumalik sa iniisip ko.

"Ano ba kasing iniisip mo?"

Lumapit sa table ko si Kyle at doon umupo habang nag-sscan ng librong hawak hawak niya, sinundan naman siya ni Thomas na umupo naman sa single couch na nasa gilid ng table ko.

Si Kyle Garcia ang Vice President ng council, he's the silent type of guy na mas gusto pang kasama ang mga libro niya kesa sa mga babae. He may look like a nerd at first pero maraming babae naman ang nagkakagulo sa kanya sa labas man o sa loob ng eskwelahan. He's wearing a pair of spectacles na mas nagpapacool pa sa kanya.

Si Thomas Go naman ay member din ng council pero walang label unlike us. It is a tradition in the school na huwag ng magkaroon ng mga iba pang position sa council kagaya ng secretary, treasurer and such. Mas minabuti na lang na magkaroon ng President at Vice President. Ang council ng school na ito ay binubuo ng pitong myembro. Kahit na kaming dalawa lang ni Kyle ang may label pantay pantay naman kaming lahat pagdating sa mga responsibilidad. Iyon nga lang mas maraming tnatrabaho ang Bise presidente at presidente kumpara sa kanila.

Anyway, si Thomas ang pinakaweird na lalaking nakilala ko. Kapag kausap ka niya hindi mawawala yung pakiramdam na parang alam na alam niya ang buahy mo. It's like he's just reading a book dahil magaling siyang mambasa ng ekspresyon ng isang tao. Hindi naman siya anti-social marami din siyang taga-hanga. Sino ba namang hindi, eh para siyang model ng bench because of his height and well built body. Isa siya sa mga kaclose ko dito.

Tama, I can ask them personally feeling ko naman may alam din sila "Natatandaan niyo ba yung nakabanggaan kong grupo? Pwede niyo ba akong kwentuhan tungkol sa kanila?" pinagmasdan ko ang reaksyon nilang tatlo, oh I almost forgot si Tyler Chavez nga pala member rin. Normal lang naman siya. He's a sporty type of student kaya lang masungit. Pero iyon ang charms niya, he attract girls because of his baddass personality.

"Bakit mo naman gustong malaman?" tanong ni Tyler na nakakunot ang noo.

"Feeling ko kasi ako lang ang hindi nakakakilala sa kanila" I said casually tama naman ako. Feeling ko lahat ng estudyante rito ay alam ang tungkol sa kanila maliban saakin, kawawa naman ako na naturingang myembro ng council.

"Yup because they are all transferee" balewalang sagot ni Tyler na nakapagpagulat saakin "They are all transferee?" woah hindi ko alam yun ah, lahat sila nagtransfer ng sabay sabay at sa iisang school pa talaga? What a coincidence at take note magkaaway pa ang dalawang grupo.

"Uy nag-iisip" pang-aasar saakin ni Thomas sabi sa inyo weird yan eh. Pinanlisikan ko siya ng mata, naiinis talaga ako sa ngisi niya na para bang ipinamumukha saakin na mas marami siyang alam. Na kayang kaya niyang punan ang kuriosidad ko.

"Eh bakit sila nagtransfer? Di ba kapag may kaaway ka ayaw mo silang makasama sa isang lugar but how come na yung dalawang grupong yun..." hindi ko na tuloy mapigilan pa ang bibig ko dahil sa mga nalaman ko. Para akong isang reporter na gutom sa impormasyon.

Isinarado ni Kyle ang libro niya atsaka kumuha ng pentel pen sa table ko. Ano namang gagawin ng isang iyon doon?

May isinulat siya sa white board na kung ano "7 Tails of Death? Ano yun, movie?" narinig ko ang pagtawa ni Tyler sa sinabi ko pati si Thomas hindi na rin napigilan ang pag-ngisi saakin.

"Nope. Ito yung pangalan nung isa sa grupong sinasabi mo. Sikat silang gang sa Blackstone Academy I heard na doon din nanggaling ang Black Jaguars na pangalan naman nung pangalawang grupo. Ayon sa sabi-sabi ang dahilan ng paglipat ng dalawang grupo ay dahil sa isang babae. Hindi ko alam kung anong pangalan pero sa pagkakatanda ko ay konektado ito sa dalawang lider ng grupo"

"Wow ano yun love triangle? Akalain mo nga namang may ganoon sa totoong buhay" tatawang pahayag ni Thomas but in a sarcastic manner. He really despise romance that much.

"Hindi ko kilala kung sinu-sino sila pero kilala ko ang ilan sa kanila, huwag mo ng itanong kung bakit dahil masyadong mahabang istorya. Trake Corpuz siya ang leader ng 7TD si Gino Gomez naman ang sa Black Jaguars ang alam ko magkaibigan sila pero isang araw kalat na sa lahat na magkaaway na sila" tumango-tango ako sa mga nalaman ko.

Kung ganun parehas silang myembro ng mga gang, isang sikat na gangleader lang naman pala ang naipahiya ko sa buong school ang galing mo naman Pristine. Mas lalo mo lang ipinahamak ang sarili mo, para ko na ring ipinain ang sarili ko kay kamatayan sa ginawa ko.

Hindi sila basta basta at palagay ko ay tama yung lalaki na hindi nga basta basta ang nakabanggaan kong gang. Sigurado ako sa mga susunod na raw ay kailangan ko ng maghanda dahil paniguradong mararamdaman ko na ang paghihiganti nila saakin.

"Yun lang ba ang lahat ng nalalaman mo?" tanong ko kay Kyle medyo nag-isip pa siya pero kalaunan ay tumango din bilang sagot "Hindi ako tsismoso at sinasabi ko lang kung anung mga naririnig ko"

"Paano na yan mukhang may ginawa ka sa leader ng Black Jaguars Prist anong gagawin mo? Baka mamaya kidnapin ka na lang nila at---" hindi ko na pinatapos pa si Tyler sa pagsasalita dahil agad ko siyang binato ng unan. Walanghiyang at tinatakot pa ako as if namang masisindak ako sa kanila.

Oo babae ako, sa mata nila mahina pero hindi nila ako kilala at hindi rin nila alam kung anu ang kaya kong gawin. Ilang taon na akong nakakaranas ng mga pambubully dahil sa mga pakikielam ko sa mga kagaya nila at kahit isa sa kanila ay walang nanalo. Ngayon pa ba ako magpapatinag?

"Kung ganun dapat huwag ka ng lumayo saamin" ngingising pahayag saakin ni Thomas na halata namang nang-aasar.

Kapag talaga nagsama silang dalawa ni Tyler hindi pwedeng hindi nila ako maasar. Pasalamat sila at mga kaibigan ko sila kahit na may mga topak sila sa mga utak.

"Huwag niyo nga akong tinatakot at binabalaan na parang katapusan ko na dahil hinding-hindi ako patatalo sa mga yun. Para saan pa't naging president ako ng school na ito kung tatanga-tanga ako" taas noo kong sabi sa kanila. Eat that akala niyo huh.

"Sabi mo eh" sabi ni Tyler

Kaya ko nga bang ipagtanggol ang sarili ko? Kaya ko nga bang harapin ang galit ng gangster na yun?



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
12 September 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020