Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




That Gangster Trake Corpuz

Image Description hwannyssik   |   27 April 2020


Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong school. She's the rule maker yet there's Trake Corpuz, the trouble maker. What if they meet?


Chapter 4: Kidnap

Trake Darwin Corpuz

Natatanaw ko na ang bahay ko mula rito, automatic na nagbukas ang gate ng pindutin ko ang isang remote na para doon. Masyado akong tinatamad para bumaba para lang magbukas ng gate. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa paradahan at nagtungo na sa loob ng bahay.

Masyado akong pagod ngayon araw at wala akong gusting gawin ngayon kundi ang magpahinga. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay isang maingay na kapaligiran ang sumalunog saakin. Napapikit ako sa mga nakikita ko. As much as possible I want to control my anger sa mga nakikita.

Ang kalat ng bahay, at ang buong gang ay nagkakasiyahan sa aking sofa na kabibili ko lang dahil tinapunan nila ng juice. I massage the bridge of my nose, ang buong akala ko ay hindi sila ngayon pupunta kaya maaga akong umuwi.

"Yow trake, ang aga mo ata ngayon" sigaw ni Z na may hawak na baraha mukhang nalalaro ang mga loko

"Oo nga anung nakain mo? Speaking of pagkain kumain ka na ba? May pizza pa rito" sabi naman ni Patrick at nakataas pa talaga ang paa, sasabihan ko sana pero nabitin sa ere ang sasabihin ko ng itaas niya ang sapatos sa kabibili ko pa lang na couch. I can't take this anymore, hindi na ako nagtangka pang pumasok sa bahay ko.

Bakit ba palagi silang pumupunta dito eh may mga bahay naman silang kanila? Anung tingin nila sa bahay ko hotel? Na pwede na lang basta-bastang pumasok at umalis kapag tapos na? Naiiling kong pinuntahan ang kotse ko. Sila ata ang papatay saakin eh.


*

Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon hanggang sa may maisip akong lugar na alam kong makakapagrelax ako. Niliko ko agad ang sasakyan, speaking of that place ay matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta doon.

Pumasok ako, sa mga ganitong oras ay walang taong pumupunta dito. Nasa isang training facility nga pala ako ito ang lugar na palagi kong pinupuntahan para magpalipas ng oras sa tuwing wala akong magawa.

Gusto kong magarchery ngayon kaya doon ako nagpunta pero bago pa man ako pumasok sa kwartong yun ay may napansin ako. Yung may isang pinto na bukas, kung ganun hindi pala ako nag-iisa dito. Akala ko ako lang pero meron na palang nauna sayang.

Yun ang boxing room, sinu naman kayang tao ang pupunta doon? Wala akong planong pumasok para tingnan kung sinu ang nasa loob pero nakikita ko na lang ang sarili kong binubuksan na pala ang pintuan. SIguro kasi matagal na akong hindi nakakapasok doon.

Nanliit ang mga mata ko ng makita kung sinu ang gumagamit nitong kwarto at malakas na sumusuntok sa punching bag. Ito yung babaeng palaban sa school ah. Pinagmasdan ko kung paano niya suntukin yung punching bag na para bang tao lang yung sinusuntok niya. Hindi naman pala talaga lampa ang isang to at may maipagmamalaki nga. Kaya naman pala ang lakas ng loob makisali sa away ng may away ay may ibubuga pala.

Habang pinapanood ko siya ay nalilibang ako, hindi na masama mukhang kayang-kaya naman niyang protektahan ang sarili niya. Baka nga mas nakakaawa pa yung masasampulan ng babaeng to. Naalala ko tuloy yung usapan namin ng buong gang tungkol sa babaeng to.

"Uy Trake anung gagawin natin? Mukhang hindi nagbibiro si Gino sa pagbabanta niya doon sa babae" nakapokus lang ang atensyon ko sa pagdadart at umarteng hindi narinig ang sinabi ni Lay. Si Lay masyadong malambot ang puso ng isang yan, palibhasa kasi may kapatid na babae kaya kung makapag-alala akala mo kapatid niya ang nasa sitwasyong yun.

"wala ka man lang bang gagawin? You know what? We need to protect her dahil may topak sa ulo ang gomez na yun" tinira ko yung dart at sapul sa gitna, lumapit ako sa dart board para kuhanin yung nakatusok doon. Samantala ay hinarap ko naman si Timothy na nagbabasa ng libro, feeling genius ang loko eh puro anime lang naman ang binabasa. Mahilig siya sa manga,anime pero hindi halata sa pagmumukha niya.

"Anu namang kinalaman natin sa babaeng yun? Sinabihan ba nating siyang makisali siya at makisabat? Hindi natin siya responsibilidad at malaki na siya siguro naman naisip niya ang magiging kapalit ng pakikialam niya" muli kong itinapon yung dartat sapul nanaman sa gitna, kinuha bigla ni Jackson yung isa sa mga dart nahawak ko at ibinato rin niya.

Hindi siya umiimik, siya ang pinakatahimik sa mga kaibigan ko. He rarely talks pero kapag nag-umpisa na siyang magsalita ay may talagang may sense. Siya lang ang nakakabasa saakin.

"Ayaw mo lang mainvolve sa buhay niya hindi ba?" tumira ulet ako

Hindi ako sumagot sa sinabi niya, siguro kasi tama siya ayokong mainvolve sa buhay ng kahit na sino. Mas matindi pa ang gagawin sa kanya ni Gino kapag nakialam kami, mas mabuting hayaan na lang mga mangyayari.

Mali nga talaga kami ng tingin sa kanya, hindi nga namin siya ganun kakilala para maliitin pero hanggang saan nga ba ang tapang niya?

Hindi ko alam na sa sinasandalan ko ay may mga nakasandal na mga stick ng arnis at sa kasamaang palad ay nadagil ko yun kaya gumawa ng ingay. Nataranta ako hindi ko na pinag-aksayahang pulutin yun at nagtago sa archery room. Sumilip ako sa pinto at nakita ko siyang pasilip-silip mukhang hinahanap niya yung nakagawa noon. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya muntik na ako doon akala ko mahuhuli ako.

Ang bilis ng tibok ng puso shit, I need to calm down.

Pati sa paglabas ay halos magkasunod kami, akala ko aalis na siya pero talagang doon pa siya tumigil sa tapat ng pinto. Paano naman ako lalabas kung ginagawa niya pang sandalan yung pinto, mukhang may nagtext ata.

Laking pasasalamat ko ng maisip niyang umalis doon, gusto ko na talagang umalis. Naghintay muna ako ng ilang minute hanggang sa makaalis siya. Habang nagmamaneho ako ay nakita kong may parang sumusunod sa kanya, binagalan ko ang pagpapatakbo para mamukhaan kung sinu yun.

At hindi nga ako nagkakamali, isa yun sa mga member ng Black Jaguars. Kitang-kita ko kung paano niya tinakluban ng panyo ang bibig nung babae. Sinasabi ko na nga ba't may gagawin ang isang yun tss too desperate o baka naman may pinaplano lang ang Gomez na yun.

Inihinto ko ang kotse sa gilid at kinuha ang cellphone ko, tinawagan ko ang gang  "hello, pumunta kayo dito ngayon din"




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020