Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Happily NEVER After Mga Kwentong Walang Forever

Image Description MrWordsmith1995   |   30 October 2019


Five stories that are interconnected of the premise of Nahulog sa tingin, umibig mula sa tanaw, at nagmamahal sa mga alaala and a writer who struggles from his past

Kailanman ay hindi niya ipinakitang siya’y takot sa pag-iisa. Ang tanging nakikita ng lahat ay ang maskarang kaniyang ipinamamalas – matatag, matapang, at hindi nasasaktan. Ngunit ang hindi nila nakikita’y hindi na niya kinakaya ang pag-iisa.

Sa gabi’y lagi niyang sinasabi sa kaniyang sariling na magiging okay din ang lahat kaya’t hindi niya hinayaang ang lahat ng takot at lahat ng sakit ay humadlang sa kaniya. Ngunit minsan ay sumusobra ang lungkot, minsan ang sakit ay labis.

“Kaya ko ito.”

Iyon ang lagi niyang pinapaalala sa kaniyang sarili.

Ngunit isang araw, ang kaniyang pusong puno ng pagmamahal, ang kaniyang pusong ang tanging ginawa ay magmahal ng tapat, lubos, at walang takot ay naging matigas, naging bato. Nagmamahal, ngunit hindi na umiibig. Nakakaramdam, ngunit wala nang pag-papahalaga.

Ito ang kaniyang kwento. Ang babaeng kung makabira ng katotohanan sa iyong pagmumukha ay tila hindi ka nasasaktan sa kanyang mga salita, ang babaeng ipinaglihi sa manok – sobra kung makaputak.

Ngunit bago siya naging ang babaeng kilala natin bilang may pusong bato, narito ang kaniyang kwento. Yana ang kaniyang palayaw.

***

Sinong makakatanggi sa isang pagkakataong mabago natin ang kinalabasan ng isang pangyayari sa ating buhay? Sinong hihindi sa chance na gawing happy ending ang isang tragic ending? Sinong makakapigil sa isang taong ang nais lang ay maging masaya?

Ikaw? Do you want a do over? Do you want to redeem yourself? Because Yana does. Kaya naman nang sumilip ang pagkakataong iyon sa kaniya ay agad niya itong sinunggaban. Di na siya nag-aksaya pa ng pagkakataon. Tanging ang nais ay maibalik ang mga oras na nakalipas, mga oras na nasayang dahil bulag siya sa kung sino ang sa kaniya’y tunay na nagmamahal.

Nakaupo si Yana sa damuhang nagsisilbing pastulan ng mga baka at kambing. Yakap niya ang kaniyang mga paa at nakapatong ang kaniyang baba sa mga tuhod habang hinihintay ang taong kaniyang katatagpuin. Naisip niyang dito kung saan nagtapos ang lahat ay dapat mabigyang katuparan ang kaniyang happy ending. Nakakatuwang isiping dito din nagsimula ang kaniyang kwento.

Ngayon ay handa na siyang palambutin ang pusong kaitagal naging bato.

Once upon a time, may isang batang babaeng nag-ngangalang Yana. Maganda at minamahal ng lahat ng kaniyang nakikilala. Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid na mga babae at lumaking kasama ang kaniyang buong pamilya. Hindi siya prinsesa, ngunit siya ang reyna sa mga mata ng isang batang lalaki – si Red.

Lumaki sina Red at Yana na magkasama, naging magka-klase simula kinder hanggang mag-high school. Dumaan ang mga taon ng hindi nila namamalayan, nagdalaga’t nagbinata silang magkasama hanggang sa nahulog ang loob ng ating prinsipe sa ating prinsesa. Ngunit may mga bagay talaga sa mundo na hindi natin mapipilit – mga taong maraming dahilan, taong nagsasakit-sakitan, ang nanay mo at higit sa lahat ay ang taong hindi ka minamahal sa paraang nais mo. Kailanman ay hindi mo mapipilit magmahal ang pusong ang tingin lamang sa’yo ay isang mabuting kaibigan.

Kaya’t nabigo ang prinsipeng mapaibig ang ating prinsesa. Dahil sa pait na kaniyang nadama ay lumayo siya sa kaniya at tangi niyang tangan ay ang kaniyang sugatang puso. Lumayo siyang sugatan, luhaan at patuloy na nasasaktan.

Isang araw ay may muling nangahas na hingiin ang kamay ng prinsesa, isang makisig na prinsipe ang sa kaniya’y nagpahiwatig ng pagtingin. Hindi nagtagal ay nagbunga ang kaniyang panliligaw at sa kaniya ibinigay ang napakatamis na ‘oo.’

Ngunit lahat may katapusan. Kahit ang pinaka-wagas na kwento ng pagmamahalan ay nakatakdang humantong sa isang wakas. At doon nga nauwi ang kanilang pagmamahalan – sa isang wakas. Sa huli, si Yana ay umuwi ring sugatan, luhaan at patuloy na nasasaktan.

Maybe not all fairytales end with a happy ending. Maybe some stories are just not meant to end the way we imagined it will be. Ngunit ang kwento nina Yana at Red ay di tulad ng ibang fairytale o ng ibang kwento. Yes, their story started with a ‘Once Upon a Time’ but they never had an ending – not a happy ending, not even a tragic one. They are condemned in an eternal middle, and that is worst than a tragic ending – you will be forever hunted by what ifs, tortured by if onlys and it will leave you empty. Buti pa ang broken heart, maghihilom. But when you’re empty what is there to heal?

“Sorry, naghintay ka ng matagal,” isang binata ang nagsalita mula sa kaniyang likuran. Lumingon si Yana at nakitang si Red pala iyon. Nagulat si Yana sa dami nang nagbago sa kaniyang hitsura – wala na ang mga naglalakihang tigyawat nito, bahangyang pumuti ang kaniyang kutis, umayos ang gupit ng kaniyang buhok at pananamit, tumangkad din siya. Kung may hindi nagbago sa kaniya marahil ang kaniyang mga mapupungay na mga mata at ang nunal na nasa kaniyang kanang pisngi.

Halos sampung na taon na din ang lumipas simula nang huli silang magkita ni Red. Tumayo si Yana at niyakap si Red. “Namiss kita, sobra.”

“Ako din,” bulong ni Red at niyakap din ng mahigpit ang dalaga. “Namiss kita, Yana.”

Napangiti si Yana nang marinig na sinambit ni Red ang kaniyang palayaw. “Matagal nang walang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan.”

“Mas okay ba sa iyong tawagin na din kitang Cindy?”

“Hindi, mas okay sa aking tawagin mo akong Yana.”

“Yana...” bulong ng binata.

Natunaw ang puso ni Yana, at tila ang nakalipas na sampung taon ay bigla na lamang naglaho. Ang mga gabing kaniyang ginugol sa pag-iyak hinggil sa mga pinalampas niyang pagkakataon kasama na doon ang kaniyang happy ending ay tila nawala.

“I love you,” sinambit ni Yana ang mga katagang dapat ay kay tagal na niyang binitiwan. “I love you!” ang mga salitang matagal nang kinikimkim, ngayo’y naiparating. “I love you,” sa wakas, narinig na din ni Red. Tatlong salita, tatlong beses na binigkas ng dalaga. Ngunit ang yakap na kanina’y mahigpit bakit ngayo’y tila bumibitiw?

Ibinaba ni Red ang kaniyang mga bisig na kanina’y kay Yana ay yumayapos, kaniyang hinawakan ang kaniyang mga palad at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. “Yana, I...” huminga ng malalim si Red, sa sobrang gulo ng kaniyang isip tila hindi niya mawari ang dapat sabihin. “Yana I’m...” Konting tapang at lakas ng loob pa’y kaniyang sinabi ang dapat noon pa narinig ni Yana. “I’m married.”

***

10 years ago...

Tumakbo ang prinsesa mula sa palasyo. Tumakbo siya ng tumakbo, bitbit ang sakit, lungkot at hinagpis na kaniyang dala sa dibdib. Tumakbo siya hanggang sa makarating siya sa isang malawak na parang, doon ay umupo siya sa damuhan at doon ay tila sasabog ang kaniyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman, sa lungkot na nasa kaniyang ugat at ang hinagpis na pumupunit sa kaniyang balat. Nais niyang sumigaw. Nais niyang lumipad. But how wil the princess soar high to the sky when her heavy heart holds her on the ground?

Nakaupo sa malawak na pastulan malapit sa gilid ng bayan si Yana. Nakaupo siya sa damuhan, yakao ang kaniyang mga paa at sinisiil ang mga basa’t namumugtong mga paa sa kaniyang tuhod. Pilit niyang niyayakap ang sarili sa pagtatangkang isalba ang kaniyang nadurog na puso. Anim na buwan na simula nang magbreak sila ni Oliver – ang binatang pinili niya sa halip na si Red, at ang binatang dumurog ng kaniyang puso. Ito ang araw na nakita niyang may kasama nang iba si Oliver.

Ano pa bang mas sasakit pa sa araw na iyong makita na ang taong minahal mo ay naka-move on na’t may mahal nang iba habang ikaw ay naroon parin at nasasaktan, he’s already moved on while you were still mending your broken heart. Sabi nga ng isang kanta, when a heart breaks no it don’t break even.

“Hindi ko na tatanungin kung masakit, dahil alam kong oo,” isang binata ang bigla na lamang umupo sa kaniyang tabi. Hindi inaasahan ni Yana na susundan siya ni Red sa lugar na iyon. “Alam ko kung gaano kasakit, alam ko kung paano tilang sasabog na ang iyong dibdib at kung paano nararamdaman mong napipira-piraso na ang iyong puso – na tila bawat paghima mo’y nakadaragdag sa kirot sa iyong dibdib – isabay pa doon ang mga imaheng hindi maalis sa iyong isipan, ang imaheng ang iyong mahal ay nagmahal nang muli habang ikaw ay naiwan paring sugatan, luhaan at patuloy na nasasaktan.”

“Paano mo nalamang kung saan ako matatagpuan?” tanong ni Yana.

“Siyempre bata palang tayo’y kilala na kita, alam ko kung saan ka pupunta sa mga oras na tulad nito,” sagot ng binata. “Heto, punasan mo ang mga luha mo.” Inabot niya ang kaniyang panyo na sing puti ng mga ulap sa kalangitan ng araw na iyon.

“Salamat,” ang sabi ni Yana’t kinuha ang panyo’t pinunas sa kaniyang mga luha. “Sobrang sakit pala talaga,” ang sabi ni Yana.

“Sa sobrang sakit akala mo katapusan na ng mundo,” dagdag ni Red. “Believe me I know.”

Ngumiti si Yana sa kabila ng mga luhang lumulunod sa kaniyang mga mata. Kaniyang tinitigan ang mukha ng kaniyang matalik na kaibigan na noo’y puno pa ng tagyawat, ang buhok ay parang isang bunot at may kaitiman ang balat dahil laging bilad sa araw. Ngunit ang paborito niyang parte ng kaniyang mukha ay ang nunal sa kanan nitong pisngi kung saan lagi niyang naiisipang simulan ang linya upang i-connect the dots ang mga tagyawat nito sa mukha. “So kinakausap mo na ako ngayon?”

“I figured it’s time para kausapin ka,” ang sabi ni Red. “At isa pa, alam kong kailangan mo ako ngayon.”

Bigla siyang niyakap ni Yana at humagulgol ito sa pag-iyak. Humigpit ang yakap niya sa matalik na kaibigan at halos ibaon ang kaniyang mukha sa halos buto nitong balikat buhat ng kapayatan. Simula nang bastedin niya si Red ay hindi na sila muli pang nag-usap. Mahirap magpanggap na okay lang ang lahat sa harap ng taong nangwasak ng iyong puso.

Niyakap din siya ng mahigpit ni Red, niyapos niya ang dalaga na tila nais gawing isa ang kanilang mga katawan sa higpit nito. Hinayaan niyang mabasa ang kaniyang balikat ng luha mula sa mga mata ni Yana at sinabi sa kaniyang sarili na kung siya lamang ang pinili ni Yana ay hindi niya ito paluluhain tulad ng pag-iyak nito ngayon. Kung luluha man siya dahil kay Red ay dahil sa lubos na saya ang magiging dahilan nito.

“Alam kong masakit,” ang bulong ni Red “Alam kong parang hindi na maghihilom ang sugat at patuloy kang masasaktan, at sa bawat araw na lilipas ay lalo lamang titindi ang sakit – ang puso mo’y tila dinudurog, mga kalamnan mo’y mistulang puno ng bubog, at iiwan ka nitong abo.”

“Was that suppose to make me feel better?” tanong ni Yana. “Because I feel even worse.”

“Hindi,” ang sagot ni Red. “Pero lahat nawawala kasama na doon ang sakit, kasama na doon ang lungkot. Hindi ka masasaktan buong buhay mo dahil sa iisang tao. Huwag mong hayaang kontrolin niya ang nararamdaman mo dahil hindi mo rin naman makokontrol ang nararamdaman niya.”

“All I wanted was to be happy with him,” ang sabi ni Yana.

“Maybe you’re happiness does not rely on him,” ang sabi naman ni Red. “Nandito lang ako para sa’yo. Nandito lang ako hanggang sa mahanap mo ulit ang rason mo para maging masaya.”

Bumitiw mula sa pagkakayakap si Yana at kaniyang pinunasan ang mga luha gamit ang puting panyo na ibinigay ni Red. “Dito ka lang sa tabi ko?”

“Oo,” sagot ni Red.

“Hanggang sa maging masaya ako ulit?”

“Pangako.”

“Pwes tulungan mo ako.” Hinawakan ni Yana ang kamay ni Red, bakas sa kaniyang mga mata na desperado siya sa kaniyang nais makamit. “Tulungan mo akong maging masaya ulit.”

“Paano?”

“Tulungan mo akong mag-move on.”

Natulala ang binatang minsang nangako ng kaniyang pag-ibig sa prinsesa. Hindi alam ang sasabihin o dapat isagot ay tinitigan lamang niya ito sa mga mata. Hawak ng prinsesa ang kaniyang kamay, hawak din nito ang kaniyang puso – wasak, nasaktan at patuloy na nalulumbay ngunit tumitibok parin, tumitibok para sa prinsesa.

“Tulungan mo akong maging masaya ulit.”

Hindi sumagot ang binata, sa halip ay niyakap lamang niya ang prinsesa ng mahigpit. Hindi niya hahayaang lumuha ang prinsesa kung hindi ito dahil sa lubos na kaligayahan. Tutulungan niya itong muling lumigaya, kahit ibig sabihin nito’y muli siyang masaktan. Kahit ang kabayaran nito’y sariling kaligayahan.

Sa dalawang pusong umiibig, laging may isang mas nagmamahal. Sa isang relasyon, may isang mas nag-e-effort. Sa huli, ang taong iyon ang laging mas nasasaktan. Ang isang relasyon ay isang malaking laro ng give and take – may isang laging nagbibigay at may isang laging kumukuha. Guess who kung sinong laging naiiwang luhaan? Guess who kung sinong sumisigaw sa huli ng ‘Walang Forever?’

***

Pumanting ang tenga ni Yana nang marinig ang biglang pagtatapat ni Red. Tumigil ang ikot ng mundo ngunit lalo lamang bumilis ang ikot ng kaniyang paligid. Hindi na alam kung paano tatanggapin ang biglaang narinig mula kay Red – ang binatang dati niyang ibinasura, ang binatang halos sampung taon niyang hinanap upang masabi ang halaga ng mga oras na sila’y nagkasama. Tila nais niyang lamunin na siya ng lupa, bagsakan ng isang naliligaw na asteroid, gawing bala sa kanyon, o basta mag-evaporate nalang sa kaniyang kinatatayuan. Biglang nakaramdam ng kahihiyan dahil sa hindi inaasahang pag-amin ng binata.

“H-ha?” ang tanging nasambit ng kaniyang bibig.

“I’m married,” pag-uulit ni Red. Hindi makatingin sa kaniyang mga mata si Red, mababakas sa kaniyang mga mata na hindi din niya inaasahan ang gagawing pag-amin ng dalaga sa tunay nitong nararamdaman.

Ang mga bagay na hindi natin nasabi noon ay may kakaibgang paraan ng pagsampal sa atin sa kasalukuyan, kung fu master ito’t gugulpihin ka ng katotohanan, katotohanang nahuli na ang lahat dahil pinalampas natin ang tamang oras para sa lahat. Kung hindi ka handa para sa bukas, baka ang bukas naman ang hindi maging handa para sa’yo.

Noon sa kanilang munting kaharian – ang kanilang high school campus – ay tinulungan ng binata ang prinsesa na maging masaya muli. Sinunod ng binata ang lahat ng nais ng dalaga, binigay niya ang lahat ng kaya niyang ibigay upang muling ngumiti ang prinsesa. Ang ngiting nawala simula nang ipagpalit siya ng kaniyang prinsepe sa isang Evil Witch.

“Sino?” tanong ni Yana.

“Yana...” ayaw masaktan ni Red ang damdamin ni Yana.

“Sino?!” tumaas ang boses ni Yana.

“Si.. s-si Leiann,” ang sagot ni Red.

Kung kanina ay nais niyang lamunin na siya ng lupa, bagsakan ng isang naliligaw na asteroid, gawing bala sa kanyon, o basta mag-evaporate nalang sa kaniyang kinatatayuan ay ngayon nais na lamang niyang sumabog ng sabay-sabay ang mga bulkan sa Pacific Ring of Fire o kaya’y magunaw na lamang ang mundo dahil ngayo’y gumuho na ang mundo niya – ikinasal si Red sa babaing ipinagpalit sa kaniya noon ng ex-boyfriend niyang si Oliver.

Sinong mag-aakalang ikakasal ang binatang sa Evil Witch? Certainly not Yana.

“Bakit siya?” tanong ni Yana.

“Kailangan ba ng rason para mahalin mo ang isang tao?” sagot ni Red.

Kailangan ba ng rason para mahalin mo ang isang tao?

Kailangan ba ng rason para mahalin ko siya?

“Kailangan ba ng rason para mahalin ko siya?” minsa’y sinabi niya iyon kay Red nang tanungin siya nito kung bakit niya minahal ng ganoon si Oliver. She meant every word, and now Red meant them all.

“Pag nagmahal ka kasi hindi sapat na basta mahal mo lamang siya. Minsan ang basta mahal kita ay hindi sapat,” ang sagot sa kaniya noon ni Red at ngayon ay ibinabalik niya ito sa kaniya. “Diba sabi mo hindi sapat na basta mahal mo lang siya?”

“I found her when I went to look for myself,” ang sagot ni Red. “I went to look for myself after you chose Oliver over me. Again.”

“I didn’t choose Oliver!” ang sagot ni Yana. “I chose you! But when I went to see you, you’re already gone. You left without even saying goodbye! Alam kong ang pusong nagmamahal ng tunay ay marunong maghintay, ngunit ang pusong naghihintay ay napapagod din. Hindi kita masisisi. But I can’t shake the idea that if only you could’ve waited for me just a little longer. We’re just a second away from our happy ending.”

“Maybe you’re not my happy ending,” ang sabi ni Red. “Maybe I’m not yours.”

“You were. You are.

“Dapat hindi nakadipende sa ibang tao ang kaligayahan mo, nakalimutan mo na ba?”

“Pero paano naman iyon kung ikaw na mismo ang kaligayahan ko?”

Ipinikit na lamang ni Red ang kaniyang mga mata, umagos ang mga luha pababa sa kaniyang pisngi. Kaniyang inilapat ang kaniyang mga labi sa noo ni Yana. Mahal kita. Iyon ang isinisigaw ng kaniyang damdamin. Mahal kita. Iyon ang nais niyang sambitin. Mahal parin kita, mga salitang nais niyang aminin. Ngunit ang pagsambit ng mga ito’y mali. Ang pagsabi ng mga salitang ito ay hindi na maaari.

Sa halik na iyon ay bumalik si Yana sa nakaraan, sa unang beses na hinalikan siya sa noo ni Red upang maging tanda ng kaniyang pangako na tutulungan niyang muling maging masaya si Yana. Isang araw na napakaganda ng sikat ng araw, halos walang ulap sa asul na langit at magkasama silang nagbibisekleta sa bayan. Isang babaeng sing puti ng ulap ang balat at sing itim ng kalangitan sa gabi ang buhok, at isang binatang nasunog ang balat sa araw at tadtad ng tigyawat ang mukha. Huminto sila sa isang restaurant malapit sa isang mall. Maliit lamang ito’t sikat dahil sa masarap nilang pancit at litson.

Naupo sina Red at Yana sa loob, pinili ni Yana ang paborito nilang upuan ni Oliver. Umorder sila ng pancit tulad ng madalas gawin nina Yana at Oliver noong sila pa ay magkasama at maayos pa ang lahat sa kanilang dalawa. Nang maihain ng waitress ang kanilang order ay natulala lamang si Yana sa kaniyang pancit habang pinapatakan ito ni Red ng kalamansi. Nais niyang umiyak doon mismo sa kaniyang kinauupuan. Nais niyang umiyak ng malakas at sabihin kung gaano siya nalulungkot ngayon dahil ang masasayang araw na kaniyang kasama si Oliver, mga sandaling kanilang pinagsaluhan ay isa na lamang alaala.

Napakalungkot umibig sa isang alaala.

Lumuluha siya habang dahandahang nginangasab ang bawat subo ng kaniyang pancit.

Natapos ang lunch break at bumalik na ang dalawa sa campus. Parang tubig sa batis na lumipas ang isang isa’t kalahating oras sa loob na kanilang classroom. Matapos ang unang subject sa hapon ay sabay muling nagbreak sina Red at Yana. Magkasama silang nagtungo sa Coop Canteen sa kanilang school at doo’y bumili ng paboritong miryenda nina Oliver at Yana – chicken skin on a stick at sago’t gulaman. Mabubusog ka sa halagang bente pesos.

Tinitigan lamang ni Yana ang isang stick ng balat ng manok na parang nakikita sa bawat parte nito ang mga alaala ng kahapon, mga oras na tila nariyan lang at maaring balikan ngunit nariyan ang reyalidad at siya’y sinisipa upang magising sa katotohanang wala na – wala na ang kahapon, wala na siyang babalikang kahapon.

“Nakukuha ko na,” ang sabi ni Yana. “Ito ang unang hakbang sa pagmo-move on. Ito ay ang mapagtanto na ang kahapon ay hindi na babalik. Kailangan ko nang matanggap at mabuhay na kasalukuyan.”

“At ano ang mayroon sa kasalukuyan?” tanong ni Red.

“Ikaw, ako,” ang sagot ni Yana.

Namula ang mga pisngi ni Red na akala mo’y isa siyang kamatis na tinubuan ng mukha. Ang kaniyang puso ay akala mo’y isang tambol sa lakas ng kabog nito sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya’y nakalutang siya sa mga alapaap, na sa wakas ay dinadala na siya sa kaniyang inaasam na happy ending.

“Ikaw, ako,” pag-uulit ni Yana. “At ang stick ng chicken skin na ito na isa na lamang paalala ng isang kahapon na dati ay ang aking kasalukuyan at umaasang magdadala sa akin sa isang magandang bukas.”

Masarap mabuhay sa kahapon. Masarap alalahanin ang mga masasayang sandali, ang mga panahong napakasayang balikan dahil sa mga oras na iyon akala mo’y hindi na matatapos ang bukas. Hindi naman masakit ang alalahanin ang nakaraan, hindi naman masamang sariwain ang nakalipas. Ang masakit ay ang mapagtantong tapos na ito at hindi na maaaring maulit pa, at mali ang mabuhay sa nakaraan sa halip na sa kasalukuyan.

Ang kahapon ay parang isang pag-ibig. Masarap, masaya, ngunit laging may sakit at pait. Tulad ng isang mainit na kape. Laging magkasama ang tamis at pait.

Pero bakit hindi natin mapigilan ang ating mga sarili na balikbalikan ang kahapon?

Bakit ang hirap tanggapin ng katotohanan?

Bakit tila mas madaling magmukmok sa isang tabi, umiyak at ngumawa dahil sa isang kahapong hindi ka na babalikan?

Mas madaling magbalik nataw sa isang kahapon kaysa lumingon ang isang bukas na hindi tiyak.

Ngunit dumarating tayo sa isang punto na natatanggap natin na sa kasalukuyan ay doon dapat tayong mabuhay, at kailangan nating buksan ang ating mga puso sa parating na bukas. Magagawa mo lang iyon kapag natutunan mong tumigil na umasa na babalik pa ang masaya ngunit masakit na kahapon. Let go of the hope and you’ll start moving forward, only then you’ll start to heal.

Let go. Start moving forward. Heal.

Let go.

“Let go,” bulong ni Yana. “Let go Yana, let go.”

Parang isang palakang nakakubli sa mga halaman ay pinagmamasdan ni Yana sina Oliver at ang bago nitong girlfriend na si Leiann na masayang magkasama’t pinagsasaluhan ang biniling chicken skin. Masaya’t may sariling mundo. Hindi tulad ni Yana na nabubuhay sa panonood sa mundo ng ibang tao – isang mundo na nais niyang puntahan at angkinin.

Ngunit alam ni Yana na hindi na iyon maari. May iba nang nagmamay-ari sa mundong dating kaniya, at di na babalik ang bukas. Nabaliktad na ang mundo nila ni Leiann kahit hindi niya ito matanggap. Dati’y siya ang inagawan, dati si Leiann ang kumuha ng hindi kaniya. Ngayon ay hindi hahayaan ni Yana na siya naman ang mang-agaw kahit pa sabihing binabawi lamang niya ang kaniya.

Iyon ang pangalawang hakbang sa pagmo-move on – ang pakawalan ang pag-asang babalik pa ang kahapon.

***

“Pero paano naman iyon kung ikaw na mismo ang kaligayahan ko?” muling tanong ni Yana kay Red, parehong gumuguhit sa kanilang mukha ang mga luha na umagos mula sa kanilang mga mata.

Hinawakan ni Red ang mga kamay ni Yana ng mahigpit, tila mga bakal na ikinukulong ang mga ito sa kaniyang palad. “Move on,” iyon lamang ang sinabi ni Red.

Ang unang dalawang hakbang – ang tangapin at mabuhay sa ngayon, at ang pakawalan ang pag-asang babalik pa ang kahapon. Matagal nang natutunan ni Yana ang mga iyon, na kasing dali na lamang ng paghinga simula nang ginawa niyang bato ang kaniyang puso. Ngunit ngayong muli niya itong pinalambot ay tila nakalimutan niya kung paano gawin ang mga hakbang na iyon.

Ang ikatlong hakbang – makita ang iyong sariling pagkakamali.

Naging mahigpit ang kapit ni Yana kay Oliver – laging nakabuntot, laging nagtatanong kung nasaan, anong gagawin, sino ang kasama at madalas ay madaming ipinagbabawal. Dahil sa takot na siyang mawala, lalong ninais ni Oliver ang makawala mula sa kaniyang mga kamay. Nagkamali siyang kumapit siya ng mahigpit, kaya’t ibinigay niya ng labis kay Red ang bagay na hindi niya naibigay kay Oliver – space. Simula nang mapagtanto niyang unti-unti na siyang nahuhulog kay Red ay niluwagan niya ang kaniyang kapit sa kaniya. Akala niya ay dahil dito ay hindi aalis si Red, ngunit hindi pala ganoon iyon. Hindi dahil binibigyan mo ng space ang isang tao ay mananatili ito sa’yo. Minsan lalo silang nabibigyan ng rason para umalis, dahil sa sobrang space ay hindi nila nadarama na kailangan natin sila, na mahal natin sila. Kaya’t umaalis sila upang hanapin ang pag-mamahal na magpapainit sa kanilang mga gabin napakalamig, nabibigyang lilim ang mga puso mula sa ulan, nabibigyan ng pader laban sa sakit at napapanatili ang init ng pagmamahal.

Mahirap tantiyahin kung gaano natin sila kahigpit na hahawakan. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo kakapit.

Kayat kung tulad ni Yana ay nagkamali ka sa pagkapit, o kung ano pa man ang pagkakamali mo sa inyong relasyon ay gawin mo na ang ikaapat at ikalimang hakbang – patawarin mo siya sa kaniyang pagkakamali, at patawarin mo ang iyong sarili sa iyong pagkakamali. After all, tao lang kayo at natututo. Sabi nga nila, making mistakes are part of growing up, and we’ll never stop growing. Our lives are made of twists and turns, and maybe she or he is just another turn you have to make. You have to make that turn so that you’ll get to a better place.

Doon mo lang magagawa ang ika-anim na hakbang – paglamayan mo na ang sawi mong puso, ilibing ang sakit. Tapos na ang nakaraan, pero ang bawat katapusan ay isang pagkakataong upang simulang muli ang isang bagong kwento. Isang panibagong once upon a time na maaaring magdala sa atin sa ating happy ending.

Tila bagong laya mula sa bilibid si Yana nang magawa niya ang mga hakbang na iyon noon. Inabot din siya ng anim na buwan sa pagmomove on. Nang sa wakas ay handa na siyang papasukin sa kaniyang puso si Red, nang sa wakas ay handa na siyang tanggapin ang pag-ibig na inalay nito ay biglang kumatok muli sa kaniyang puso ang kahapon.

“Yana, I know nasaktan kita,” ang sabi ni Oliver. “Alam kong napakalaki ng kasalanan ko pero matapo ang lahat I’ve realized one thing – I still love you.”

Ngunit tulad ng isang tunay na umiibig ay ngumiti lamang si Yana at nagpasalamat sa pagmamahal na muling inaalay ni Oliver. Nagpasalamat at ito’y tinanggihan. “May mahal na akong iba,” iyon ang mga katagang kaniyang binanggit.

Kaya naman nagpunta siya sa burol, nagpunta siya sa sinabing tagpuan kay Red at doon ay siya’y naghintay. Naghintay siya ng matagal. Ang sabi niya kay Red ay pumunta siya doon kung mayroon pa siyang nararamdaman kahit katiting na pagmamahal sa kaniya. At dahil nag-uumapaw ang kaniyang nararamdaman para sa binata doon ay siya’y naupo’t naghintay. Naghintay ng matagal. Hanggang sa matuyo ang kaniyang lalamunan, hanggang sa ang araw ay magpaalam at nagsimulang umakyat sa kalangitan ang bilog na buwan, naghintay siya hanggang sa makumpleto ang mga bituin sa langit na sa kaniya’y nakataw mula sa itaas, naaawa sa kaniyang naghihintay na lamang sa wala.

Kinaumagahan ay nagtungo siya sa bahay nina Red. Hindi niya matatanggap sa kaniyang sarili na wala nang nararamdaman para sa kaniya si Red. Baka may nangyari lang na hindi inaasahan, pagrarason nito sa isang bagay na obvious naman ang dahilan.

Pagdating sa tahanan nina Red ay agad siyang kumatok sa pintuan nito, nandito siya upang kumatok sa puso ng binata at wala siyang balak umalis ng bigo. Kung kailangang lumaban, lalaban siya!

Ngunit walang sumagot. Walang tao.

Kaya’t bumalik siya kinaumagahan. Ngunit wala paring tao. Hindi siya napigilan nito, kaya’t bumalik siya ng sumunod na araw, at nang susunod pa, at nang susunod pa... ngunit hindi na nagbukas ang pintuan. Hindi na niya nagawang kumatok sa puso ni Red. Hindi na niya nagawang lumaban.

Umalis na ang pamilya nina Red, nag-abroad at hindi alam kung kailan babalik.

Kung may depinisyon ng taong naiwan sa ere, marahil ay si Yana na iyon. Siya ang poster girl para sa mga taong naiwan sa ere.

Hindi nagtagal ay muli siyang niligawan ni Oliver, at dahil nakulitan ay sinagot na lamang niya ito. Hindi din alam ni Yana kung bakit muli niyang pinagbigyan si Oliver, ngunit nagtagal naman sila hanggang sa tuluyan nang natuldukan ang kanilang kwento. Umiyak ng sandali dahil nanghinayang, hindi dahil nasaktan at nagmove on siya agad.

Dahil doon ay ginawang bato ang puso. Marunong parin siyang magmahal ngunit ngayon ay hindi na buo, madalas nga’y kulang na. Hindi na nakakapasok ang sakit sa kaniyang pusong bato, ngunit hindi na din nakakapasok ng buo ang pagmamahal.

Kaya’t nang makalipas ang halos sampung taon at mabalitaan ni Yana na nagbalik na sa Pilipinas ang pamilya ni Red. Kaya naman agad siyang nagpadala ng mensahe si Yana kay Red sa tulong na din ng kanilang mga kaibigan. Ito na ang kaniyang pagkakataong lumaban! Ito na!

Agad niyang ibinaba ang mga pader na itinayo sa paligid ng kaniyang puso. Agad niyang pinalambot ang kaniyang puso. Ngunit sino nga ba namang makakapag-isip na mabibigo siya, na kabababa pa lamang ng kaniyang mga dipensa ay agad siyang masasaktan?

Hindi niya din iyon inaasahan.

Nagbalik nga si Red, ngunit nagbalik naman na may asawa na. At sinong mag-aakalang kay Leiann din siya muling matatalo sa pag-ibig. Muli ay naagawan siya ng kaniya. Muli ay naagawan siya ng isang masayang bukas.

Umuwing sawi si Yana, hindi na lumaban dahil wala naman nang dapat ipaglaban. Hindi pa man nagsisimula ang gyera ay talo na siya. Muli ay nanalo si Leiann. Nagkulong sa kwarto si Yana at umiyak, umiyak hindi dahil sa panghihinayang – umiiyak dahil sa sobrang sakit, sa sobrang pait.

Hindi siya hinayaang magmukmok ng kaniyang mga kaibigang sina Roma at Charlene kaya’t pinilit nila itong lumabas ng bahay. Nagtungo sila sa isang coffee shop sa bayan ng San Carlos malapit sa kung saan sila nagreview noon para sa board exam.

Pinilit nina Roma at Charlene na pagaanin ang loob ni Yana ngunit hindi rin lamang iyon nakatulong, tila kinakain niya ang mga salitang binitawan niya noon. “Lalaki lang yan!” “Ano ka ba move on!” “Kung may iba na eh di palitan mo din!” Tila kinakain niya ang mga sinabi niya noon sa kaniyang mga kaibigan.

“Uy ang cute nung bata oh,” ang sabi ni Roma.

“Oo nga, ang gwapong bata,” dagdag naman ni Charlene.

Tinitigan ni Yana ang bata. Maputi ito, sa tantiya niya’y nasa dalawang taong gulang na ito. Nakasuot ng berdeng polo shirt at nakashorts ng puti. Tumatakbong pumasok sa coffee shop. Napakunut ang noo ni Yana nang mapansin ang isang nunal sa kanang pisngi ng bata. Parang nunal ni...

“Red,” isang babae ang pumasok sa loob ng coffee shop at hinabol ang batang kanilang tinititigan. Si Leiann. “Red diba sabi ko hawakan mong mabuti si Gray? Takbo ng takbo baka biglang madapa.”

Napalunok si Yana nang makita si Leiann – maganda at napaka-eleganteng tignan sa kaniyang puting bestida. Para siyang nakakita ng model mula sa mga binabasang magazine.

“Sorry, Hon,” ang sagot naman ni Red nang bigla siyang sumulpot mula sa likod ni Yana.

Sabay na nabaling ang tingin nina Leiann at Red sa tatlong babaeng nakaupo sa di kalayuan – sina Roma, Charlene at Yana. Parehong ngumiti ang mag-asawa sa tatlo, at ibinalik naman nila ang mga ngiting iyon.

Masayang naupo sina Red at Leiann kasama ang kanilang anak na si Gray. Isang napakasayang pamilya, iyon sana ang nais na buhay ni Yana. Isang bukas na hanggang pangarap na lamang.

Tumayo si Yana at nagpaalam sa kaniyang mga kaibigan. Sinubukan siyang pigilan nina Roma at Charlene. “Cindy,” tinawag nila ito sa kaniyang tunay na pangalan, hindi sa palayaw niyang ‘Yana.’

“Kailangan ko lang mapag-isa,” ang sabi ni Yana.

Agad siyang umuwi sa kanilag bahay at muling nagkulong sa kaniyang kwarto. Isinara ang pintuan at ikinandado ito. Walang luhang pumatak sa kaniyang mga luha, tila tigang na ang kaniyang mga mata. Natuyo ang mga luha, at wala nang ibang nadarama kundi ang sobrang sakit na kaniyang puso. Nagtungo siya sa baniyo at pinuno ng tubig ang bathtub. Naghubad siya’t inilublob ang katawan sa tubig. Kinuha niya ang isang bote ng pampatulog at naglabas ng isa, dalawa, tatlo hanggang sa labing limang tableta at ininom nang sabay-sabay.

Hindi nagtagal ay unti-unti nang naglalaho ang paligid, unti-unti siyang nahuhulog sa isang napakahimbing napagkakatulog. Hanggang sa kaniyang ipikit ang kaniyang mga mata’t tanging mukha ni Red ang kaniyang nakikita. Dahan-dahang nagpadausdos ang kaniyang katawan palubog sa tubig, tuluyan niyang lumubog at tuluyang nilamon siya ng sakit ng pagkabigo...

... at tuluyan nang hindi umahon si Yana mula sa ilalim.

Ito ang kwento ni Cindy, o mas kilala ng kaniyang mga kababata sa pangalang Yana, ang babaeng bato ang puso.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020