Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Happily NEVER After Mga Kwentong Walang Forever

Image Description MrWordsmith1995   |   12 November 2019


Five stories that are interconnected of the premise of Nahulog sa tingin, umibig mula sa tanaw, at nagmamahal sa mga alaala and a writer who struggles from his past

Ipinasok ni Charles Fred Agustin ang manuscript sa loob ng isang envelop at ipinatong iyon sa mesa sa kaniyang harapan. Iyon ay manuscript na binubuo ng limang kwento ng pag-ibig. Itinulak niya papalapit sa manunulat nito ang envelop at ngumiti. “Nagustuhan ko naman siya,” ang sabi ni Charles. “Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman ko sa bawat isa – kilig, awa, iyong sakit, lungkot, at pagsisisi – pero higit sa lahat naramdaman ko sa bawat isa sa kanila kung paano sila umibig.”

“Natutuwa ako’t nagustuhan mo ang mga isinulat ko,” ang sabi ng manunulat. Ang pangalan niya’y Kyle Benedicto, isa sa mga ininterview ni Charles noong nasa kolehiyo pa siya’t isinulat ang kwento sa isang libro. Dahil dito ay na-enganyo ding magsulat si Kyle ng libro. “Sinusubukan kong magsulat ngayong wala pa akong matinong trabaho,” dagdag nito.

“Pero bakit ganoon lagi ang ending? Laging may nasasaktan – may iniiwan, may bumabalik ngunit huli na ang lahat, may umaasa, at wala ni isa sa lima ang natapos.”

“Anong ibig mong sabihin? Tapos na ang mga ito.”

“Hindi pa,” pagpupumilit ni Charles. “Hindi pa sila tapos.”

“Pero nagwakas na ang mga kwento nila.”

“Anong nangyari sa baby nina Myro at Charlene? Napatawad ba ni Nigel ang daddy niya? Nagkita pa ba sila ni Roma? Anong nangyari kay Jennilyn nang nalaman ni Jaybee na ginayuma lang siya nito? At hindi ba maayos ang lahat kapag nareveal na ni Roma na hindi totoo ang gayuma? Bigla nalang nagmove on si Jaybee? Bakit bigla na lamang nagmove on si Ferdinand ngayon si Vilma na ang kumakatok sa puso niya? Talaga bang lahat ng nagmamahal ng lubos ay umuuwing sawi tulad ni Yana? Iyan ba ang tingin mo?” tanong ni Charles.

“Iyon na ang wakas ng kanilang mga kwento,” ang sabi ni Kyle. “Isa pa mga kwento lang naman sila, hindi totoo. Tapos na ang kanilang mga kwento sa oras na inilagay ko ang mga salitang ‘wakas’ sa dulo. Ending na. Period. Wakas. Tuldok. Wala nang part two.”

“Mali ka,” sagot naman ni Charles. “Hindi lang iyan basta kwento. Alam kong repleksyon iyan ng mga totoong kwento, at maaaring repleksyon din ng sarili mong kwento.”

“Hindi ito tungkol sa akin.”

“Talaga? Pero bakit sa bawat kwento nila ay nasasalamin ang kwento mo? Ang bawat damdaming naramdaman mo, ang pantasyang may happy ending, ang mga alaalang ibiniahagi mo sa akin halos dalawang taon na ang nakalipas kasama ang mga oras na nagkasama kayo’t ang pagkakamaling mapalampas ang pagkakataon dahil sa kahinaan ng loob na sabihin ang tunay mong nararamdaman – iyon ang bumubuo ng kwento mo Kyle, at iyon din ang bumuo sa mga kwentong isinulat mo.”

Hindi agad sumagot si Kyle. Nakatulala lamang siya at tila iniisip ang mga sinabi ni Charles. Ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa envelope at hinaplos ito – at tanging mukha lamang ng taong itinitibok ng kaniyang puso ang kaniyang nakikita.

“Anong nangyari pagkatapos ng interview ko sa’yo?” tanong ni Charles.

Hindi sinagot ni Kyle ang kaniyang tanong. “Believing in the possibility of a happy ending is a very powerful thing,” ang sabi niya. “Masasaktan ka lang sa huli. Sometimes I feel pain, sometimes I feel nothing and I don’t know what’s worst – hurting or nothing? I’m empty.”

“Pumunta ka ba sa address na ibinigay ko sa’yo?” biglang natanong ni Charles. Ngumiti lamang si Kyle at umiling kasabay ng pagbagsak ng mga luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata. “Kaya naman pala.”

“Kaya naman pala ano?”

“Kaya naman pala hindi ka makapagsulat ng isang ending – kasi hindi mo pa nabibigyan ng tuldok ang kwento mo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ang kwento mo – hindi pa tapos. Hindi ka pumunta kung nasaan siya, hindi mo pa nilalagyan ng tuldok ang inyong kwento. Hindi ba’t ikaw na din ang nagsabi na nagtatapos ang isang kwento kapag inilagay na ng manunulat ang salitang ‘wakas’ sa dulo? Hindi ako sumasang-ayon pero kung tama ka ay sa tingin ko hindi mo pa inilalagay ang salitang ‘wakas’ sa dulo ng sarili mong kwento.”

“You don’t know what you’re asking me.”

“Believe me I know,” ang sabi ni Charles. “Ikaw ang manunulat ng sarili mong kwento, ikaw lang ang makakapaglagay ng tuldok sa kwento mo. Kung hindi mo ito lalagyan ng isang wakas ay habambuhay kang masasaktan. Hindi din titigil ang kwento – hindi din titigil ang sakit. ”

“Pero paano kung masaktan akong muli sa pagkikita namin? Paano kung huli na pala ang lahat tulad ng sa kwento nina Vilma at Yana?”

“Iyon ba ang takot mo? Ang mauwi ka sa ganoon kaya’t isinulat mo nalang? Ano ngayon kung huli na ang lahat? Ano ngayon kung hindi na talaga pwede? Mas mabuti nang harapin mo iyon kaysa habambuhay kang inuusig ng mga tanong mo sa buhay – mga ‘what if’ mo. Stories of real people or made of fiction will always have a proper ending – no story ends midway.”

“Maybe some stories are better left without an ending, better end in an eternal middle. Ayoko nang masaktan.”

“Sa tingin mo may mas sasakit pa sa nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Charles. “Siguro ang kailangan mo ay hindi ang pagkakataong mahalin ka niya sa paraang nais mo – ang kailangan mo ay magpaalam sa kaniya ng maayos. Pakawalan mo siya, pakawalan mo ang sarili mo at higit sa lahat ay bigyang tuldok ang inyong kwento at magsimulang muli.” Tumayo si Charles at kinuha ang kaniyang bag. “Salamat sa oras mo, hanggang sa muli.”

Naiwang nakaupo sa coffee shop sa Session Road sa Baguio si Kyle. Sa kaniyang isip ay naaalala niya ang iniwang regalo ni Charles nang huli silang mag-usap – address ni Samantha Lazaro, ang babaeng kaniyang minamahal sa Pampanga at sa Tarlac. “Kung gusto mong hanapin at mabuo ang sarili mo, simulan mo dito sa address na ito,” nakasulat sa ibaba nito. Alam ni Kyle na marahil ay doon na sa wakas matutuldukan ang lahat – ang sakit, ang pait, ang lungkot at maghihilom na sa wakas ang mga sugat. Ngunit naroon parin ang takot na baka doon din magsimula ang panibagong sakit, pait, lungkot at magtamo ng bagong sugat.

“Pag-isipan mo,” pahabol ni Charles mula sa kung saan siya nakarating bago makalabas sa pintuan ng coffee shop. “Ang pag-ibig ay parang isang sugal – pwede kang masaktan, pero pwede ka ding sumaya. Pagdating sa pagmamahal kapag ito’Y totoo at wagas lahat worth it isugal. Naalala mo iyong tanong mo doon sa kwento nina Jennilyn at Jaybee? Was she worth the heartbreak? If yes, then go after her. If no, then mas lalo mo siyang dapat puntahan – puntahan mo siya upang matuldukan na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pag-isipan mo.”

Kinuha ni Kyle ang kaniyang manuscript at umalis ng coffee shop. Sinubukan niyang sundan si Charles ngunit hindi na niya makita ang binata. Oo, ang sabi ni Kyle, susugal na ako! Handa na akong sumugal! Ngunit hindi na niya talaga nakita pa ang binata – wala na ito at hindi niya alam kung saan hahanapin. Napaluhod siya sa gitna daan. Pinagtitinginan siya ng mga tao ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging tumatakbo sa kaniyang isipan ay kung paano niya muling napalampas ang pagkakataong makita si Samantha. Una noong itapon niya ang tissue paper na iniwan ni Kyle kung saan nakasulat ang address ni Samantha, at dahil hindi binasa ng mabuti ang address ay hindi niya alam kung saan siya tutungo kaya’t ito ang pangalawang pagkakataong napalampas niya ang pagkakataon – ang manunulat na si Charles Fred Agustin na lamang ang kilala niyang nakakaalam kung nasaan si Samantha Lazaro at hindi na niya ito makita.

Nang hapong iyon ay umuwi na lamang sa La Union si Kyle Benedicto dala ang kaniyang manuscript – umuwing luhaan, sugatan at patuloy na nasasaktan. Sa biyahe ay nakatingin lamang siya sa labas ng bintana, minamasdan ang mga puno, tao at mga gusaling kaniyang nadadaanan at naglalaho sa kalayuan – umaasang tatangayin na din ng mga ito ang sakit na kaytagal niyang kinimkim sa kaniyang dibdib.

Hapon na nang makarating sa kanilang bahay si Kyle, nagmano sa kaniyang mga magulang at nagtungo sa kaniyang kwarto. Ang sabi niya’y magpapahinga na siya’t lubos na napagod sa biyahe papunta ng Baguio. Pagkapanhik sa loob ng kaniyang kwarto ay agad siyang humiga sa kaniyang kama at doon muling ginumon ng sakit na kaniyang nararamdaman.

Ang tanging nais niya ngayon ay pumunta ng Tarlac o ng Pampanga upang hanapin si Samantha. Nais niyang ibaon sa kaniyang dibdib ang dalaga, nais niyang yapusin ito gamit ang kaniyang bisig at huwag nang pakawalan pa. Pero mukhang malabo nang mangyari iyon – lagi na lamang niyang pinapalampas ang mga pagkakataong ibinibigay sa kaniya. Kung bibigyan siya ng pangatlong pagkakataon, tingin niyo ba kukunin na niya?

Hindi. Dahil duwag si Kyle at hindi niya kayang harapin ang mga multo ng kaniyang kahapon. You can run from the past but never escape from it. Kung hindi mo haharapin ay habang buhay kang tatakbo papalayo dito’t magtatago. Nakakapagod ang ganoong buhay, lagi kang tumatakbo at hindi naiibsan ang bigat ng nararamdaman mo.

For years it is said that the love that last the longest is the love that was never returned. In a way, it is indeed true. The love that was never returned will always wait for the time that it will be reciprocated, no matter how long it takes.

***

Tanghali na nang magising si Kyle kinaumagahan. Gumugulong ang mga bote ng beer sa sahig ng kaniyang kwarto at ramdam niya ang sakit ng ulo dala ng hangover – umiikot ang kaniyang paligid, nasusuka’t parang bibiyakin ang kaniyang ulo, at pinapalala lamang ng sikat ng araw ang sakit na ito. Dahan dahan siyang tumayo at nagtungo sa banyo upang maghilamos.

Pagkababa sa kusina ay agad siyang kumuha ng tubig at halos maubos niya ang isang pitsel ng malamig na tubig bago maisipang magtimpla ng kape. Maagang umalis ang kaniyang mga magulang upang magtungo sa trabaho. Day off ni Kyle ngayon sa pinagtatrabahuan niyang isang call center, sa human resource depratment siya nagtatrabaho.

Tahimik ang kanilang bahay, walang maririnig maliban sa ingay na ginagawa ng kilos ni Kyle – kalansing ng mga kusara, ang coffee maker, pagbukas at pagsara ng cup board, at ang pagtimpla niya ng kape. Okay na sana, nababawasan ang sakit ng ulo ni Kyle ngunit bigla na lamang tumunog ng pagkalakas-lakas ang phone niya, idagdag mo pang nakaririndi ang ring tone niya.

“Hello?” sagot ni Kyle sa kaniyang cell phone.

“Hi Kyle!” si Diane, classmate ni Kyle noong high school.

“Oh Diane, ikaw pala. Ba’t ka napatawag?” tanong ni Kyle, nagtataka dahil sa biglaang pagtawag ng kaibigan. Naging busy na din sila sa kani-kanilang buhay simula nang mag-kolehiyo sila – tulad ng karamihang magkakaibigan noong high school ang mga pangalang sinabi mong hindi mo makakalimutan ay nagiging pangalan sa list of contacts na lamang. Minsan nga wala pa sa list of contacts.

“You we’re drunk calling me kasi last night, so I thought I’d just call you nalang when you sober up,” ang sabi ni Diane. “Grabe nakakatawa ka last night.”

Kinagat ni Kyle ang kaniyang labi at napa-face palm na lamang sa naraning. Sobrang hiya ang kaniyang naramdaman. “I did? I’m sorry Diane. I was so drunk I didn’t know what happened. Honestly.”

“Naiintindihan ko naman. Wala ka bang work today? I’ll come over your house since I don’t have work during weekends,” ang sabi ni Diane. “Let’s talk about your issues sa akin in person.”

“What did I say exactly last night?”

“Well, sinisisi mo ako sa nangyari sa inyo ni Samantha. I already told you I’m sorry but clearly you’re not over it so I believe it’s time we talk about this again.”

“God, Diane. I’m sorry. Nakakahiya sa’yo.”

“It’s okay, we’re friend so I understand. I’ll come over and I’ll bring pizza. See you in an hour,” ang sabi ni Diane at kaniyang ibinaba ang telepono.

Napakamot ng ulo si Kyle at dala ang kaniyang tasa ng kape ay bumalik siya sa kaniyang kwarto upang pulutin ang mga bote ng alak sa sahig at maitapon ito salabas.

Magkaibigan sina Diane at Kyle noong high school pa sila, at si Diane din ang dahilan kung bakit nagkaganito ang kwento nina Kyle at Samantha. Hindi matanggap ni Diane noon na iniwan siya ng kaniyang womanizer ex-boyfriend na si Gino Zaragoza kaya naman nakipag-conive si Diane kay Samantha upang maghiganti sa kaniya.

Pina-ibig ni Samantha, sa utos na din ni Diane, si Gino. Ang plano ay kapag nahulog na ng husto ang loob ni Gino kay Samantha ay iiwan niya ito tulad ng ginawa ni Gino kay Diane. Ngunit wala sa plano ang mahulog din si Samantha kay Gino.

Lingid sa kaalaman ni Kyle ay ginawa lamang iyon ni Samantha dahil nais niyang magselos si Kyle sa kanilang dalawa upang mapilitan itong magtapat ng kaniyang nararamdaman para sa kaniya. Ngunit ang dila ng isang torpeng puso ay halos imposible mong mapagsalita. Kaya naman bago pa makapagtapat ng nararamdaman si Kyle kay Samantha ay nahuli na siya – umibig na sa iba ang dalaga.

Isa-isang pinulot ni Kyle ang mga bote ng alak sa sahig at isinilid ito sa loob ng dala niyang garbage bag. Dala na din ng sakit ng ulo at hilo ay nasipa niya ang isang bote na siya namang gumulong papasok sa ilalim ng kama kaya’t wala siyang nagawa kundi ang dumapa sa sahig at abutin ang bote. Nahirapan siyang abutin ito dahil mukhang malayo ang narating ng paggulong ng bote.

Konting abot pa at may nakapa si Kyle sa ilalim ng kaniyang kama. Naramdaman niya ang isang piraso ng papel na nadakma ng kaniyang kamay. Agad siya tumayo at inilabas mula sa ilalim ng kama ang papel na kaniyang nakuha. Puno ang kaniyang braso at kamay ng alikabok, palibhasa ay hindi nawawalisan ang parte ng kaniyang kwarto na hindi nasisilayan ng mga mata. What you don’t see won’t hurt you.

Pagbuka ng kamay ni Kyle ay tila lumundag ang kaniyang puso at muntik niyang maisuka ito palabas – iyon ang tissue paper kung saan nakasulat ang address ni Samantha sa Tarlac!

Akala mo’y bumukas ang tarangkahan ng langit para kay Kyle, halos madinig niyang nagkakantahan ang mga angel sa langit at maramdaman ang liwanag nitong bumababa sa kaniya.

“YES!” napatalon siya sa tuwa nang makitang iyon nga ang address ni Samantha. All these time nasa ilalim lang pala ng kama niya ang tissue paper kung saan isinulat ni Charles ang address ni Samantha.

Pero bigla siyang nagdalawang isip. Hawak niya ang bato, ipupukpok ba niya ito sa kaniyang ulo? Hawak niya ang address ni Samantha, sa huli alam niyang masasaktan din siya. Pupunta pa ba siya?

Siyempre hindi. Hindi siya tanga.

Naalala mo iyong tanong mo doon sa kwento nina Jennilyn at Jaybee? Was she worth the heartbreak? If yes, then go after her. If no, then mas lalo mo siyang dapat puntahan – puntahan mo siya upang matuldukan na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pag-isipan mo. Narinig niya sa kaniyang isipan ang mga huling sinabi ni Charles Fred Agustin sa kaniya.

Was she really worth the heartbreak?

Samantha was and will always be the love of his life. She’ll always have a piece of him that no one can ever take away. She is The One, the ‘One that Got Away.’ She was the One. Contrary to the traditional belief there are actually multiple ones, but in order to find another you have to let go and move on from the old one.

Tinitigan muli ni Kyle ang tissue paper sa kaniyang kamay. Is she worth the heartbreak?

Everything has changed – siya, marahil si Samantha, ang panahon, ang mga pagkakataon. Baka naman this time may chance na sila. Baka naman this time, pwede na. Pero baka hindi parin, baka naman after all these years hindi pala talaga maaaring maging silang dalawa.

O baka naman tama si Charles, ang limang kwentong isinulat ni Kyle ay repleksyon ng sarili niyang kwento. Ibig sabihin, si Kyle ay...

... nagmahal mula sa tanaw.

Sa loob ng napakahabang panahon ay minahal niya si Samantha mula sa malayo. Magkaibigang malapit, ngunit hindi masabi ang tunay na nararamdaman. Laging pinagmamasdan mula sa malayo, iniisip kung gaano kasarap siyang mahalin at mahalin pabalik. Their bodies are close to each other, yet their feelings are worlds apart.

... mahulog sa tingin.

Sa bawat matatamis na ngiti ay natunaw siya. Sa mga mata niya’y nalulunod siya ng pauli-ulit. Sa mga tingin ng dalagang sa kaniya’y nagpa-ibig ay araw-araw siyang nahuhumaling, naliligaw sa mundo nito.

... ang umiibig sa isang alaala.

Marahil kaya patuloy siyang nasasaktan dahil hindi niya mapakawalan ang mga alaala ni Samantha. Marahil umiibig siya sa nakaraan, umiibig siya sa taong nabuhay mula sa kaniyang nakaraan kahit na ang tanging niyayakap niya at tanging kapiling sa gabing malalamig ay ang alaala ng mga araw na nakalipas na, mga alaala ng mga araw na kailan man ay hindi na maibabalik pa.

Samantha Lazaro may have broken his heart a few years ago, but it was Kyle himself who decided to leave his heart as it is – broken in pieces. He’s still broken because he never really wanted it to be mended. Umaasa siyang babalik si Samantha sa buhay niya’t aayusin ito, ngunit hindi na babalik si Samantha sa buhay niya – not in the way he wants her to.

Was she worth the heartbreak?

Yes, ang sagot ni Kyle. Yes. She is worth every pain, every tear and every heartbreak. Ang happy ending, siguro nga patikim lang iyan. Siguro nga ang tanging kasiguraduhan na mayroon ako ay masasaktan ako sa huli, na uuwi akong luhaan. Pero mali ako kung iisipin kong hanggang doon nalang iyon. Kapag nasaktan ka at sobrang sakit na, doon ka magsisimulang maghilom, babangon ka at matututo kang maging masayang muli.

Biglang natigilan si Kyle sa pag-iisip nang marinig niya ang doorbell mula sa front door. Agad siyang bumaba mula sa kaniyang kwarto at binuksan ang pintuan. Binati siya ng isang pamilyar na mukha a magiliw na bati. “HI!” ang bati ni Diane at niyakap ang kaniyang kaibigan. “Long time no see! Looking good! Pero medyo hagard. Anyway alam ko naman you have hangover so that’s understandable. I brought pizza!”

Ibinuka ni Kyle ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na salita mula dito. Huminga siya ng malim at tinanong si Diane. “What would you say about a little road trip?”

“You mean now?”

“Yes!”

Tinitigan ni Diane si Kyle na parang sinasabing “Are you freakin’ serious?” at “Are you still drunk?” at “Are you on drugs?”

“I know it’s completely insane,” ang sabi ni Kyle.

“Yes, it is,” ang sabi naman ni Diane.

“But this is really important, Diane,” ang sabi ni Kyle.

Napabuntong hininga na lamang si Diane at napakamot sa kaniyang ulo. “I guess hindi kita mapipigilan so I’m coming with you.”

“YES!”

“But I’m driving. We’ll take my car. I don’t trust you, para kang naka-high or still intoxicated with alcohol.”

“Sure!” ang mabilis na sagot ni Kyle. “Either way, I don’t have a car of my own.”

***

Tumigil sa isang gasoline station sa Rosario, La Union sina Diane at Kyle. Galing ng convience store si Kyle, bitbit ang mga biniling tubig at makakain sa daan habang nagpapagasolina naman si Diane. Tanghali na nang makaalis sila sa bahay nina Kyle kaya naman paniguradong gabi na sila makakarating ng Capaz, Tarlac kung saan nila matatagpuan ang long lost high school friend nilang si Samantha.

“We never really talked about what happened eight years ago,” sinimulan ni Diane ang usapan. “Not until last night when you were so drunk and called me.”

“Sorry,” ang tanging nasabi ni Kyle.

“Alam ko sinisisi mo ako sa mga nangyari,” dagdag ni Diane. “And you have the right to do that. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ganito ang kinahantungan niyo ni Samantha. Ako ang naglapit sa kanila ni Gino.”

“Hindi mo naman kasalanan ang lahat,” ang sabi ni Kyle.

“Kasalanan ko. Kung hindi ko inipit si Sam ay hindi naman niya gagawin ang lahat ng iyon. Hindi sana siya nahulog kay Gino at hindi nasa nasira ang buhay niya.”

“Ginawa niya iyon dahil nais niyang magselos ako,” paliwanag ni Kyle. “Oo nagselos ako, pero hindi iyon naging sapat para magtapat ako ng totoong nararamdaman ko sa kaniya. Kung nagtapat ako ng nararamdaman ko sa kaniya ay siguro hindi na nahulog ang loob niya kay Gino, siguro magkasama kami ngayon. May kasalanan din ako.”

“Pero ako parin ang puno’t dulo ng lahat,” ang sagot naman ni Diane. “Ako ang nagtanim ng lahat ng kamalasang nangyari sa buhay niya.”

“Hindi naman ikaw ang may sabi na ibigay niya ang lahat kay Gino, hindi ba? Desisyon niya iyon.”

“Anong plano mo kapag nakita mo siya?” tanong ni Diane.

“Yayakapin ko siya ng mahigpit,” ang sagot ni Kyle. “Yayakapin ko siya ng mahigpit na mahigpit, sa sibrang higpit magdidikit-dikit muli ang mga piraso ng puso kong matagal nang durog. Yayakapin ko siya ng mahigpit at hinding hindi ko na siya bibitawan pa.”

“Paano kung... paano kung hindi na talaga pwede? Paano kung hindi na siya babalik sa buhay mo?”

“Yayakapin ko parin siya ng mahigpit,” ang sagot ni Kyle. “Yayakapin ko siya ng mahigpit at ipaparamdam ko sa kaniya sa huling pagkakataon kung gaano ko siya kamahal at bibitiwan ko siya at pakakawalan ko ang sarili ko mula sa nararamdaman ko sa kaniya.”

Niyakap ni Diane mula sa likod ang kaniyang kaibigan. He felt the warmth of his body against hers and heard the slow beating of his heart. “I admire your bravery.”

Sa buhay ni Diane ay dalawang beses pa lamang siyang nakakita ng ganoong klaseng pagmamahal – una ay sa ex-boyfriend niyang si Gino, at pangalawa ay ngayon kay Kyle. At labis ang inggit niya kay Samantha dahil sa dalawang pagkakataong iyon ay sa kaniya nakalaan ang ganoong klaseng pag-ibig – totoo, wagas, at handang masaktan para sa kaniya.

Kyle closed his eyes at nagbalik siya sa araw na huli niyang nakita si Samantha. Day before high school graduation, sa tabi ng lawa sa school, sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Magkaharap sila ni Samantha, hindi alam na iyon na pala ang huli nilang pagkikita.

Halos wala nang estudyanteng pumasok sa eskwelahan dahil kinabukasan ay graduation na ng mga Seniors at nagsibakasyon na ang mga estudyante maliban sa mga candidates for graduation. Ang mga Seniors na nasa school pa ay nagkakantiyawan sa mga larawan nilang nasa yearbook na maagang nadistribute.

Tulad ng dati ay matatagpuan si Kyle sa pinakapaborito niyang lugar sa campus – ang lawa. Mataas ang sikat ng araw ngunit nagbibigay ng lilim ang mga puno na nakapaligid dito. Wala ang mga itik at gansang karaniwang lumalangoy dito. Naupo si Kyle sa dati niyang pwesto sa tabi ng lawa at nilanghap ang sariwang hangin. Naaalala pa ni Kyle na sa punong nasa tabi ng lawa ay nakaukit ang pangalan nila ni Samantha. He was empty in that moment, there was a void in his heart that can never be filled.

“Kyle,” isang tinig ang tumawag sa kaniyang pangalan, isang boses na lilingon siya kahit saan niya ito marinig. “Hi.”

Ngumiti si Kyle at tinapik ang lupa sa kaniyang tabi, sinasabing umupo si Sam dito. At first Sam did hesitate, pero umupo parin siya. Tila may nagbago sa hitsura ng dalaga, hindi lang maituro ni Kyle kung alin.

“Ang ganda ng araw,” ang sabi ni Kyle. “Sa wakas at ga-graduate na din tayo bukas.”

“Ang bilis ng panahon,” ang sabi ng balisang si Samantha. “Dati, bata lang tayo na naglalaro ng bahay bahayan – ikaw yung tatay, ako yung nanay at ang manika ko ang anak.”

“Wala pang ibang iisipin kundi kung sinong masusunod sa laro,” dagdag ng binata. “Nagbago na ang lahat.”

“Hindi lahat,” ang sabi ni Sam at hinawakan niya ang kamay ni Kyle. “Pirmahan mo naman itong yearbook ko oh.”

Nagpalitan sila ng yearbook at binukas ang pahina kung saan sila naroroon at pinirmahan ito. Maliban sa pangalan, at larawan ay naroon nakasulat ang kanilang mga pangarap para sa hinaharap. Nais mag-artista ni Kyle at nais namang maging singer ni Samantha – mga pangarap nila noong sila ay bata pa.

“Saan ka pala magkokolehiyo?” tanong ni Kyle. “Natanggap ako sa Baguio, doon ako mag-aaral ng BS Psychology. Excited na ako dahil isang bagong lugar ang pupuntahan ko.”

Pinulot ni Sam ang isang bato sa kaniyang tabi at binato ito sa tubig. She just stared at the ripple it created until she was ready to say what’s on her mind. “Nandito lang ako para magpaalam,” ang sabi ni Samantha.

“Magpaalam?”

“Aalis na kami dito nina Mama,” ang sabi ni Sam. “Nandito parin ang boarding house, hindi ko alam kung ibebenta na ni Mama o kami parin ang magpaparenta. Pero aalis na kami Kyle. Lilipat na kami.”

“Ha? Bakit biglaan? Saan kayo pupunta?”

Umiling si Sam. “Hindi ko pwedeng sabihin,” ang sabi niya. “Huwag mo akong kakalimutan ha? Ikaw lang kasi ang pinaka-best friend ko.”

“Bakit ba lagi ka nalang nagpapaalam sa akin?” ang tanong ni Kyle. “Bakit ba lagi ka nalang umaalis? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pag-papaalam?”

“Believe me, kung pwede lang talagang tigilan ko na ang pagpapaalam,” ang sabi ni Sam. Then she suddenly kissed his lips. Ikinagulat ni Kyle ang ginawa ni Sam ngunit nagpaubaya na lamang siya.

His first kiss was with his first love, and that was more than he ever asked for.

Tumayo si Sam at nagsimulang tumakbo papalayo habang umaagos ang kaniyang luha sa kaniyang mukha. Bago pa man ito tuluyang makalayo ay mabilis na inabot ni Kyle ang kaniyang kamay upang pigilan ito. “Sandali,” ang sabi niya. “Can you please stop running away from me?”

Humarap si Sam kay Kyle, even when she’s crying ay pakiramdam niya’y natutunaw siya sa mga tingin ng binata – nalulusaw dahil sa mga matang sa kaniya nakatingin.

“Bakit... bakit mo ako hinalikan?” tanong ni Kyle.

“Sorry,” ang sabi ni Sam. “Hindi ko sinasadya.”

“Hindi ako naniniwala sa’yo,” ang sabi ni Kyle. “I wanna hear it from you. Sabihin mo sa akin ang totoo, pakiusap – ano nga ba talaga ako sa buhay mo? This time, gusto kong marinig ang katotohanan. I want you to look me in the eye and tell me the things I need to hear.”

Hindi sumagot si Sam at hindi din siya makatingin sa mga mata ng binata. Mahigpit ang hawak ng binata sa kaniyang kamay, alam niyang hindi na niya matatakasan ang sandaling iyon at isa nalang ang pwedeng sabihin – ang katotohanan.

“Tutal hindi naman na kita makikita pa ulit pagkatapos bukas ay siguro dapat sabihin ko na sayo yung totoo,” ang sabi ni Sam, nanginginig ang kaniyang boses. “You are my best friend, and you are the most important person in my life beside my mom and older sister. Ikaw lang kasi yung taong nagturo sa akin ng napakaraming bagay – fairy tale stories, enchanted feelings and how good it feels to be a princess everyday kahit sa mga mata mo lang. You are my first love, and I’d like nothing more but for you to be my last.”

Kyle bit his lip yet he can’t hide the smile in his face, not minding the tears that are flowing nonstop from his eyes.

“Actually, kaya ako pumasok sa kasunduan with Diane ay dahil sayo. I wanted you to stop me from doing it, I want you to be jealous – I wanted more attention from you kasi gusto kong makita kung gusto mo din ba ako,” dagdag ni Sam. “But I fell for another person, and I was torn between my love for you and Gino. I chose him kasi nasasaktan lang akong umaasa na balang araw mamahalin mo din ako – kasi ako mahal na mahal kita Kyle.”

“That’s funny,” ang sabi ni Kyle. “That’s funny because to tell you the truth – I love you ever since I could remember. Mahal kita hindi dahil ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda, ikaw kasi yung taong hindi ko kakayaning mawala sa buhay ko.”

Upon hearing what he said, bigla nalang humagulgol ng iyak si Sam na agad ipinagtaka ni Kyle. Halos mapaluhod sa lupa si Sam dahil sa kaniyang pag-iyak kung hindi lamang siya sinalo ni Kyle.

“Noong bata tayo, naaalala mo ba na ikaw ang reyna at ako ng hari?” paalala ni Kyle. “And after many years we became Prom King and Queen. We are each other’s mate – each other’s “other half” we’re the perfect match. That’s why I can’t live without you in my life. Kaya pakiusap, huwag ka nang umalis.”

Umuling si Sam, patuloy ang kaniyang pag-iyak sa di maintindihang rason. “Ito na yung chance natin for that love we’ve been longing for our entire life.”

“I’m sorry,” ang sabi ni Sam. “Sorry pero hindi na pwede.”

“Bakit? Mahal kita Sam, at sinabi mo ding mahal mo ako. We knew each other our entire lives at alam kong ikaw at ako’y para sa isa’t isa.”

“Hindi na pwede,” ang sabi ni Sam. “Hindi ako karapatdapat sayo. Mahal kita, at hindi mo lang alam kung paano mo ako napasaya nang sabihin mong mahal mo din ako. Pero huli na ang lahat para sa atin, Kyle. Huli na.”

“Bakit?”

“Ako ang may kasalanan,” ang sabi ni Sam. “Ibinigay ko ang lahat pati ang sarili ko para sa isang lalaking magbabago din pala ang isip sa huli.”

“Hindi ko naiintindihan.”

Buntis ako, Kyle!” ang sabi ni Sam. “Buntis ako at si Gino ang ama.”

Tila nabingi si Kyle sa kaniyang narinig, nanlabo ang kaniyang paningin at nanghina ang kaniyang mga tuhod. Bigla niyang nabitiwan ang kamay ni Sam at bigla na lamang siyang napatanga sa kaniyang kinatatayuan.

“Yun ang rason kung bakit kami aalis. Masiyado na akong nahihiya na hindi ko kayang sabihin sa lahat ng tao na disgrasyada ako at ang tanging gustong gawing ng ama ng dinadala ko ay ipalaglag ito. Kaya aalis nalang kami para makaiwas sa isang malaking gulo.”

Hindi na narinig ni Kyle ang mga sumunod na sinabi ni Sam. Bingi na siya sa mga sinabi ng dalaga. Pakiramdam niya’y nalaglag sa kaniya ang buong langit at kailangan niya iyong pasanin. Kung pwede ang na lumubog siya sa lupa sa bigat ng kaniyang nararamdaman.

He just stared at her as she walks away from him – as she walks away from his life forever.

Tumulo ang luha ni Kyle nang maalala ang huling beses na kaniyang nakita at nakausap ang best friend niyang si Samantha. Kung alam lang niya ay hindi na sana niya noon pinakawalan si Samantha. He would have grab her back into his arms and never let go.

But alas, he didn’t. Samantha left leaving no trace.

But destiny intervened.

Bakit after six years and two months biglang nakilala ni Kyle si Charles na siyang nagbigay ng lead kung nasaan si Samantha? Bakit after another two years matapos niyang itapon ang tissue kung saan nakasulat ang address ni Samantha ay bigla niya itong matatagpuan? If these signs does not signify that he’ll have a happy ending after this ay hindi na niya alam kung ano pang ibang pwedeng maging ibig sabihin nito.

He believes in his heart that this must be it – this is how he’ll finally have his happy ending.

It was a long drive from La Union to Capaz, Tarlac. Hapon na nang makarating sila sa kanilang destinasyon, ngunit sobrang dilim na ng kalangitan. Nagbabadiya ang isang malakas na ulan. Ulan, ang sabi ni Kyle, lagi kaming magkasukob ni Samantha sa payong ko kapag umuulan.

“Nandito na tayo,” ang sabi ni Diane.

Ihininto ni Diane ang kaniyang kotse sa harap ng isang bahay, may dalawang palapag ito na gawa sa simento ang ibaba habang kahoy naman ang sa itaas. Bakas ang mga panahong nagdaan sa hitsura ng bahay na ito – luma, inaanay, at mukhang marami nang bagyong pinagdaanan. May mga paso ng halaman na nakapaligid sa harap ng bahay, ngunit lahat ay pawang naipong tubig ulan, lupa at patay na halaman lamang ang karga. Napangiti si Kyle. Panigurado si Tita Percy ang nag-alaga sa mga iyan, ang sabi ni Kyle sa kaniyang sarili. Wala pang inaalagaan iyong halaman na umabot ng isang buwan ang buhay. Kahit cactus mamamatay sa kaniya eh.

Pinatay ni Diane ang engine ng kotse. Everything went still, everything fell mute and Kyle’s heart remained broken in two. Walang ibang nararamdaman si Kyle nang mga sandaling iyon kundi ang magkahalong kaba at pagkasabik na makitang muli si Samantha.

Zap!

Zing!

Blagadam!

Tila nagagalit ang langit. Lumiwanag ang kalangitan at gumuhit ang kidlat sa mga nag-iitimang ulap. Isang malakas na ulan ang nagbabadiyang bumagsak at paliguan ang nauuhaw na lupa.

Nakatitig lamang si Kyle sa nakasarang pintuan ng lumang bahay na nakatayo sa address na ibinigay sa kaniya ni Charles. Walang ibang ingay na naririnig si Kyle hanggang sa may tumatakbong bata na naka-unipormeng puting polo at asul na shorts ang biglang pumasok sa lumang bahay. May katabaan ang bata, maputi ngunit maliksi. Nagulat sina Diane at Kyle nang makita ang hitsura ng bata.

“He looks just like Gino,” ang sabi ni Diane. “God bless the Zaragoza gene. OMG!”

Ngunit ang pumukaw ng pansin ni Kyle ay ang pamilyar na boses na nangagaling mula sa malayo. Agad siyang lumingon upang hanapin ang mukha ng taong pinaggagalingan ng boses na ito. Ang puso niya’y natunaw, ang walong taon ng sakit at lumbay ay napawi. Hindi siya pwedeng magkamali – ang dating maputing kutis ay maaaring bahagyang umitim na, ang buhok niya’y umikli, ang mukhang dating kay amo ay nababakasan na ng taon higit pa sa wasto niyang edad, ngunti hindi pwedeng magkamali si Kyle.

Si Samantha Lazaro.

“Anak, sabi ko sa’yo huwag kang takbo ng takbo eh,” ang sabi ni Samantha sa batang pumasok sa bahay. “Baka asthmahin ka na naman niyan.”

“Uulan na kasi Mommy!” ang pagrarason ng bata.

“Pumasok ka na sa loob, magbihis ka na agad at punasan mo ang pawis mo anak ha?” pahabol ng hinihingal na si Samantha sa kaniyang anak.

Bagopumasok ng bahay ay dumaan muna si Samantha sa tindahan malapit sa kanilang bahay. Nag-abot ito ng isang daan sa tindera na pinalitan naman ito ng dalawang lata ng corned beef at barya. Nagpasalamat si Samantha sa tindera at nang aktong tatawid na sana ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

“Ay kabayo!” ang sabi ni Samantha dahil sa gulat. “Ano ba iyan!” Binuksan ni Samantha ang dala niyang dilaw na payong na mayroong logo ng isang supermarket sa kanilang lugar. Ngunit nang mabuksan niya ito’y napukaw ang kaniyang mga mata sa isang lalaking nakatayo sa labas ng kanilang bahay.

Natigilan si Samantha. Pamilyar ang mukha ng lalaki – mas maikli ang buhok kumpara nang huli niya itong makita, malaki parin ang katawan, kagalang galang ang hitsura niya sa asul na long sleeved polo malayo sa school boy nitong hitsura noong high school, kayumangi ang balat nito’t may kaunting bigote. Ngumiti si Samantha, at nagsimulang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata.

Basang basa si Kyle Benedicto sa ilalim ng galit na galit na kalangitan. Ngumiti siya, itinaas ang kamay at kumaway kay Samantha.

Lumusong sa rumaragasang tubig sa kalsada si Samantha habang nakasukob sa kaniyang payong na dilaw at lumapit sa kaniyang matalik na kaibigan. “Hi,” was all she can muster at that moment.

“May dala ka na ngayong payon,” ang sabi ni Kyle. “Dati rati magkasukob tayo parati sa payong ko kapag umuulan.”

Natawa si Samantha at hindi napigilan ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata na agad naman niyang pinunasan gamit ang kaniyang kamay. “Ganoon talaga. Nanay na ako ngayon, dapat lagi akong may dalang payong para sa anak ko.”

“Siya ba ang anak niyo ni Gino?” tanong ni Kyle.

Tumango si Samantha. “Siya ang buhay ko.”

“Mukhang mana siya kay Tita Percy,” pabirong hirit ni Kyle. “Bawasan mo ang kanin.”

Tumawa si Samantha sa tugon ng kaniyang matalik na kaibigan. “Sinusubukan kong gawin iyan kaso grabeng umiyak ang batang iyan kapag hindi mo bibigyan ng karagdagang kanin.”

“Nakita na ba siya ni Gino?” tanong ni Kyle.

Umiling si Samantha. “Ang alam niya ay pinalaglag ko ang anak namin tulad ng gusto niya. Siya nga pala, anong sadiya mo dito?”

“Ikaw ang sinadya ko,” ang sabi ni Kyle. “Gusto kitang makita.”

Hinawakan ni Samantha ang kamay ni Kyle ng mahigpit. It just like magic, nawala ang walong taon na pagkakahiwalay. Suddenly they’re back sa tabi ng lawa sa school, hindi umuulan at nasa silong sila ng puno kung saan nakaukit ang kanilang pangalan. They’re 16 years old once again.

“Not a day has gone by that I wasn’t thinking of you,” ang sabi ni Kyle.

“Ganoon din ako,” pag-amin ng dalaga. “Ang dami kong pinagsisisihan sa buhay ko, at isa na doon ay ang mapalampas kita. You’re my greatest what if, my one that could have been.”

Hindi napigilan ni Kyle ang kaniyang sarili. Agad niyang niyapos sa kaniyang mga bisig si Samantha. Niyakap niya ito ng mahigpit na tila ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay nawala, ang mga sugat ay naghilom at ang mga mali ay sa wakas naitama na.

“Then let’s set things right,” ang sabi ni Kyle. “We can start over again. Siguro ngayon pwede na. Siguro ngayon mapagbibigyan na tayo ng tadhana. Magsimula tayong muli na magkasama.”

Dahan dahang kumawala si Samantha sa mga yakap ni Kyle. Tinitigan niya ito sa mga mata at sinabing “Gustuhin ko man ay hindi na pwede.”

“Bakit?”

“May asawa na ako,” ang sagot ni Samantha.

Zap!

Zing!

Blagadam!

Parang tinamaan ng kidlat si Kyle sa narinig na pag-amin ni Samantha. Tinamaan ang kidlat ang kaniyang puso na kabubuo lamang at ngayo’y nawasak muli – nasunog, naging abo. Hindi nakapagsalita si Kyle, hindi alam kung paano magre-react.

Was she worth the heartbreak?

“Tinanggap niya ako at ang anak ko,” ang sabi ni Samantha. “At nagpapasalamat ako dahil mahal niya kaming mag-ina at mahal na mahal niya ang anak ko na parang anak din niya ito.”

“K-kailan ka pa kinasal?” tanong ni Kyle.

“Two months ago,” ang sabi ni Samantha. “I’m sorry Kyle. I’m sorry kasi hindi na darating ang tamang panahon para sa ating dalawa.”

Nanghina si Kyle sa kaniyang mga narinig.

If only I had the courage to come to you two years ago, ang bulong ng kaniyang isipan. Kung hindi lang ako nagpakatanga at nagpakagago ay sana... sana ay...

“Mahal ko siya Kyle,” ang sabi ni Samantha.

“Mahal kita,” ang tanging sinagot ni Kyle.

“At mahal parin kita,” ang sabi ni Samantha. “Pero matagal na kitang pinakawalan, at sana’y pakawalan mo na din ako. Magsimula kang muli at kalimutan mo na ako.”

“I d-don’t understand,” ang sabi ni Kyle. “This should be it, this should be it!”

“Ang ano?”

“This should have been our happy ending!”

“Kyle!” sigaw ni Samantha. “Stop it! Siguro nga hindi ito iyong katapusan na gusto mo, pero nandito na tayo eh – wala na. Some stories aren’t meant to end in a happily ever after kind of way, some stories end tragic. Ours ended that way. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ka na pwedeng maging masaya. Be happy with your life without me.”

“But you’re my life.”

“Not anymore,” ang sabi ni Samantha. “This is goodbye, Kyle. I’ll always love you.”

Inilapat ni Samantha ang kaniyang palad sa pisngi ni Kyle, tinitigan ng mabuti ang mukha nito na tila minememorya ang bawat detalye nito. Saka tumalikod at pumasok na sa loob ng kanilang bahay.

Naiwan si Kyle sa ilalim ng ulan, his eyes are drenched with both tears and rain.

***

Pasado alas onse na nang gabi nang makabalik sina Kyle at Diane sa La Union. Both are physically and emotionally drained. Ipinarada ni Diane ang kaniyang sasakyan sa harap ng bahay nina Kyle, patay na ang mga ilaw at tulog na ang mga magulang ni Kyle.

“Thanks for today,” ang sabi ni Kyle.

“I’m sorry it didn’t end well with her,” ang sabi ni Diane. “But I hope mag-mo-move on ka na ngayon.”

“Alam mo ba, bago tayo umalis kaninang umaga alam ko nang ganito ang mangyayari,” ang sabi ni Kyle. “Ilang beses na kasing napresent sa akin ang opportunity na magkita kami pero lagi kong pinapalampas. Tama nga sila, kung hindi ka handa sa bukas na darating, baka ang bukas naman ang maging hindi handa para sa’yo. If only I grabbed that chance two years ago baka kami na ang nagkatuluyan ngayon.”

Huminga ng malalim si Diane. “Siguro nga. Pero siguro kung kayo talaga ang laan sa isa’t isa ay dapat matagal na kayong pinagtagpo ng tadhana diba?”

“Doon ba nakasalalay ang lahat? Sa tadhana?” tanong ni Kyle. “Hindi ba’t kung mahal mo, dapat ipinaglalaban mo? Hindi ba’t kung mahal mo, dapat ay hinahatak mo siya pabalik sa’yo? Pero bakit lagi ko siyang pinapalampas sa mga paladko?”

“What are you trying to say?”

“I failed her,” ang sabi ni Kyle. “I love her more than anything, but I don’t love her enough to grab the opportunity to be with her. Masiyado akong takot masaktan, hindi ko alam mas sinasaktan ko pala ang sarili ko sa mga ginawa ko.”

“Maybe one day you’ll find someone you’ll cross oceans for in an instant,” ang sabi ni Daine. “Oh siya, ang drama na natin. Gabi na. Magpahinga ka na’t uuwi na din ako. Sunday bukas, wala naman akong trabaho ng Sunday baka gusto mong magliwaliw muna tayo bukas bago tayo bumalik sa mga trabaho natin. Isa pa ang tagal na din nating hindi nagkita no.”

“Sure,” ang sabi ni Kyle. “Hanggang Tuesday pa naman iyong leave ko sa work eh.”

“Oh sige, bukas nalang ulit. Sleep well tonight at hindi ka pa nakabawi mula sa hangover mo kagabi.”

“I can’t sleep yet.”

“Bakit naman? Iinom ka na naman?”

“No!” ang agad na sagot ni Kyle. “May kailangan lang akong bayarang utang.”

“Ha? Anong utang? Kanino?”

“I owe ten people a happy ending,” ang sagot ni Kyle. Binigyan niya ng nakakalokong tingin si Diane bago buksan ang pinutan ng kotse at lumabas.

Agad na pumasok si Kyle sa kaniyang kwarto at nagbihis. Kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan ang files niya. He clicked a document icon and started to write five happy endings.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020