Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Happily NEVER After Mga Kwentong Walang Forever

Image Description MrWordsmith1995   |   08 November 2019


Five stories that are interconnected of the premise of Nahulog sa tingin, umibig mula sa tanaw, at nagmamahal sa mga alaala and a writer who struggles from his past

Ang sabi ng matatanda, the best ay daw to a man’s heart is through his stomach. Iyon ang sabi ng Lola ni Jennilyn sa kaniya simula pagkabata hanggang sa pagdadalaga. Sinunod niya ang payo ng kaniyang pinakamamahal na Lola Rosa kaya’t nang makita ang kaniyang crush sa school ay agad niya itong sinikmuraan. Ayun! Straight through his stomach! Kaso pinatawag din siya at kaniyang mga magulang straight to the Principal’s Office. Grade 2 palang siya noon.

Mukhang nagkatrauma sa kaniya ang crush niyang iyon kaya’t maging ngayong kolehiyo na sila’y panay ang iwas nito sa kaniya. Hindi na din ipinilit pa ni Jennilyn na kausapin pa ang kaniyang crush dahil na din sa hiyang hanggang ngayon ay kaniyang dinadala, at dahil na din hindi nawala ang nararamdaman niya para dito.

Ang puppy love, nauwi sa true love.

Masarap ang mainlove, lalo na kapag bata ka. Nariyan ang kilig, nariyan ang masasarap na sandali at walang nagbabadiyang sumira ng mga sandaling iyon. Nariyan ang kilig at walang heartbreak na biglang sisingit. Pain is the price we have to pay when we fall in love, pero kapag bata ka wala kang dapat bayaran. Masarap magmahal kapag bata ka, dahil walang magsasabi sa’yo na walang forever, lalo na’t bata palang tayo doon na natin nabubuo ang konsepto na sa bawat kwento mayroong happy ending – that once upon a time, there was a girl who met a prince who swept her off her feet, and before long they lived happily ever after.

Pero hindi ganoon sa totoong buhay. Hindi ganoon kapag tumanda ka. Kapag malaki ka na, alam mong imposible ang happily ever after. Ang happy ending patikim lang yan! Kapag masaya ka ngayon bukas babawiin din yan. Bukas iiyak ka ulit. Ang kasiyahan, may pangako yan. Pangakong may susunod na sakit. Pero ang sakit, walang ipinapangakong bukas ay sasaya kang muli.

Pero kapag bata ka, laging may kilig. Lahat parang magic. Hindi ba’t ganoon naman ang pag-ibig – isang magic? Kaya naman baliw na baliw tayo sa pag-ibig dahil iyon na lamang ang tanging bagay sa mundo nating puno ng paiit na nalalapit sa magic. Love is the closest thing we have to magic.

Naging mailap si Jennilyn sa pag-ibig, may mga nanligaw ngunit sadiyang walang makasungkit ng kaniyang puso. Paano ba naman ito masusungkit kung hawak na ito ng iba? Ngunit ang tanong, alam ba niya? Alam ba ng binatang iyon na hawak niya ang puso ni Jennilyn?

Ang sagot – siyempre! Siyempre hindi!

Oo nga pala, ang pangalan ng binatang kaniyang tinangkang paibigin sa pamamagitan ng kaniyang kamao ay Jaybee. Tahimik si Jaybee, kwela kapag kasama ang mga kaibigan ngunit seryoso kapag makikita mo lang sa daan. Hindi naman kagwapuhan, hindi naman katangkaran, hindi din kaputian ngunit malakas ang dating, kaya naman ang mga mata ni Jennilyn kung makadikit kay Jaybee akala mo linta at mahihiya sa kaniya si Daniel Padilla.

Ganoon talaga siguro kapag bata ka palang may iisang ideya ka na kung ano ang pag-ibig. Iyon bang kapag nagmahal ka, sa iisang tao lang. Iyon bang ang puppy love mo ay naging true love mo. Kapag nahulog ka sa isang tao, hinding hindi mo na maaalis sa sistema mo ang nararamdaman mo. Mamahalin mo siya hanggang sa huli, kahit may iba ka nang mahal mayroon paring silang puwang sa puso mo. Ganoon talaga siguro kapag totoong nagmamahal. Marahil sa mga taong sawi, may forever nga – forever na magmamahal, forever ding aasa at forever ding masasaktan.

Si Jennilyn ay nagmamahal ng totoo. Nagmamahal mula sa tanaw. Nagmamahal mula sa malayo. Hanggang tingin na lang.

Kung may beauty contest siguro sa pinakamalas na babae sa balat ng lupa, si Jennilyn na ang maswerteng mag-uuwi ng korona. Ang magmahal mula sa tanaw na yata ang pinakamasakit na paraan ng pagmamahal. Ang magmahal na may katiyakan – tiyak kang masasawi sa huli. Ngunit gayon pa ma’y nagmamahal ka parin. Pero bakit? Bakit hindi sapat na malaman mong siguradong masasawi ka at magmamahal ka parin na tila kailangan talagang idarang mo ang sarili mo sa apoy upang ikaw mismo ang masawi? Ang tao bang umiibig ay sadiyang tanga o nagtatanga tangahan lamang?

Pauwi na si Jennilyn nang hapong iyon. Galing siya sa library kung saan kaniyang isinauli ang mga librong kaniyang hiniram upang makapag-review para sa midterms sa kaniyang huling taon sa kolehiyo. Pharmacy ang kinuhang kurso ni Jennilyn, tuwing weekdays ay 7:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang kaniyang klase, at tuwing weekends naman ay mayroon siyang 7am hanggang 7pm na review para sa board exam pagsapit ng Hunyo.

“Hoy Jennilyn!” tawag ng isang babaeng may matinis na boses ang kaniyang narinig. Agad lumingon si Jennilyn at nakitang ang pinsan pala niyang si Roma iyon na noo’y graduating pa lamang din sa kaniyang kursong Nursing. “Uuwi ka na ba? Halika na sabay na tayong umuwi. Nagugutom na ako hindi kasi kami nakapagbreak kanina ang daming case analysis at case presentation na dapat tapusin.”

“Halika na sabay na tayo,” ang sabi ni Jennilyn sa kaniyang pinsan.

“Ay oo nga pala, nakita ko si Jaybee kanina,” bulalas ni Roma.

Agad na namula na parang isang kamatis si Jennilyn nang marinig ang pangalan ng binatang kaniyang napupusuan. “Oh tapos?” pinipilit itago ni Jennilyn ang pamumula ng kaniyang mukha.

“Wala, I thought you’d like to know,” ang sabi ni Roma. “Alam ko namang malakas ang amats mo do’n sa pinsan kong iyon eh.”

Pinsan ni Roma si Jennilyn sa mother side, habang pinsan naman niya si Jaybee sa father side. Kaya parang ramdam ni Roma na tadhana niyang gawan ng paraan upang magkatuluyan ang dalawa.

“Ikaw talaga inaasar mo na naman ako, gustong gusto mo ng ganiyan eh? Bakit ba hindi ka nalang kina Charlene at Cindy sumabay pauwi kung aasarin mo lang naman ako?”

“Eh siyempre alam mo naman ang nangyari kay Charlene diba? Siyempre magpapahinga pa iyon sa bahay nila at kahit naman makarecover siya sawi ang peg ng ate mo kaya hindi iyon gaanong maglalalabas, si Cindy may date kasama ng boyfriend niya.”

“Eh bakit kasi ikaw hindi ka nalang din magboyfriend?”

“Naku, saka na ‘yan kapag may manliligaw na sa akin na kaya akong pakainin ng higit sa limang beses sa isang araw. Uunahin ko na ang ilalagay ko sa sikmura ko kesa maghanap ng lalaking ipupukpok ko sa ulo ko. Saka di ko pa kasi nararamdaman iyon eh.”

“Ang alin?” tanong ni Jennilyn.

“Iyong kuryente na mararamdaman mo kapag nakita mo na siya – iyong The One, iyong aking tatawaging Baby Boy ko.”

“Tigil tigilan mo nga ako sa mga ganiyan, puro kasi teleserye at chick flix mga pinapanood mo sa gabi. Gumising ka sa katotohanan! Hindi mangyayari ang happy ending sa mundong ito, dapat ikaw mismo ang kumilos para doon.”

“Aba ang lakas mo din makapangaral tungkol sa mga iyan eh sa pagkakaalala ko ikaw itong in love na in love sa isang lalaki simula grade two. At ang unang act mo pa ng pagtatapat ng nararamdaman mo eh sinikmuraan mo siya.”

“Bakit mo inililipat sa akin ang topic?”

“At bakit hindi?”

Patuloy na nagbangayan ang magpinsan hinggil sa kanilang sawing love life hanggang sa makalabas sila ng campus, nagpatuloy ito hanggang sa makasakay sila ng jeep at hindi tumigil kahit na pinagtitinginan na sila ng mga nakasakay dito at pati na din ang driver ay sumusubaybay na din sa debate kung sino nga ba ang mas sawi sa pag-ibig.

Akala mo’y titigil sila sa bangayan pagbaba ng jeep, ngunit hindi kahit na natapilok na si Roma ng dalawang beses at nakaapak ng tae ng aso si Jennilyn. Natigil lamang sila nang sa wakas ay makauwi sila sa kani-kaniyang bahay. Magkapatid ang mga ina nina Jennilyn at nagpatayo ng magkatabing bahay kaya’t malapit sa isa’t isa ang dalawang magpinsan.

Pagkauwi ay nagmano si Jennilyn sa kaniyang mga magulang at nagkrus sa harap ng larawan ng kaniyang Lola na 109 years old nang pumanaw at nailibing last month. Biglaan ang pagkamatay ng kaniyang Lola, kung makagalaw ay akala mo’y nasa 60s pa siya, at kung makapanamit ay akala mo’y nasa 20s kahit na ang balat niya’y mas kulubot pa sa dehydrated na ampalaya. Mahaba ang buhay ng kaniyang Lola, ang kaniyang sikreto? Proper diet at ehersisyo, at nariyan na din ang mga tsismis na may lahing mangkukulam ang kanilang Lola.

Not such a rumor, ang sagot ni Jennilyn sa mga tsismis na ito ngunit siyempre ay sa isip lamang niya iyon isinasagot. Minsan isang gabi kasi ay naalimpungatan siya dahil siya’y nagugutom. Bumangon siya sa kaniyang kama at nakita ang kaniyang Lola sa labas ng bahay na nagdadasal sa harap ng mga puno ng saging na nakatanim sa kanilang likod bahay. Nahalungkat na din niya ang mga manyika at ibang gamit ng kaniyang Lola sa pangungulam.

Hinayaan na lamang iyon ni Jennilyn dahil wala namang ginagawa ang kaniyang Lola. Maliban na lamang siguro nang minsang nakasagutan niya ang isa nilang kapit bahay at sa inis ng kaniyang Lola ay kinulam niya ito. Tinubuan ng maraming tigidig ang kapitbahay nila, at ang dating mala porselana nitong balat ay parang laging nagsi-celebrate na ng bagong taon dahil ngayon ay may pattern na itong polkadots.

Kaya naman nang mamatay ang kaniyang Lola ay nagtitsismisan na namana ng mga matatanda sa labas at pinagbubulungan kung kanino ipinasa ng matanda ang kapangyarihan nitong itim. Definitely not me, ang sabi ni Jennilyn.

Meanwhile, sa kabilang dulo ng bayan...

“Nakauwi na ako,” ang bati ni Jaybee nang siya ay makauwi sa kanilang bahay. Agad siyang sinalubong ng kaniyang ina na noo’y nagwawalis ng dumi palabas ng bahay, habang ang kaniyang ama naman ay inaayos ang sira nilang bintilador.

“Nakauwi ka na pala,” ang sabi ng kaniyang ama. “Kumusta ang araw mo, anak?”

“Ayos naman mo, Pa,” ang sabi ni Jaybee. “Meydo pagod lang ako kaya magpapahinga na po ako.”

“Siya nga pala anak, tinatanong ng Tita Belen mo kung gusto mo daw pintahan ng murals iyong mga pader nila sa School. Siya kasia ng PTA president ngayon diyan sa elementary school sa malapit at inirerekomenda niyang ikaw ang magpinta sa mga pader doon. Sayang din naman daw iyong kikitain mo’t pwede mong ipunin o ipambili ng ibang gamit na gusto mo,” ang sabi ng nanay

“Sige po, kausapin ko nalang si Tita Belen,” ang sagot ni Jaybee.

“Ikaw talaga mahal, busy na nga ang anak mo sa pag-aaral dadagdagan mo pa ang mga gawin niya,” ang sabi ng tatay. “Paano magkaka-girlfriend iyang anak mo eh laging busy?”

“Hindi naman priority ang pagkaka-girlfriend, hon,” ang sabi ng nanay ni Jaybee.

“Oo nga pero ang iniisip ko lang naman ay ang personal na buhay ni Jaybee. Eh bakit ba hindi ka pa mag-girlfriend anak?”

Hindi nakasagot si Jaybee sa tanong ng kaniyang ama. Nagkibit balikat na lamang ang binata at pumasok sa kaniyang kwarto.

Agad na nagbihis si Jaybee at nahiga sa kaniyang kama. Bakit di pa ako nagkakagirlfriend?

Napangiti si Jaybee nang kaniyang sagutin sa kaniyang isipan ang tanong ng kaniyang ama.

May napupusuan naman si Jaybee, matagal na. Kaso hindi naman siya pinapansin kaya’t hindi nalang niya ito binibigyan ng pansin. But the more you ignore a feeling the more it grows. Love thrives in the heart of a person who longs for affection, and Jaybee’s heart longed for the affection of one person for a long time now.

Pero hindi naman isang “No Girlfriend Since Birth” na binata itong si Jaybee. Nagkaroon siya ng isang girlfriend – si Shirly. Tumagal sila ng dalawang taon at nagbreak sila two months ago. Hindi tanggap ni Shirly ang break up nila kaya’t nagpakalat ito ng kung anu-anong tsismis tungkol sa kaniya. May mga naniwala, may mga hindi – pero walang pakialam si Jaybee. Break na sila, at kung magpapaka-ampalaya lang si Shirly ay problema na niya iyon.

Hanggang ngayon ay nagpapakita parin ng motibo si Shirly na nais nitong makipagbalikan kay Jaybee ngunit ayaw na ng binata.

“Kung hindi ka mapapasa-akin ay hindi ka mapupunta kahit kanino,” ang banta ni Shirly kay Jaybee.

Good luck naman daw sa banta niyang iyon, ang bulong ni Jaybee sa kaniyang sarili.

Tulad ng madalas gawin ni Jaybee sa hapon pagkagaling sa klase ay isinusulat niya ang lahat sa kaniyang diary ang mga nararamdaman – tula, kanta, gumuguhit ng mga larawan, basta ma-express lang niya ang mga emosyon na naipon nang araw na iyon.

Isinisilid niya ang mga kaniyang mga nararamdaman sa isang pirasong papel upang gumaan ang kaniyang kalooban at isipan, nang sa gayon ay maari niya itong balikan kapag handa na siyang harapin ang mga ito. Isa isa lang an dapat labanan, hindi pwedeng sabay-sabay. Sa ganitong paraan mas marami kang mapapanalunang laban.

Bumalik tayo sa kabilang dako ng bayan ng San Carlos, sa tahimik na tahanan nina Jennilyn na biglang binulabog ng kaniyang pinsang si Roma.

“JENNY!” ang bungad nito nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ng pinsang si Jennilyn.

“Ay grabe nagulat naman ako sa’yo! Usong kumatok alam mo iyon?”

“Nag-aaral ka ba?”

“Oo, bakit? Istorbo ka naman eh.”

“Sorry na po!” ang sabi ni Roma. “May ibibigay lang ako sa’yo!”

“Ano naman?”

“Sagot sa lahat ng pantasya mo sa buhay!”

“Isang milyon? Visa around the world? Bahay at lupa? Wait, ikakasal ako sa anak ni Bill Gates?” excited marinig ni Jennilyn ang sasabihin ng pinsang si Roma.

“Better!”

“SI ALDEN RICHARDS NANDIYAN???”

“Gaga, hindi no.”

“Eh ano?”

Inilbas ni Roma mula sa kaniyang bulsa ang isang maliit na bote na may lamang medyo brown na likido. “Tada!”

“Ano iyan?”

“Gayuma!”

Nagulat si Jennilyn sa sinabi ni Roma. “Sa’yo ba ipinasa ni Lola ang kapangyarihan niya kaya siya namatay?”

“Baliw ka talaga, siyempre hindi. Sa ganda kong ito gugustuhin kong maging mangkukulam?”

“Eh bakit may ganiyan ka?”

“Nakita ko sa mga gamit ni Lola, oo nga Jenny grabe mangkukulam nga ata si Lola. Ang daming voodoo dolls saka kung anu-anong gamit ang nakita namin sa bahay niya noong naglilinis kami nina Mama doon kanina. Ibabaon nalang daw natin sa lupa sabi nina Mama baka daw malasin tayo kapag sinunog natin or sirain.”

“Sigurado kang hindi sa’yo pinasa ni Lola ang kapangyarihan niya?”

“Kung ginawa niya iyon halfway to New York na ako ngayon sakay ng walis tingting,” ang sabi ni Roma sabay pektos sa bumbunan ng kaniyang pinsan. “Pero bago mailagay sa malaking baul nina Mama iyong mga gamit ni Lola, nakita ko ito. May label yan kanina na “Gayuma” kaya alam kong gayuma iyan.”

“Paano naman naging sagot iyan sa mga pantasya ko? Di ko naman pwedeng ipainom yan kay Alden Richards o kay Daniel Padilla o kay James Reid man lang.”

“Hindi nga,” ang sagot naman ni Roma. “Pero kay Jaybee, pwede.”

Nagpanting sa tenga ni Jennilyn ang sinabi ni Roma. “Anong sabi mo?”

Kinuha ni Roma ang kamay ni Jennilyn at pinahawak sa kaniya ang bote ng gayuma at isinara ang palad nito. “Nasayo na ang sagot sa lahat ng gusto mo, ang gagawin mo lang ay ilagay iyan sa kakainin o iinumin ni Jaybee at mapapasayo na ang lalaking pinagnanasahan mo.”

Tinignan ni Jennilyn ang bote sa kaniyang kamay. Sagot sa lahat ng nais ko, ang sabi niya sa kaniyang sarili. Ang kailangan ko lang ay ilagay sa kakainin o iinumin niya.

“Huwag mo nang palampasin pa ito,” ang sabi ni Roma. “Grab the opportunity. Oo nga pala, malapit na iyang mag-expire. May expiration date ding nakasulat sa lable niyan kanina kaya gamitin mo na as soon as possible.”

Napasinghap si Jennilyn nang magsink in na sa kaniya ang mga nangyayari. “Magkaka-boyfriend na ako.”

“OO!”

Napasinghap siyang muli. “MAY FOREVER NA!”

“NAMAN!”

“Magkaka-happy ending na ang story ko!”

“You will live happily ever after!” sulsol ni Roma.

***

Ala singko ng umaga, araw ng Sabado noon at bumangon ng maaga si Jennilyn upang mag-jogging. Hindi niya ito madalas gawin, actually hindi niya ito talaga ginagawa. Ngunit bumangon siya ng umagang iyon upang makasabay magjogging si Jaybee. Tulad ng sabi ng pinsan niyang si Roma, nagja-jogging nga si Jaybee sa bayan tuwing weekends.

Ito na ang araw na isasagawa niya ang kaniyang maitim na plano – OPLAN: GAYUMAHIN SI MR. RIGHT.

Hindi naman nabigo si Jennilyn nang umagang iyon, agad niyang nakita si Jaybee na nagja-jogging palapit sa kaniya – nakasuot ng puting t-shirt at asul na jersey shorts at puting running shoes habang may nakasampay na towel sa balikat nito.

Bumilis ang kabog ng dibdib ni Jennilyn – namula na parang itlog maalat ang kaniyang mukha, nag-init ang kaniyang mga braso, leeg at pisngi nang masilayan ang mukha ng binata na akala mo’y bigla na lamang siyang sinilaban sa gitna ng plaza. Alas sinco pa lamang ng umaga, madami pa ang tulog ngunit buhay na buhay na ang katawang lupa ni Jennilyn.

“Hi Jaybee,” ang nais sanang sabihin ni Jennilyn. Ngunit hindi siya nakapagsalita hanggang sa malampasan siya ng binata na binati na lamang siya ng isang matamis ng ngiti. Hay naku Jennilyn ano ba?

Sinundan ni Jennilyn si Jaybee na parang isang paparazzi. Hindi naman siya pinansin ng binata, ngunit tila bumilis ang takbo nito na hindi naglaon ay parang tinatakasan na niya si Jennilyn. Aba pakipot pa itong taong ito, maghintay ka’t mamaya mapapasaakin ka!

Ngunit sadya talaga yatang mailap ang tadhana kay Jennilyn, lalo na ngayong may maitim siyang balak sa binata. Biglang nawala si Jaybee at hindi na niya ito nakita. Minsan talaga sa buhay, one missed opportunity can ruin everything. Isang hi lang sana ni Jennilyn kanina ay baka nagbago ang takbo ng mga pangyayari – umalis siya ng bahay ng sawi sa pag-ibig, baka uuwi sana siya ngayon na wagi. Pero wala, mukhang olats talaga siya sa pag-ibig.

Pero diba nga, never say die sa pag-ibig. Isa pa, wala pa namang ala sais ng umaga. Masiyado pang mahaba ang araw, masiyado pang maaga para sumuko si Jennilyn kaya’t nagpatuloy lamang siya sa paghahanap kay Jaybee sa bayan. Naging mapanuri, mapagmatiyag at mapangahas si Jennilyn makita lamang si Jaybee.

The things we do for love, the things we do for ourselves – iba talaga kapag ang lakas ng tama mo sa isang tao. Lahat gagawin mo mahanap mo lang ang pag-ibig na tingin mo ay nararapat para sa’yo – ang pag-ibig na tingin mo deserve mo.

But often times these expectations that we have turns to be the biggest disappointment of our lives, or the biggest mistake and the biggest regret. Sometimes what we want isn’t what we really need, and it’s too late when we finally realize it’s not what we really wanted in the first place.

Jackpot! Nakita din sa wakas ni Jennilyn si Jaybee sa isang kanto kung saan nag-i-stretching ito. Pasimpleng tumakbo palapit si Jennilyn sa kaniya, nagpunas kunwari ng pawis sa kanyang leeg at noo at lumapit sa binata. Inipon niya lahat ng lakas ng loob at kapal ng mukha at kinausap ng binata.

“Good morning,” ang bati nito kay Jaybee. “Perfect day para mag-jogging no?”

Ngumiti si Jaybee sa kaniya at sumagot ng “Oo, magandang mag-jogging ngayon.”

“G-grabe ang pawis m-mo,” nauutal na tugon ni Jennilyn. Inabot niya ang hawak na bote ng tubig kay Jaybee. “U-uminom ka muna.”

“Ah, eh thanks,” ang sabi ni Jaybee. Nag-alangan muna, ngunit sa huli ay kinuha din niya ang bote ng tubig na inaabot ng dalaga. Hindi ba siya tinuruan ng magulang niyang huwag tumanggap ng kahit ano mula sa hindi niya ganoon kakilala? Technically ay magkakilala naman sila, ngunit hindi lang talaga sila nag-uusap. Ngumiti si Jaybee bago niya buksan ang bote at uminom ng tubig. Isa, dalawa at tatlong lagok, at sinundan pa ng pang apat at panglima bago niya ibalik kay Jennilyn ang bote.

Si Jennilyn naman ay titig na titig sa bawat paglagok ni Jaybee ng tubig, sinusundan ang pagtaas at pagbaba ng bukol sa lalamunan nito. Napapakagat labi si Jennilyn na akala mo’y kinikiliti ang bawat balahibo sa kaniyang katawan.

“Salamat,” ang sabi ni Jaybee.

“Kumusta ka na pala?” tanong ni Jennilyn. “Hindi ka pumupunta kapag may reunion iyong batch natin noong elementary.”

“Medyo busy lang sa school,” paliwanag ni Jaybee. “Graduating eh, diba ikaw din graduating na din?”

“Oo sa awa ng Diyos makakapagtapos na din ako sa wakas.”

“Wala ka naman na sigurong binubugbog sa school no?” pabirong hirit ni Jaybee kay Jennilyn.

Nais pabukain ni Jennilyn ang lupa at doon magtago sa oras na iyon. Halos matunaw siya sa hiya sa bungad ni Jaybee at hindi na niya alam kung paano sasagot dito.

“Hahaha,” pilit na tawa lamang ang nakaya niyang masambit.“Naaalala mo pa pala iyon. Nakakahiya hala sorry.”

“Ano ka ba, bata pa tayo noon. Wala na iyon. Nakakatawa nga kapag naaalala ko eh.”

Namula muli ang mukha ni Jennilyn, napangiti siya sa sinabi ni Jaybee. At least simula ngayon ay hindi na niya kailangang mahiya kay Jaybee dahil sa kaniya na mismo galing na wala na sa kaniya ang nakakahiya nilang nakaraan.

“Oo nga pala, pupunta ako sa dati nating school mamaya. Ako kasi ang magpipaint ng murals sa mga pader. Baka gusto mong sumama sa amin at tumulong? Babayaran naman tayo eh, kailangan din kasi namin ng extrang man power.”

“S-sure,” nauutal na sagot ni Jennilyn.

“Great! See you mamayang 9 am sa school,” ang sabi ni Jaybee bago siya tumakbo at magpatuloy sa pagja-jogging habang naiwan si Jennilyn na tulala – stunned.

Tinignan niya ang bote ng tubig na kaniyang ipinaimon kay Jaybee.

“Mukhang effective iyong bigay ni Roma.”

***

Katatapos ng klase ni Jennilyn at nagsilabasan na ang kaniyang mga kaklase sa classroom. Nahuli siya sa paglabas dahil inayos pa niya ang laman ng kaniyang bag habang hinihintay siya sa labas ng kaniyang mga kaibigang sina Monica at Migs.

Nang maisukbit ang bag sa kaniyang balikat ay agad niyang nakita ang isang pamilyar na mukha sa may pintuan – si Jaybee.

Natigilan si Jennilyn nang masilayan ang maamong mukha ng binata. Dahan dahan siyang lumapit dito, napakamahinhin at di makabagsag pinggan ang peg ng ating bidang dalaga sa mga oras na iyon. “H-hi,” ang nauutal na bati nito kay Jaybee.

“Kumain ka na ng lunch?” tanong ni Jaybee.

“Kakain pa lang,” ang sabot ni Jennilyn.

“Halika na, sabay na tayo,” ang sabi ni Jaybee sabay abot sa kaniyang kamay.

Zap!

Zing!

Blagadam!

Tila tinamaan ng kidlat si Jennilyn nang iabot ni Jaybee ang kaniyang kamay. Naglaho ang lahat sa kanilang paligid, tila lumulutang sila sa kawalan – tila silang dalawa lamang ang nag-e-exist sa mundong ito. It took her a second to get a grip at sa wakas ay abutin ang kamay ni Jaybee.

Malambot at mainit ang palad ni Jaybee, at tila may kuryenteng dumadaloy mula dito na kinikiliti ang kaniyang kamay pati na rin ang buo niyang katawan.

Parang nanalo si Jennilyn sa lotto, salamat sa lahat ng santong duminig sa kaniyang dasal at pati na din sa gayuma ni Roma.

Naging mabilis ang mga araw. Hindi din inasahan ni Jennilyn na ganoon kabilis mangyayari ang lahat ng ito. Naging madalas ang pagkikita nila ni Jaybee, kahit kapag weekends ay lagi silang lumalabas na magkasama. Hanggang sa dumating na ang araw na matagal nang ipinagno-novena at rosaryo ni Jennilyn – ang ligawan siya officially ni Jaybee.

Laking tuwa ng magulang ni Jaybee dahil sa wakas ay may nililigawan nang muli ang kanilang kaisa-isang anak. Laking tuwa din ng mga magulang ni Jennilyn dahil akala nila’y pangarap ng kanilang anak na maging isang matandang dalaga.

Masaya na si Jennilyn, hindi na siya sawi sa pag-ibig. Blooming siya lagi. Pero hindi niya magawang sumaya ng todo dahil nariyan ang isang katotohanang pwede niyang itanggi ngunit hindi niya mababago: lahat ng ito ay nangyari dahil ginayuma niya si Jaybee.

“Hayaan mo na,” ang sabi ni Roma. “Magpakasaya ka nalang. Wala namang ibang makakaalam kung hindi natin sasabihin.”

“Nakokonsensya ako,” ang sabi ni Jennilyn. “Parang tinggalan ko siya ng free will.”

“Anong balak mong gawin? Hindi naman natin pwedeng sabihin na ginayuma mo siya.”

“Huwag ka ngang maingay, tandaan mo nasa CR tayo ng school baka may makarinig sa atin.”

“Teh, gabi na wala nang tao dito sa school. Kung hindi nga lang dahil sa club meeting eh kanina pa sana ako nakauwi. Eh ikaw bakit ka ba nagstay ng late dito sa school?”

“Hinihintay kong matapos iyong meeting nina Jaybee sa org nila. May date kami mamaya.”

“Pasalubong ha, para naman may makain ako habang nag-aaral mamaya sa bahay. Idaan mo nalang sa amin bago ka umuwi. Oo nga pala, three weeks kaming may community immersion so three weeks mo din akong di makikita. Bukas ang alis ko. Walang signal doon kaya hindi mo ako mako-contact through phone.”

“Sige, mag-iingat ka doon.”

“Sila ang mag-ingat sa akin, iba ata ang kamandag ni Roma Rose Dela Cruz.”

Hindi din nagtagal at natapos ang org meeting nina Jaybee. Nauna nang umuwi si Roma at dumiretso na din sina Jaybee at Jennilyn sa kanilang dinner date sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa university kung saan sila nag-aaral. May tumutugtog na banda o accoustic singer dito gabi-gabi. Nagsimula nang tumugtog ang babaeng accoustic singer nang dumating ang dalawa, kumakanta ito ng “Like I’m Gonna Lose You.”

Umorder na sila ng kanilang kakainin at nagsimula nang magkwento si Jaybee tungkol sa kaniyang araw habang nakikinig lamang sa kaniya si Jennilyn.

This is everything Jennilyn ever wanted, pero bakit hindi niya magawang maging masaya ng buo? Bakit parang laging hindi niya maibigay ng buo ang sarili niya? Pakiramdam niya ay nagti-take advantage siya sa tuwing magkasama sila ni Jaybee.

Bakit naman hindi niya mararamdaman iyon? After all, ginayuma lang naman niya si Jaybee.

“Hoy nakikinig ka ba?” natatawang tugon ni Jaybee. “Parang nawawala ka sa kawalan.”

“Sorry, medyo pagod lang siguro ako ngayong araw.”

“Hayaan mo’t ihahatid kita pauwi pagkatapos nating kumain,” ang sabi ni Jaybee. “Kailan mo ba ako sasagutin, Jenny?”

“Naiinip ka na ba?”

“Hindi naman,” ang sagot ni Jaybee. “I just love you so much, at alam kong mahal mo din ako kaya bakit hindi pa natin gawing official ang relasyon natin?”

Ngumiti si Jennilyn at hinawakan ang kamay ni Jaybee. “I love you,” ang sabi ni Jennilyn. “Sometimes, kapag nagmamahal ang isang tao may mga bagay na nagagawa siya dahil sa pagmamahal na iyon.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wala, hayaan mo na.”

“May bumabagabag ba sa’yo?”

“Wala naman.”

“Nandito lang ako para makinig sa’yo.”

Natigilan si Jennilyn at nakatitig lamang sa mga mata ni Jaybee. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng binata at ngumiti. “I’m not perfect,” ang sabi ni Jennilyn. “I’m not really one of the pretty girls you se in school, kumpara sa ibang tao hindi naman ako nag-i-stand out. Invisible ako sa ibang tao, kaya bakit ako ang napili mo? Tell me, why do you love someone like me?”

“Hindi ko din alam,” ang sagot ni Jaybee. “Basta ang alam ko mahal kita.”

“Bakit nga?”

“Hindi ko nga alam,” muling sagot ni Jaybee. “Ang alam ko lang may nararamdaman ako sa’yo – matagal na.”

“Anong sabi mo?”

“May gusto ako sa’yo matagal na.”

“Simula kailan?” Hindi makapaniwala sa kaniyang narinig si Jennilyn. Totoo ba ang narinig ko?

“Hindi ko alam, siguro simula noong bata pa tayo. Ang alam ko may feelings na ako sa’yo matagal na pero hindi ko sure kung kailan at paano nagsimula.”

Oh. My. God.

Gustong magtatatalon ni Jennilyn sa mga oras na iyon, pakiramdam niya ay may fire works sa kaniyang tiyan sa sobrang saya dahil sa naraning mula kay Jaybee. Kung matagal na palang may gusto sa kaniya si Jaybee, ibig sabihin ay may nararamdaman na ito sa kaniya bago pa niya ito gayumahin – so may gayuma man o wala ay hahantong parin sila sa moment na ito. Walang duda – may forever para kay Jennilyn.

***

Gabi na nang makauwi si Jennilyn. Ngunit sa halip na dumiretso siya pauwi ay kina Roma muna siya nagtungo. Doon ay kaniyang ibinigay ang pasalubong na pizza kay Roma at tuwang tuwa na ibinalita ang natuklasan ng gabing iyon.

“Roma! Mahal niya ako kahit walang gayuma!” tuwang tuwang balita nito sa kaniyang pinsan.

“Sabi ko sa’yo wala ka dapat ipag-alala eh,” ang sabi ni Roma. “Oh eh di sasagutin mo na siya?”

“Bukas,” ang sabi ni Jennilyn. “Bukas makukuha na niya ang napakatamis kong oo!”

Tumitili ang magpinsan dahil sa sobrang excitement at kilig.

Ang tagumpay sa pakikibaka sa mapait na laban ng pag-ibig – iyon na ata ang isa sa pinakamalinamnam na tagumpay na maaari mong makamtan sa buhay. Ang sa wakas ay mabibigyan na ng tuldok ang mga gabing malalamig, ang lungkot at pag-iisa ay mapapalitan na ng saya at ligaya kapiling ng taong mahal mo.

Masarap magmahal, at masarap maramdamang mahal ka din ng taong mahal mo. Masarap matuklasang posible pala ang happy ending na pinapangarap mo – na ang mga panaginip pala’y nagkakatotoo din.

Ito na iyon, this must be it for Jennilyn. This is her happy ending.

Pero mukhang maaga pa para magpakasaya. Sa bawat kwento, kapag umo-okay na ang lahat, doon dumarating ang kontrabida. Expected yan, iyon ang standard at basic na mangyayari sa bawat kwento – teleserye, libro, movies at kahit sa totoong buhay pa iyan. When everything seems to go the way you wanted them to, that’s when everything will fall apart.

Maaliwalas ang sikat ng araw ng umagang iyon, tulad nito ay maganda din ang gising ni Jennilyn. Maaga siyang pumasok sa university. Ito na ang araw na pinakahihintay niya, ang pinakahihintay nila ni Jaybee – magiging official na ang relasyon nila dahil sasambitin na niya sa wakas ang salitang pinakahihintay ni Jaybee. Kaya naman nag-ayos siya. Nagsuot ng pulang bestida at may 2 pulgadang takong ang suot niyang pares ng sandalyas. Naglagay siya ng kulay sa mukha, hindi ginamit ang tig-20 pesos na pulbong dati niyang itinatapal sa kaniyang pisngi tulad ng araw-araw niyang gawain. Nagpahid ng pampapula ng labi, hindi niya pwedeng idaan sa pagbasa-basa ng laway ang labi niya ngayon.

Nagpaganda si Jennilyn, kaniyang pinaghandaan ang araw na ito.

Nagtungo si Jennilyn sa building kung saan naroon ang Nursing Department, doon ay kaniyang matatagpuan ang kaniyang Prince Charming. Doon ay magsisimula na ang kaniyang happilyever after.

Ngunit bakit nang makita niya ang Prince Charming niya ay kasama nito ang impaktang ex-girlfriend niyang si Shirly?

“Speak of the Devils name, and she might just hear you and come,” ang sabi ni Shirly nang makita si Jennilyn na papalapit. “And hear she is.”

“Hi Jaybee,” ang bati ni Jennilyn, confused dahil sa naabutan na nag-uusap sila ni Shirly kasama ang iba nitong mga kaibigan na naghihirap ata at kulang ang tela ng mga isinusuot na damit – plunging neckline, backless, hanging.

Their eyes met and Jennilyn was horrified by how Jaybee looked at her – parang puno ng galit, disgust at panghihinayang. Hindi alam ni Jennilyn kung anong nangyayari, ngunit wala na ang lambing sa mga mata ni Jaybee, wala na ang mga kislap sa mga ito sa tuwing tinititigan niya si Jennilyn.

“Totoo ba?” ang tanong nito, puno ng galit ang kaniyang boses. Nakakapanghilakbot ang narinig ni Jennilyn. Namutla siya sa kabila ng mga pampapula ng pisngi na kaniyang itinapal sa kaniyang mukha. “Totoo ba, Jennilyn?”

“Ang ano? Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit pero kung ano man ang sinabi ni Shirly sa’yo I assure you hindi iyon totoo,” ang sabi ni Jennilyn.

“Really?” sabad ni Shirly. “You see, I stayed here at school late last night dahil may org meeting kami. Then I went to the washroom and I overheard you and your cousin talking.”

Parang binuhusan si Jennilyn ng malamig na tubig. Para nabagsakan siya ng bulalakaw at tinamaan ng bazooka sa Luneta. Pakiramdam niya ay nagkalasug-lasog ang kaniyang katawan.

“Yes Jennilyn, I heard everything,” ang sabi ni Shirly. “So totoo nga ang rumors, your grandmother’s a witch, and it so happens na ikaw din. Ganoon ka ba ka-desperate at ginayuma mo pa si Jaybee? Grabe ka girl, hindi ka naman mauubusan ng lalaki sa mundo.”

Gustong tumakbo ni Jennilyn ngunit tila naging bato ang kaniyang mga tuhod. Ninais niyang umiyak ngunit walang luhang tumulo. Nais niyang sumigaw ngunit hindi niya magawang ibuka ang kaniyang bibig. Magkahalong gulat, pagkahiya, at galit ang nararamdaman niya ngayon. Nais na lamang niyang maglaho sa oras na iyon. Ngunit naroon lamang siya, nakatayo’t pinagtitinginan ng lahat.

At ang masakit pa doon, totoo ang lahat ng paratang sa kaniya – wala siyang laban. Sa labang ito, sa simula pa lamang ay talo na siya.

Tama nga sila, ang happy ending ay patikim lamang. Masaya ka ngayon, bukas paniguradong masasaktan ka. Pero kung nasasaktan ka ngayon walang kasiguraduhang bukas ay liligaya ka.

“Niloko mo ako,” ang sabi ni Jaybee. “Manloloko ka, Jennilyn.”

“Jaybee, please makinig ka sa akin,” pinilit abutin ni Jennilyn ang kamay ni Jaybee ngunit agad inalis ni Jaybee ang kamay niya mula sa mga palad ng dalaga. “Mahal kita, alam mo iyan. Hindi ba’t sabi mo mahal mo din ako? Hindi ba’t sabi mo matagal mo na akong mahal?”

“Bakit Jennilyn? Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon ko, paano mo magagawang mahalin ang isang tulad mo?”

Everything went still, everything went mute. Time stood still and her heart broke in two. So much for a happy ending.

Nanikip ang dibdib ni Jennilyn nang marinig ang mga salitang binitiwan ni Jaybee. The crowd dissolved into nothing, laughters and chuckles faded, everyone left – Shirly and her minions, even Jaybee. Nagbalik ulit sa simula si Jennilyn – mag-isa, sawi at nasasaktan.

The things we do for love, ang taong nagmamahal talaga laging nagpapakatanga. Kahit gaano ka katalino, kapag nagmahal ka tanga ka. Bakit? You don’t use logic when you fall in love. You use emotion. And emotions are human’s greatest weakness. We sacrifice everything just for that one single moment of happiness, just to have a little taste of that happy ending we always wanted? Pero anong kabayaran? Heartbreak.

Have you ever ask yourself: was he/she worth the heartbreak?

***

Samantala, sa jeep habang bumabiyahe sina Roma papunta sa kanilang community immersion...

“O di masaya na ang pinsan mo ngayon, blooming ang love life,” ang tugon ni Cindy nang marinig ang kwento ni Roma tungkol sa kaniyang pinsang si Jennilyn at Jaybee.

“Oo life long crush kaya niya iyong si Jaybee,” dagdag naman ni Roma.

“Wala paring forever,” sabad ni Charlene.

“Bitter mo talaga ‘teh,” ang sagot naman ni Roma.

“Bigyan mo nga ako ng gayuma na iyan para naman magayuma ko si Coco Martin or si Paolo Avelino,” pabirong singit ni Cindy.

“Pwede din Ate Cindy, pero ang problema hindi naman totoo iyong gayuma eh,” ang sabi ni Roma. “Joke ko lang iyon.”

“Ha? Ano iyong ibinigay mo kay Jennilyn?”

“Pinaghalong suka, patis at tubig,” ang sabi ni Roma. “Alam ko naman kasi na may gusto itong si Jaybee kay Jennilyn noon pa. Ewan ko ba bakit hindi pa magtapat ng feelings. Diba nga kasi pinsan ko si Jaybee sa father side? Kaya close din kami. Minsan pumasok ako sa kwarto niya nakita ko iyong diary niya. Out of curiosity binasa ko. Huli siya: may gusto siya kay Jennilyn! Kaya si Jennilyn na ang pinakilos ko. Kaso wala ding lakas ng loob iyon dahil ang first attempt niyang paibigin si Jaybee eh sinikmuraan ba naman niya. Diyos ko ‘day! The best way to a man’s heart is through his stomach indeed, tignan mo sila.”

“So walang gayuma?” tanong ni Cindy.

“Wala. Pero may nakita akong gamot sa athletes foot sa gamit ng yumao naming lola. Gusto mo?”

***

Bumalik tayo sa nakaraan, nang umuwi si Jaybee galing sa university at tanungin siya ng kaniyang ama kung bakit wala pa siyang girlfriend, bago maisipan nina Roma at Jennilyn na siyat gayumahin...

“Bakit ba hindi ka pa mag-girlfriend anak?” tanong kay Jaybee ng kaniyang ama.

Hindi nakasagot si Jaybee sa tanong ng kaniyang ama. Nagkibit balikat na lamang ang binata at pumasok sa kaniyang kwarto.

Agad na nagbihis si Jaybee at nahiga sa kaniyang kama. Bakit di pa ako nagkakagirlfriend?

Napangiti si Jaybee nang kaniyang sagutin sa kaniyang isipan ang tanong ng kaniyang ama.

Kinuha niya ang kaniyang diary at isinulat doon ang kaniyang narararamdaman tulad ng madalas niyang gawin.

Kasi hindi ako pinapansin ng taong gusto ko. Lagi kaming nagkakasalubong sa daan, sa school pero parang hindi ako nag-e-exist sa mundo niya. Laging umiiwas ang tingin, laging parang umiiwas sa akin. Paano ko naman masasabi sa kaniya ang nararamdaman ko kung lagi siyang lumalayo sa akin?

Noong mga bata pa kami ay medyo close kami, kaso isang araw bigla na lamang niya ang sinuntok sa tiyan nang walang dahilan. Hindi ako nakahinga, sobrang sakit ng ginawa niya. Nagulat ako at hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Ipinatawag ang parents namin sa school. Medyo nakakatawa ang mga nangyari pero isa lang ang alam ko – nang sikmuraan niya ako, nakuha niya ang puso ko. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 March 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
25 March 2020