Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Five stories that are interconnected of the premise of Nahulog sa tingin, umibig mula sa tanaw, at nagmamahal sa mga alaala and a writer who struggles from his past

Ang pag-ibig ay isang salita – isang salita na may napakaraming depinisyon. Inilalarawan ito gamit ang iba’t ibang bagay, ihinahalintulad sa mga ordinaryong kasangkapan upang mas maintindihan, upang mas madaling maunawaan – tulad ng isang mainit na kape, isang cellphone, isang laro ng basketball, kuryente at marami pa. Ngunit sa bawat pagtatangka nating maunawaan ang pag-ibig ay lalo natin itong hindi naiintindihan. Gumagawa tayo ng sarili nating depinisyon ng pag-ibig, isang ilusyon upang magkaroon ng pamantayan ang magiging kwento natin.

Pero simple lamang ang pag-ibig, isa iyong mahiwagang emosyon na kahit kailan hindi mo mauunawaan kung bakit mo nararamdaman, kung bakit nagiging rason ito kung bakit ikaw ay nabubuhay. Ang pag-ibig ay hindi kailanman maisasalarawan ng isa o isang libong salita. Ang pag-ibig ay... pag-ibig, hindi kape, hindi cellphone, hindi laro at hindi isang kuryente. Isa itong misteryo, ngunit totoo.

Sa ating pagnanais na makuha ang ating ideya ng isang tunay at wagas na pag-ibig, gumigising tayo sa araw-araw upang magpatuloy sa ating paglalakbay patungo sa isang happily ever after – patungo sa ating forever. Madalas tayo’y naliligaw dahil nagmamadali tayo, dahil para tayong nakikipagsiksikan sa dyip at sa mga bus at sa mga lansangan dahil nais nating makarating agad sa ating nakatakdang happily ever after, ang pinakamagandang wakas ng bawat kwento, ang tuldok na magsisimula sa isang walang hanggang kasiyahan at pagmamahalan.

Ngunit sa ating pagkakamali at pagkakaligaw ay umiibig tayo sa maling paraan – mahulog sa tingin, magmahal mula sa tanaw, at umibig sa isang alaala. Sila ang pinakamasarap, masakit at malungkot na katotohanan kapag nagkamali’t nabigo ka sa iyong paghahanap ng isang happily ever after.

Pero ang tunay nating pagkakamali ay hindi ang magmahal sa maling tao, sa maling panahon at sa maling rason. Ang pagkakamali natin ay inuna natin at ginawang misyon ang paghahanap sa isang happily ever after sa halip na sinimulan natin ang ating mga kwento sa isang once upon a time.

Kaya’t aking ihinahandog ang isang librong binubuo ng limang kwentong pag-ibig ng mga taong umasa, naghintay, iniwan, hindi binalikan, umibig sa iba kahit na ang taong nakatakda para sa kanila’y napalampas na nila o di kaya’y nasa tabi lamang, sa mga taong nahulog sa tingin, nagmahal mula sa tanaw at umibig sa isang alaala.

Narito ang limang kwentong walang forever...

... wala nga ba?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019