Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Strings of Love

Image Description sisanology   |   23 May 2020


Serenity Riego was just a normal fan of the local band from their school, the Indieplay Until her life suddenly changed when she started talking to the lead guitarist, Draxter Brian Hidalgo

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names,  characters, places, events and incidents  are either the products of the author's imagination or  in a fictitious manner. Any resemblance  to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential. 


Please be advised that this story contains mature themes and strong languages that is not suitable for very young audiences. Read at your own risk. 


****


"Ready ka na ba?" Nakangiti akong lumingon sa stage manager slash best friend kong si Renesmee na nakatayo sa gilid ko.


Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya. Tumango lang din siya at bumalik na sa posisyon niya sa gilid ng stage.


Napaharap ako sa full body mirror na nandito sa back stage at inayos ang sarili ko. Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko.


Inayos ko ang pagkaka kabit ng earpiece sa tenga ko para malinaw kong marinig mamaya ang pang tugtog.

Habang inaayos ko ang damit kong may gusot ng konti ay nakita ko sa reflection ng salamin ang pagbalik ng stage manager at nakatingin siya sa akin kaya nilingon ko siya.


Hindi ko alam kung bakit bakas ang nerbyos sa mukha niya.


"M-may problema tayo..." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya kaya napaayos ako ng tindig at agad na lumapit sa kanya.


"Ano po yun?"


"Tumawag ang gitarista. Mala-late daw siya at hindi niya alam kung magagawa niyang makarating dito agad dahil na stuck siya sa traffic." Nanlaki ang mga mata ko at agad na pinanghinaan ng loob dahil sa sinabi niya.


"Pero nagpahanap na ako ng substitute. Kumalma ka dyan at hahanapan ko ito ng solusyon." Napatango na lang akong muli saka siya umalis.


Dalawang tao pa ang kakanta bago ako kaya naupo na lang muna ako. Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tenga ko.


Nakaraan ang ilang minuto ay bumalik siya at alanganing nakangiti. Kasama niya na ang handler ko at hindi ko alam kung mas lalo ba akong kakabahan dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya napatayo ako.


"N-nakahanap na kami ng papalit sa gitarista." Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib kaya nakahinga ako ng maluwag. Deretso pa rin ang mukha ng handler ko kaya nawala ang ngiti sa labi ko.


"Pero may isang problema, Serenity." Napatingin ako sa kanya at bakas sa mata niya na hindi ko magugustuhan ang sunod niyang sasabihin.


"Si Draxter Hidalgo ang papalit na gitarista." Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko at napabalik sa pagkakaupo. 


"A-ano?" Nauutal kong tanong. Of all people, bakit siya? 


"He volunteered. Banda niya ang suprise guest dito at eksaktong narinig niya ang usapan namin ng stage manager. Hindi ko na nagawang tumanggi pa dahil ayokong ilagay sa alanganin ang performance mo." Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa repleksyon ng sarili ko sa salamin. 


"Drax?" Muling nanlaki ang mga mata ko nang tawagin siya ng handler ko. Pumasok siya dito sa backstage at nakatitig sa akin. 


He's wearing his straight face while staring intently at me. 


Those eyes...those emotionless eyes. 


"Good evening." Bati niya at ni hindi ko man lang magawang sumagot. 


Nakatingin pa rin siya sa akin na parang ngayon lang kami nagkita. 


Na parang wala lang nangyari. 


Na parang hindi niya ako sinaktan. 


Na parang hindi niya ako iniwan.

****


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019