Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Parang Kailan Lang

Image Description TheRealMinieMendz   |   23 March 2020


A Dream Man of all Filipino

Dear Mayor Vico,


   Parang kailan lang. Una kitang nakita sa isang noon time show. Pangiti-ngiti ka lang. Hindi mo alam maraming babae ang napangiti mo sa simple mong porma at ngiti. Isa na ako sa babaeng iyon na ngayon ay humahanga at nagagalak sa 'yo. Parang kailan lang. Pagkakakilala sa 'yo ng lahat ay anak ka ng sikat na komedyante at host na si Bossing Vic Sotto. Pero ngayon, hindi na lang dahil anak ka niya at isa kang Sotto, kundi isa ka nang mayor na gumagawa ng sariling pangalan dahil sa ganda ng iyong hadhikain at determinasyon na mapaganda, mapaunlad, at magawang maging payapa ang lunsod ng Pasig City. 

    Parang kailan lang. Minamahal ko ang aming lunsod, pero nang maging mayor ka ng Pasig, parang gusto ko na rin mahalin ang iyong lungsod at maging residente mo para araw-araw akong magpapabeybi para kargahin mo rin kagaya ng mga baby na kinarga mo ng walang pag-aalinlangan. 

  Parang kailan lang din normal ang lahat, pero dahil sa sakit na lumalaganap... nagbago ang lahat. Maraming nagbago. Maraming tao ang naninibago sa pagbabagong nangyayari.. Sana matapos mo mabago ang pasig, makita din namin na mabago mo ang ibang katulad mo sa pwesto na makita ang tunay mong hangarin kung bakit ka minamahal ng tao ngayon.  


PASIG - Pray And Serve In God



                                                               Truely Yours,

                                                                MinieMendz



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018