Caramoan Boys Series Antonio Miguel Castillo

Image Description xxxjims   |   19 July 2019


Para kay Maki, ang mamuhay sa Caramoan ay isang magandang pamumuhay ngunit iniwan niya ito para abutin ang kanyang pangarap Ngunit pagbalik niya, may isang bagay ang naghihintay para sa kanya

Masaya na rito na lang habang-buhay tumira like duh sinong hindi magagandahan sa Caramoan Island? Pero ayokong pumunta rito. Napilitan lang ako at nahihiya na rin sa relatives ko dahil hindi ako nakakasama sa kanila.


I’m spending my 2 month vacation pagkatapos ng project ko sa site. But mag-stay ako ng 2 weeks then balik Manila na ako for me to prepare for the upcoming projects sa site.


“Maki, tawag ka na ni Mama kakain na raw. Mamaya na yang tampisaw mo sa dagat marami pang oras para diyan.” sigaw ng ate ko sa di kalayuan.


Pumunta ako sa pent house kung saan nandoon ang lahat.


“Let’s celebrate na finally nakasama na natin si Maki Clarisse sa ating outing!” sabi ni Papa at nagpasabog pa ng confetti.


“Oo nga, subsob kasi sa trabaho tapos di pa bumibisita sa bahay.” hirit pa ni Kuya Max.


“Pasensya na ah kung ngayon lang ako nakasama alam niyo naman na mahal na mahal ko ang trabaho.” sabi ko at dumampot ng fried chicken sa hapag at pinapak ito.


“Kailan ka ba magpapahinga hija? Halos buong buhay mo sa trabaho mo na lang binubuno. Kailan ka ba mag-aasawa?” Nabilaukan ako sa huling sinabi ni Tita Sally.


“Sally! Hayaan mo na si Maki, bata pa ‘yan at sa tingin ko mukhang di na mag-aasawa pa ang bunso namin ‘ni boyfriend nga walang maipakilala sa amin.” nagtatampong sabi ni Mama.


Napakibit-balikat na lang ako at nilisan ko sila. Kaya hindi ko hilig sumama sa mga ganyan eh. Lagi na lang akong tinatanong kung kailan ako mag-aasawa o kailan ko ihaharap sa kanila ang nobyo ko. Ako na lang daw kasi ang napag-iiwanan sa aming magkakapatid.


Naupo ako sa ilalim ng puno ng mangga. Malilim naman dito kaya okay lang, sinipat ko ang cellphone ko at chineck kung may emails ako about sa mga projects.


“So, anong ginagawa rito ng isang Rivera sa teritoryo ng mga Castillo?” Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang kinaiinisang ngiti na kailanman di ko gugustuhing makita.


“Kailan pa naging teritoryo mo ang manggahan na ‘to aber?” inis na sabi ko.


“Kakasabi ko lang di ba? Are you deaf? O baka sadyang tanga ka lang Rivera. Yang lupang kinauupuan mo, parte yan ng land property namin so kung ayaw mong sampahan kita ng trespassing umalis ka na dito.” nakangising sabi ng kumag.


Padabog akong tumayo at nilisan ang manggahan. Antipatiko! Yang ang gustung-gusto niyang isigaw sa lalaking iyon.


Isa rin ito sa dahilan bakit ayaw niyang umuwi ng Caramoan eh dahil makikita niya palagi ang balasubas, antipatiko, arogante, lahat na nang masasamang ugali sa lalaking iyon.


“Oh bakit nakasimangot ka dyan Maki? Wag mong sabihing nakita mo si Antonio Miguel?” tanong ni kuya.


“Ano pa nga ba? Dalawang linggo niyang sisirain ang araw ko. Uuwi na ako di ako matatagal sa lugar na ‘to.” sabi ko at diretso papunta sa kwarto ko.


Kapag minalas ka nga naman. Sa lahat na nga lang nang makikita ko, si Antonio Miguel Castillo pa. Ang saksakan ng yabang at antipatiko.


Akala mo gwapo porket pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan dito sa lugar na ‘to. Hindi nila alam kung sino ‘tong kumag na ‘to.


Mapagpanggap na tao katulad na lang ng papa niya na inuto niya yung kabilang barangay makuha lang ang land property na gustong patayuan ng golf course at dahil sa pang-uuto ayon pinagmamayabang ng lalaking iyon ang kanilang golf course.


Napahiga ako sa kama ko, wala ako sa mood na magpakasaya dahil nakita ko ang pagmumukha ng antipatiko na ‘yon ay nasira ang araw ko.


Simula pa lang nung high school kami ay lagi-lagi niyang sinisira ang araw ko, walang patid iyon. Gustung-gusto ko nang lumipat ng ibang paaralan para lang di ko na makita pa iyong pagmumukha ng antipatiko na iyon. Pero pinilit ko na lang tapusin ang high school sa Prince High kasama ‘yung antipatiko na iyon.


Narinig ko ang katok sa pintuan.


“Maki, di ka ba magpapakasaya ngayon sa dagat? Pumunta ka na daw doon sabi ni Mama.” sabi ni Ate Mavy at saka umalis.


Nagpagulung-gulong ako sa kama hanggang sa mahulog ako. Ayokong lumabas ganitong sinira ng pesteng Antonio Miguel na ‘yon ang araw ko.


Narinig ko na ang sunud-sunod na katok sa pinto.


“Maki okay ka lang? Ano ba ang nangyayari diyan?” natatarantang tanong ni kuya.


“Okay lang ako, nahulog lang ako sa kama nagpagulung-gulong kasi ako.” sabi ko at tumayo. Mas gugustuhin ko pang doon na lang matulog sa sahig kaysa sa kama.


Bumalik ulit ako sa pagkakahiga sa kama. Nag-isip ako kung makikitampisaw din ako sa labas pero ayoko dahil makikita ko na naman ang tunay na depenisyon ng antipatiko. Naiirita ako sa pagmumukha ng Antonio Miguel na ‘yon.


Umidlip na lamang ako dahil nakaramdam ako ng antok. Nagising ako sa sunud-sunod na katok sa pinto.


“Maki, hapunan na bumaba ka na raw sabi ni Mama kakain na daw tayo.” sabi ni ate.


“Susunod na lang ako.” sabi ko at bumangon. Gabi na agad parang kanina lang eh tanghali pa lang.


Nag-ayos ako at saka bumaba. Dumiretso ako sa hapag kung saan nagsisimula na silang magkainan. Umupo ako sa gitna nila ate at kuya.


“Maki, kumain ka na anong oras ka na lumabas ng kwarto mo.” sabi ni Mama na nasa tapat ko lang at nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.


“Bakit hindi ka na lumabas ng kwarto mo Maki? Akala ko ba gusto mong magtampisaw?” tanong ni Papa na abala sa pagkain ng tahong.


“Pa, paano di lalabas si Maki eh nakita niya kasi si Antonio Miguel.” natatawang asar sa akin ni kuya.


Sinamaan ko na lang tingin si kuya pero inaasar na ako ng mga kamag-anak ko sama mo pa si Mama at ate.

“Naku, alam mo ba Maki miss na miss ka na ni Antonio Miguel. Lagi ngang tinatanong sa akin kung kelan ka uuwi eh.” kilig na kilig na sabi ni tita Agnes kaya bigla akong napangiwi sa sinabi niya.


Ako? Miss na miss ng antipatiko na iyon? Baka miss na miss niyang sirain ang araw ko. Mali yata ang desisyon na umuwi ako sa Caramoan eh dapat di muna ako sumama sa outing eh.


“Alam mo ba, nagpatayo siya ng bahay para daw sa inyong dalawa.” nakangiting sabi ni tito Julius.


Napailing na lang ako. Di magpapatayo ng bahay ‘yang antipatiko na iyan kasi saksakan siya ng yabang, mabaog sana siya.


Kinaumagahan ay dumiretso ako sa lugar na pinagtatambayan ko. Humiga ako sa duyan sa pagitan ng dalawang malaking puno.


Tinakip ko sa mukha ko ang dala-dala kong diyaryo. Mas gugustuhin kong magpahangin sa labas kaysa gisahin ako sa loob.


Medyo malayo sa property ng mga Castillo. Maganda na rin para hindi masira ang araw ko dahil sa antipatikong Antonio Miguel na yon.


“Di ko alam na nandito ka na pala Maki,” malamig na baritonong boses ang pinanggalingan na iyon.


Napabangon ako saka tinanggal ang takip sa mukha ko at nakita ko ang mukha ng pinakapaborito kong kaibigan sa Caramoan.


“Marcus!” sambit ko saka ngumiti sa kanya pero ismid lang ang nakatanggap ko mula sa kanya.


“Buti mo naman naisip mong umuwi, you’re always sending me sorry messages through email for not coming here.”


“Sorry naman, I told you I was busy on my projects actually sumaglit lang ako dito kasi babalik din ako ng Maynila.”


“How many days? Para alam ko at makapagspend ako ng time para sa’yo.” sabi ni Marcus.


“Still cold shit ass huh, Marcus Peter. Good to know that you’re still the same man that I know.” sabi ko saka humiga ulit sa duyan.


“Nothing changes on me, Maki. Baka sa’yo meron after leaving here para sa Maynila makapagkolehiyo.”


“I’m still the same Maki you know.”


“Sabi ni Antonio Miguel nagbago ka na raw.” nakasimangot na sabi ni Marcus.


“Bakit ka ba naniniwala sa kurimaw mong bestfriend ha? The Maki you know is still the same.” inis na sabi ko saka kinuha ang cellphone ko para magcheck ng email.


“Fine… fine…” he sighed.


“Alam mo Marcus, you’re still stiff. Can you atleast smile para naman maginhawaan naman ang pakiramdam ko. Di ka pa rin nagbabago eh.” ismid ko at patuloy sa pagcheck ng email.


“I know, you don’t have to tell me saka isa pa mahal bayad sa ngiti ko Maki and you know about that.”


Napanguso na lamang ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Marcus Peter Acosta is my childhood crush, siya ang tagapagtanggol ko sa pang-aasar ni Antonio Miguel sa akin kaso dahil sa bwisit na Antonio Miguel na ‘yon mukhang malabong maging kami ni Marcus.


“How’s being attorney right now Marcus?”


“Happy. Finally reach my dream to serve our fellow Filipinos. Happily to be a public servant I guess.” he said then smiled. Totoo ngang mahal ang bayad sa ngiti ng crush kong ‘to.


“Good, then.”


“Ayan lang ba sasabihin mo saken Engineer Maki Rivera?” ungot nito. Magkasalubong na naman ang kilay ni Marcus, wala na ang happy aura nito.


“Yup, saka na-congratulate na kita bago at naging abogado ka ah.” natatawang sabi ko saka iling-iling ako sa reaksyon niya.


“Peter! What took you so long? Kanina pa kita hinahanap!”


Napamaywang si Marcus. The devil has come. Bumaba ako sa duyan saka inayos ang suot ko.


“I should better go, bago pa masira araw ko. We can meet some other time ng walang asungot.” sabi ko saka ngumiti.


Bago pa ako makaalis ay nabungaran ko na ang bumubulusok sa kayabangan itong si Antonio Miguel.


“I told you, mag-uusap lang kami ni Maki. Its been a while.” sabi ni Marcus saka humalukipkip sa harapan ni Antonio Miguel.

“Hi to my dearest enemy, nagkita na naman tayo. Di mo ba ako babatiin?”


Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Aba’y talagang asungot nga itong Antonio Miguel na ito sa buhay niya.


“Bakit naman kita babatiin? Close ba tayo? Pwede ba wag mo na sirain ang araw kong napakaganda ha Antonio Miguel. Nanggigil ako sa pagmumukha mo tuwing nakikita kita.” gigil na sabi ko. Pakiramdam ko gusto ko siyang tirisin na parang pesteng insekto na dumadapo sa katawan mo.


Konti na lang pahuhulugan ko na siya ng debris sa pagmumukha niyang mayabang. Naputol ang eksena nang lumabas ang caller id ni Kuya Max. Sinagot ko ang tawag niya saka tinapat ko sa tenga ko ang cellphone ko.

“Yes Kuya?” bungad ko.


“Time for lunch, nasaan ka ba? Susunduin na kita.”


“Nah, don’t bother. Pauwi na rin naman ako kaya wait me there.” saad ko.


“Sige, ingat!” sabi nito saka pinutol ko ang tawag. Hinarap ko si Marcus saka ngumiti.


“See you around Marcus,”


“Why?” takang tanong nito.


“Lunch is ready. Pinapatawag na ako sa amin, alam mo naman na di ako pwedeng nalilipasan ng gutom.” saad ko.


“Sige, just eatwell okay?”


“Yes, have fun. Talk to you later.” sabi ko saka kinawayan siya at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.


“Eh ako? Di ka ba magpaalam sa akin?” ngising sabi ni Antonio Miguel saka umarko ang kilay nito.


“Tse! Magpaalam ka sa sarili mo hmp!” 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE