Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Heaven Sent

Image Description TheLadyInBlack09   |   05 December 2018


In the wedding, Loisa is about to say "I do" and the other half is about to say "Goodbye".


Hindi ako pwedeng ma-late sa kasal ko. Sa kasal namin ni Loisakaya mas binilisan ko ang takbo sa kabila ng nananakit kong mga paa dahil sa sapatos na suot kong bahagyang may takong. Tinernuhan pa ng itim at medyo makalapal na tuxedo na may init na dala sa katawan ko sa kabila ng malamig na gabi. Kung bakit naman kasi nagkaroon pa ng aksidente sa dadaanan ng kotseng sinasakyan ko. Kinailangan ko pa tuloy na tumakbo ngayon upang hindi mahuli sa espesyal na gabi na ito. Sa loob ng limang taong relasyon namin halos ang isang taon doon ay ginugol namin sa paghahanda para sa napakaespesyal na gabi na ito. Ang espesyal na gabi na magiging simula ng bagong yugto sa buhay naming dalawa. Magsisimula kami sa isang maliit na pamilya. Hanggang sa unti-unti naming palalakihin kagaya ng mga pingarap namin noong araw na mag-propose ako sa kanya. Isang malaki at masayang pamilya. Nag-iisang anak lang kasi siya. Pati rin ako. Kaya ang gusto namin ay hindi lang isang anak ang magkaroon kami. Kung hindi dalawa, tatlo o kaya pwede na ring lima.Depende sa sipag naming dalawa ni Loisana gumawa ng baby. Biro lang! J

Natatawa na tuloy ako habang patuloy na tumatakbo dahil sa mga naiisip ko na ito. Wala pa man ay napakarami ko ng plano para sa aming dalawa at sa magiging anak namin. Parang kagabi lang ay magkasama kami ni Loisa at masayang nangangarap ng magiging future namin kasama ng mga magiging chikiting namin. Ngayon, ilang minuto na lang ay magsisimula na naming tuparin ang mga pangarap na iyon ng magkasama.

“At last!” humihingal na bulong ko nang marating ko ang mataas na gate ng simbahan.Sa wakas ay nandito na ako. “Sweety, matutupad na ang mga pangarap natin,” bulong ko pa bago pinunasan ang namuong pawis sa noo ko gamit ang puting panyong nasa maliit na bulsa ng tuxedo na suot ko. Inihanda ko na ang matamis na ngiti sa mga labi ko bago ako nagsimulang maglakad papasok ng simbahna. Eto na ‘yon. Sisimulan na namin ni Loisa ang bagong yugto ng buhay namin na magkasama. Magsisimula kami sa maliit, simple pero masayang pamilya. Tutuparin namin ng sabay ang mga pangarap namin. Ang mga pangarap namin bilang mag-asawa. 

Nagsimula akong magtaka kasunod ang paghinto ng paglalakad ko sa may pintuan ng simbahan nang makita ko ang loob nito. Bakit gano’n? Bakit parang wala ng mga tao? Nasaan ang kinuha naming mga ninong at ninang? Nasaan ang mga pinsan at barkada namin na dapat ay abay ngayon sa kasal namin? Nasaan ang mga magulang namin? Bakit… Bakit si Loisa na lang ang tao sa loob ng simbahan? Saka bakit… Bakit nakaluhod siya sa harap ng altar? Bakit parang umiiyak siya?

Muli ay nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng simbahan…

Palapit kay Loisa.

“Sweety…” tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Hindi ko alam kung bakit nagsimula na ring mangilid ang mga luha sa mga mata ko nang mapagtanto kong umiiyak nga siya. Hindi ako sanay na nakikita si Loisa na ganito. Ayokong nakikita siyang nasasaktan kagaya ngayon. Pero nandito na ako. Dumating ako sa oras. Wala ng dahilan para umiyak pa siya… Wala na.

“Sweety… Sweety ang sabi mo… Ang sabi mo walang iwanan. Ang sabi mo magpapakasal tayo ngayong gabi. Ang sabi mo, bubuo tayo ng malaki at masayang pamilya. Magkakaroon tayo ng isang dosenang anak… Tutuparin natin lahat ang nasa wish list natin. Handa na ako eh. Handa na ang lahat. Pero bakit? Bakit hindi ka dumating?” Bakas ang panginginig sa boses niya. Basang-basa na ng mga luha ang magkabilang pisngi niya na para bang buong araw na siyang umiiyak. Naghahalo na rin ang kulay ng mga kolerete sa kanyang mukha.

“S-sweety? Sweety ano bang sinasabi mo? Nandito ako! Dumating ako!” halos pasigaw na sagot ko sa kanya. Pero bakit gano’n? Bakit parang hindi niya ako nakikita?Bakit parang wala siyang naririnig?

“Sweety nangako tayo ‘di ba? Nangako tayo na sabay tayong haharap ngayon sa altar. Pero nasaan ka? Bakit hindi ka dumating? Bakit iniwanan mo kaagad ako?”

“Sweety… Sweety nandito nga ako. Dumating ako. Hindi kita…” Hindi ko na naituloy pa ang mga sinasabi ko nang subukang ko siyang hawakan upang yakapin. Bigla akong nanlamig kasunod ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit? Bakit hindi ko siya mahawakan? Bakit tumagos lang ang mga kamay ko sa katawan niya? Anong nagyayari?

“Sweety, alammong ikaw ang buhay ko. Ikaw ang mundo ko. Pero paano pa iikot anng mundo ko ngayong wala ka na sa buhay ko? D’yos ko! Sabihin ninyo po sa akin… Bakit ngayon pa? Bakit kailangan ngayon ninyo pa po kunin sa akin si Ronnie?”

Pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ang nanlalambot kong mga tuhod nang mabaling ang mga tingin ko kung nasaan ang mga tingin ni Loisa. Sa estatwa ng isang duguan lalaking may suot na koronang tinik habang nakapako sa isang malaking krus. 

Malakas at mabilis na ang kabog ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga habang patuloy ang walang tigil na paglandas ng mga luha sa magkabila kong pisngi. D’yos ko… Ano po bang nagyayari?Patay na po ba ako? Kaya ba hindiako marinig ni Loisa? Kaya hindi ko siya mayakap? Kaya ba hindi niya na ako maramdaman? Bakit wala akong maalala sa kung anong nangyari? Ang tanging alam ko lang, ang gabi na ito… Ang gabi na ito ang magiging unang gabi ng bagong yugto sa buhay namin ni Loisa.

“A-alam Ninyo po nakay Ronnie lang halos umikot ang mundo ko. Siya lang ang mundo ko… At ngayong wala na siya… Ngayong wala na siya suguro ay dapat mawala na rin ako… Sana po… Sana po ay mapatawad Ninyo ako sa gagawin ko.” Mula sa likuran ay inilabas niya ang isang kutsilyo. “Ronnie… Ronnie bakit hindi ka dumating… Bakit iniwanan mo kaagad ako?” Nakita kong gumihit ang ngiti sa mga labi niya. Ngiti na kababakasan ng pait at sakit. “Don’t worry sweety, susundan kita… Hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa.”

“No!No Loisa, please! H’wag mong sayangin ang buhay mo para… Para sundan lang ako.” Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na dumating ako. Na nandito lang ako sa tabi niya. Na mahal na mahal ko siya. Isang nakasisilaw na liwanag ang biglang tumapat sa kinatatayuan ko na nagmumula sa malaking krus. Ito na ba? Ito na ba ang tinatawag nilang sundo ng liwanag? Hindi. Hindi pa pwede. Hindi pa ako pwedeng umalis. Hindi pa ako handa… At alam kong hindi pa rin handa si Loisa.

Nangangatog ang mga tuhod na lumuhod ako sa may tabi ni Loisa paharap sanagliliwanagna krus. Pinagsiklop ko ang mga palad ko at tumingala sa kabila ng nakasisilaw na liwanag. “D-D’yos ko… K-kung totoo man po na wala na ako… Nakikiusap po ako sa inyo… H’wag ninyo po muna akong sunduin. H’wag po muna ngayon… Ayokong masira ang buhay ni Loisa nang dahil sa pagkawala ko. Ayoko pong masayang ang buhay niya nang dahil lang sa akin. Isa… Isang pagkakataon lang po… Hayaan Ninyo lang po ako na tulungan siyang maayos ang buhay niya kahit wala na ako. Hayaan ninyo po ako na tulungan siyang gumising sa umaga ng wala ng Sweety sa tabi niya. Hayaan ninyo lang po ako na turuan siyang muling buksan ang puso niya upang magmahal ulit. Ako… Ako na po mismo ang maghahanap at lalapit sa liwanag. Pero parang awa Ninyo na po, hw’ag po muna ngayon. H’wag ngayon na hindi pa kaya ni Loisa na wala ako… Na wala na ako sa buhay niya.”

Lalo akong napaiyak nang lalo ring lumakas ang liwanag na tila sumusundo sa akin. Mukhang wala na akong magagawa pa… Humarap ako kay Loisa at muli ay sinubukan siyang yakapin. “L-Loisa …” lalong nanginig ang mga kamay ko na muling tumagos sa katawan niya. Nararamdaman ko na ang init ng liwanag sa buong katawan ko… Ito na ba? Ito naba ang huling pagkakataon na makikita ko si Loisa. D’yos ko… Kahit isa lang po… Isang beses lang po na mayakap ko ulit siya bago ako maglaho. Isang yakap lang po…. Isa lang… “Mahal… Mahal na mahal kita, Loisa.”


  • (23 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018