Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



May chance bang mapansin ang isang Nerdy Girl ng isang Campus Hearthrob?

**Kisses POV**

"Good morning"! masayang bati ko sa mga taong nadatnan ko sa dining area.

"Oh bakit ganyan ang hitsura mo"? tanong ni Ate Aina na animo nagpipigil na matawa.

"Bakit"?Wala namang nagbago sa hitsura ko ah"!

"Namumula masyado yang nguso mo"! sita niya sa akin. First time ko kasing mag-lipstick kaya siguro napakapal ako ng lagay.

"Hindi naman ah"! tutol ko naman,Bahagya ko tuloy pinunasan ng tissue ang labi ko.

Kung bakit kasi naisipan ko pang maglipstick eh hindi naman ako marunong.

"Ano ba kasing naisipan mo at nag-lipstick ka"! tila nang-aasar na tanong naman ni Ate Michelle.

Hindi ako nagsalita but I smile!No one can change my mood today!

Para akong nasa cloud nine!

Pangarap ko lang si Donny noon. Iniistalked ko lang siya dati. Para lang akong gaga na sunod ng sunod sa kanya. Para akong imbestigador na inaalam ang lahat ng tungkol sa kanya. And the weirdest part eh yung iniiyakan ko everytime na nalalaman ko na may girlfriend siya.

"Ano bang nakain mo at naka-lipstick ka pa"?tanong ni Ate Michelle at hindi ko sila masisisi kasi nakakataka naman talaga.

"Hmn! Wala naman"! pagdadahilan ko na lang. Ayaw kong masira ang masayang araw ko dahil sa kanila.

Ayaw ko silang patulan!

Walang makakapagpabago ng mood ko ngayon kahit na yung dalawang ate ko pa.

I'm too happy para mabadtrip!Tama nga pala! Iba nga pala yung saya na dulot kapag in love ka at hinayaan mo ang sarili mong maramdaman yun.

"Huwag mong sabihin sa amin na in love ka"? si Ate Aina yung nagtanong.

"Bakit mo alam"? walang gatong kong sagot. kiber ko kahit madinig ni Mama. Alam naman niya yung tungkol sa amin ni Donny. Sinabi ko sa kanya yung pagpapanggap namin ni Donny. Hindi naman sya nagalit pero pinaalalahanan niya ako.

Baka daw masaktan lang ako.

Baka daw mas lumalim ang feelings ko para kay Donny tapos hindi na ako makabitaw sa Charade namin ni Donny.

She asked me to stop pero hindi ko siya sinunod.

Gustuhin ko man kasing gawin yung sinabi niya! Hindi ko naman magawa!

Masyado na kasi akong nalunod sa kasiyahan na dulot ng Charade namin ni Donny

"Boyfriend mo na si Donny"? nanlalaki ang matang tanong ni Ate Michelle.

"I guess"! sagot ko naman!

"Weh!" halos panabay na sabi pa nung dalawa kong kapatid na kontrabida kahit kelan sa buhay ko.

"Hindi ko naman siguro kasalanan kung ako yung gusto!! " first time kong nakapagyabang sa kanila. At wala naman sigurong masama kung iyabang ko sa kanila na boyfriend ko ang ultimate crush ng bayan dito sa lugar namin.

Sikat si Donny sa buong bayan dahil nga mayaman sila„ idagdag pang gwapo talaga sya.

"Shhh! Bilisan ninyo jan at may pasok"! saway na sa amin ni Mama. Alam kong tumityempo lang siya para kausapin ako.Hindi niya siguro ako matanong ng direkta sa harap nila Ate.

"Hindi ako maniniwalang boyfriend mo siya unless magpunta siya dito" sabi ni Ate Aina, samantalang hindi umiimik si ate Michelle.

“Okey”casual ko lang na sabi. Kahit naman pilitin ko silang maniwala, hindi sila basta maniniwala ng walang kahit na anong basehan.

“Baka akala mo kayo pero hindi pala!” sabi pa ni Ate Michelle

Sasagot pa sana ako ng biglang may kumatok.Nakalimutan na naman sigurong isara ni Mama yung gate sa labas kaya nakapasok yung napaka-aga naming bisita.

"Sino naman kaya ire at napaka-aga" kunot ang noong sabi ni Mama habang naglalakad papunta sa pintuan. Binalingan naman ako ni Ate Aina.

"Kung boyfriend mo talaga si Donny I want to hear it from him" sabi ni Ate, nginisian ko lang siya sa huli niyang sinabi. As if naman bothered ako kung maniwala man siya o hindi.

"Good morning po!”

Si Donny! Hindi ako pwedeng magkamali sa boses niya.Bigla tuloy akong kinabahan!

Pero anong ginagawa niya dito sa ganito kaaga?Alam ko na magkikita kami today sa school pero hindi ko ini-expect na pupunta siya dito sa bahay!

Bigla akong nataranta!

Ano bang dapat ang ikilos as his girlfriend?

Maaga ka"? narinig kong tanong ni Mama kay Donny na halatang nagulat din.

"Susunduin ko po sana si Kisses" sagot ni Donny

"Oh my! Si Donny nga!" narinig kong sabi ni Ate Aina na sinadyang salubungin ang bisita habang naiwan kami ni Ate Michelle sa dining area.

“Infairness naman sa boyfriend mo,impressive”!sabi ni Ate Michelle.

“Anong gagawin ko”?Bigla parang gusto kong bumalik sa kuwarto ko at magkulong

"Hinihintay ka na nya"! sabi ni Ate Michelle habang sinisiko ako.

"Boyfriend mo di ba? Eh di asikasuhin mo"! natatawang sabi ni Ate Michelle, 21 na si Ate michelle kaya alam na niya yung ganitong pakiramdam.

Kinakabahan man, wala akong choice kundi ang kausapin na siya.

"Hi"! yun lang ang lumabas sa bibig ko sa sobrang pagkapahiya.

“Good morning Kisses”!

"Bakit andito ka"? halos pabulong kong tanong.

"Sinusundo ka"! pabulong din niyang sagot.

"Wala sa usapan natin to"! sabi ko na lang, hindi ko kasi talaga alam ang gagawin.

Ipapakilala ko na ba siya bilang boyfriend ko?Bigla parang nawala yung yabang ko kanina nung sabihin ko sa mga kapatid ko na boyfriend ko si Donny.

Natatakot akong ipakilala siya na boyfriend ko kasi baka ideny naman nya ako!

“Ang aga mo namang bumisita”?pormal na tanong ni Mama.

“Susunduin ko lang po si Kisses para sabay na kaming pumasok”hindi naman nagpatinag si Donny.

"Ano ka ba ng anak ko"? tanong ni Mama, knowing her kinu- confirm lang nya kung parehas kami ng ni Donny. Feeling siguro ni Mama ako lang delusyon ko lang na maging boyfriend si Donny.

"Boyfriend po"! walang gatol na sabi ni Donny.

“Ang babata nyo pa para pumasok sa isang relasyon”

"Alam ko pong bata pa kami! Pero asahan nyo pong aalagaan ko si Kisses"! sabi ni Donny, na nagpatulala sa akin.

“Mabilis magbitaw ng pangako pero mahirap panindigan ang pangako”sabi ni Mama

“I love Kisses and the lease thing na kaya kong gawin ay ang saktan sya”

“Can you promise na magiging responsible kayo sa relasyon nyo”?tanong ulit ni Mama.

“Yes po”!magkasabay pa naming sagot.

"Well! Tulad ng palagi naming sinasabi sa mga anak ko, hindi masama ang mainlove, okey lang din na magka-bf pero palaging iisipin ang mga prioridad sa buhay" litanya ni Mama.

"Boyfriend pa lang Ma! Ie-enjoy lang namin to" singit ko.

"Huwag mong sasaktan ang bunso namin ha! or else mananagot ka sa amin"Touch naman ako sa sinabi ni Ate Aina!

"Yes ate"! sagot ni Donny

"Ayokong kung saan-saan mo dadalhin ang anak ko, mas okey sa akin kung dito kayo sa bahay magkikita" sabi ulit ni Mama.

"Makaka-asa po kayo"! sabi ni Donny tsaka kumindat sa akin.

I know na mahal ako ni Donny at panghahawakan ko yun pero may takot pa din ako na pwede niya akong masaktan. Pero aasa ako na siya na yung una’t huling lalaki na mamahalin ko.





**Donny’s POV**

"I can't believe na girlfriend na kita"! sabi ko kay Kisses habang gagap siya sa kamay. Bababa na sana siya ng kotse pero maagap ko siyang nahawakan.

“Girlfriend mo na ako, pwede mo na akong hindi bolahin sa mga paganyan mo” all smile kong sabi.

“You have no idea kung gaano ako kasaya na girlfriend kita”

“Gaano nga ba”?all smile na sabi ni Kisses.

“Hindi kayang sukatin”

“Paano if one day marealized mo na hindi mo pala ako mahal”?

“It won’t happen”

“Paano kapag nakakilala ka ng maganda”?hindi ko alam kung iniinis lang ako ni Kisses or nilalamon lang talaga siya ng mga insecurities niya.

“So”?

“Baka iwan mo lang ako” Hindi ako sumagot pero tinitigan ko lang si Kisses.

“Once and for all, I want you to know na mahal kita bilang ikaw”

"Nagiging realistic lang ako na maaring baguhin ng panahon yang nararamdaman mo”

"I love you"! seryoso kong sabi. Gusto kong ipaintindi kay Kisses how much I value her. Gusto kong ipaintindi sa kanya hindi lang laro para sa akin kung ano ang meron kami.Hindi ko alam kung anong klaseng love ang tawag sa kung anong nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, mahal ko siya.

"Ilang beses mo nang sinabi yan"!

"At hindi ako mananawang sabihin"!

"Kapag may nakilala kang iba and you think she's best for you okey lang sa akin na iwanan mo ako"! ewan ko kung bakit niya sinasabi yun.

"You're more than enough for me Kisses"! bigay assurance ko sa kanya. Yun naman kasi talaga ang nararamdaman ko. Oo Madaming maganda, kahit sino pwede kong makuha anytime na gustuhin ko.

"Pero bakit ako"? tanong niya.

"Yun na naman? Pero para mapanatag ka! Ikaw kasi ang laman at tibok nito"! sabi ko tsaka inilagay ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko.

"Hindi ako maganda!" sabi niya

"Eh ano"!

"Hindi kami mayaman"! sabi ulit niya.

"Parents ko ang mayaman hindi ako"

"Anything you need to say"? tila nang-iinis kong sabi nung hindi na siya nakaimik.

"Goodluck sa exam! Make sure na makapasa ka ha! Ayaw kong magkaroon ng boyfriend na repeater" nagtatawa niyang sabi.

"Sa bagay na yan! Hindi ako sigurado"!

"Bakit"?

"Hindi kasi ako nakapag-review kasi ikaw ang palaging nasa isip ko"! pabiro kong sabi pero yun ang totoo.

"Hindi ako naniniwala!"sabi niya sabay irap sa akin.

"Hindi lang ako nagpahalata! But god knows how much I missed you"!

"Paano kung hindi mag-work"? tanong niya.

"I won't do things para hindi mag-work and I hope na you will do your part also"

"Mga Bata pa tayo! Madami ka pang makikilala!Madami pang pwedeng mangyari"!

"Pero for now ikaw ang para dito"! sabi ko sabay turo ulit sa tapat ng puso ko.

Hindi umimik si Kisses pero nakatitig lang siya sa akin.

"Why"? curious kong tanong.

"Hindi lang ako makapaniwala na ikaw yung first boyfriend ko"!she said

"And I will be your last"! sabi ko, tsaka siya hinalikan sa kamay. Naramdaman ko pa ng mapapitlag siya. Tsaka ko naalala na bago sa kanya ang ganitong experience.

"I'm sorry, nabigla yata kita”

"Okey lang, pero tara na at baka ma-late pa tayo sa exam" nagtatawa na niyang sabi.

"I love you"! sabi ko.

"I love you too"! mahina niyang sagot na tila nahihiya pa.

"I can't hear you"! sabi ko habang pinipisil ang kamay niya.

"Mahal kita Donny Pangilinan"! this time malakas na niyang sabi.

"That's better"!

Mga bata pa kami but I'm taking all the responsibility.

I love her, at wala ng makakapagpabago nun.





**Kisses POV**

"Akala ko ba break na! eh bakit mas naging sweet pa yata silang lalo"! comment ng isang bakla habang dumadaan kami sa hallway. Hawak ni Donny ang kamay ko na ayaw niyang bitawan kahit kanina ko pa inaalis. Sinundo niya ako sa room ko para sabay kaming maglunch

Sa room pa lang nagtaasan na ang kilay ng mga hitad kong kaklaseng babae!

Pero deadma lang ang beauty ko!

Mamatay sila sa inggit!Nung magdecide akong ilaban yung feelings ko, inihanda ko na din ang sarili ko sa magiging pangba-bash nila.

"Ang haba ng hair ni Kisses"! comment naman ng isang babae.

"Love is blind nga talaga!" sabi naman ng isang lalaki.

"Just don't mind them"! halos pabulong na sabi ni Donny sa akin.

"Hindi talaga noh! As long as anjan ka walang dahilang para magpa-apekto”

“Magkasama tayo dito!Walang iwanan” bigay assurance ni Donny sa akin.

"Kayo na ulit"? tanong ni Minnie nang makasabay namin ng pagpasok sa canteen.

"Nag-break ba tayo"? ako na yung sumagot, bago pa nakasagot si Donny.

"Nope"! nasakyan naman ni Donny yung gusto kong iparating kay Minnie.

"Ang sabi nila break na daw kayo"! tila napahiyang sabi ni Minnie.

"Break? Hindi ah"? baling ko sa nangingiting si Donny.

"So all the while akala nyo pala nag- break kami"?mayabang ko pang sabi. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero kinailangan kong gawin yun para hindi na nila binu-bully when it comes sa pakikipagrelasyon ko kay Donny.

"Oo"!sagot ni Minnie

"And with that note, kaklaruhin ko lang, hindi kami nagbreak at hindi kami magbi-break hangga't mahal namin ang isa't isa!" matapang kong sabi. Kumindat lang si Donny sa akin dahil sa sinabi ko. Tigagal naman ang nasupla kong si Minnie.

"Excuse us, gutom na ang boyfriend ko" sabi ko ulit. Sana lang nagets ni Minnie na walang kahit ano at kahit sino ang magpapa-apekto sa akin now na boyfriend ko na si Donny.

“Thank you”!sabi ni Donny sa kalapit ko nung wala na si Minnie.

“Para saan”?kunot ang noo kong tanong.

“Thank you for saying na boyfriend mo ako”!

“You will be my first and last”wala sa loob kong sabi.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

ACCIDENTALLY KISS IN SUMMER

#SummerFling I really hate summer, hindi dahil sa init ng panahon, hindi rin dahil sa wala akong pera para makapagbakasyon, swimming at magtampisaw sa beach. It was because of the heart breaks I had.

Image Description
Yazuakie
01 May 2018
ACTIVE NOW

What if you have fallen into love with the most unexpected person at the most unexpected time? Will you rather ignore your heart or follow its beat?

Image Description
Sassy Missy
24 April 2018