Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

"Mommmmmmyyyyyyyy!!!" Jelly screamed so loud na nabulabog yata buong village.  

Natatarantang pumasok si Mommy, Daddy at  Kuya sa kwarto ko. "Jelly what happened??" They chorused habang makikita ang pagka-worried sa mukha nila.  

"Waaaahhhh! Look at my pimple sa nose, hu-hu-hu! Now pa man din date namin ni Josh". Jelly is crying while in the front of the mirror.  

Sabay kamot silang tatlo sa ulo. "Kala naman namin kung napaano ka na. Kung may sakit ako sa puso e inatake na ako dahil sayo." Nagrereklamong sabi ng Daddy ni Jelly.  

"Oo nga naman Jelly, tinakot mo talaga kami. Ikaw talagang bata ka I will pinch you talaga sa singit!" Dagdag ng mommy nya.  

"Hay naku, Jelly Joy Joaquin Nakalabas-labas tuloy ako sa shower ng di oras dahil sa tili mo. Look at me! Buti na lang na-manage ko pang mag-bathrobe, kung hindi.." Reklamo ng Kuya ni Jelly habang nasisilam-silam pa ng sabon sa mukha nya.  

"Sorry na po talaga. E kase naman now pa sumulpot tong face squatter na to, kainis talaga!" Nakasimangot na sagot ni Jelly.  

They all laughed.  

"E paano ba naman, malamang e di ka tumulog ng maayos kagabi." Umupo ang Daddy nya sa tabi ng bed. "Dito ka nga sa tabi ko." Her Daddy requested her to sit beside him. "O tingnan mo yang eyebags mo oh." Sabay hawak sa mukha  ni Jelly. "Lumalabas yan kse nga di ka natulog dahil masyado yang tension mo. Relax lang. Take it easy. Sabi nga ni Maya, kalma, hehe!" Sabi ni Daddy Jim habang medyo natatawa. Her Kuya and Mommy are just giggling while watching them.  

"Sorry po talaga, alam nyo naman po, first time kong formal date to e. Nung highschool prom at debut ko 2 months ago e ganito din ako pero mas malala ngayon." Jelly replied shyly.  

"I understand. Kaya nga nandito kami ng mommy at kuya mo." Jelly looked at her Mommy and Kuya asking for their approval. And they put their thumbs up. "Nandito kami para suportahan ka every step of the way... Mahal mo na ba talaga si Josh?" And Jelly nodded. "Walang problema yun sa kin at kahit sa mommy mo o sa kuya mo. Kung masaya ka, masaya din kami para sa yo. Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin, okay?" Dagdag pa ng Daddy nya. 

"Thanks po Dad... sobra. I love you!" Then Jelly hugged him.  

"Oh ano pang hinihintay nyo! Group hug na!" Sabay senyas nya sa kuya at mommy nya na medyo naluluha-luha pa. Then they hugged each other tightly.  

"O sya, tama na tong drama natin, kse nasasabunan na tayong lahat gawa nitong si Jeremy, haha! Tsaka etong dalaga natin e magpipili pa ng kanyang isusuot." Mommy Jill said.  

"Mom, di ba kahapon pa pumipili yan, e wala pa ding napipili hanggang ngayon?" Jeremy asked.  

"Ay naku Jeremy, kilala mo naman tong kapatid mo, mas metikulosa pa sa kin pagdating sa damit." Mommy Jill replied.  

Mayamaya ay may nagsalita sa may pinto. "May na-miss ba akong hapennings?" Sabat ni Vince na bigla na lang sumulpot. "Tinanong ko si Manang sabi nandito daw kayo lahat sa taas." He added.  

"Yes Vince dami mong na-miss. Na-miss mo kadramahan ng Joaquin Family, hehe! Kaya lang late ka na talaga kse dapat nang bumaba ang mga boys ngayon kase may fitting session pa ang prinsesa natin. 2 pm na, ilang oras na lang natitira e di pa nkakapagdecide tong si Jelly sa dress nya. Kaya baba na muna kayo please at mag-basketball na lang muna kayong tatlo. Oy magbanlaw ka pala muna Jeremy, please. " Pagtaboy ng mommy ni Jelly sa tatlo. 

"Opo na po." Sagot ng tatlong boys. 

"Bye! sorry po!" Jelly told them. "Wait Vince, dito ka magdi-dinner, right? Kse pinadamihan na ni mommy pinaluto nya kay Manang kse nga alam nya sasabay ka sa hapunan mamaya." Jelly added. 

"That's right, Vince. Bahala na muna Kuya Jeremy mo sa'yo today, okay?"  Mommy Jill told Vince. 

"Opo. Don't worry po, Tita. I-invade ko na lang po muna ang privacy ni Kuya Jeremy for today, hehe." Vince replied comfortably. Jeremy and Vince did a high-five. Vince is like a part of the family na kase and he's also like a bestfriend to Jeremy. 

"O sige na Hon, bahala muna kayo? At eto muna si Jelly ang aasikasuhin ko." Mommy Jill told Daddy Jim. 

"No problem, Hon. I'll take charge of the boys, para namang maliliit pang bata yan mga yan kita mong mga kasing-height ko na, haha. Mommy talaga, sa pag-aasikaso e unbeatable." Daddy Jim answered. 

"O sya exit na kayo." Taboy ni Mommy Jill.

So the three boys left. 

"O, let's proceed!" Mommy Jill smiled. 

Then they opened Jelly's wardrobe and they started to pick the dress that she wants to wear. Mommy Jill is usually putting new ones in Jill's wardrobe from her collections every now and then. So, there are times that Jelly still has some dresses that she hasn't wear yet.

"Are you sure you've already tried everyone of them?" Mommy Jill asked.  

"Uhmmm, actually yes mom, but I'm not sure if I tried to fit them properly." Jelly replied. 

"If you really can't find anything you like, I can ask Lynn to get one for you from my new collections in my office." Lynn is Mommy Jill's assistant. 

"Don't worry, it should be fine mom. I will just try everything and will let you decide. You know that I trust you.." Then Jelly winked. 

"Atta girl... Okay, let's start, come on.." She said while clapping, just like what she's doing when they have ramp rehearsals with her fashion models.  

More or less an hour, they're finally done with the fitting and at last Jelly got something that she really wants to wear for tonight.  

Jelly was a bit worn out already so she thought that she got to breath some fresh air. So she decided to go the garden. She went out of the house and she saw Kuya Jeremy and Vince in the gazebo. They're talking as if they are too serious. Well, she thought, they're probably talking about girls: Jeremy, talking about Paula, his girlfriend and Vince, talking about Alex, his MU, sort of. And what will Jelly do? Of course, dating gawi, aabalahin sila sa usapan nila. Yan lagi ang trip ni Jelly... mang-asar sa dalawa. 

Then she walked silently to the gazebo so that no one will notice her. She even tried to hide behind the palm tree na dalawang metro lang ang layo from the gazebo. When all of a sudden, she heard something that catched her attention. 

"Mahal mo ba sya? Bakit di mo sabihin?" Kuya Jeremy asked Vince seriously. 

"Mahal ko sya. Mahal na mahal. Gusto ko talagang sabihin kaya lang..." Vince said hesitantly. 

"Kaya lang ano?" Tanong uli ni Jeremy.

Pigil na pigil na si Jelly. Gustong na nyang makisabat sa usapanng dalawa. She can't help herself but to join their conversation! 

"Kaya lang natotorpe sya, yun ang reason nun!' Jelly interfered. 

Gulat na gulat ang Kuya Jeremy nya at si Vince. Para silang nakakita ng multo. 

"O anong nangyari sa nyong dalawa? Sobra naman ang pagkakagulat nyo! Di naman siguro ganun kalaki eyebags ko para mapagkamalan nyo kong zombie, no?" Natatawang sabi ni Jelly. 

"Yun nga yun kase, natotorpe si Vince kaya di nya masabi." She added. 

"Di masabi ni Vince kay Alex na mahal na mahal nya to kase nga natotorpe sya, yun ang reason why." Di ba Vince? Hehe, aminin mo na kase!" Jelly said while looking at Vince. 

"Ahhh, yun nga! Kaya nga di ko masabi kase hindi pa ako magkaron ng lakas ng loob. Torpe nga siguro ako, di ba Kuya Jeremy?" Vince replied hesitantly. 

"Ah ganun ba? Don't worry masasabi mo din yun when the right time comes." Sagot na lang ni Jeremy na parang medyo nakahinga ng malalim. 

"That's right kaya nga you should do it quickly para pareho na maging "In a relationship" ang status natin sa FB." Ngingiti-ngiti pa na sabi ni Jelly.

"At kelan naman naging "In a relationship" ang status mo aber?" His KuyaJeremy asked sarcastically. 

"Tomorrow.. Kse malamang after tonight eh "In a relationship" na ko. O baka nga pagkauwing-pagkauwi ko mamaya after the date e ibasura ko na yung "single" status ko.. weeee!" Sagot ni Jelly na abot hanggang tenga ang ngiti. 

Nagkatinginan si Jeremy at si Vince at sabay nagsalita. "Konting pakipot ha!" 

"Jinx..." Sabay high-five ang dalawa. 

"Sabi ko kanina gusto ko ng fresh air kaya ako lumabas... Yoko na nga dito! Dun na lang ako sa kwarto magbu-beauty rest!" Jelly murmured habang nanghahaba ang nguso. 

"Bye!!! Jinx again.." Tumatawang sabi ng dalawa. 

"Tseh!" Jelly exclaimed as she walked away while stomping her feet. 


TO BE CONTINUED....


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018