Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

(Vince's Point of View)

Bigla akong napabalikwas nang maramdaman ko ang luha na dumadaloy mula sa mga mata ko at nang marinig ko ang mahinang pagtawag ni Jelly. 

"Vince... Vince..." Tawag ni Jelly sa pangalan ko.

"Huh, buti panaginip lang pala..." Bulong ko sa sarili ko. 

"You're moaning... Are you okay?" Mahina nyang tanong.

"I'm okay... Ikaw ang dapat kong tanungin kung okay ka na?" Balik na tanong ko kay Jelly.

"I'm fine, don't worry about me... Thanks for staying with me..." Sabi nya na ngumiti nang bahagya.

"Of course, I'll always be here... " Then I kissed her forehead. Mabuti pa kumain ka na, eto nagluto ako ng soup. Pero baka malamig na 'to kaya i-hi-heat up ko lang sa microwave sandali.

"Okay..." At tumango sya.

Lumabas ako sandali sa kusina at maya-maya ay bumalik din kaagad na dala na ang mainit-init na noodle soup.

"Eto kumain ka na para lumakas ka..." Tumabi ako sa kanya at sinubuan sya nang soup.

"Ang sarap naman... Galing namang mag-alaga ng nurse ko, super gwapo pa..." She said then pinched my nose after.

"Ay, gusto ko yun 2nd na sinabi mo..." I winked.

"Alin??? Yun magaling o yung gwapo???" Nakangiti nyang tanong.

"Syempre yung gwapo! Hahaha!" Sabi ko habang tumatawa nang malakas.

"Ikaw talaga!" Sabay kurot nya sa tagiliran ko.

"Hahaha! Oh..oh wait matatapon itong soup na hawak ko!" I'm laughing while trying to stop her.

"Wait nga pala... ikaw ba kumain ka na?" Asked Jelly.

"Hindi pa nga e kaya gutom na din ako... Pero eto naman ang soup e kaya susubo na din ako..." Sabay subo nang isang kutsarang soup sa bibig ko.

"Hey, bakit mo sinubo ang spoon ko, I'm sick right? Sige ka baka mahawa ka..." Nag-aalalang sabi ni Jelly.

"Okay lang yun mahawa ako, ikaw naman ang makakahawa sa akin e... Tsaka gusto ko isubo 'tong spoon mo kase para na din kitang na-kiss..." Sabay kindat.

"Ah ganon? Talaga palang gustong-gusto mong hinahalikan ako... Nasasanay ka ha..." Sabay simangot."

"Hindi naman masyado... medyo lang.... hahaha!" Sagot ko habang ipinapatong ang bowl of soup sa sidetable.

"Ikaw talaga!" Sigaw ni Jelly na sinimulang kurutin ang tagiliran ko nang pinung-pino.

"Oy wait ganyan pala gusto mo ha... Come here..." At sinimulan kong kilitiin naman sya habang kinukurot nya ako.

"Hey Vince, no, stop that! Daya mo talaga, alam mong napaka-ticklish ko!..." She shouted while laughing.

Sa pagkikilitian namin dalawa ay bigla kaming napatigil nang magkatitigan ang aming mga mata. Naramdaman ko na naman yung feeling na gustong-gusto ko na namang halikan ang kanyang mga mapupulang labi. Pero kailangan ko munang maging matatag sa pagkakataong ito. Gusto kong lakasan ang loob ko para kausapin sya tungkol sa isang bagay.

"Tara muna sa deck, yaya ko kay Jelly. Pero okay ka lang ba na lumabas ng kwarto?" I asked hesitantly.

"Oo naman..." She replied.

"Ah buhatin na lang pala kita." Mabilis na sabi ko.

Magrerefuse sana sya pero mabilis ko na syang nabuhat kaya't wala na syang nagawa.

Pagdating sa deck ay iniupo ko sya sa isang hammock na nandoon. At umupo din ako sa tabi nya

Maya-maya ay nagsalita na ako.

"Jelly...." I started to speak.

"Yes Vince..." Sagot ni Jelly habang pinapalipat-lipat nya ang kanyang tingin sa dalawang mata ko.

"Pwede bang simula ngayon, wag na tayong maging bestfriend?" Nag-aalinlangan tanong ko.

"Huh..." Napakunot ang noo ni Jelly at halatang nalilito sya.

"Mahal kita Jelly at alam ko na mahal mo din ako... mahal natin ang isa't isa nang higit pa sa magbestfriend, nararamdaman ko yun..." Hindi ko pa din alam kung paano sasabihin directly ang gusto kong sabihin.

Napapalunok si Jelly habang nakatingin pa din sa aking mga mata.

"Jelly... Uhmm no... forget about it... Gaya nang sabi ko... I'm willing to wait." I looked down and sighed. 

Maya-maya ay tumayo ako at tumanaw sa may beach habang nakahawak sa kahoy na railings ng deck.

Naramdaman ko na lang na lumapit si Jelly sa kinatatayuan ko at nagsalita.

"Vince... Look at me..." Hinawakan ni Jelly ang dalawa kong pisngi at iniharap ang mukha ko sa kanya.

"Mr. Vincent Lee Montenegro... Can you ask me to be your girlfriend?" She said calmly while smiling at me.

"Wait.. What?.... Are you serious? It means ready ka na?" Gusto kong umiyak nang oras na iyon.

Excited na tumango si Jelly.

"You mean, you mean...." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Ask me..." She's nodding.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Okay... Jelly Joy Joaquin.... Can you be my... can you be my girlfriend?" Tumulo na ang luha ko habang itinatanong ko sa kanya ang mga linyang yon.

Habang pumapatak din ang luha ni Jelly ay sumagot sya. "Yes Vince... I can be your girlfriend from now on..." 

At niyakap ko sya at binuhat habang nakakulong sya sa mga bisig ko.

Pagkababa ko sa kanya ay tinitigan ko ang kanyang mga mata.

"I love you so much, Jelly..." 

"I love you so much too, Vince..." 

Unti-unti ay naglapit ang aming mga mukha at muli ay naglapat ang aming mga labi. Mas ramdam ko ang sincerity sa aming dalawa ng oras na iyon... walang alinlangan... walang kinakatakutan...

Yun na yata ang pinakamahabang kiss namin dalawa... Gaya nang dati ay humihingal kami pareho nang maghiwalay ang aming mga labi.

"I'm the happiest man alive... You made me so happy Jelly..." I told her habang pinipisil ko ang kanyang mga kamay.

"Me too, Vince... me too...." And Jelly embraced me once again, tightly as she can.

Habang naghihintay kami sa mga nag-hiking ay pinagpahinga ko muna nang maayos si Jelly. Mga bandang 6 pm nang papalubog na ang araw ay nagyaya si Jelly na pumunta nang dalampasigan. 

Habang nakaupo kami sa buhanginan ay nagkuwentuhan kaming dalawa. Nakahilig ang ulo ni Jelly sa balikat ko at nakaakbay naman ang kamay ko sa kanyang balikat. Sabay naming pinagmasdan ang dramatic na paglubog ng araw.

"Hayyy... hindi ba nananaginip lang ako Jelly? Totoo ba talaga to? Girlfriend na ba talaga kita?" Hindi pa din makapaniwala na tanong ko kay Jelly.

"Gusto mo bang malaman kung totoo ito... O sige eto..." Sabay kinurot nya ako sa pisngi nang pagkasakit-sakit.

"Ouch! Enough na! Naniniwala na ako na hindi dream ito... Ang hilig mo talaga sa kurot.. Puro pasa na yata ako dahil sa kakukurot mo..." Tatawa-tawa kong sabi.

"May reklamo ka?" Irap nya sa akin.

"Wala po, boss... wala po..." At hinalikan ko ang kamay nya.

"Okay sige, basta promise me every anniversary natin dapat nandito tayo... every April 18 ay dapat nandito tayong dalawa to celebrate it." Sabi nya habang inihilig ulit ang ulo nya sa balikat ko.

"I promise... itong cabin na 'to ay lagi kong ipapareserve before ang anniversary natin. Gusto ko din lahat ng memories natin ay ma-preserve natin, para kahit tumanda tayo at magka-dementia or alzheimers disease e hindi pa din natin malilimutan ang isa't isa.. hehe!"

"Promise yan ha... walang makakalimot kahit tumanda na ha... pinky promise?" At pinag-embrace namin ang aming mga hinliliit.

"Promise..." Sabi ko at pagkatapos ay hinalikan ko sya sa kanyang mga labi.

Sabay naming naalala yung kantang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" kaya't di namin napigilan na hindi mapakanta.

Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, nasaan man
Ito ang pangarap ko...

Kuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko...

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan natin...

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang buhok ko...

La la la
La la la
La la la la la la

La la la
La la la
La la la la la la

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa'yo
Kahit maputi na ang...

Kahit maputi na ang buhok ko...

Maya-maya ay biglang tumakbo papuntang tubig si Jelly.

Bigla kong naalala ang naging panaginip ko nang araw na iyon kaya't nagmadali akong habulin si Jelly.

"Jelly stop! Wait for me!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

Taliwas sa panaginip ko ay nahabol ko naman ng mabilis si Jelly. Halos nasa may bewang na namin ang tubig nang mahawakan ko sya ngunit maya-maya ay naramdaman ko na biglang nanghina si Jelly at unti-unting nawalan ng malay. Mabilis ko syang nasalo sa mga bisig ko at dali-dali ko syang binuhat. Agad-agad akong lumakad papuntang pampang at itinakbo ko sya nang mabilis patungong cabin. Tamang-tama naman na kararating lang pala ng mga nag-hiking kaya't agad-agad silang sumalubong sa akin ng makita nilang buhat-buhat ko si Jelly. Kitang-kita sa kanila ang pag-aalaala lalo na kay Kuya Jeremy na napasugod sa pagkakita sa amin.

"Anong nangyari kay Jelly?" Nag-aalala at mukhang takot na tanong ni Kuya Jeremy.

"Ihiga mo sya dito bilis!" Itinuro ni Ate Paula ang sofa na nasa may living area ng cabin. 

"Nasa dalampasigan lang kami tapos bigla syang tumakbo sa tubig. Buti na lang nahabol ko sya dahil bigla din syang nawalan ng malay..." Humihingal na sagot ko.

"Ang init-init nya..." Nag-aalala ring sabi ni Jed.

"Mabuti pa ay humingi na tayo ng tulong sa hotel or kaya ay tumawag na tayo ng ambulance para madala na din sya kaagad sa ospital." Suggestion ni Jasper.

Nauna nang mag-dial si Roy sa emergency ng hotel.

"Okay na, tumatawag na sila ng ambulance." Sabi ni Roy.

"Eto punasan natin muna sya nang malamig na tubig para bumaba ang lagnat nya.." Si Alex na dali-daling kumuha ng bowl na na may tubig at yelo.

Dali-daling inabot ni Nina at ni Ate Paula ang bowl at sinimulan na nilang punasan ang expose na parte ng katawan ni Jelly.

"Actually kanina pa on and off ang lagnat nya nung umuwi kami.. Pinainom ko na sya nang gamot at nitong hapon naman ay okay na daw pakiramdam nya kaya di na ako masyado nag-alala... Pero ngayon talagang need na nyang ma-check ng doktor." Napapailing kong sabi. 

Maya-maya ay narinig na namin ang ambulansya kaya't dali-dali kong binuhat si Jelly palabas ng cabin. Nagmamadaling lumabas ang mga nasa ambulance at inilabas kaagad ang stretcher. Ibinaba ko sa stretcher si Jelly at pinisil ko ang kamay nya...

"Hold on, please.." Ibinulong ko sa kanya.

Dalawa lang ang pwedeng sumama sa ambulance kaya't si Kuya Jeremy at si Ate Paula lang ang nakasama. 

"Tumawag kayo kaagad sa amin, please..." Bilin ko kay Kuya Jeremy at Ate Paula.

"Don't worry, we will.." Pag-assure ni Kuya Jeremy.

Lahat nang naiwan sa cabin ay makikita ang pag-aala-ala sa mukha.

Pinili naming lahat na mag-stay sa may deck. Habang sila ay nagsiupo sa hammock at couch, ako naman ay nakahawak sa railings habang nakatingin sa malayo.

"Lord, ingatan nyo po ang babaeng mahal ko.. Iligtas nyo po si Jelly... Wag nyo po syang pababayaan." Bulong na dasal ko.

"Jelly... please hold on for me..." I whispered. 


TO BE CONTINUED...



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018