Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Finally, the most awaited hour is here! 

Jelly is still in her bedroom trying to review her checklist from her brain. "Ahmmm... ready na ba talaga ako?" Tanong nya sa sarili.

Dress... check!

Shoes... check!

Accessories... check!

Cologne... check!

Make-up... check!

"Eh ako? Ahmm.. Di ko alam bahala na! " Medyo kinakabahan pa din na sabi nya.

Bakit nga ba sya sobrang kinakabahan? Date lang naman to, pero parang feeling nya ay nanlalambot na kaagad tuhod nya.. Siguro dahil first time? This is her first date... "Ahhh, siguro nga..." Bulong nya sa sarili.

Suddenly, Jelly heard someone knocking at the door. "Hey Jelly, don't you want to go down already? Your dad, your kuya and Vince are dying to see how you look. Lumabas ka na daw." It's her mom.

"Okay mom, I'll be there shortly. Just give me a few minutes." She replied. "Whooosh! Talaga naman yung mga boys na yun... Nung nag-JS Prom ako at nung nag-debut ako ganung-ganun din sila, hayyy.." Bulong ni Jelly sa sarili.

Then she take one last look at herself in the mirror. Just last look to make sure that everything is already good. Then, she told herself, "You're pretty tonight, so why worry?".

She examined her long black straight hair that she just decided to leave as it is. She looked at the gold with white pearl pendant necklace that came with the pair of earrings and a bracelet that her mom and dad gave her 2 months ago for her debut. She stared carefully at the details of the dress that she's wearing. The dress is a white elegant V-neck sleeveless, half open back chiffon dress. It has an uneven length which is a knee-length in front and spreads out longer to the back. It has black accent in the neck and waistline which adds to the glamour. Then, she looked down to inspect her black 10 cm-high stiletto with a thin strap accross the toes and a wrap-around ankle strap with a silver buckle fastening on the side. It gives the additional sophistication and style to the dress that she's wearing. 

"Everything seems great so I think it's time to come out in the open..." She told herself smilingly.

Huminga muna sya ng malalim bago lumabas ng kwarto. Then she slowly walk through the stairs and go down very slowly... Parang prinsesa lang ang peg, ganun?

She saw her mom, her dad, Kuya Jeremy and Vince looking at her while she slowly glides on every steps. She can see the admiration from their face and she thought... "Well, kase naman love na love nila ako lahat kaya gandang-ganda silang lahat sa kin, whahaha!"

She was on her last 4 steps and napatigil sya sa emotera nyang pagbaba ng biglang, "Wait, wait! Stop ka muna dyan ha!" Ang Kuya Jeremy habang itinatapat sa kanya ang camera. "Picture, picture muna at ng may souvenir ka habang maganda ka pa, hehe!" Sabay press sa camera button.

"Hmmpp ibig sabihin hindi ako araw-araw maganda?" Nagmamaktol na sabi ni Jelly.

Tawanan silang lahat.

"Hahaha! Tingnan mong kuha mo nakasimangot tuloy! Isa pa nga!" Natatawang sabi ni Jeremy.

Ngumiti naman si Jelly para naman meron syang magandang souvenir at hindi yung nakasimangot na malamang ay isa na naman sa ipopost ng Kuya nya sa FB nya with matching tag pa at sa lahat ng kakilala. "Waahhh! Kuya is so bad!" Sigaw nya sa isip nya.

Nang nakababa na si Jelly sa hagdan totally, ay nag-group photos na sila. Jeremy set up his tripod so that everyone, even Vince, can join the photo. Jeremy is a photography hobbyist so one of his favorite subjects mag-picture sa buong family.

Then lumapit si Mommy Jill kay Jelly para ayusin ang medyo nagulong buhok nito. "O yan, keep them at the back para di natatakpan ang ganda ng mukha at dress mo." Nakangiting sabi nito.

Lumapit din sa kanya ang Daddy nya at ibinuka ang bibig nya. "Patingin nga at baka may tira-tira pang pagkain na nakasingit sa ngipin mo e nakakahiya, dentista pa naman ang daddy mo!" Sabay tawa ng malakas. Ganyan lagi ang biro ni Daddy Jim sa kanilang magkapatid tuwing may special occasion silang pupuntahan. Pero sanay na sanay na sila talaga sa mga humors nito kaya di na sila napipikon.

"Oo naman Dad, no? Three times pa nga ako nag-toothbrush before ako nag-make-up. Tapos two times ako nag-gurgle ng mouthwash para sure, hehe!" Jelly replied habang nakabuka ang bibig at ipinapakita ang kanyang pearly white teeth.

"Para sure na ano? Oy ha Jelly, wala munang ganun-ganun ha." Si Daddy Jim habang ini-sa-sign language ang kiss." 

Tawa ng tawa si Mommy Jill, Kuya Jeremy at Vince.

"Dad, ewwww! Kaya lang ako nag-toothbrush ng three times e dahil sa kiss? Of course not! Syempre I did that para sure na hindi sya mati-turn off sa kin. Sabi mo nga di ba, be sure na wala ng tira-tirang food sa pagitan ng mga teeth ko. Dad, talaga!" Jelly murmured.

"Tingin mo ba may mati-turn off pa sayo sa lagay na yan?" E kahit yata si Daniel Padilla e mapapalingon sa'yo pag nakasalubong ka e.." Si Vince na nakisabat sa usapan finally.

"Tama si Vince, Sis.. Sobrang ganda mo ngayon. Ah hindi lang pala ngayon, araw-araw. Bawasan mo lang yang pagsimangot mo e, pwedeng-pwede mong tapatan yung mga teen stars these days." Seryosong sabi ni Jeremy.

"Magtataka pa ba kayo kung bakit maganda yan, e may ebidensya naman kung saan nagmana..." Sabay sabi ni Mommy Jill as she walked a few steps like a model.

"Ay hindi yan sayo Mommy nagmana, sa kagwapuhan ko talaga nakuha ni Jelly yang looks na yan. Tanong mo kay Manang." Kumindat pa si Daddy  Jim.

Lakas ng tawa ni Jelly, Jeremy at Vince habang pinapanood nila sa pagtatalo mag-asawa.

Maya-maya ay biglang lumapit si Manang at sinabing dumating na daw si Josh.

"Sige papasukin mo na, Manang." Request ni Mommy Jill kay manang habang nakangiti.

Maya-maya ay pumasok na si Josh. "Waaahh si Josh na nga to!" Sigaw ni Jelly sa sarili. Yung kaninang panlalambot ng tuhod nya e lalo pang nadagdagan na para bang gusto ko na muna nyang umupo kase baka bigla na lang siyang mag-collapse. She can't help but stare at how Josh looks like with the modern grey suit he's wearing that makes him look a bit taller than his original height which is 5"10. "Galing talagang magdala ng damit ng mokong na to, sobra!" Di mapigilang humanga ni Jelly sa binata. And his bit spiked hair na sinadyang gawing messy and probably nilagyan lang ng konting gel, e lalong bumagay sa kanya. Jelly noticed that he's holding something. And yes, he's holding a bouquet of red roses. Kung pwede lang na tumakbo na sya sa harap ng binata then grab him, and give him a thank you kiss.. Ginawa na sana nya. Kaya lang sabi nga ni Jeremy at ni Vince, konting pakipot daw. Kahit naman she likes Josh too much e di naman sya magpapaka-obvious ng sobra-sobra.

"Good evening po." Josh greeted Jelly's mom and dad. "Hi Jeremy, Hi Bro!" Bati niya kay Jeremy at kay Vince. Bro ang tawag nya kay Vince dahil magka-org mate sila sa Campus Music & Sound, isang music organization sa University nila. And if you're asking kung maganda ang boses nila? Yes, kase pareho silang nasa soloist category. 

So, let's check Jelly Joy Joaquin's requirements?

Tall... Check! 

Good voice... Check!

 "J" name (Josh)... Check na check!

 And marami pang additional checks like:

 Love ni Jelly... Check! 

Madami pang BONUS like... cute, mabait, rich, smart, gentleman... beautiful eyes, beautiful nose... Etc.. etc... Check!

Gosh! Ala nang mahihiling pa si Jelly..

"Oyy, Miss Jelly Joy Joaquin.. Josh is waiting for you." Mommy Jill snapped her fingers in front of Jelly's face.

"Ahh, yes Mom.." Nagulat si Jelly.

"Ahmm sige po Mom, Dad.." And she kissed both of them.

"Tita at Tito, don't worry po iingatan ko po si Jelly, promise..." Josh said. "By the way, Jell, this is for you.." He added as he handed her the flowers".

"Thanks Josh.." Jelly said shyly. 

"Pano po, we'll go ahead na po." Josh told Jelly's Mom and Dad. "Jeremy, Vince, we'll go ahead na." Dagdag pa nito.

"Okay ingatan mo yan utol ko ha." Jeremy replied.

"Sure, I will." Josh nodded.

"Bye everyone!" Jelly told them as they're approaching the door.

"Bye! Enjoy!" They replied.


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018