Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Last Mr J

Image Description rochellyheart   |   14 March 2018


Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Saturday morning while Jelly's family is having their breakfast in the yard. 

"Hey Jell, what time dating ni Vince? May practice game tayo di ba para sa playoff nya sa Saturday?" Jeremy inquired.

"Yeah, he said he'll be here at 8 am so maya-maya lang mlamang nandito na yun coz it's already 7:45. Darating din nga pala si Alex at Nina today. May announcement daw si Nina.. Hula ko lang e may kasamang boyfriend yun." Jelly replied.

"Ah okay, Paula will be here na din soon. So masaya pala tayo kase dadami ang members ng bawat team! That would be so exciting!" Sabi ni Jeremy na mukhang masayang-masaya dahil bibisita si Paula, his girlfriend na ilang weeks din nyang hindi nakita dahil nagbakasyon ito sa Singapore kasama ng family niya.

"Wait, so darating dito si Nina na may partner, tapos si Jeremy eh sure na na may partner. Si Alex malamang ang partner ay si Vince... Eh di may lonely girl pala, kawawa naman." Birong deklarasyon ni Daddy Jim.

"Dad!" I murmured. "Don't try to make me feel kawawa, hmmmp!" Jelly pouted.

"Hahaha! Hindi na mabiro ang baby ko.. Pa-hug nga.." Daddy Jim stood up from his chair and went to Jelly to hug me.

"Hahaha!" Tawa ni Mommy Jill. "O' basta bahala na kayo sa mga bisita nyo ha, mamaya aalis na kami ng Daddy nyo papunta sa conference namin sa Batangas. Binilin na naman namin kay Manang at kay Prima kung anong ipi-prepare para sa inyo sa buong maghapon so relax na lang kayo okay."

"O Jell, bantayan mo tong Kuya mo ha, baka..." Nagbibirong sabi ni Daddy Jim habang baba't taas ang kilay.

"Man, Dad! I'm an adult already!" Jeremy complained habang nakangiti naman.

"Hahahaha!" Napatawa lang si Jelly at ang mommy nya.

Maya-maya ay may lumapit sa table. Dumating na pala si Vince. Nang makalapit sya ay nag-greet sa kanyang Tito Jim at Tita Jill.

"Hello Tito, Hello po tita!" He greeted Jill with a kiss and ni-high five naman nya si Jeremy at ang kanyang Tito Jim.

"Mag-breakfast ka na." Alok ni Mommy Jill.

"Thanks po Tita, pero nag-breakfast na po ako kse napa-aga gising ni Mommy kanina, hehe! Hi nga daw po pala."

"Okay, sabihin mo sa susunod e kami namang mga oldies ang magbabasketball." Mommy Jill said.

"Asan ang oldies, ha? Nasan?" Sabi ni Daddy Jim habang palinga-linga at ni-check pa ang ilalim ng table na parang naghahanap ng kung ano.

Nagtawanan lang ang lahat.

Maya-maya ay sumunod namang dumating si Paula.

"Hello po tita and tito! Musta po?" She greeted them with a kiss.

"Hi iha! Na-miss ka namin lalo na nitong si Jeremy." Mommy Jill said.

"That's right ate Paula. Lagi yang puyat kakaisip sayo.." Jelly giggled.

"Totoo yan, Paula. Di pa makakain." Daddy Jim did the second the motion..

"Oy enough na oh, lalo nang hindi maniniwala nyan si Paula sa sinasabi nyo." Sabi ni Jeremy na kakamot-kamot sa ulo.

And they just chorused laughing.

"Ah, iniwan ko nga pala po muna yung mga pasalubong ko sa living room." Paula stated.

"And that's the best part I'm waiting for." Sabi ni Daddy Jim na mukhang excited na excited.

"Hay naku, pag sa pasalubong talaga, magaling talaga yang Daddy nyo. By the way Paula, okay lang ba na iaakyat ko muna sa taas yung mga pasalubong mo? Meron kasi kaming pupuntahang conference nitong Tito mo and we need to hurry na pero thank you so much anak ha." Anak na ang turing ng parents ni Jeremy kay Paula simula nung maging mag-boyfriend silang dalawa.

"Okay lang po, Tita. Magugustuhan nyo po yun for sure." Sagot ni Ate Paula.

"Oo naman, salamat ulit ha." At nagpaalam na si Mommy Jill at Daddy Jim para mag-prepare sa pag-alis nila. Maya-maya naman ay lumabas na si Prima, ang isang kasambahay nila Jelly para ayusin ang garden table na pinagkainan nila. Nag-volunteer si Jelly na tumulong kaya pumasok na din ako siya sa loob ng bahay kasabay ni Prima.

Pabalik na si Jelly sa garden at nasa may backdoor na sya nang matanaw nya na dumating na din pala si Alex at si Nina. Napansin din nya na may katabi si Nina na isang lalaki na gwapo din naman at mukhang simpatiko. Malamang ay yun nga ang ipapakilala ni Nina sa kanila sabi naisip ni Jelly. 

Maya-maya ay napadako naman ang paningin nya sa lalaking katabi ni Vince. Nakatalikod ito kaya't hindi nya ma-analyze kung sino. Maya-maya ay nag-sideview kaya't nakilala din nya ito. Bigla syang kinabahan dahil nakita  na naman nya ang mga ngiting yon. Yes, si Jed nga ang lalaking katabi ni Vince. "Pero bakit sya nandito?" Tanong ni Jelly sa sarili. Ah malamang in-invite sya nila Alex o Nina, o baka naman si Vince. Whew.... sige na nga lalapit na nga ako para malaman ko." Bulong ni Jelly sa sarili.

Hindi pa nakakalapit ng husto si Jelly ay nakita na sya ng lahat.

"Speaking of the angel.. Nandito na si Jelly, yay! Kumpleto na tayo!" Sabi ng kalog na si Nina.

Bahagyang ngumiti si Jelly dahil medyo kinakabahan pa sya dahil sa presensya ng isang taong hindi nya ine-expect na dumating. 

"Hi Jelly!" Unang bati ni Jed.

"Hi" Tipid na sagot ko.

"Oo nga pala Jell, isinama na namin ni Nina si Jed kase kagabi nagkataon na naka-online kami sa Facebook then nagkakumustahan and tinatanong nya kung saan ang house nyo so we decided na dahil pupunta naman kami dito today e isama na lang sya. Pero di namin sinabi para surprise!" Paliwanag ni Alex.

"Buti naman at nakasama nyo sya. At least nakarating sya dito sa house. Welcome to Joaquin's residence!" Sabi ni Jelly na hindi malaman kung ano pang linyang isusunod.

"Thanks, Jelly. Sorry ha, I came here without any invitation from you, haha!" He said habang nakangiti na halos hndi na makita ang mata.

"No problem Jed. We're happy to have you here." Jelly replied.

"That's right! Tamang-tama makukumpleto ang team. Four against four." Jeremy said while smiling to Jed.."

"Nga pala Jed, kuya ko nga pala." Jelly introduced Jeremy to Jed.

"Nag-meet na kami kanina nung nasa loob ka. Nagpakilala na kami lahat sa isa't isa hehe!" Sabi naman ni Jeremy.

"And Jelly nga pala, as I've told you yesterday, I want you to meet Roy, my boyfriend." Kinikilig na sabi ni Nina.

"Weeeee sabi ko na nga ba e!" Kinikilig ko ding sagot. "Hi Roy, nice meeting you!" Jelly gave him a handshake.

"Hi Jelly, thanks for having us here." Sagot ni Roy.

"My pleasure.." Nakangiting sagot ni Jelly.

"Okay! So complete na tayo pwde na mag-start!" Tanong ni Kuya Jeremy.

"Yeah, of course!" Sagot ng lahat.

Kaya't nagbihis na sila ng kanya-kanyang gym clothes.

Dahil nga pare-pareho sila sa pamilya na mahihilig sa sports ay nagpatayo talaga si Daddy Jim at Mommy Jill ng maliit na gym na nakaattach sa bahay nila. Doon madalas nagbabasketball si Jelly, Jeremy at Vince. 

Nag-change ang mga girls sa room ni Jelly at ang mga boys naman ay sa room ni Jeremy. Sinigurado ng mga girls na nakatapos na ang mga boys bago sila lumabas ng kwarto ko. Nang nasa may stairs na ang mga girls ay nakita nila na naghihintay na ang mga boys may living room. Nag-usap-usap sila na isa-isa silang bababa na kunwari ay mga model ng sports wear.

Nauna si Nina na may suot na blue pair of shorts and tanks, na dahil nga may pagka-boyish "dati" ay tawa ng tawa habang pumapalakpak ang ang mga boys habang nag-momodel sya dahil sa medyo awkward nyang pagkilos. At biglang tumayo si Roy at inalalayan si Nina nang nasa malapit na sya sa last steps ng stairs sabay sabing "Girlfriend ko to, yes!" Kaya't lalong lumakas ang tawanan. 

Sumunod naman si Alex na may suot na white tank and black shorts. Dahil sa napakagandang hubog ng katawan ni Alex ay napasipol ang mga boys. Maya-maya ay itinulak ni Roy si Vince para alalayan si Alex. Kaya't lumakad si Vince papuntang stairs na parang nahihiya pa. Nagsimulang tumili si Nina kaya't nagsigawan na ang lahat sa panunukso sa dalawa. 

Sumunod na bumaba ay si Paula na may suot na alluring na red pair ng shorts and tank top. Lalong lumabas ang kanyang porselanang complexion dahil sa kulay ng suot nya. Sisipol na sana ang mga boys pero pinatahimik ni Kuya Jeremy ang lahat para sya lang ang magsalita. "This girl is for my eyes only". Kaya't nagtawanan ang mga boys sabay takip sa mga mata nila. 

Si Jelly na ang sumunod pero medyo kabado sya sa pagbaba. Parang naalala tuloy nya yung moment ng pagbaba nya noong debut nya pati na din nung first date nya... "Whew, bakit nga ba kinakabahan ako e sports wear lang naman etong suot ko tsaka mga kaibigan ko lang itong nandito. Pero bakit nga ba pinili ko itong suot ko na lalo tuloy makikita ang hubog ng katawan ko." Naisip ni Jelly.  Sabi sa kanya Mommy nya ay napakaganda daw ng shape ng body nya with a 32-24-34 body measurement. Gustong-gusto syang isali nito sa mga model nya kaya lang si Jelly talaga ang may ayaw dahil may iba syang mga priorities.

Suot nya ng oras na iyon ang isa sa mga paborito nya na pair of white shorts and white tanktop. Nakasuot din sya ng white na ponytail na gaya ng suot nya nung magkita sila ni Jasper noon. Favorite talaga ni Jelly ang white. Basically puro white na naman ang outfit nya mula ulo hanggang paa. Pero feeling nya pag all white suot nya ay may nangyayaring di nya inaasahan...

Dahan-dahan humakbang si Jelly pababa ng hagdan. Wala siyang naririnig o nakikita noong oras na iyon kundi ang mukha ni Jed. Pinagmamasdan nya kung ano ang reaksyon ng binata at kitang-kita sa mga mata nito ang paghanga. Ngunit bigla din syang napatingin kay Vince. Nakita ni Jelly na kung paano sya tingnan ni Jed ay ganun din ang nakikita nyang paghanga sa mga tingin nito sa kanya. Naisip nya tuloy, "Kung hindi ko ito bestfriend ay iisipin ko talaga na may gusto sa kin itong lalaking ito. Pero hindi, erase, erase, erase... Bestfriend ko sya kaya sigurado ako maganda ako sa paningin nya, yun lang yun." Pilit isiniksik ni Jelly sa isipan nya.

Ibinalik ni Jelly ang kanyang mga mata kay Jed at nakita nya ang matatamis na ngiti nito... "Hayyy eto na naman itong ulap na pakiramdam na ito. Para na naman akong lumulutang sa alapaap habang naghihintay ang Prince "J" ko sa baba ng hagdan na handa akong saluhin sa lahat ng oras." Bulong ni Jelly sa isip nya. 

Patuloy pa rin ang  paghakbang ni Jelly ng maramdaman nyang naapakan nya pala ang lace ng kaliwang runners nya! Namalayan na lang nya na natumba na sya kaya't ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata at naghintay sa susunod na mangyayari...

Nawala ang takot ni Jelly ng biglang maramdaman nya na bumagsak sya sa hindi matigas na bagay. Nang pumikit sya bago sya tuluyang bumagsak ay ine-expect nya na na hahantong sya sa floor at malamang ay dugu-duguan ang ulo pagkatapos. Kaya't tuluyan na nyang iminulat ang kanyang mga mata upang tingnan kung saan sya bumagsak. 

Nagulat sya ng pagmulat nya ay tamang-tamang nakatapat ang mga mata nya sa taong binagsakan nya. Naramdaman nya ang pagkakayakap nya dito at ang pagkakayakap nito sa kanya. At ang pinakamasama pa nun ay magkadikit pala ang mga labi dalawa nang oras na iyon. Napabalikwas si Jelly at napasigaw habang sinasampal sampal ito. "Bastos! Bastos ka! Bakit mo ako hinahalikan ha! I hate you! I hate you!" 

Jed grasped Jelly's hands para pigilan ito sa pagsampal sa kanya. "I'm so sorry pero sinalo lang naman kita kse ayaw kitang masaktan kaya yun ang nangyari.. Kung tutuusin di naman ako nang-kiss sayo ikaw nga ang kumiss sa akin.." Pigil na pigil sa pagtawa si Jed. Nakita din ni Jelly na nagtatawanan silang lahat maliban kay Vince na nakasalampak lang din sa sahig at hihimas-himas ang nasaktang paa.

"Sasaluhin ka din nya kaya ganyan ang kanyang pwesto." Paliwanag ni Jeremy na medyo natatawa pa din.

"Itong lalaking ito ang nakakainis!" Turo ni Jelly kay Jed. "At ako pa pala ang nangkiss ha." At nagtawanan ulit silang lahat.

Maya-maya ay inalalayan ni Jed si Jelly na tumayo pero pinalo-palo pa nya ito sa kamay, "Kainis ka wag mo akong hawakan, I hate you!" Sigaw ni Jelly.

"O-okay po, sorry na talaga.." Nakangiti pa din nitong sabi.

Lumapit si Alex kay Vince at inalalayan nya itong tumayo. "Okay ka lang ba?"

Tumango si Vince. "I'm fine, don't worry."

"Vince okay ka lang ba?" Tanong din ni Jelly.

Tumango lang si Vince.

Wala namang nasaktan ng sobra sa kanilang tatlo kaya itinuloy din nila ang game. 

Naiinis talaga si Jelly kay Jed kaya naman yung dapat na team set up ay nabago. Magkasama sa red team si Jeremy, Paula, Alex and Jed, then sa Blue team naman sila Nina, Roy, Vince at Jelly. Dapat sana ay magkasama si Jelly at Jed at magkasama naman si Alex at Vince pero di pumayag Jelly na maka-team si Jed. 

Kahit habang naglalaro ay panay ang sorry ni Jed kay Jelly, kaya naman tuwing si Jelly ang may hawak ng bola ay mabilis itong nai-shu-shoot ni Jelly dahil pinapalagpas sya lagi ni Jed. Kinakantyawan na ngang mabuti nila Jeremy si Jed na ibinebenta daw ang laro dahil kay Jelly. Hindi naman seryosong laro kaya dinadaan na lang nila sa tawanan. Maliban lang kay Vince na mamapansin mong laging seryosong-seryoso. Madalas ay hindi nya ipinapasa kay Jelly ang bola at para ngang iniiwasan nyang makuha nito ang bola. Inisip na lang ni Jelly na baka naman may masakit dito dahil na rin sa nangyari sa may hagdan na nagpatumba din ito para masalo sya. 

Tulad ng inaasahan nanalo ang team nila Jelly. Tuwang-tuwa sila dahil may bet  sila na kung sino ang matatalo ay sila ang maglilibre ng ticket para sa plan nilang Boracay escapade. Nagkakantiyawan nga kase kung di daw dahil kay Jed ay di sila matatalo kaya dapat daw ay si Jed lang ang taya. Panay naman ang irap ni Jelly nang sinasabi nito na okay lang daw basta para kay Jelly.

Natapos ang araw na iyon na nawala din naman ang inis ni Jelly kay Jed. Actually bago ito umalis ay nag-thank you si Jelly sa kanya dahil sa pagsalo nito sa kanya. Dahil kung hindi ay baka nasa ospital na daw sya ng araw na iyon. 

Umalis na magkakasama sina Alex, Nina, Roy at Jed. Si Jeremy naman at  Paula ay nagpunta sa taas para i-check ang mga pasalubong ni Paula. Kaya't naiwan si Jelly at Vince sa baba. May usapan sila kase si Jeremy at Vince na mag-ja-jamming silang apat sa music room.

Matagal nang naiwan ang dalawa pero napakatahimik pa din ni Vince. 

Di na nakatiis si Jelly kaya't nagsalita na sya, "May masakit ba sayo, Vince?"

"Wala naman, okay lang ako.. don't worry." Sagot nito.

"Are you sure?" Jelly asked again.

"Yes, I'm sure..." He replied.

"Uhmmm.. about pala sa kanina.. thank you so much for trying to save me ha.." Jelly recalled to thank him.

"Walang kaso.. naunahan lang kase ako ni Jed e. Mas mabilis lang siguro talaga sya kesa sa kin." Matipid ang ngiti na sabi ni Vince.

"Oo nga ang bilis... kaya naman..." Sinadyang putulin ni Jelly ang sasabihin. "Ayoko na ngang alalahanin.. Pano, let's go na nga kay Kuya Jeremy at Ate Paula. Makihalungkat na lang tayo ng pasalubong." Jelly suggested.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone Ni Jelly. Jed iscalling. She accepted the call at kinausap nya si Jed habang papakyat sila ni Vince sa taas. Hindi nya maipaliwanag kung ano ang meron sa mga tingin ni Vince sa kanya habang kausap ko nyaJed. "Galit ba si Vince?" Naitanong ni Jelly sa sarili. Pilit kinumbinse ni Jelly ang isip nya na walang ibig sabihin ang mga tingin na iyon.


TO BE CONTINUED....



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018