Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Natapos ang University Playoffs at ang concert ng CMS pero parang dumalang yata ang pagkikita nila Jelly at Vince. Tuwing itetext o tatawagan nya ang kaibigan ay sinasabi nito na busy lang daw sya sa review ng final exams nila for this sem. Malapit na naman daw ang summer break so saka na lang daw sya magha-hang-out sa house nila Jelly. "Dati-rati naman sabay kaming nagrereview. Hmmmpp!" Nakaramdam tuloy si Jelly ng pagkainis. "Ano kaya ang pinagkakaabalahan nun ngayon?" Tanong nya sa sarili. 

Friday evening, family movie night.

Seryoso ang family ni Jelly na nanonood ng biglang tumunog ang cellphone ni Jeremy. "Hey Vince! Wazzup dude!" He said.

Hinihintay ni Jelly na matapos ang pag-uusap ng mga ito para maki-chika kung ano na ba latest about sa kaibigan.

"How's Vince?" Jelly asked her Kuya after ng phone conversation nito with Vince.

"Tinanong nya lang sa kin kung tuloy tayo next week sa Boracay trip natin and I said syempre walang changes sa sched... Hmmm bakit nga pala di sa'yo tumawag yun? Nag-away ba kayong dalawa?" Nagtatakang tanong ni Jeremy kay Jelly.

"As far as I know, Wala naman kaming pinag-aawayan. Ewan ko nga ba dyan kay Vince bakit nananahimik these past few days. Di bale, malamang naman mkakapag-usap kami ng matino next week sa trip natin." Jelly explained.

"Okay, sinabi mo e." Jeremy replied.

Then bumalik na silang dalawa sa panonood. Pero parang di pa din mapakali si Jelly dahil iniisip nya na para ngang may kakaiba kay Vince. Parang umiiwas ito sa kanya. Pilit sinasabi ni Jelly sa isip nya na hindi naman siguro. "Hayyyy, malalaman ko din kung anong problema nya next week. Kakausapin ko sya nang masinsinan sa trip namin. For sure magkakaroon kami ng mahabang time to talk." She just told herself.

After 1 week ay dumating na ang pinakahihintay ng barkada na Boracay Trip. At Dahil nga sa natalo sila Jeremy,  Paula, Alex at Jed sa basketball game tournament nila ay sila ang nag-purchase ng plane ticket ng buong barkada papuntang Boracay. 

Napagkasunduan nilang magkikita-kita na lang sila sa airport. Nauna dum,ating sa airport sina Jelly, Jeremy at Paula. Then maya-maya ay sumunod na dumating si Jed na may dala-dala pang long-stemmed white rose para kay Jelly. Simula nang nag-game tournament sila, formal na syang nanligaw kay Jelly at naging routine na din nya ang magdala ng white rose tuwing magkikita sila. Kinikilig naman si Jelly pero dahil nga siguro nag-iingat na sya dahil sa mga nangyari sa mga nagdaang "J's ay medyo nire-reject muna nya ang feelings na pwedeng maramdaman. At this time ay, ine-eenjoy muna nya ang special treatment na ibinibigay ng binata sa kanya.

Maya-maya ay natanaw na nilang papalapit si Alex, Nina, Roy at kasabay din nila si Vince. Excited silang lumapit sa kinauupuan ng iba nilang kasama.  Medyo parang may kumurot lang sa puso ni Jelly dahil iniisip pa din nya kung bakit sa mga ito sumabay si Vince samantalang magkasama lang naman sila sa isang village so pwedeng sumabay na sya sa kanila nila Jeremy. "Malalaman ko din mamaya ang reason." Sabi ni Jelly sa sarili.

Maya-maya ay tinatawag na ang mga passengers ng domestic flight papuntang Boracay.

"So pa'no, tara na!" Yaya ni Jeremy sa kanilang lahat.

Kaya't tumayo na silang lahat para mag-board.

Silang tatlo nila Jelly, Jed at Vince ang magkakatabi sa seat at si Jelly ang nasa gitna. Sina Alex, Nina at Roy ang magkakatabi at syempre si Kuya Jeremy at Ate Paula.

Buong byahe ay halos laging nagpapakiramdaman si Vince at Jelly. Mapapatingin si Jelly sa kanya pero ngingiti lang si Vince. Hindi sila nag-uusap dalawa sa buong flight. Kaya't si Jed lang ang kakuwentuhan ni Jelly sa loob ng isang oras. Isang oras lang naman sila sa eroplano kaya di naman sila masyadong nainip.

In-arrange na ni Jeremy lahat ng schedule sa 1 week trip nila pati ang vans and boats na papunta sa mismong Boracay Island kaya wala namang naging hassle on their way. Pagdating nila sa resort ay nakahanda na din ang cabin para sa kanila. Nag-rent na sila ng isang malaking cabin para sa kanilang lahat.

May dalawang malalaking bedrooms ang cabin na may tig-dalawang queen-sized beds kaya't magkakasama sa isang bedroom ang mga boys at sa isang bedroom naman ang mga girls. Pagkatapos nilang ayusin ang mga gamit nila sa kanya-kanyang locker ay nagpunta sila sa deck ng cabin para magpahinga ng konting oras. May apat na hammock sa deck kaya't nagtig-iisa ang mga girls. Ang mag boys naman ay tumambay sa wooden sofa na nakapaikot sa isang classy wooden table.

Maya-maya ay may mga dumating na resort crews na may dalang fresh buko juices in the shell and freshly baked cinnamon buns. Pagkalagay ng mga food sa table ay umalis na din ang mga service crews kaya't nag-unahan na ang mga boys sa pagsi-serve sa mga girls. Nauna si Jeremy na bigyan si Paula ng buko juice at binigyan naman ni Roy syempre si Nina. Maya-maya ay kumuha din si Vince at ibinigay nya ito kay Alex at nang mapansin yun ni Jelly ay nagtaka sya sa sarili dahil parang may naramdaman sya na konting selos. Syempre si Jed naman ay binigyan din sya.

"Thanks Jed." Jelly told Jed. 

"You're welcome... Can I sit beside you too?" Jed requested habang nakatingin naman sa iba na tinabihan na nga ng kanya-kanyang "partners". 

"Sure!" Jelly said habang nakatingin naman sa kinalalagyan nila Alex at Vince.

Napansin ni Jelly na parang extra sweet si Vince kay Alex na dati naman ay hindi. Pilit nirereject ni Jelly ang iniisip na konting selos dahil siguro nasanay sya na sya lang ang inaasikaso ni Vince. Parang naninibago lang sya na iba na yung lagi nitong kausap at laging kadikit. 

Nagseselos ba ako? Ahhh siguro nga, pero siguro ay dahil bestfriend nya ako na nasanay na laging ako lang ang espesyal sa kanyang paningin. Pero bakit parang hindi ako masaya na makita silang ganun? Di ba yun naman ang gusto ko na maging sila?" Jelly is questioning herself.

"Jelly, are you okay?" Tanong ni Jed. "Di mo pa sinisimulang inumin ang juice mo.."

"Huh?" Biglang napatingin Jelly kay Jed. "Ahh, sorry ha.. May naisip lang kase ako na naiwang project in Manila..." Alibi ni Jelly.

"Okay.. "Then ngumiti lang si Jed. "Baka naman iniisip mo lang ako e nasa tabi mo lang naman ako, hehe!" Nagpapatawang sabi nito.

"Uhmmmm! Umandar na naman yang pagkabilib mo sa sarili mo!" Sabay kurot ni Jelly sa tagiliran nito.

"Awww - ouch! enough na, enough na! Di na po uulit!" Namimilipit sa sakit na sabi ni Jed habang tawa pa din ng tawa.

"Buti pa ikuha mo na lang ako ng cinnamon buns kase nagugutom ako dahil sa'yo!" Pagsusungit ni Jelly.

"No problem Ma'am! Right away!"Sumaludo pang sabi nito.

Nawawala ang pag-iisip ni Jelly kay Vince dahil sa kakulitan ni Jed. Pero in-fairness napakalambing talaga nito at feeling ni Jelly ay napaka-lucky nya dahil sa attention na ibinibigay nito sa kanya. At feeling nya ay pwede itong prospect dahil unang-una letter "J" ang name nito, then basketball player, napakaganda pa ng boses, so kumpleto na talaga ang requirements nya. May bonus pang sobrang gwapo at campus crush kaya ano pa nga bang hahanapin nya? Pero gaya nga ng sabi ni Jelly sa sarili nya, di naman sya nagmamadali kaya maghihintay muna sya na matanggal lahat ng takot sa puso Kaya naman kung kaya nitong maghintay sa kanya, then siguro nga they are meant for each other.

Maya-maya ay nag-decide na silang pumunta sa beach. Four o'clock na in the afternoon kaya medyo hindi na masyadong mainit, so mas masarap nang mag-swimming. Nagpunta ang mga boys sa kwarto nila at pati na din ang mga girls. 

Habang nasa kwarto ang mga girls at nagbibihis ng mga swimsuits nila ay nagsalita si Paula, "Girls, I think someone is not yet updating us..." She said habang nakatingin kay Alex.

"Hmmm... oo nga pala. May pair na extra sweet today." Jelly added hesitantly.

Nag-blush si Alex. "Hihihi!" Tipid syang tumawa.

"Girls, tingnan nyo o nagba-blush.. Pa'nong hindi e sa wakas kase, ang kanyang long-time crush e nanligaw na din!" Excited na sabi ni Nina.

"Kayo talaga nakakainis! Sasabihin ko sana yan sa inyo mamayang gabi before tayo matulog e inunahan nyo naman ako..." Nahihiya sagot ni Alex.

"Weeee! Kakilig naman! We are so happy for you, gurl!" Kinikilig na sabi ni Paula.

"Hindi pa naman kami pero nararamdaman ko malapit na, pero syempre pakipot muna ng konti, haha!"Dagdag ni Alex.

"Kaya nga dapat e itong si Jelly ay sagutin na si Jed. Kase, ang sabi ba naman nitong si Alex e hindi pa daw nya sasagutin si Vince hangga't di pa nagiging mag-boyfriend si Jed at Jelly." Iiling-iling na paliwanag ni Nina.

"Ganun ba? Why naman? Pwede namang mauna sila Vince at Alex." Sabi ko sabay ngiti ng matipid.

"Last week lang naman sya nag-start magparamdam kaya hindi naman ako magmamadali.. A..actually wala pa din naman syang sinasabi directly, hehe!" Matamis ang ngiting sabi ni Alex.

"Unahan na lang kaya kayong dalawa?" Paula suggested.

"Sige Ate Paula, let's bet kung sino mauuna?"Tumatawang sabi ni Nina.

"Hahaha! Yan na nman yang pustahan na yan.." Napapakamot sa ulo na sabi ni Alex.

"Wait nyo na lang kase para hindi kami ma-pressure ni Alex.. Right Alex?" Jelly declared.

"Correct!" Alex agreed.

Natapos na lahat ng girls na mag-change at si Jelly na naman ang naiwan. As usual naman e lagi syang nahuhuli dahil medyo mabagal talaga syang kumilos. Ang mga boys ay nakalabas na din lahat. Lumabas na si Jelly ng kwarto at isasara na lang sana nya ang pinto nang biglang may nagbukas ng front door. Pareho silang nagulat. Napansin ni Jelly ang paglakad ng tingin ni Vince sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi maitatanggi ng mga mata nito ang paghangang gaya nang mga nakaraang pagkakataon. Suot ni Jelly nang oras na iyon ang black and white two-piece na pasalubong ng Ate Paula nya galing Singapore. Naglagay lang sya nang manipis na cover-up para medyo covered naman ng konti ang skin nya. But basically ay kitang-kita pa din ang two-piece bikini sa loob. 

Nginitian ni Jelly si Vince para mabasag ang tension at katahimikan sa pagitan nila. Ngumiti din ito ng matipid. 

Sa wakas nagsalita din si Vince. "May nalimutan lang ako sa kwarto." Paliwanag nito.

"Ah okay.." Tanging naisagot ni Jelly.

Naglakad na sya papalapit sa kinatatayuan ni Jelly. Maya-maya ay lumagpas na sya sa kinakatayuan ng dalaga nang biglang bumalik at may ibinulong dito.

"Your two-piece is beautiful pero di bagay sayo.." Vince said sarcastically then walked ahead.

Biglang nag-init ang tenga ni Jelly sa inis pero di na lang ito sumagot. Gustong-gusto nyang batukan si Vince gaya nang dati pag nag-aasaran sila pero di nya magawa. Parang naging awkward ang oras na yun para gawin nya ang dati nilang kulitang dalawa pag nag-iinisan. Parang nagkaroon bigla ng wall sa pagitan nila.

"Hmmmpp! Makalabas na nga lang!" Sabi ni Jelly sa sarili.

Paglabas nya ay nagtaka ang lahat dahil kitang-kita ang inis sa mukha ko. 

"Ay naku di na kayo nasanay sa mag-bestfriend na yan. Inalaska na naman siguro ni Vince kaya ayan sambakol na naman ang mukha.." Nagtatawang sabi ni Jeremy.

"Wag ka mag-alala Jell papagalitan ko yun mamaya.." Dagdag ni Alex.

"Ay naku, tara na iwanan na natin yang mokong na yan!" Sabay lakad ni Jelly ng mabilis kaya't hinabol naman sya ni Jed.

Hinawakan ni Jed ang kamay nya habang naglalakad. Di na nila inalam kung sumunod ba sa kanila ang iba nilang mga kasama. Pinayagan naman ni Jelly na magka-holding hands sila ni Jed habang naglalakad para isipin ng iba na boyfriend nya ang kasama nya. Napansin kase nya ang pagsulyap sa kanya ng ibang guys kaya't naiilang sya. Maya-maya ay bumulong sa kanya si Jed. "Thanks for making me the proudest guy at this moment."

"Hmmm.. why?"Jelly curiously asked.

"Kase alam ko inggit sa akin ang ibang guys dito sa Boracay kse ka-holding hands ko ang pinaka-gorgeous na girl sa beach..." He said passionately.

"Ganun? Hindi ba ikaw kaya ang tinitingnan ng mga girls?" Jelly replied.

"Siguro... pero imposible naman ako din ang tinitingnan ng mga boys, hahaha!" Napatawa si Jelly sa sinabi ni Jed.

"Maganda ka, gwapo ako... kaya nga hindi tayo tao, bagay tayo, bagay na bagay!" Dagdag pa nya.

"Ay corny!" At nagtawanan silang dalawa habang naglalakad.

Maya-maya ay may nagsalita sa likod namin. "Hoy mga lovers, alam nyo ba kung saang cottage tayo?" Si Jeremy at Paula pala ay nasa likod na nila.

"Hindi po, hehe!" Sabay na sabi namin Jed.

"Hindi pala e nangunguna kayo dyan, hehe! O sige nakikita mo yun may nakatayong babaeng crew na mahaba buhok? Dun tayo." Jeremy added.

"Okies po!" At binilisan na nilang dalawa ni Jed ang paglakad para sila ang mauna.

Pagdating nila sa cottage ay may mga nakaset-up ng grill stand and mga foods for grilling. Nakaset-up na din ang eight na beach chairs para sa kanilang lahat. They didn't even bothered to bring beach towels and robes kase may mga naka-ready na din sa cottage. Meron din silang dalawang beach crews na magseserve talaga sa mga needs at magbabantay sa mga things nila habang nagsu-swimming sila. Everything seems to be so convenient. 

Lahat sila ay nasa cottage na, pati si Vince na kanina pa ini-snub ni Jelly. Gusto talagang iparamdam ng dalaga dito na inis sya, kaya mas lalong tumindi ang di nila pagpapansinang dalawa. Ewan ba ni Jelly kung bakit lalo syang naiinis dito tuwing nakikita nya na inaakbayan nito si Alex, everytime na nakikita nya na magkahawak mga kamay nila at pag nakikita nya na nagsusubuan pa ang dalawa. 

Dahil sa sobrang inis nya ay ginawa din nya kay Jed ang ginagawa ni Vince kay Alex kaya naman panay ang tukso nila Jeremy, Paula, Nina at Roy sa kanilang apat. 

"Oy guess what.. mukhang may aalis sa Boracay na mga "In a relationship" na ang status next week." Panguna ni Jeremy.

"I guess you're right, Babe.." Paula added.

"Korek! Natatalo nga ang mga official lovers sa mga sobrang ka-sweetan!" Nagtatawang sabi ni Nina.

"Nagkalat na nga ang mga langgam o!" Dagdag pa ni Roy.

Pinipilit lang tumawa ni Jelly. Hindi nila alam na inis lang naman sya dahil sa nakikita nyang ka-sweetan ni Vince at Alex.

Hindi nya talaga alam ang nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon. Hindi nya alam kung inis lang sya dahil hindi sila nagpapansinan ni Vince o naiinis sya dahil nagseselos sya...

"Huh! Nagseselos??? It can't be... Hindi ako pwedeng magselos sa bestfriend at friend ko..." She told herself habang hinihimas ang kanyang noo.


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018