Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Last Mr J

Image Description rochellyheart   |   24 April 2018


Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Nang araw din na yun ay pinayuhan ang family ni Jelly na ilipat sya sa Makati Med para mas matutukan ng family doctor nila at para na din maalagaan sya nang mabuti. Tama nga ang suspetsa ng doctor na nainfect nga si Jelly ng Tetanus dahil sa sugat nya pero buti na lang at mabilis na naagapan bago kumalat sa buong katawan na pwedeng maging dahilan ng paglo-lock jaw o pwede din nyang ikamatay.

She stayed in the ICU for 5 days at nang masigurado na nang mga doctor na safe na sya ay saka sya ipinalipat sa regular hospital room.

When she opened her eyes, she looked around the room at napansin nya ang Mommy nya na nakasubsob sa tabi ng bed nya.

"Mom... mom..." Ginigising nya ang mommy nya.

Naalimpungatan ang mommy nya. "Jelly... Oh thank God nagising ka na..." At hinalikan sya nang mommy nya sa kamay at maya-maya ay tumayo na at hinalikan sya sa noo. "I'm happy that you're starting to recover na... Thank God."

Ngumiti lang si Jelly.

"May gusto ka ba anak? Are you hungry or thirsty?" Excited na tanong ng mommy nya.

Umiling lang si Jelly. "Where is Dad, mommy?" Tanong nya.

"Ahhm, lumabas lang sya kasama si Kuya Jeremy at Ate Paula mo pero babalik din daw sila kaagad." Sagot ni Mommy Jill.

"Okay po, wait ko na lang po sila..." Tipid na sagot ni Jelly at sabay ngumiti.

Maya-maya ay pumasok na sa room si Daddy Jim kasama si Jeremy at si Paula. May dala-dala silang fresh fruits at fresh roses para kay Jelly.

Nang makita nilang gising na si Jelly ay excited silang lumapit sa bed nito.

Dali-daling hinalikan ng daddy nya si Jelly sa noo at hinaplos-haplos ang pisngi nito.

"Sobrang na-miss ko ang baby kong 'to.. buti naman nagising ka na. Sobrang nag-alala kami ng mommy mo sa'yo, pati Kuya Jeremy mo at Ate Paula.." Daddy Jim declared.

Tiningnan ni Jelly ang mag-boyfriend at sabay na kumaway at ngumiti sa kanya ang dalawa. 

"Namiss ka namin sis, sobra! Di ba Pau? Buti at safe ka talaga, kung hindi I'll blame myself kung mas malala ang nagyari sa'yo dahil hindi ko siguro ikaw naalagaan ng husto nung nasa Boracay tayo." Sabi ni Kuya Jeremy sabay sulyap kay Paula na ngumiti sa kanya.

"Kayo din naman sobra kong na-miss... Parang ang tagal-tagal kong nawala..." Sabi ni Jelly habang tumutulo na ang luha.

"O ha, you're not allowed to cry kse di ka gagaling nang maayos nyan.." Si Daddy Jim habang pinupunasan ang luha ng anak. "Tsaka yan o, papangit ka nyan.." Sabay pisa sa kanyang pisngi.

"Dad, I'll be ugly na, pinapalapad mo mukha ko..." Reklamo ngunit nakangiting sabi ni Jelly.

Nagtawanan silang lahat.

Maya-maya ay biglang natahimik ang paligid. Para mabasag ang silence ay may naisipang itanong si Jelly.

"Mom.. Dad... Nagpunta na ba dito si Vince?" Mahinang tanong ni Jelly.

Nagkatinginan silang lahat.

"Ahhh... o-oo naman... Araw-araw nga syang nandito nung nasa ICU ka e... E-everyday nga nagdadala sya ng flowers para sa'yo... Pati yun iba nyong friends dumadalaw din lagi..." Mommy Jill explained.

Kumislap ang mga mata ni Jelly. "Talaga po? Eh di malamang today e pupunta sya dito. Pwede po bang paki-text sa kany na okay na ko at nagising na ko?" Excited na sabi ni Jelly.

"Si-sige sis ako na magtetext sa kanya mamaya, lowbat lang kse ko e..." Sabi ni Jeremy na tumingin kay Paula pagkatapos.

Nagkatinginan ulit sila lahat.

"Promise Kuya ha.. miss ko na yung mokong na yun.. Ilan days ko din sya di nakita..." You can see the spark of Jelly's eyes and her excitement habang sinasabi nya ang linyang yun.

Ngumiti lang ang mga nasa paligid ng bed nya.

Maya-maya ay tumunog ang phone ni Paula.

"Wait ha sagutin ko lang to." Mahinang sabi ni Paula.

Tumango ang mga kausap.

"Hello, O' Jed... nga pala Jelly is awake na.. Punta ba kayo dito? O sige, sige... nandito lang naman kami e.. wait na lang namin kayo." Sabi ni Paula sa kausap.

Maya-maya...

"Tito, Tita.. Maya-maya po ay darating dito sina Jed at Jasper..." Paula told them.

"Ah ganun ba? Mabuti naman para at least e maging mas happy itong si Jell at gumaling kaagad sya.." Daddy Jim declared. " Paano baka masyado tayo marami dito sa kwarto mamaya kaya kami ng mommy nyo ay uuwi muna sandali para kumuha ng mga bagong clothes at least makumusta na din namin sa bahay. Jeremy, okay lang ba na kayo muna ni Paula ang bahala kay Jelly at sa mga bisita nyo?"

"Oo naman po Dad.. Don't worry I'll take care of everything..." Ngumiting sabi ni Jeremy.

Tumango at ngumiti din si Paula.

"Anak paano, aalis lang kami sandali ng Dad mo ha..." Hinaplos-haplos ng Mommy nya ang buhok ni Jelly at sabay hinalikan sa pisngi.

"No problem, Mom... Don't worry papagaling ako agad, so that we can go home na." Malambing na sabi ni Jelly.

Humalik din muna si Daddy Jim kay Jelly at maya-maya ay umalis na ang mag-asawa.

Hindi lumipas ang 15 minutes at dumating si Jed, Jasper at Roy. May dala ding roses ang mga ito.

"Hi Jelly!" Excited na sabi nang tatlo nang makitang gising na si Jelly.

Umupo kaagad si Jed sa upuang nasa tabi ni Jelly at hinawakan niya ang kamay nito.

"Ang daya mo naman... Ang ganda ng pang-finale mo sa Boracay escapade natin..." Pabirong sabi nito sabay tampal nang mahina sa kamay nya.

"Oo nga Jell... Wait nga, ako naman sa tabi nya... " Sabay tulak kay Jed sa upuan kaya't napaupo ito sa floor. "Uy pare anong ginagawa mo dyan? Bakit naman sa sahig ka umuupo?" Sabay abot ng kamay nya sa nakasimangot na si Jed habang sya ay kontentong nakaupo sa inagaw na upuan.

Nagkatawanan ang lahat.

"Hahaha!" Mahinang tawa ni Jelly. "Kulit nyo talagang dalawa! Kaya ako nadapa dahil sa pag-cocontest nyo e.. Yan tuloy nandito ako now." Jelly giggled.

"Kasi to eh... Oh, tingnan mo.. sa upuan pa lang nang-aagaw na." Sabi ni Jed na nagbibirong sasapakin si Jasper.

"Ikaw po kaya ang nakikipag-agawan, ako kaya unang pumasok sa pinto, kaya ako dapat mauuna makipag-usap kay Jell... Di ba Roy?" Depensa ni Jasper.

"At naghanap pa ng kakampi, hehe... Ay naku tama na nga kayong dalawa. Nandito tayo to make Jelly happy! Not to give her stress, okay?" Sabat ni Roy.

"Oo nga pala, Sorry po." Jed apologized.

"Sorry too." Jasper agreed.

"Buti naman at babait na kayong dalawa. Pero alam nyo, we'll be happier sana if Vince, Alex and Nina will be here." Jelly commented.

Biglang natahimik ang lahat.

"Nasan nga pala si Nina, Roy? Himala yata at di mo kasama..." Nakakunot ang noo na tanong ni Jelly.

"Well... Ah... Mamaya e nandito na din yun.. Susunod na lang daw sya..." Atubiling sabi ni Roy.

"Oh-okay... so si Alex na lang pala at si Vince ang kulang... Did you text Vince na ba, Kuya? Also, can you text Alex na din?" Request ni Jelly.

"Oh okay... I will..." Kuya Jeremy replied hesitantly.

Kinuha ni Jeremy ang kanyang cellphone at nagtext.

Maya-maya ay dumating na si Nina.

"Jell... thank God you're okay na..." Lumapit si Nina kay Jelly at pinisil ang kamay nito. "We were so worried about you..." Nina said excitedly.

"Sobra ding thank you kase alam ko ipinag-pray nyo akong lahat kaya eto ako, I'm safe and sound, yay!" Jelly exclaimed.

"Syempre ipinag-pray ka talaga namin, madami kaya kaming nagmamahal sa'yo... " Sagot ni Nina na maluha-luha.

"Oy ayoko nang iyakan, Nins ha.. Yan na nga nakarecover na ako pero umiiyak ka pa din..." Pinahid ni Jelly ang luha ni Nina.

Tiningnan nya ang mga kasama at halos lahat sila nagpapahid ng mga mata.

"Ay naku, ewan talaga sa inyo... Dapat kaya happy tayo... Basta paglabas ko party tayo ha..." Pilit na pinapasaya ni Jelly ang boses nya para ma-encourage ang mga kasama.

Pagkasabi nya ay tahimik pa din ang mga kasama.

Pero maya-maya ay binasag ni Jeremy ang katahimikan. "Yeah, sure Jell... Magpapa-party talaga kami para sa'yo, di ba? Di ba guys?" Sang-ayon ni Jeremy na pilit na ngumingiti.

"Wait, wait lang ha..." Pinilit ni Jelly na umupo sa bed nya kaya't inalalayan sya ni Jed at Jasper na malapit lang sa kanya.

"I'm just noticing something na kanina ko pa gustong-gusto na itanong... Is there something wrong? It's not you guys... You're all acting weird since I woke up. I know you're all happy but... I can feel that there's really something going around... I can feel that you're up into something..." You can feel the curiosity in Jelly's tone.

Hinawakan ni Jasper ang kamay ni Jelly. "Wait Jell... You can't stress out yourself... There's nothing going on, so you should  just relax. Siguro imagination mo lang yun. You were under anaesthesia and oxygen for 5 days so siguro baka dala lang yun non. Relax, kailangan kang magpagaling..." 

"Tama si Jasper, Jell... you need to rest..." Paula agreed.

"But Ate Paula... Please... May nangyari ba nung nasa ICU ako? Please naman... please... wag nyo naman ako pahirapan.. please tell me..." Jelly pleaded as she roamed her eyes around to each of the people standing around her.

Nagkatinginan ulit ang magkakaibigan.

"Okay Jell... I think you have the right to know... Actually gusto lang naman kase sana namin na makalabas ka muna ng hospital bago namin sabihin sa'yo para at least malakas ka na. But now, you're still weak and baka di mo kayanin..." Napapahaplos sa noo na sabi ni Jeremy.

"Di ba mas pinapahirapan nyo ako nang ganito... Na naglilihim pala kayo ng something sa 'kin..." Napatungo sa pag-iyak si Jelly. Hinagod-hagod ni Jasper at Jed ang likod nya.

"Tahan na, please..." Pakiusap ni Jed.

"Please tell me... all of you... Is it about Vince? Kaya ba wala sya dito??? What happened to him? Please, tell me...." Umiiyak na pakiusap ni Jelly.

Bumuntung-hininga muna nang malalim si Jeremy bago nagsalita.

"Nung araw na isinugod ka namin sa ospital sa Boracay... Kami ni Ate Paula mo ang sumama sa ambulance at naiwan sila lahat. Nag-rent sila ng kotse para sumunod sa hospital. Ang kotseng sinasakyan ni Alex at ni Vince... naaksidente... si Alex... stable na ang kalagayan nya now.. May mga naging sugat lang sya sa katawan... Pero si Vince..."

"Si Vince... si Vince... kumusta si Vince... anong nangyari kay Vince... please tell me... " Jelly is freaking out at pinipilit nyang tumayo kaya't pinigilan sya ni Jasper at ni Jed.

"Please Jell, don't freak out makakasama sa'yo..." Jasper said worriedly.

"Please tell me what happened to him..." Punong-puno ng luha ang kanyang mukha habang nakikiusap na sabihin sa kanya ang nangyari.

"Vince... is in comatose right now..." Hindi na napigilan pa ni Jeremy ang luha na kanina pa rin gustong pumatak dahil sa awa sa kapatid.

"Vince... where are you... please Kuya dalhin nyo ako sa kanya.. please... dalhin nyo ako kay Vince please.. please nagmamakaawa ako sa inyo... Kailangan ako ni Vince..." Naramdaman na lamang ni Jasper at ni Jed ang panghihina ni Jelly na maya-maya ay nawalan na ng malay...

"Tumawag kayo kaagad ng nurse at doktor please!!" Hysterical na sabi ni Jed.

"Nurse! Nurse!" Sigaw ni Jeremy na mabilis na lumabas ng kwarto.

Hindi na nila malaman lahat ang kanilang gagawin nang oras na yon.


TO BE CONTINUED...



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018