Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Tuesday morning, nagising si Jelly na wala na sa tabi nya ang ibang girls na kasama nya sa room. Sumulyap sya sa wall across her bed and nakita nya na 9 a.m. na pala kaya nga siguro gising na ang iba nyang mga kasama. Medyo masakit pa ang ulo nya dahil nga siguro naka-4 hours lang sya ng tulog dahil na din sa kaiisip sa mga nangyari ng nagdaang gabi kaya mag-uumaga na yata sya nang nakatulog. Hindi pa din nya alam kung paano sya lalabas ng kwarto para harapin si Vince. "Aaaahhhh! Bahala na!" Sigaw ni Jelly sa sarili.

Maya-maya ay may kumatok pero bago pa lang sya makatayo ng bed ay bumukas ang pinto ng kwarto at dumungaw si Jed, "Good morning, Miss Beautiful! Buti gising ka na, tara na breakfast na tayo!" Nakangiting sabi ni Jed.

"Ikaw lang pala." Masungit na sabi ni Jelly. "Okay po susunod na po ako." 

"Hindi ka susunod kse di ako lalabas dito hangga't di kita kasama palabas." Sabi ni Jed sabay pasok sa kwarto at upo sa bed nya.

"E pano kung sabihin ko na gusto ko pang matulog, ano gagawin mo?" Nakairap na sabi ng dalaga.

"Ba't ang sungit mo ngayon? Sige ka bubuhatin kita palabas ng kwarto na to pag humiga ka pa." Jed threatened Jelly.

"Subukan mo lang!" Sabi nya sabay ang balik sa paghiga.

"Hinahamon mo talaga ako ha!" Biglang tumayo si Jed at bigla syang binuhat nito.

"Let me go, Jed! Let me go!" Nagpapadyak si Jelly habang sinusuntol-suntok nya si Jed sa balikat. "Kainis ka talaga, naku!"

Lumabas ng kwarto si jed na buhat-buhat nya si Jelly habang ito'y nagwawala. Hindi napigilang matawa ng mga nasa dining table nang makita silang dalawa sa ganung sitwasyon. 

Maya-maya ay inilapag na ni Jed si Jelly sa isang bakanteng upuuan sa dining table.

"Hindi ko alam ang bigat-bigat mo pala..." Umiiling at humihingal na sabi ni Jed.

Nagtawanan ang buong barkada.

"Sino ba may sabi sa'yo na buhatin mo ko?" Nagrereklamong sabi ni Jelly.

"Hahaha! Kami!" Sabat ni Jeremy. "Sabi namin sa kanya, wag syang lalabas ng kwarto habang hindi ka nya kasama at buhatin ka kung kinakailangan." Natatawang sabi ng Kuya Jeremy nya.

"Mabuti pa mag-start na tayo kumain nang makalabas tayo nang mas maaga." Suggestion ni Paula na nangingiti-ngiti pa din.

"Korek!" Sang-ayon ni Nina.

Magsisimula na lang silang kumain nang mapansin ni Jelly na wala pala si Vince. Hesitant sana syang magtanong kung nasaan sya pero itinanong na rin nya. "Ahhhmmm... Where is Vince?" she asked.

"Wala na din sya nung magising ako ng 7 a.m. eh. Earlier siguro sya umalis. Pero nagtext sa kin kanina-kanina lang. Magsa-sight seeing lang daw sya mag-isa." Sagot ni Jeremy.

"Baka naman may LQ sila ni Alex.. Di ba Alex?" Birong sabi ni Roy.

"Oy hindi ahhh, di ko pa nga sya nakakausap since last night eh." Deny ni Alex na medyo tahimik din.

"Ahhh, okay... Oh, so what are we waiting for... Let's eat na." Sabi ni Jelly na nagkibit balikat na lang para hindi mahalata na nag-aalala sya.

At nagsimula na nga silang kumain. Wala talagang ganang kumain si Jelly kaya kumuha lang sya ng apple slices and 1 slice of bacon. Then she poured orange juice on her glass.

Nagkakatuwaan ang lahat sa pagkain nang maya-maya ay may kumatok sa pinto ng cabin. Dali-daling binuksan ni Alex ang pinto dahil baka si Vince na ang dumating. 

"Ja....!" Napasigaw si Alex kaya't nagulat ang lahat. Medyo kinabig nya ulit ang pinto bago nagsalita ulit.

"Jelly... guess who's behind this door???" Sobrang excited at mukhang di pa maka-get-over na sabi ni Alex.

"Huhhh sino???" Takang-takang tanong ng lahat.

"Sino nga bang dumating?" Super curious na tanong ni Jelly.

"Hulaan mo nga.." Pa-suspense pang sabi ni Alex.

"Si Mom and Dad???" Nanghuhulang sabi ni Jelly.

"Nope." Umiiling na sagot ni Alex.

"Sino nga, please..." Jelly pleaded.

At ibinukas na nang tuluyan ni Alex ang pinto para makapasok na ang stranger na nasa likod nito.

Biglang napatayo si Jelly sa kinauupuan nya nang pumasok ang hindi nila inaasahang bisita.

"Jasper??? I...ikaw???" Gulat na gulat si Jelly.

"Oo Jelly, ako nga..." Biglang lumapit si Jasper at niyakap si Jelly nang mahigpit.

Sa sobrang pagkabigla ay hindi nya alam ang gagawin nya. Nakadikit pa rin sya sa kanyang kinatatayuan na walang ibang reaksyon kundi ang pagkagulat.

Habang magkayakap si Jelly at Jasper ay may biglang pumasok sa pinto na naging dahilan upang bahagyang maitulak ni Jelly si Jasper. 

"Vince?..." Biglang nabigkas ni Jelly.

"Yeah si Vince.. Nagkita kami kanina dun sa beach so naging mabilis tuloy paghanap ko sa 'nyo. Salamat pare ha." Jasper stated.

"No problem pare." Sabi ni Vince na bahagyang ngumiti.

"Kumusta Bro?" Tanong ni Jasper kay Jeremy habang nakikipag-shake hands.

"Okay naman Bro! It's been a while.." Sabi ni Kuya Jeremy habang tinatapik ang balikat nito.

"Alex... haha! Na-miss ko talaga ang barkada natin..." Niyakap ni Jasper si Alex.

"Uhmmm... Kala ko di mo na ko papansinin.. Nakita mo lang si Jelly e nalimutan mo na lahat, haha!" Sabi ni Alex habang kinukurot ang tagiliran ni Jasper. 

"Aray! Of course not! Di ka pa rin talaga nagbabago.. masakit ka pa din mangurot, haha!" Umaangal ngunit nakangiting sagot ni Jasper.

"Baka naman ako ang nakalimutan mo na...?? How dare you... huhuhu!" Sabat ni Nina habang kunwari'y umiiyak.

"Of course not, pareng Nina! haha!" Nagbibirong sabi ni Jasper at niyakap din nya si Nina.

"Anong pare? Girl na kaya ako now...Look at me..." Habang kunwari'y flirt na naglakad sa harap ni Jasper. "Come here nga, honey." Sabay hila sa kamay ni Roy. "Meet my boyfriend, Roy. Roy si Jasper, barkada namin nila Jelly na nagpunta sa Canada at iniwan kami, hehehe!"

"Hello bro, nice meeting you." Sabi ni Jasper sabay abot ng kamay.

"Hi Jasper, welcome back to the Philippines!" Masiglang sagot ni Roy.

"Nga pala, eto nga pala si Paula, girlfriend ko and si Jed, barkada din namin." Sabay turo ni Kuya Jeremy kay Paula at Jed. 

"Nice meeting you, Paula, Jed." Magkasunod na kinamayan ni Jasper ang dalawa.

"O yan ha magkakakilala na lahat, right! We're happy na kasama ka namin ngayon Jasper, hope mag-enjoy ka sa remaining days natin dito." Jeremy declared.

"Oo nga pala, how did you know that we're here in Boracay?" Naisipan itanong ni Jelly.

"Kakutsaba ko nga pala si Tita Jill at si Tito Jim. Nagpunta ako sa house nyo yesterday morning. Sabi nga nila nag-Boracay kayo so I planned to follow. Sabi ko na lang sa kanila na wag na lang sabihin sa inyo para surprise." He explained.

"Ahhh si Mommy at Daddy talaga... By the way, nag-breakfast ka  na ba?" Naisipan nyang itanong.

"Hindi pa nga e, pwede bang pa-join?" Nahihiya nyang sagot.

"Sure, join us. Ahmmm... Vince breakfast ka na din." Awkward pa ding sabi ni Jelly kay Vince. 

"Okay..." Bahagyang tumango at ngumiti si Vince. 

At bumalik na silang lahat sa dining table para ipagpatuloy ang almusal. Para yatang lalong di makakain si Jelly habang tumatakbo sa isip nya ang napakadaming komplikadong bagay. Ano na ang dapat nyang gawin? Magulo pa ang isip nya sa nangyari nang nakaraang gabi with Vince, iniisip din nya kung ano nga bang meron sila ni Jed... At ngayon, bumalik pa si Jasper, ang lalaking una nyang minahal. "Waaaahhhh, ano ba to! Hindi lang love triangle to ah! Darn, I'm trapped in a love square!" She shouted to her mind, as she can see things will turn to be too complicated.

"What am I going to do?" Tanong nya sa sarili. "Tsk! Haba kasi ng hair ko!" Pilit nyang pinapatawa ang sarili ng mga oras na iyon para mabawasan ang pag-aaalalala nya... Habang busy sila sa pagkain ay walang kamalay-malay ang mga kasama sa confusion na nararamdaman nya nang mga oras na iyon. "Sana... sana di na lang ganito..." Bulong ni Jelly sa sarili.


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018