Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Last Mr J

Image Description rochellyheart   |   05 April 2018


Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Pang-3rd night nila sa Boracay, Monday night, nang magkatuwaan silang mag-bonfire at maglaro ng Truth or Dare. Nagsulat na sila lahat ng mga questions and dare na bubunutin para di na sila mahirapang mag-isip sa oras ng game.

Madami na ding nabunot ang bawat isa na truth questions at dare nang biglang mapaturo ang bottle sa gitna ni Jelly at Vince na nagkataong magkatabi although kadami sa magkanilang side nila si Jed at Alex. Mukhang sinadya yata ng barkada na gawin yung sitting arrangement na yun para at least e magbati na ang mag-bestfriend na pangatlong gabi nang hindi nag-uusap. May rule kase sila sa game na pag in between two people napatapat ang bottle ay parehong sasagot o parehong gagawin ang dare na nakasulat sa mabubunot na papel. 

"Naku exciting to! Yun pa man ding magkatampuhan ang natapatan. Sana maganda ang mabunot ko." Excited na sabi ni Paula na syang sumunod na naka-assign para bumunot ng truth question or dare.

"Okay eto na, babasahin ko, Ang nabunot nyo ay Truth!" Sigaw ni Paula.

"Hahahaha!" Nagtawanan silang lahat maliban sa kay Jelly at Vince.

"Ay ano ba yan.. Pwede bang dare na lang.." Nagpo-protestang sabi ni Jelly.

"Sorry, hindi pwede.. eto ang nabunot ko e, hihi!" Tawa nang tawa na sabi ni Ate Paula. 

"Okay na, sige Ate Pau, ano ba yang question na yan ha at di na ako makahintay.." Nakatawa na ding sabi ni Vince.

"O sige, question... Who is your first crush?' O ang bilis lang naman nyan di ba? Kinabahan kayo no? Kala nyo kung ano na, hehe!" Paula giggled.

"Ang bilis nga ng question, next question please... " Vince replied.

"Napaka-simple talaga baka nga hindi pa namin kilala yung isasagot nyo, hehe!" Nina added.

Hindi makapagsalita si Jelly habang nakatakip lang ang kamay  sa bibig.

"Sige na... sabihin mo na po please..." Paglalambing na sabi ni Jed kay Jelly.

"O sige sabay na lang kaya kayong magsabi, bibilang kami ng tatlo tapos sabay nyong sabihin, okay?" Roy exclaimed.

Sabay-sabay silang bumilang ng, one... two... three!

At nagulat ang lahat sa sabay nilang sagot

"Si Vince..." Jelly answered.

"Si Jelly.." Vince answered.

Kaya't napatingin ang dalawa sa isa't isa... Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ni Jelly at Vince.. All this time pala ay mutual crush nila ang isa't isa. Wala silang kaalam-alam na pareho pala silang dalawa na first crush ay ang besfriend nila.

"Oy di naman kayo mabiro... Nagbibiro lang tayo Vince di ba?" Ini-move ni Jelly ang kamay nya para makipag-high five kay Vince.

"Ah, oo naman nangti-trip lang kaming dalawa.." Dagdag ni Vince habang nakikipag-high five kay Jelly. "Eto maka-crushan ko e sobrang sungit nyan!" Hesitant na sabi Vince.

"Masungit pala ha. Tsaka ikaw ba maka-crushan ko e unang una di ka "J", secondly super pang-asar kaya nyan no? Kaya no way!" Dagdag pa ni Jelly.

"Hayyy kayo talagang dalawa.. so bati na kayo ngayon? Nag-uusap na kayo e.." Curious na tanong ni Kuya Jeremy.

"Hindi pa din no?" Nakairap na sabi ni Jelly.

"Bahala ka mawawalan ka ng bestfriend na pogi." Birong sabi ni Vince.

"Sheeeesh! Tama na nga yan! Wala naman tayong matinong nakuhang sagot sa dalawang yan kaya baguhin na nga natin, bubunot ulit ako!"  Paula exclaimed.

"Okay eto na ang nabunot ko! Ayaw nyo nung mabilis na question na yun ha kaya eto ang sa inyo... "Dare! You should kiss the one you love... ops! may kadugtong... on the lips.." Ate Paula grinned.

"Oy jino-joke mo lang kami Ate Paula.. Patingin nga???" At kinuha ni Jelly ang papel. "Uh oh..." Jelly said worriedly.

Kinuha ni Vince kay Jelly ang papel at binasa, napakamot sa ulo. Papatay malisya naman si Jelly na nakahawak sa bibig nya.

"O sige na nga..." Sabi ni Vince na maya-maya ay tumayo.

"O Jelly, tumayo ka na din at puntahan mo na ang mahal mo.." Kumindat na sabi ni Kuya Jeremy.

"Yoko ngang mang-kiss..." Umiirap na sabi ni Jelly.

"Sige na please... sports lang, kiss mo na si Jed!" Teased Roy.

Kaya't napilitan na din tumayo si Jelly habang bumubuntong hininga ng malalim.

Hindi pa din alam ni Jelly ang gagawin nang mga oras na iyon. Sobrang kabado sya. Hindi nya pwedeng halikan si Jed dahil hindi pa naman sya sure kung mahal nga nya talaga ito.

Ngunit biglang nagulat ang lahat nang biglang may sumigaw ng...

"Arayyyyyyy!" Pleaseee help! My tummy's hurting so much!" Cried Alex.

Bigla silang lahat naglapitan kay Alex para alamin ang nangyayari dito. Hawak hawak nito habang namimilipit ang kanyang tiyan. Dali-dali syang binuhat ni Vince para dalhin sa loob ng cabin. 

Nang nasa loob na sila ng cabin sa kwarto ng mga girls ay nagsalita si Jeremy. "Don't worry Alex, tatawag kami ng tulong, okay!" Kuya Jeremy said worriedly.

"Wag na, I'll just have to take some tummy meds I think. Sobrang dami nating nakain na kung anu-ano today. Probably gawa lang nun." Sagot ni Alex na sapu-sapo pa din ang tiyan.

"Are you sure?" Worried na tanong ni Vince.

"Yes I'm sure" Alex replied.

Maya-maya ay dumating na nga si Nina na napakabilis na nakapunta sa kusina para kumuha ng gamot. May dala na din itong glass of water.

"You should have this now." Nina told Alex.

At pinainom na nga ng gamot ni Vince si Alex.

"I think kailangan na nga nating magpahinga lahat. Lalabas lang kaming tatlo muna nila Jed at Roy para maayos namin sa labas at mapatay na rin ang apoy ng bonfire." Kuya Jeremy declared.

Tumabi si Jelly kay Alex para tulungan itong himasin ang kanyang tummy. After 10 minutes ay napansin nila na medyo okay na ito.

"I'm okay now. Salamat talaga guys ha. Na-bloat nga lang siguro ako kaya sobrang sakit. Pero I think I'm fine now. Thanks.." Sabi ni Alex.

"So pano, labas na muna ako ha, magpagaling kang mabuti Alex.. Girls labas na ako.." Paalam ni Vince. 

"Thanks Vince.." Sabi ni Paula at Nina. Tinanguan lang ni Jelly si Vince.

Maya-maya ay pumasok ulit sa kwarto sina Jeremy, Roy at Jed para lang mag-good night.

Medyo natagalan pa din nang magdecide kaming mga girls na matulog pero hanggang nang oras na iyon na nakahiga na sya sa kanyang bed ay gising na gising pa din si Jelly. Tumingin sya sa orasan at malapit na palang mag-one o'clock pero di pa din sya dinadalaw ng antok. Patuloy pa ding iniisip ang mga nakaraang araw na nararamdaman nyang confusions at lalo na ang nangyari kanina sa bonfire... "Talaga bang ako ang first crush ni Vince?" Tanong ni Jelly sa sarili. Baka nga nagbibiro lang si Vince gaya nya, naisip ni Jelly. Ang totoo naman talaga, di sya nagbibiro. Si Vince naman talaga ang first crush nya noong una pa lang magkakilala sila sa Egg Hunt. Yun nga lang pinilit nya ang sarili na ibaling sa iba ang pagka-crush kase nga dahil sa promise nya na hindi sya magkakagusto sa hindi letter "J" ang start ng pangalan. "Pero si Vince, totoo kaya na ako ang naging first crush nya? Bakit hindi nya nasabi sa kin? Dahil ba sa iniiwasan namin lagi yun topic na yun dahil nga sa magbesfriend kami?" Naitanong ni Jelly sa sarili.

"Hayyyyssss! Hirap namang mag-isip..." Jelly just decided to go out of the cabin para magpahangin...

Naglakadlakad siya sa tabing dagat. Maya-maya ay nagdecide sya na umupo na lang sa buhanginan. 

Muntik na syang mapasigaw nang biglang may nagsalita sa likuran nya.

"Bakit naglalakad kang mag-isa? Alam mo bang delikado yan lalo na sa magandang dalagang kagaya mo?" 

Napalingon sya at nakita nyang nakatayo sa likod nya si Vince.

"Ano ka ba naman Vince! Magkakasakit ako sayo sa puso, bigla-bigla ka na lang sumusulpot!" Sigaw ni Jelly habang nakahawak sa dibdib dahil sa sobrang kaba.

Maya-maya ay naupo ito sa tabi nya.

"Kumusta naman ang pinaka-maganda kong bestfriend?" Nakangiting tanong ni Vince habang biglang iniakbay ang kanan nyang kamay sa balikat ni Jelly.

"Okay naman, pinakamaganda pa din dahil ako lang naman ang bestfriend mo.. unless ipinagpalit mo na ako.." Masungit na sagot ni Jelly.

"Ang cute-cute mo talaga pag nagsusungit! Kaya love na love kita e!" Sabi ni Vince habang pinipisa ng kaliwa nyang kamay ang ilong ng dalaga.

"Namiss ko to, sobra..." Maya-maya ay di na napigilang ni Jelly na di umiyak at narinig ni Vince ang paghikbi nito.

"O umiiyak ka ba? Ohhhh, parito ka nga hug kita ng sobrang higpit.." At niyakap nya si Jelly nang mahigpit na mahigpit. Ramdam na ramdam ng dalaga ang napakalakas na tibok ng dibdib nito na alam nya ay naririnig na nya dati pa tuwing niyayakap sya nito. Pero bakit ngayon lang napagtuunan ng pansin ang tibok ng puso nito?

"Tahan ka na, okay..." At pinaharap ni Vince si Jelly sa kanya para punasan nya ang luha nito. "Bakit mo nga pala ako na-miss?"

"Wala ka na kayang oras para sa akin. Tapos di mo man lang ibinalita sa kin na nag-start ka na palang manligaw kay Alex. Wala akong kaalam-alam kung hindi pa namin napag-usapang mga girls kanina. Hmpppp..." Nagtatampong sabi ni Jelly.

"Honestly... hindi pa naman ako nanliligaw." Vince answered.

"Hindi pa pero malapit na?...." Mababa pa din ang boses na tanong ni Jelly.

"Ewan... Siguro... Baka..." Nalilitong sagot ni Vince.

"Malamang hindi mo balak sabihin sa akin ano?" She pouted.

"Of course sasabihin ko... Pero pa'no nga pala tayo magkakausap eh sobrang busy mo kay Jed..." Napabuntong hininga si Vince.

"Of course not!" Jelly disagreed.

"Yes, you are..." Pakikipagtalo ni Vince.

"No, I'm not..." She insisted.

"Okay sige na.. Hindi na kung hindi... Isa na lang tanong... Ako ba talaga ang first crush mo?" Seryosong tanong ni Vince.

"Sabi ko na nga biro lang di ba?" Jelly replied habang iniiwas ang tingin sa binata.

"Jell, walang biro..." Hinawakan nya ang dalawang pisngi nito para di ito makatungo.

"Okay... that's true... Eh ikaw totoo ba yung sabi mo o biro lang din." Pag-amin ni Jelly.

Tumango si Vince. "Yes, that's the truth."

"Bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong ng dalaga.

"Bakit di mo din sinabi sa kin?" Sinagot ni Vince ng tanong din si Jelly.

"Kase... kase mag-bestfriend tayo..." She exclaimed.

"Kase mag-bestfriend tayo o dahil kse may pangako ka sa sarili mo?" Sabi nya na hinahagilap ang sinseridad sa mga sinasabi ng kaibigan.

"Honestly, hindi ko alam Vince... At ngayon na malapit ka nang magka-girlfriend e hindi ko alam ang mararamdaman ko..." Jelly sighed.

"Anong ibig mong sabihin, Jell..." Makikita mo sa mukha ni Vince ang pagka-confuse.

"Mahal mo ba talaga si Alex?" Tanong din ang ginawa nitong sagot sa tanong ng binata.

"Ikaw mahal mo ba si Jed?" Naramdaman nilang dalawa na ayaw nila parehong sagutin ang mga tanong ng isa't isa.

Dahil sa emosyon na nararamdaman ni Jellt ay napaiyak na naman ito...

"Bakit ka umiiyak... Ayokong nakikitang umiiyak ka..." Pinahid ni Vince muli ang mga luha ni Jelly at muli ay niyakap nya ito.

"Hindi ko alam Vince pero tuwing nakikita ko kayong dalawa ni Alex na magkasama ay nagseselos ako...." Biglang nasabi ni Jelly kay Vince.

Naramdaman ni Jelly na lalo pang hinigpitan ni Vince yakap sa kanya. "Kanina sa truth and dare, nang sinabi ni Ate Pau to kiss the one I love... Alam mo ba kung sinong gusto kong lapitan at halikan nang mga oras na iyon... Gusto mo bang malaman?" Vince said as he is looking at Jelly's eyes passionately. 

Kumawala si Jelly sa pagkakayakap ni Vince at tinitigan na lang ito sa mga mata. Tumango ang dalaga.

Maya-maya ay naramdaman na lang ni Jelly na lumalapit ang mukha nito sa kanya. Napapikit sya nang dahan-dahang lumapat ang mga labi ni Vince sa mga labi nya. Parang syang lumulutang ng mga oras na iyon. Yun ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman nya ang ganung pakiramdam na parang ayaw na nyang matapos pa. Napa-sandal sya sa mga bisig ng binata dahil para syang matutumba sa sobrang gaan ng pakiramdam na tila lumilipad sa ere.

"I love you, Jelly... Mahal na mahal kita noon pa man..." Sabi ni Vince sa napakalambing na boses.

Bigla naalimpungatan si Jelly nang ma-realize nya ang mga nangyari ng mga nagdaang minuto. Napapitlag sya at biglang naitulak si Vince para humiwalay sa pagkakayakap dito. Napahawak sya sa noo at hindi malaman kung anong susunod na gagawin. Tumayo si Jelly at tumakbo palayo kay Vince, pabalik sa cabin na gulong-gulo ang isip. "Mali... mali ito... " Bulong nya sa sarili. 

"Hindi pwedeng mangyari ito..." Pilit na ibinubulong ng utak nya...


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018