Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Sumakay si Jelly at Josh sa kotse ng walang imikan. Nobody wants to try to speak a word. Siguro dahil nahihiya pa si Josh dahil alam nyang nasaktan nya ang dalaga. Si Jelly naman, she doesn't want to speak anything dahil ayaw nyang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman nya sa oras na yon. Actually nahihiya lang si Jelly na tumawag sa bahay nila para magpasundo. Ayaw na sana nyang si Josh pa ang maghatid sa kanya pauwi. Gustong-gusto sana nyang tawagan si Kuya Jeremy o kaya ay si Vince pero nag-decide na lang sya na hindi na lang. Hindi pa din naman sya handa na magkwento o sabihin sa kanila kung anong nagyari. She decided na sasarilinin na lang muna nya ang sakit.

Dumating sila sa tapat ng gate nila Jelly. Saka pa lang nagsalita si Josh.

"Ahmmm, sorry ulit Jell. Sana talaga mapatawad mo ko." Sabi nito.

"Pasensya na Josh pero wag na muna natin pag-usapan yan, please... Wag ka na nga pala pumasok, ako na bahala." She replied.

"I understand..." He said sadly. Then he went out of the car and opened the door for Jelly. 

"Do you want me to take you inside?" He asked.

"I'm okay, don't worry." Jelly answered.

"Pakisabi na lang kina Tito at Tita pasensya na at salamat sa lahat." He added.

"Okay, ako na lang bahala magsabi sa kanila." Sabi ni Jelly sabay tango.

Nagpaalam na si Josh at si Jelly naman ay pumasok na sa gate. 

Sa may pinto, natanaw ni Jelly na naghihintay ang Kuya Jeremy nya at si Vince. Mukha yatang di talaga uuwi itong si Vince hangga't hindi sya nakikitang umuwi. Ganun talaga silang dalawa mula pa noon, sobrang protective ni Vince sa kanya. 

Malayo pa lang si Jelly sa pinto ay kumakaway na ang dalawa. Lalo pang binagalan mi Jelly ang paglalakad. Daig pa nya ang pagong sa sobrang bagal. Gusto nyang ikalma muna ang sarili para di masyadong mahalata ni Jeremy at Vince ang mata nya na galing sa pag-iyak. Sana naman e natakpan talaga ng face powder na inilagay nya ang kanyang namumugtong mga mata. Bago kase sila umuwi ni Josh ay she made sure na pumunta sya sa ladies room para makapag-retouch man lang kahit papano.

Di pa sya masyadong nakakalapit e nagsalita na si Kuya.

"Hey little sis! Mokong na Josh yun ah, di ka man lang inihatid dito sa loob." Salubong na sabi ni Jeremy.

"Oo nga bestfriend, bakit di man lang pumasok dito? Loko yun ah." Dagdag ni Vince.

"Ahhh kse sinabi ko sa kanya umuwi na kse gabi na. Nagpupumilit nga na ihahatid nya ako sa loob di lang talaga ako pumayag." Sagot ni Jelly na pinipilit ngumiti.

"Hindi pa rin ah. Hindi ako papayag na di ko ihahatid ang girlfriend ko sa loob ng bahay no?" He said sarcastically.

"Kuya, kilala mo naman ako di ba? mananalo ba sya sa kin??? Tsaka anong girlfriend ang sinasabi mo? Hindi ko pa sya boyfriend no?" Sagot mi Jelly na pinipilit magpatawa.

"Kala ko ba pag-uwi mo eh in a relationship ka na ha?" May pang-aasar na sagot ni Jeremy.

"Sabi nyong dalawa magpakipot di ba? E di nagpakipot, hmmmp!"Jelly said while still hiding her true feelings that moment. Hindi alam ng dalawa na wala syang gustong gawin ng oras na yun kundi tumakbo sa loob ng kwarto at umiyak ng umiyak buong magdamag.

"Jelly, tumingin ka sa kin..." Si Vince na kanina pa nananahimik.

"Ayoko, gusto ko nang magpahinga sa kwarto ko. Pagod kaya ako no? Tulog na ba si Mommy at Daddy?" Jelly is trying to avoid Vince.

"Jell, please look at me..." Vince insisted.

Jeremy just watched while waiting for Jelly to comply to Vince's request. 

Tatakbo na sana si Jelly nang biglang hawakan ni Vince ang kamay nya at pinilit syang iharap sa kanya.

Nang maramdaman ni Jelly na nakaharap na sya kay Vince ay hindi na nya napigil ang sarili. Isinubsob ni Jelly ang mukha nya sa dibdib ni Vince at inilabas nya ang luhang kanina pang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Naramdaman ni Jelly ang mahigpit na pagyakap ni Vince sa kanya. Naramdaman din ni nya paglapit ng kanyang Kuya Jeremy then he started to pat her back.

"Shhhh... Tahan na... Don't worry nandito lang kami ni Kuya Jeremy to listen... Shhhh..." Vince tried to calm her.

"Tama si Vince, sis. Eto lang kami para makinig. Di ka namin iiwan. Pero mabuti pa dun na muna tayo sa loob okay. Siguro need mo muna uminom ng something para makalma ka." Dagdag ni Jeremy.

Inalalayan ng dalawa si Jelly papasok sa loob ng bahay. Dinala nila ito sa living room at pinaupo nila sa couch. 

"O wait lang ha punta lang ako sa kitchen and I will get something to drink for you." Kuya Jeremy said.

Habang nasa kusina si Jeremy ay tinanggal naman ni Vince ang heels nya at itinaas ang mga paa nya sa couch at sinimulan nitong i-massage ang pagod nyang mga paa.

"O' ngiti ka na dyan. Alam ko paborito mo to. Para naman medyo gumaan pakiramdam mo." Sabi ni Vince na pilit pinapangiti si Jelly.

Kaya naman ngumiti ito ng bahagya kahit medyo may mga luha pa sa kanyang mga mata.

Maya-maya ay dumating na si Jeremy na may dalang glass of milk.

"O eto ang warm milk. This will make you feel good." Sabi nya habang iniaabot ang gatas sa akin.

Inabot naman ito ni Jelly at sinimulang inumin. Pinilit nyang ubusin ang kalahati at iniabot muli sa Kuya nya.

"Thanks Kuya, it really made me feel a little bit better. Thanks too, Vince for the massage. Napaka-lucky ko naman to have the both of you." Jelly said while smiling to both of them.

"No problem sis. Anytime... By the way, di ka muna namin pipiliting magkwento kse baka di mo pa kayang pag-usapan. Okay lang sa'min yun, di ba Vince? Basta pag ready ka na, katukin mo lang ako sa kwarto ko o si Vince sa guest room. Kahit madaling-araw okay lang sa min, di ba bro?" Sabi ni Jeremy.

"Oo naman syempre." Vince added.

"Buti naman at di ka na uuwi. Gabi na kaya." Jelly said while wiping the rest of the tears from her eyes. "Dapat lang talaga na di ka umuwi kse hindi ko kayo patutulugin dalawa ni Kuya, kse magku-kwentuhan tayong 3 buong magdamag. Ikukuwento ko sa inyong dalawa all the details."

Nagkatinginan silang dalawa sabay ngiti sa isa't isa. "Walang tulugan to!" The two of them shouted habang sabay ding napa- "Shhhhh" kase baka magising ang mommy at daddy nila at ang kanilang mga kasambahay.

"O sya excuse me muna at magchi-change outfit muna ang inyong mahal na prinsesa." Sabay kindat nya kay Vince at Jeremy.

"Okay sige, take your time and ipi-prepare namin ni Vince ang San Mig light and pulutan, whahaha!" Sabi ni Jeremy habang tumatawa.

"Hahahaha! Oo nga! Good idea..." Pagsang-ayon ni Vince.

"Kuya! No way! Alam mo namang allergic ako sa alcohol!" I muttered.

"Eh, di ba yun ang dapat iniinom ng mga broken hearted?" Sabay tawa ng dalawa.

"Hmmmpp.." Sabi lang ni Jelly.

"Hehehe, di ka na mabiro. Syempre chips lang, jelly beans, at soft drinks ang katapat ng puyatan natin! O sige go ahead na pro bilisan mo ha. Punta ka na lang sa entertainment room after, okay? Wait ka namin dun ni Vince." Jeremy said.

"Sure, I'll be there right away." Jelly told them.

At dali-dali umakyat ng kwarto si Jelly, nag-shower at nagsuot ng pinaka-komportableng pajama. She wants to feel so fresh after that very long tiring day. She is so thankful that she has her Kuya and Vince that moment. Kung hindi magdamag lang siguro syang iiyak nang iiyak sa loob ng kwarto at iisipin ng iisipin ang mga nangyari ng gabing iyon.

She hurriedly go straight to the entertainment room where Vince and Jeremy are waiting for her. Madalas silang tumatambay dun especially pag gusto nilang mag-music jam tatlo. Meron dung drumset, electric guitar, keyboard at microphones. Hilig nilang tatlo ang music kaya halos lahat ng instruments doon ay kaya nilang tugtuging. 

Nagmamadaling binuksan ni Jelly ang pinto at bigla syang napatigil dahil biglang tumunog ang stick ng drums kasabay na may sumigaw ng "one, two, three!" At sabay tumunog na din ang electric guitar for the accompaniment. Maya-maya'y narinig ni Jelly ang boses ni Vince na nag-intro sa kantang "Wag Na by Yeng Constantino". Sabay takip ni Jellysa bibig nya dahil muntik na syang mapasigaw nang "Oh my God!" Sobra syang natuwa habang pinapanood nya ang dalawa ng oras na iyon. Si Jeremy ay nagda-drums habang si Vince naman ay tumutugtog ng guitar habang kumakanta. Jelly was so overwhelmed na unti-unti nang natatakpan ng saya ang lahat ng nangyari sa mga nakaraang oras.

(LISTEN TO "WAG NA" BY YENG CONSTANTINO FROM THE YOUTUBE VIDEO ON TOP OF THIS PAGE.)

Umupo si Jelly sa couch at patuloy pinanood ang dalawa sa performance nila. Nang matapos nila ang kantang yun ay sabay na nag-vow ang dalawa at si Jelly naman ay parang avid fan na nag-standing ovation pa sa pagpalakpak.

"Grabe, sobra naman akong na-surprise sa nyong dalawa!" Pasigaw na sabi ni Jelly habang di mawala-wala ang ngiti sa labi.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Vince na excited na lumapit sa kinakaupuan ni Jelly.

"Oo naman, sobra!"  She honestly said. "Napakabilis nyo namang nai-prepare yun!" Dagdag ni Jelly.

"We are PRO!" Pagmamayabang na sagot ni Kuya Jeremy.

"Oo na, you are PRO's talaga. Napasaya nyo nga ako e. O ayan, sobra nga ang pagkakangiti ko, hehe!" Jelly told them while putting her two pointing fingers on her both cheeks.

"Hahaha! Salamat kay YouTube kse na-gets kaagad namin how to play it for that short period of time, haha!" Vince stated.

"O paano ba yan, masaya na ako so no need to tell you na kung ano nangyari sa min ni Josh, pwede na kong matulog." Sabay tayo ni Jelly at tangkang lalakad paalis.

"Oooops!" Humarang si Jeremy sa lalakaran ko.

"Di ka na pwedeng umalis hangga't hindi mo sinasabi sa min. O ha, naka-program na yung isip namin para dun at ang isip namin pagpupuyat so wala nang urungan." Nakangiting pagpigil sa kanya ng kanyang Kuya.

"Hehe, di na kayo mabirong dalawa.. Syempre may usapan tayo kaya syempre magpupuyat talaga tayo." Jelly said while smiling like a little kid.

"O', eh di dapat umupo na tayo. Nakakapagod na eh, kanina pa tayo nakatayo dun." Si Vince sabay turo sa kinalalagyan ng mga instruments.

At sabay-sabay silang tatlo na pabagsak na umupo sa couch. 

"Hayyyy... nakaupo din!" Magkasabay na sabi ng dalawa.

Dahil si Jelly ang nasa gitna, ay parehong nakatingin si Jeremy at Vince pareho sa kanya at hinihintay na magsalita sya.

"Okay sige na nga sasabihin ko na... gusto nyo ba ay mula sa umpisa o sa dulo na kaagad?" Tanong ni Jelly sa kanila.

"Umpisa.." Sabi ni Vince

"Dulo..." Sabi ni Kuya Jeremy.

"E pano yan, sa gitna na lang kaya kse magkaiba kayo ng gusto." Nang-iinis na sabi ni Jelly sa kanilang dalawa.

"O sige sa dulo na lang.." Sabi ni Vince.

"O sige sa umpisa na lang..." Sabi naman ni Kuya Jeremy.

"Eh ano ba talaga?" Nalilitong tanong ni Jelly sa kanila.

"Bahala ka na lang." Magkasabay na sagot ng dalawa.

"Okay, magsisimula ako sa dulo tapos saka ko sasabihin yung details ng mga nag-usapan namin." Sabi ni Jelly.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na nagsabi ng, "Okay..."

"Okay ready na ba kayo?" Tanong ni Jelly sa kanila habang humuhugot na malalim na hininga.

"I'm ready!" Jeremy said.

"Me too!" Vince has second the motion.

"Prepare your ears..." Jelly started.

"JOSH IS ENTERING THE SEMINARY TO BE A PRIEST..."

"What???" Gulat na gulat na tanong ng dalawa.

"Si Josh magpapari?" Paglilinaw na tanong ni Kuya Jeremy.

"Bakit daw?" Tanong ni Vince.

"Bakit pa sya nagparamdam ng pagkagusto sayo?" Tanong uli ni Kuya Jeremy.

"Bakit ka pa nya niyaya mag-date?" Isa pang tanong ni Vince.

"Whoa! Isa-isa lang po ang tanong at mahina ang kalaban!" Awat ni Jelly sa dalawa.

"Eto ha sisimulan ko nga sa umpisa." Jelly added.

At nagsimula na nga syang magkwento sa kanila ng lahat-lahat. Ini-detalye pa nga nya sa kanila yung feeling nya, saya, at lahat ng nararamdaman nya bago pa lang ang date. Hanggang sa ikwento ni Jelly sa kanila yung excitement ng kwentuhan nilang habang naghihintay ng food nila at habang kumakain, hanggang sa moment na aminin na nga ni Josh sa kanya ang totoo at ang mga paliwanag nito kung bakit nagawa pa nyang yayain ng date si ang dalaga. Gusto mang pigilan ni Jelly ang luha nya ng oras na iyon ay di rin nya napigilang di umiyak habang nagkukuwento. Magkahalo kasing panghihinayang at awa sa sarili ang naramdaman nya. 

"O, yan ha. Nakwento ko na lahat sa inyo." Sabi ni Jelly habang nagpapahid ng luha.

Maya-maya ay inabutan sya ni Vince ng tissue.

"Ahhh ganun pala... Pero alam mo, at least e sinabi nya sayo ng mas maaga. Madami kasi akong narinig na nung naging girlfriend na e saka pa sinabi na magpapari sila." Jeremy said.

"Tama yun Jell, naging honest pa din sayo si Josh. Also, mabuti na din yun kse mababaw pa lang yung sakit. Mas mahirap kung naging malalim ang relationship nyo then saka ka nya iiwan. Naku kung mangyari yun, papasok sya sa seminaryo na di na makikilala mukha nya kse bugbog sa min yun ni Kuya Jeremy, hehe!" Vince said trying to make her laugh.

"Puro ka kalokohan! Masakit pa rin yun ah! Umasa kaya ako..." Humihikbi-hikbing sabi ni Jelly.

"E sino bang nagsabi sa 'yong umasa ka ha?" Nagbibirong tanong ni Jeremy .

"Oo nga Jell, bakit kasi!" Sinang-ayunan pa ni Vince.

"Ay naku! Ewan ko sa nyong dalawa! Love nyo ba talaga ako o hindi? Kinakampihan nyo yata si Josh e! Sige magsama-sama na kayong tatlo!" Nakasimangot na sabi ni Jelly.

"Hindi naman mabiro tong little sis kong to! Of course naman, kampi kami sayo, hehe!" Sabay akbay ni Jeremy sa kapatid habang ginugulo ng isang kamay ang buhok nito.

"Hahaha!" Tawa ng tawa si Vince.

"O sige na para di na masira ulit mood ko e jamming na tayo." Yaya ni Jelly sa dalawa.

"Okay po.. Ibuhos mo na lang sa pagtugtog ang nararamdaman mo." Nakangiting sabi ni Jeremy.

"That's right!" Vince agreed.

Magdamag sila halos tumugtog, nanood ng movie at kumain ng kumain. Buti na lang sound-proof ang room na yon. Kung hindi nabulabog na sana lahat ng natutulog.

Sobrang thankful si Jelly sa mga saviors nya ng gabing iyon. Thanks to Jeremy and Vince that they saved her from the supposedly whole night of misery.

Jelly still had more reason to laugh and call that day... A DAY... 


TO BE CONTINUED....


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018