Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Hindi pa din mapakali ang mga naiwan sa cabin. Naka-thirty minutes na mula nang madala ng ambulance si Jelly sa ospital e wala pa din tawag mula kay Jeremy at Paula.

"Wala pa din bang nakaka-receive ng message mula sa inyo? Nacheck nyo na ba mga cp nyo?" Inip na tanong ni Jed.

"Wala pa e." Sagot ni Alex.

"Ikaw Vince, nacheck mo na ba cp mo?" Worried na tanong ni Nina sa tahimik at nakatungo habang nakaupo sa may hagdanan ng cabin na si Vince.

Umiling lang ito at muling tumungo.

"Ano kayang pwede nating gawin?"  Jasper asked habang makikita din sa mukha ang sobrang pagwo-worry. 

Maya-maya ay bigla silang napatayong lahat nang may mag-ring na phone.

Dali-daling naglapitan kay Vince ang mga kasama dahil kanyang phone ang tumunog. 

"Hello Kuya Jeremy? How's Jelly?" He asked anxiously.

"Paki-speaker mo pare, please..." Request ni Jed.

Kaya't ini-loud speaker ni Vince ang phone para marinig nila lahat.

"May mga series of test pa na ginagawa sa kanya kaya wala pa talagang definite na sinasabi ang doctor..." Kuya Jeremy stated. "But the doctor has a suspicion na dahil daw siguro dun sa wound nya sa legs nya. Baka daw na-infect or baka rusty yung rock na nadapaan nya. Kung magkaganun, baka tetanus yun, wag naman sana."

"But it's not too harmful naman di ba Kuya Jeremy?" Worried na tanong ni Alex.

"Dahil early detection naman malamang ay hindi ganun kalala. Basta ipag-pray na lang natin sya na maging safe at maging maayos lahat ng tests." Kuya Jeremy added.

"Naitawag mo na ba kina Tita Jill at Tito Jim ang nangyari?" Vince curiously asked.

"Yes, I phoned them already so they will book the earliest flight na." Kuya Jeremy answered.

"Mabuti naman kung ganun... Gusto namin sanang sumunod dyan sa hospital. Saan bang hospital nyo sya dinala?" Vince stated.

"Nandito kami sa St. James Hospital. Pwede naman yata kayong magpakuha ng taxi sa hotel management or kaya meron din yata silang car rentals. Just ask them."

"Yeah that's right, may car rentals nga sila." Dagdag ni Jasper.

"O sya, magkita na lang tayo here... By the way Vince, can you bring some personal things for Jelly?" Bilin ni Kuya Jeremy.

"Okay Kuya sige..." Sagot ni Vince.

"Bye Kuya, see you later..." All of them said.

Pagka-hang-up nila ng phone ay nag-usap na sila about sa pagpunta sa hospital.

"Hindi tayo kasya lahat sa 1 car so dapat 2 cars ang i-rent natin... So paano.." Tanong ni Roy.

"Mauna na kayo kse ipagpi-prepare ko pa yung mga things ni Jelly. Mas better yun may mauna doon para may kasama sina Kuya Jeremy sa pag-aasikaso kay Jelly. Susunod din ako right away." Vince declared.

"Uhmm, can I stay with you?" Alex said.

"No need... I'll be okay, don't worry.." Vince said.

"No... I'll really stay... So guys you can go ahead and I'll help Vince here..." Alex insisted na makikita ang pagka-dismay sa mukha.

"Mabuti pa nga Vince para at least may kasabay ka." Pagsang-ayon ni Jed kay Alex.

"Okay sige na, you win..." Medyo asar na sabi ni Vince.

"Okay sige dyan na kayo mauna na kami ha... Ingat kayong dalawa." Bilin ni Nina.

"Bye guys!" Sagot ni Alex.

"Bye mag-ingat din kayo." Sabi ni Vince.

Pagkaalis ng mga kasama ay naging tahimik ang pagitan ni Alex at ni Vince.

Hanggang sa maayos nila ang things ni Jelly at makakuha sila ng kotse sa car rentals ay hindi pa din sila halos nag-uusap.

Bago sila makasakay ng kotse ay hindi na nakatiis si Alex.

"Bakit parang iniiwasan mo ako Vince? It seems that you're so far away..." Medyo inis at curious na tanong ni Alex.

"You're just being paranoid, Alex... And I think hindi ito ang time para pag-usapan natin yang mga bagay na yan.. Jelly is in the hospital..." Mababa ang boses na sabi ni Vince.

Ipinagbukas ni Vince ng pinto ng kotse sa side nya si Alex. Maya-maya ay sumakay na din sya.

Nang nasa loob na nang kotse silang dalawa ay nagpatuloy sa pagsasalita si Alex.

"But I just have a feeling that you've changed just right after yung truth and consequence na yun!" Alex said sarcastically.

"Don't be insensitive Alex. It's not the right time to talk about that. Di ka ba nag-aalala kay Jelly? Yan pa ang gusto mong unahin at this very moment?!" Inis na din na sabi ni Vince.

"I'm not being insensitive! And of course nag-aalala ako kay Jelly, syempre friend ko din sya, mahal ko din sya! But the thing is, I'm just asking why you seems so far away???" 

"I don't know what you're talking about..." Ini-start na ni Vince ang kotse at pinaarangkada na nya ito.

"Yes you do... You do know what I'm talking about! Si Jelly di ba? Si Jelly ang reason kung bakit ganyan ka na sa kin ngayon di ba, di ba???" Alex is starting to freak out.

"Please Alex... Stop it. Hindi ito ang tamang time para pag-usapan yan... Siguro pag okay na si Jelly saka natin i-discuss yan, but not now please!" Pakiusap ni Vince.

"Bakit ba di mo na lang aminin! Nang di na ako umaasa pa! Nakita ko kayo! I saw you that night but I don't want to confront you! I'm afraid to know the truth but I have to know now... please!" Sigaw ni Alex habang umiiyak.

"Okay, okay! Mahal na mahal ko si Jelly.... Noon pa lang mahal na mahal ko na sya... And kanina... kanina inamin na din nya na mahal nya ako..." Vince said honestly.

"So ngayon you're telling me na kayo na??? You're a cheater!" Alex shouted.

"No one is a cheater coz no one was cheated here, Alex... Hindi naging tayo... Walang naging tayo..." Vince defended.

"I hate you! I hate both of you!" Alex shouted habang sinusuntok suntok ang balikat ni Vince. 

Dahil sa tension ng paghampas sa kanya ni Alex ay nagpa-wiggle-wiggle ang pagtakbo ng kotse. Nawala ang focus ni Vince sa daan at hindi nya namalayan ang paparating na truck. Huli na nang magdecide sya na kabigin ang manibela papunta sa kabila.... Nahagip na ng truck ang kanilang sinasakyang kotse...


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Girl in the End

Lies. Deception. Lust. Who gets the love? Who should be loved? Girl in the end.

Image Description

09 August 2018