Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Last Mr J

Image Description rochellyheart   |   05 March 2018


Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

(JELLY'S POINT OF VIEW)

Weeks have passed and things went normally as it used to be. Mabilis naman akong naka-recover dahil na din sa tulong ni Kuya and Vince and syempre sa support na din ni Mommy at ni Daddy na nakaalam din ng nangyari the day after. Na-realize ko tama naman si Josh, at least hindi pa malalim kaya hindi din naman natagalan ang pagkabroken-hearted ko.. Ouch!

Pero bawat isa sa kanila, si Daddy, si Mommy, si Kuya, and si Vince... They are trying to convince me to stop my craziness at pagka-desperada na humanap ng "J" na boyfriend. Kesyo hindi ko daw naman talaga mapipili ang destiny ko, kesyo baka ma-disappoint na naman ako. Kesyo baka masaktan na naman ako...

Masaktan na naman??? Yes! Na naman... Kase alam mo ba na hindi naman first broken heart yung kay Josh??? Oo, hindi yun first time! Hindi ko kase na-mention na nagkaron ako ng first broken heart when I was 14 years old. And he was my first love??? Ahmmm ewan, siguro first crush??? Ah basta, sya ang first... Pero ako nga din ba ang may kasalanan kung bakit ako nasaktan??? O sige na nga rewind, rewind, rewind, para maintindihan mo.

13 years old ako nang ma-meet ko si Jasper. First year high-school, first day of school...

I was so excited when the bell rang. It means lunch time na, yey! I was about to stand up nang lumapit sa kin si Vince na syempre dahil bestfriend kami e magkasama lagi kami ng school na pinapasukan. Choice namin dalawa yun (with my conviction power, lol!) after na mag-meet kami nung 7 years old kami, that we will always go in the same school.

"Tara na sa canteen, hurry up, may padalang sandwich si Mommy para sa'yo." Yaya ni Vince.

"Really? Yey! Is that my favorite chicken sandwich? Naku super love ako talaga ni Tita Mabel. Tell her thanks and super love ko din sya! Pero may padala din si Mommy na sushi para sayo! She knows it's your favorite so she left some for you from yesterday." I excitedly replied.

"Wow! Lalo tuloy ako nagutom.. kaya tayo na, bilis na kase kanina pa talaga ako nag-i-starve!" Sabay higit sa kamay ko.

"Ooops! wait lang kse! May kasama po ako... Nakikita mo ba sila sa likod ko" Sabay turo ko sa dalawang girls sa likod ko.

"Oops! Sorry di ko agad napansin. Sa sobrang gutom ko kase.. Hi!" Nahihiyang sabi ni Vince.

"By the way, Alex, Nina, this is my "makulit" na bestfriend, Vince. Vince these are our new classmates na na-meet ko sa Freshmen Orientation kanina, Alexandra and Janina... Alex and Nina for short. By the way, bestfriends din sila, di ba girls?"

"Definitely... Nice meeting you, Vince!" Nina said as she waved her hand.

"Hi!" Alex said shyly"

"Hello Alex, hello Nina! I'm happy to meet you both." Vince greeted as they are shaking their hands.

"O pa'no, sabay na lang kayo sa min sa lunch?" Vince asked.

"Yun na nga po ang plan ko, pasasabayin ko na sila sa tin." I answered.

"Good! So let's go?" Vince exclaimed.

"Let's go!" Nina said.

And tumango na lang kami ni Alex.

"Okay mauna na kayong bumaba and I'll just go to my locker to get my lunch kit. Iniwan ko muna kanina e." Sabi ni Vince habang papunta sa may pinto.

"Okay sige, wait ka namin sa may stairs." Sabi ko

"Okay sige." He replied.

So we went out of the classroom and walked through the hallway with some of the students that were coming out of their classes. We went down the stairs and we just decided to sit on the last 3 steps of the stairs while waiting for Vince. 

All of a sudden, Alex said, "Guys can you feel that?" 

"What?" I worriedly asked.

"It's shaking.." Alex added.

"Girls lumilindol!" Nina exclaimed.

"Lindol, lindol!" Narinig naming sigaw ng ibang estudyante na nagsisimula nang magsitakbuhan.

Nagsimula na rin kaming tatlo na tumakbo at nakipagsiksikan sa ibang estudyante palabas ng building pero naiwan ako kase biglang nasira ang handle ng bag ko dahil na din siguro sa pagkaka-push ng ibang estudyante sa kin. Yumuko ako para kunin ang nahulog kong bag. Pero biglang may pumulot na lang dito. Iniangat ko ang aking ulo para tingnan kung sino ang pumulot ng kawawa kong bag at napatulala ako ng pagtunghay ko ay nakita ko ang isang matangkad at cute na estudyante na hawak-hawak ang bag ko. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. Ang pungay ng mata nya, sobra... At ang kanyang mapupulang mga labi, para bang... Wait nga! Erase-erase! Lumilindol e, bakit ba nakatulala ako dito! Sabay sita ko sa sarili ko. Pano kung matabunan na lang ako ng gumuguhong building e puro boys pa nasa isip ko! At tsaka baka naman hindi "J" to e pinagkakaabalahan ko ng oras ko! Kinalog ko ang aking ulo para bumalik ako sa reality.

"Miss eto o.." Sabi ng lalaki sa harap ko.

"Ha??? We need to run kse lumilindol!" Litong sabi ko.

"Ahh, miss kanina pa tumigil yung lindol, and hindi naman masyado malakas kaya di dapat mag-panic?" Dagdag nya.

"Ha???" Wala talaga akong maisagot na matino ng oras na iyon. Siguro dahil nga sa pagka-panic kase nun lang ako nakaranas ng ganun kalakas na lindol na gising ako. Usually kase na naririnig ko sa kuya ko at sa mommy ko e lumindol ng gabi. At dahil mantika akong matulog e wala naman akong nararamdaman. Kaya ayun, talagang bago sa akin ang ganung klaseng lindol.

"Miss..." Muling sabi ng lalaki sa harap ko habang iniaabot ang bag.

"Oh, sorry talaga.. Sobra siguro akong natakot kaya di pa ako makapagsalita ng ayos.. Pero salamat ng marami sa pagkuha mo sa bag ko." I said shyly habang inaabot ang bag.

"Walang anuman.." Nakangiti nyang sabi.

"By the way, ako nga pala si Jasper Guttierez... Ikaw, anong pangalan mo?"

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan nya... "Oh my gulay! Letter J sya!!!" Sigaw ko sa isip ko. "Tama lang pala na natulala ako kanina kase "J" pala sya. Napaka-swerte naman ng lindol na to sa kin! At ngayon ko pala makikilala ang magiging destiny ko."

"Miss, ano nga bang pangalan mo?" Ulit nyang tanong.

"Ah-ako nga pala si Jelly Joy Joaquin. Just call me Jelly." Nahihiya kong sagot.

"Nice meeting you, Jelly. By the way, magka-classmate nga pala tayo. Di mo ako napapansin kanina sa class pero salamat sa lindol kase personal kitang nakilala."

"Ganun ba? Naku sorry ha, kase madami naman tayo sa class e di ba? Tsaka maraming nadagdag na new students kaya mahirap tandaan agad. Don't worry, at least now kilala na kita. I'm happy to know you." I nodded.

"Ehem!" Biglang narinig namin ni Jasper. Nasa tabi na pala namin si Vince.

"Kumusta Jelly, di ka ba nasaktan kanina?" Tanong ni Vince habang nakatingin kay Jasper.

"Okay naman ako, buti na lang tinulungan ako ni Jasper na pulutin ang bag ko, kung hindi baka nasipa at naapakan na ng mga ibang estudyante." 

"Ah ganun ba? Salamat ha! Ako nga pala si Vince, bestfriend ni Jelly." Si Vince, sabay abot ang kamay kay Jasper.

"Nice meeting you, Vince." Sagot ni Jasper na iniabot din ang kamay kay Vince.

Tumango lang si Vince. Maya-maya ay nakita ko nang papalapit si Alex at si Nina. 

"Kumusta kayo? Wala bang nasaktan sa inyo? Nagkahiwa-hiwalay na kse tayo e dahil sa takot." Tanong ni Nina.

"Okay naman kami, kayo?" Sagot ko.

"Okay din naman kami, buti walang nasaktan sa tin." Alex added. 

"By the way Nina and Alex, this is Jasper, classmate din natin. He helped me kanina to pick up my bag. Nasira kase!" I exclaimed.

"By the way guys, I think safe na naman tayo so pwede na siguro tayong pumunta sa canteen. Kase kung papauwiin tayo mamaya malamang e ia-announce ng faculty sa tin yun later. So we better just wait there." Vince said.

"Okay." We all agreed.

Dun na nag-start na maging close kaming lima. Lagi kaming magkakasama sa school activities even weekends. We are enjoying each other companies although syempre kami pa din talaga ni Vince ang bestfriend at si Alex at Nina pa din ang BFF's. Si Jasper? Well, sya ang aking... CRUSH... hahaha!

Oh and by the way crush na din lang ang pinag-uusapan, syempre, pag kaming mga girls lang ang magkakasama, pinagkukuwentuhan namin lagi ang dalawang boys. Sabi ko nga ang crush ko e si Jasper, si Alex naman ang crush nya ay si Vince. Si Nina naman, crush nya pareho pero ipapaubaya na lang daw nya sa min ni Alex at maghahanap na lang daw sya ng ibang "apple of the eye" sa classroom namin. Hahaha, she's really a nice friend! Pero kahit naman crush namin yun dalawang mokong na yun at kahit naman bestfriend ko si Vince, kahit sino sa kanilang dalawa e hindi nakaalam ng feelings namin ni Alex para sa kanila. May promise kase kaming mga girls na maghihintay kami na kami ang ligawan. Unang-una, mga bata pa naman kami. Pangalawa, syempre ha, mga dalagitang Pilipina naman kami kaya hanggang crush lang at wala sa vocabulary namin na kami ang magparamdam. Magaganda kaya kami kaya no way na manliligaw kami ng boys!

Tandang-tanda ko pa... Second Year, Section I Class, Valentine's Day...

Nagmamadali akong lumakad sa hallway kase tinanghali ako ng gising. Ilang minuto na lang, as in, late na talaga ako. Pagbungad ko sa may pinto ng classroom namin, nakahinga talaga ako ng malalim kase wala pa si Ms. Mendez. Pero bigla na naman akong kinabahan nang biglang magsigawan ang mga classmates ko...

"Uyyyy! Dalaga na sya, may suitor na!!! Ayiiiiie!" Sabay-sabay nilang sabi.

Napatingin ako sa may armchair ko at nakita ko sa ibabaw ang isang bouquet of pink roses. Then sinulyapan ko si Vince, Si Jasper, si Alex at si Nina na nakaupo lang sa paligid ng chair ko. They just smiled and whispered, "We don't know..." 

Nahihiya akong lumakad sa isle papunta sa chair ko at ng makarating ako sa aking upuan ay dahan dahan kong inangat ang bouquet and I saw a note that said, "Happy Valentines to my first love... I just hope I can say this to you in person... I love you..."

"Uuuyyyyyy!" Nag-chorus na naman ang mga classmates ko. Lalo akong namula sa hiya. I didn't expect that somebody will give me a special gift like that on that special day. I was flattered but at the same time worried. Unang-una, I feel too young for that. Pangalawa, nahihiya ako kay Jasper. Ano na lang sasabihin nya? Na nagpapaligaw na pala ako... Oh wait, may naisip akong paraan para di na nila ako biruin pa.

"Ooopps! Wait muna classmates! Sigurado ba kayong sa kin 'to? E wala namang name oh.. Sabi lang 'Happy Valentines to my first love'. Di naman sinabing Jelly. Baka na Wow-Mali lang to ng lagay sa desk ko." I explained. "Baka naman kay Ms. Mendez talaga 'to." I added kaya natahimik sila lahat.

Then inilagay ko sa ibabaw ng table ni Ms. Mendez ang roses. Maya-maya ay dumating na si Ms. Mendez at nakita kaagad ang boquet sa ibabaw ng table nya. "Good morning, class!" Bati ni Ms. Mendez. "Wow naman sino kayang gwapong naglagay ng mga bulaklak sa aking table." Tanong nya.

I raised my hand and said, "Nakita na lang po namin yan kanina sa table nyo Miss, malamang po may secret admirer kayo." Then I winked at my classmates.

"Oo nga po..." Nagsunudan na silang sumagot.

"Oh my! This Valentine is so special indeed... Sana magpakilala sya sa kin. Kung sino man sya sasagutin ko sya agad!" Matamis ang ngiting sabi ni Ms. Mendez.

At nagtawanan kaming lahat sa loob ng klase.

Excited kaming lima na matapos ang school ng araw na yun dahil may-usapan kami na mamamasyal kami sa mall. Parang Valentines celebration na din namin. Kaya nang oras na ng uwian at kami na lang lima ang nasa loob ng classroom.

"Hey guys! Tuloy ba tayo mamaya?" Tanong ko sa kanilang apat.

"Oo naman Jell, walang pwedeng mag-cancel ha!" Alex replied.

"Ako matinong kausap. Ewan ko dito sa dalawang boys na to. Parang parehong tahimik kanina pa. May problema ba?" Nina asked.

"Wala naman, pagod lang siguro ang brain. Kainis mga teachers natin.. Valentine na valentine e napakadaming quizzes, di ba tol?" Si Vince sabay tapik sa balikat ni Jasper.

"That's right, sumakit nga ulo ko e." Sagot ni Jasper sabay lagay ng kamay sa noo. "Pero don't worry no one will cancel. Tuloy tayo." He added.

"Good! So pa'no? Kita na lang tayo mamaya! Nag-text na sa kin driver namin, naghihintay na sya sa labas." Nina said.

"Me too." Alex added.

"Baka si Kuya Jeremy naghihintay na din. Sya susundo sa kin now hindi si Mang Ben e... Sasabay ka ba, Vince?" I asked.

"Yup, nagtext na ako kay Kuya Jeremy kanina e. Sasabay ako sa inyo sabi ko... Ikaw tol, may sundo ka na ba?" Vince asked Jasper.

"Yes, kuya ko din susundo sa kin." He said. 

"See you later guys!" And nagpaalam na kami sa isa't isa.

At 6 pm, nagkita-kita kami sa McDonals sa MOA. We planned to eat first bago kami mag ice skating. Then after an hour, we planned to watch Avatar which was the popular movie that time.

After umorder ng dalawang boys para sa min lahat, nag-start na kaming kumain. Sa kabilang side ng table si Vince and Jasper at syempre magkakatabi kaming mga girls. Jasper and I were sitting across each other kaya kitang-kita ko na kanina pa sya pasulyap-sulyap sa kin. Maya-maya napansin ko na kinuha nya ang cellphone nya. Akala ko naman magseselfie lang kami pero sa halip eh nakita ko na he's typing so I assumed na nagtetext sya. After nyang magtext, narinig kong tumunog phone ko. It's a text... from Jasper. "Hey, bakit ibinigay mo kay Ms. Mendez yung bouquet of roses mo kanina?" He said from the text.

Nagtext back ako, "Bakit, hindi naman malamang para sa kin yun kase wala namang name di ba?" 

Hindi nag-ring cellphone nya, ibig sabihin ini-silent-mode nya. Isa-silent mode ko na nga din ang sa-kin, sabi ko sa sarili ko.

"Sure ka ba? Malay mo sa'yo talaga.." Reply ni Jasper.

"Malay ko pa nga, malay ko pa nga na hindi nga sa kin." I texted back.

Maya-maya ay nagsalita si Nina, "Ano kaya kung mag-usap na yung iba dyan ng personal at ng hindi na dinadaan sa text. Mahirap mag-usap sa text di ba, nakakasakit ng fingers... ouch!" Then she winked at me.

Napatawa kami ni Jasper.

"Itinatanong ko lang naman kase sa kanya kung bakit nya ibinigay yung roses kay Ms. Mendez kanina.." Paliwanag ni Jasper.

"Oo nga naman Jelly, bakit mo ba ibinigay?" Asked Vince.

"Fault yun ng kung sino mang nagbigay. Hindi naman kase nya nilagay yung name ni Jelly e. Ako man, I will assume na di sa kin yun." Alex said.

"That's right!" Nina agreed.

"Wait Jasper, what's the big deal ba na ibinigay ko yun?" I decided to ask.

"Wa-wala naman, concerned lang ako kung sino man yung guy na nagbigay, kawawa naman sya, hahaha!" He just laughed.

"Yun pala naman e, wala naman palang big deal sa issue na yan, e mabuti pa tapusin na natin food natin at nang magawa na natin lahat ng nasa itinerary natin." Vince suggested.

"Mabuti pa nga..." I agreed.

At nagpatuloy na nga kami sa pagkain. 

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na agad kami sa skating rink. Lumapit sa akin si Jasper when I was tying my skating shoe. 

"Do you want me to tie your shoe?" He asked.

"Yeah sure!' Then I smiled.

After tying my skating shoes, he sat beside me. 

"Paano kung kilala ko pala ang naglagay ng roses sa chair mo?" He asked while looking at my eyes.

"What???" I was so surprised.

"Yes, I know who he is." He said while smiling.

"Then sino sya? You should tell me!' I was so eager to know kaya medyo napataas ang tone ng voice ko.

"Ooops, you will know later, in two conditions..." He said making me feel more anxious.

"Okay, first di mo ako kukulitin na sabihin sa'yo kaagad. Then 2nd, you will hold my hand from now, till sa skating, till manood tayo ng movie, hanggang sa umuwi tayo dun lang maghihiwalay hands natin."

"What??? That's a silly condition. No way!" I resisted.

"Okay, then I won't tell." He muttered.

Nag-isip ako. Well, magkaibigan naman kami, and then, gwapo naman sya para maka-holding hands ko, then crush ko naman sya so dapat matuwa pa nga ako na makaka-holding hands ko crush ko... Kaya lang... baka... baka mahalata nya ang feelings ko... wag na lang kaya! Pero malalaman ko after kung sino yung nagbigay ng roses... Okay sige na nga! Decided na ako... Aja!

"O sige na nga, payag na ako. Pero sasabihin mo talaga ha, promise?" I finally said.

"Syempre naman, promise yun!" He gave me a very sweet smile. "So deal?"

"Deal!" I said while giving him my hand. 

Paglabas namin ay nakita na naming naghihintay sa rink si Vince, Alex and Nina. Kitang-kita ang pagkabigla sa mukha nila ng makita nilang magka-holding hands kami ni Jasper. Maya-maya ay lumapit na kami sa kanilang tatlo at kitang-kita ko ang tingin sa kin ni Vince na nakakunot ang noo na parang nagtatanong ng "Ano yan?" 

"Wait guys, this is not what you think it is..." I started explaining. "Jasper knows who was that guy that gave me the flowers so we just made a deal na magkaholding-hands lang kami hanggang uwian para sabihin nya sa kin kung sino yun?"

"Sure ka, Jasper?" Alex curiously asked.

"Blackmail..." Nina laughed sarcastically.

"Yes, I know..." Jasper replied while laughing.

"Pa'no mauubos oras natin, mauna na akong mag-skating sa inyo." Vince said sabay talikod para mag-skating.

"We'll go ahead too..." Alex said habang hila-hila si Nina.

"Okay, we'll follow." Jasper said na maya-maya ay hinila na din ako.

Jasper was so protective. Hindi nya hinahayaan na matumba ako sa rink. Pa'no ba naman, compare ba naman sa kanya na masyado nang expert sa rink and ako na baguhan pa lang sa skating, may times talaga na natutumba ako. Thankful na din ako na magkahawak kamay namin lagi, at least e lagi akong may taga-salo. Really blessing in disguise. May time na maghahawak din kami ng kamay lima para sabay-sabay mag-glide. It was really fun! Really fun to be with your friends especially with someone na ina-admire mo.. Sobrang kilig... weeee!

Natapos kaming mag-skating ay nanood na kami ng movie, our last destination. Syempre dahil may deal kami ni Jasper e magkahawak pa din kami ng kamay mula sa pagpasok ng theater hanggang sa pag-upo syempre magkatabi kami. Nasa pinakadulong chair si Jasper, then ako. Nasa left ko naman si Vince na katabi si Alex, then si Nina. Minsan e napapansin kong napapalingon sa kin si Vince na parang medyo naiinis na yata sa pagkakahawak sa kin ni Jasper. Malamang e puro text message na naman ako nito galing sa kanya mamaya. Kukulitin na naman ako para magkwento sa kanya at para na din sabihin ang kanyang opinyon. Sabagay, ganun naman kami laging dalawa, pinagkukuwentuhan namin lagi ang mga bagay-bagay after ng event. Hayyyy, basta ako ie-enjoy ko muna ang mga bawat minutong ito na katabi ko ang crush ko at kahaway kamay ko pa. 

Sobrang sweet ni Jasper. Ang iba siguro aakalain na mag-boyfriend talaga kami. Magka-holding hands kami tapos sinusubuan pa nya ako ng pop corn. Napapalingon na lang sa amin yung tatlo. Natatawa si Alex at si Nina pero si Vince lang ang hindi yata natutuwa sa mga nangyayari. Sabagay, may pagka-seryoso naman talaga yun. Pag ako lang naman ang kasama nya saka lumalabas ang kakulitan nya eh.

The movie was so good. Lahat kami ay nag-enjoy sa pinanood namin na habang palabas ng movie theater e panay pa ang kwentuhan ng bawat scenes. Maya-maya ay nag-text na si Kuya Jeremy, nasa parking lot na daw sya. Dumating na din ang driver ni Alex and Nina will go with her. Vince will go with me and Kuya Jeremy din kase may usapan sila na magjo-jogging sila very early in the morning and Saturday naman bukas kaya nag-decide sya na mag-sleep over na lang. Nagtext na din daw kay Jasper ang brother nya na susundo sa kanya. 

"Hey Jasper, yung promise mo sa kin?" Bulong ko kay Jasper.

"Ngayon na ba? Pwede bang sa isang araw ko na lang sabihin?" Nakangiting tanong nya.

"No way! Promise mo yun e!" Sabay bitiw ko sa kamay nya.

"Okay sige ganito, tomorrow morning sa clubhouse nyo punta ka ng 7 a.m., I'll bring him there to meet you."

"Are you sure, you'll do that promise?" I muttered.

"Promise... pag di ko tinupad yun, wag mo na kong pansinin kahit kelan." Sabi nya habang nakatitig sa aking mga mata.

"Okay, I'll take that promise..." I said.

Then nagpaalam na kami sa isa't isa at nagpaalam na din kami kay Alex and Nina.

Naiwan na lang kami ni Vince na medyo nakakapanibago ang katahimikan ng oras na yon.

"Uy, may problema ka ba?" Tanong ko sabay pitik sa harap ng mukha nya.

"Wala po, exhausted lang talaga sa buong maghapon. Tara na bilisan mo na at naghihintay na si Kuya Jeremy sa parking lot." Sabi nya sabay akbay sa balikat ko. "Ikaw talaga ang cute-cute mo!" Sabay pisa sa ilong ko. "Alam ko kilig na kilig ka kanina sa deal nyong dalawa ni Jasper. At di man lang talaga nagpakipot, pumayag talaga sa deal, huh!" Pang-aasar nya.

"E kase nga po, sasabihin nya kung sino yung mistery guy no?" Sagot ko na tila nagrereklamo.

"Naniwala ka naman. Eh kung sabihin ko sa'yo na alam ko din kung sino yung mistery guy na yun at sabihin ko holding hands tayo ng buong maghapon, papayag ka ba?" He said sarcastically.

"Hindi... Pa'no ako papayag e kahit naman hindi ako pumayag e hahawakan mo talaga yung kamay ko at ayan nga o nakaakbay ka pa sa kin!" Sabi ko sabay blehh.

"Hahaha! Talaga, ako pa!" Sabay pa-cute sa'kin. "Pero seryoso, sinabi na ba nya sa'yo?"

"Hindi pa, tomorrow sa clubhouse magkikita kami at 7 am." Sagot ko.

"Ah, I see..." Ngumiti lang si Vince.

Habang nasa kotse ay panay ang kwentuhan namin nila Kuya at Vince about sa happenings ng araw na iyon at ikinuwento na din namin kay Kuya ang tungkol sa Mistery Guy from which he said, "Good luck! Sana gwapo yung mistery guy na yun kase kung pangit, tumakbo ka na ng mabilis, hahaha!" At nagtawanan ng malakas ang dalawa.

"Sana letter "J" start ng name nya.." Sabi ko.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay sabi, "Oh well...here we are again..."

Sabay tawanan kaming tatlo.

Kinabukasan, maaga talaga akong nagising dahil binalubog ako ng dalawang makulit, si Vince at si Kuya. 5:00 am pa lang ay binulabog na ako ng dalawa sa kwarto ko at hinila ako sa paa para magising ako kaagad. 

Nagbihis na ako ng jogging outfit at bumaba na ako kaagad. Pinilit muna kaming pakainin ng pandesal at painumin ng gatas ni Manang kaya nakaalis kami ng eksakto 5:45 am. Paikot-ikot kami sa buong subdivision and panay din ang check ko sa oras kase baka malapit nang mag-7 am. Dumating ang 6:45 kaya niyaya ko na si Kuya at si Vince sa may clubhouse. Sa cafe ang usapan namin ni Jasper kaya pagkahatid sa kin ng dalawa sa cafe ng 6:55 ay umalis na muna sila para pumunta sa Golf Course. Medyo maaga ako kaya ini-expect ko na wala pa si Jasper. Pero nasa pinto pa lang ako ng cafe ay nakita ko na si Jasper na naghihintay. Excited akong lumapit sa table nya. 

"Hey Jasper!" I greeted him.

"Hi Jelly! You look good with a sporty outfit." He said habang tumatayo sa kinauupuan nya at nakatitig sa kin. I really choose my best jogging outfit that day. It was a branded pair of white sweat pants and white tank top na ini-pair ko din sa suot kong same brand na white runners. I also made sure na itinaas ko ang hair ko with a white ponytail so that everything matched. I also had my white water bottle and white towel with me. Hahaha! Hindi ko love ang white, for sure!

"Thanks! You look good too.." I said habang ina-analyze ang suot nya. He's wearing a branded grey sweat pants na ini-pair nya sa same brand na white shirt. he's wearing  black and white runners which was a good fit too. 

"Upo ka muna." Hinila ni Jasper ang isang upuan at inialok sa akin.

Pagkaupo ko ay tinanong nya ako, "You want something?"

"No I'm fine.. We just had our small breakfast kanina before kami mag-jog nila kuya." Sagot ko.

"Ah ok, so nandito din sila now?" Jasper asked.

"Nandito din sila sa clubhouse pero nasa Golf Course sila." I replied.

"Oh I see..." Jasper said.

Maya-maya ay lumingon-lingon na ako sa paligid na parang may hinahanap.

"Looking for someone?" Jasper asked again.

"Syempre, I'm looking for the mistery guy." I said.

"Ah oo nga pala..." Sabi ni Jasper na ngingiti-ngiti.

"Please kase Jas, sabihin na sa kin sobra nang suspense na suspense di na nakakatuwa talaga..." I murmured.

"Okay, sige tawagin ko na sya." Then he grabbed his black backpak beside him. I thought that he will grab his phone or something but I was so surprised nang inilabas nya ang nasa loob ng bag...It was the same bouquet of roses ang pagkakaiba nga lang e red yun at hindi pink na kagaya nung kahapon.

"I-ikaw???" Curious at kinakabahan kong tanong.

"Yes Jelly, ako nga si Mistery Guy.. Sorry yesterday kung hindi ko nilagyan ng name yun. Actually may isang note pa yun sa loob kaya lang hindi mo na nga nabasa kase ibinigay mo na kay Ms. Mendez." Nahihiya nyang sagot.

"You mean..." I was so confused that time.

"Matagal ko nang gustong sabihin sayo, kaya lang I don't have enough courage to do so. Unang-unang alam ko mga bata pa tayo at pangalawa magkaibigan tayo..." Jasper said.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang oras na iyon. Magkahalong tuwa at kaba na hindi mo maintindihan. Ganun pala ang pakiramdam ng may nagtatapat ng pagmamahal sa'yo. Hindi ka mapakali at parang sasabog dibdib mo sa sobrang tuwa.

Nagpatuloy sya ng pagsasalita habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya at hinihintay ang bawat salitang kanyang bibitiwan.

"Kaya lang I really need to tell what I feel now... Mahal kita Jelly..."

"Oh my! Nasa cloud nine na ba ko?" Tanong ko sa sarili ko. Bakit parang lumulutang ako ng oras na iyon. Bakit parang may mga butterflies sa tummy ko. Wahhhhh! Ano bang nangyayari sa kin! But wait... I have to shake my head muna at kurutin ang sarili ko para magising ako. Whoooosh!

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko and thought of something para may masabi naman.

"Sorry talaga yesterday kung naibigay ko kay Ms. Mendez yung flowers ha. Di ko naman kase alam. Pero wait, ano bang nakalagay sa letter na nasa loob nung bouquet?"

"Yun nga, na need tayong magkita dito sa clubhouse para sabihin ko sa'yo ng personal." Sagot ni Jasper.

"Eh pano, yun? E di malamang pupunta dito sa kung saan mang clubhouse si Ms. Mendez dahil sa note na yun?" Curious kong tanong. At nakukuha ko pa talagang mag-isip ng tama kahit nasa cloud nine ako, hahaha!

"Ah, don't worry about that. Tinawagan ko sya yesterday after ng class. Sabi ko na para sayo talaga yun flowers na yun, kaya lang walang pangalan kaya nagkaron ng misunderstanding." Paliwanag ni Jasper.

"Oh okay, mabuti naman kase kawawa naman si Ms. Mendez kung nagkataon. Makikipagkita sya wala pala syang ka-meet." Sabi ko. Whew! Buti na lang nakalma ko na yung sarili ko. Kailangan ko kasing mag-react ng tama para di obvious ang pagkataranta.

"Don't worry, I won't ever let that to happen... Medyo lang nag-alala ako ng ibinigay mo yun kay Miss Mendez. Kala ko di na matutuloy etong plan ko na makipagkita sa'yo. Buti na lang talaga pumayag ka." Jasper said.

Ngumiti lang ako then I asked, "So, it means you're courting me?" Awwww, mali yata ang naitanong ko, e kaya nga sya nag-I love you e kse gusto nyang manligaw, ano ba naman ako? Patay-malisya lang ang peg? Ganun?

"Ahhhh, actually gusto ko sana kaya lang..." Atubiling sabi nya.

"Hu-what???" Gusto kong i-react sa kanya. "Gusto mong manligaw pero may "kaya lang". Ano kaya yun?" Gustong-gusto kong sabihin pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Ahmm, kaya lang?..." I asked him curiously.

"Kaya lang pupunta na ko sa Canada eh.." He said in a low voice.

Oemgeee!!! Totoo ba yung narinig ko pupunta sya nang Canada??? Paki-rewind nga???

"Ahhh, pwedeng pakiulit, anong sabi mo?" Lito kong tanong.

"I'm going to Canada na, isasama na kami ni Daddy dun. Next week na alis namin and we will live there for good." He said sadly.

"Aalis ka? Matapos mong sabihin na mahal mo ko, yun pala aalis ka?" Medyo inis na pagkakasabi ko.

"Ka-kaya ko nga sinabi, baka kasi di na ako magkaron ng chance na sabihin sa'yo ng personal." Naaalangang sabi ni Jasper.

Ouch! Talagang mukhang wala nang balikan ang mokong na to kase sabi nya baka di na nya masasabi ng personal.

"Ganun ba, ah-at least nasabi mo na ngayon. Thank you kase you told me what your real feeling is... I'm happy kase nagustuhan mo ako pero mas happy ako para sa'yo kase makakasama mo na Daddy mo..."

Waaahh! Ano ba tong mga sinasabi ko? Hindi naman to ang gustong lumabas sa bibig ko. Gusto kong sabihin na mahal ko din sya at pwede namang maging mag-boyfriend kami kahit malayo sya sa kin. Bakit di ko masabi ang laman ng puso ko na maaaring di ko na din masabi sa kanya ng personal kung hindi ko sasabihin nung time na yun. Pero sabi ng utak ko e hindi pa dapat kase mga bata pa kami. May pangako ako sa parents ko na hindi muna ako magbo-boyfriend hanggang di pa ako college. I was trapped between two decisions that moment. But I have to choose what's right.

"O-okay, basta wag mo na lang kami kalimutang i-message sa Facebook ha o i-text man lang, ma-mimiss ka ng barkada, sobra. We can touch base din through Skype.." Sabi ko na nakatungo at talagang umiiwas sa mga mata nya. 

"Jelly..." At hinawakan nya mga kamay ko. "Di mo ba ako mahal?" I can feel the sadness sa boses ni Jasper.

Tumunghay ako para tingnan sa mukha si Jasper. Nakita ko na may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Di ko na din napigilang di umiyak. Umagos na din luha na kanina ko pa pinipigil.

"Ma-mahal kita... Mahal kita bilang kaibigan ko..." I muttered.

"Pe-pero di yun ang naramdaman ko habang hawak ko ang kamay mo kahapon... Naramdaman ko na mutual ang feelings natin. Alam ko mahal mo din ako.. Alam ko Jell, alam ko..." Sabi nya na parang nagmamakaawa.

"I'm sorry Jasper pero baka nagkamali ka lang... Mahal na mahal kita bilang kaibigan pero hindi na pwedeng higit pa dun... I'm sorry..." Inilayo ko ang kamay ko, sabay tumayo at lumakad papalayo... Ngunit napatigil ako... Gustong-gusto kong bumalik para yakapin sya nang mahigpit na mahigpit at sabihing oo tama ka, mahal na mahal din kita.. Pero nanalo ang isip kesa sa puso ng oras na iyon. Kailangan ko syang pakawalan, kailangang bitawan ko sya ng mga oras na iyon.

"Paalam, Jasper.. Paalam... Mahal na mahal kita!" Yan ang isinisigaw ng puso ko ng mga oras na iyon habang tumatakbo palayo. Palayo ng palayo sa lalaking una kong minahal.

At yan ang unang broken-heart experience ko na ilang oras, ilang araw, ilang linggo, ilang buwan at ilang taon kong iniyakan... 


TO BE CONTINUED....


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018