Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

VINCE'S POV

Hindi ako mapakali. Napakadaming nangyari nang gabing ito na hindi ko inaasahan. Matagal ko na itinago ang feelings kong ito. Siguro naman ay oras na para ipaalam ko kay Jelly ang nararamdaman ko... Matapos nang nangyari kanina, alam ko dapat ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko. "Pero paano?" Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko... 

Alas dose na ng gabi... Kinuha ko ang cellphone ko... Tatawagan ko kaya sya? Ite-text ko kaya sya? Pabiling-biling ako sa kama habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. "Aaahhh, kailangan ko sigurong makasagap ng sariwang hangin para makapag-isip nang maayos." Bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang hoody ko na nakasabit sa may ulunan ko at isinuot ito. Lumabas ako ng cabin at naglakad sa dalampasigan habang naghahagis ng pailan-ilang maliliit na bato sa dagat. Habang humahakbang ang aking mga paa ay nagsimulang mag-flash back sa isip ko ang mga masasayang araw na magkasama kami ni Jelly magmula pa noong bata kami...

"Five, four, three, two, one... Go! And the hunting begins!" Tita Jem shouted. 

At nagsimula na akong maghunting ng easter eggs pero maya-maya ay may napansin akong sobrang cute na batang babae. May mahabang buhok, napakapungay ng mata na lalong nagmukhang anghel sa suot nya na white dress. 

Sinundan ko sya at naisipan ko na ipaghunting din sya ng easter eggs. Kaya lang nagkakataon pala na yung mga nakukuha ko ay yun din ang target nya.

Maya-maya ay nakita ko na lang sya sa isang corner na umiiyak. Lumapit ako sa kanya para itanong kung okay lang sya.

"Are you okay?" I asked. 

"Yes, I'm fine..." She answered while still sobbing as she's covering her face with her hands. 

"Do you want your eggs?" I asked. 

She quickly wiped her tears with her hands and looked at me. 

"You??? I don't need your help, mayabang! After getting all my eggs and made me cry then you'll suddenly give them to me??? I don't need them! Go away!" She shouted. 

"Sorry na po, di ko po sinasadya! Gusto ko talagang ibigay ang mga eggs sayo." I explained

"E bakit kukunin ko na nga sila e inaagaw mo pa sila sa kin?!" She replied angrily. 

"Wala lang, gusto lang kita makilala. Gusto lang kita maging kaibigan.." I said while smiling. 

"Hmmmp...Ganun ka ba makipag-friends??? Inaasar mo muna! I hate you! Basta galit ako sayo! You're bad!" 

"Look o! Dami pa man din nila, ayaw mo ba talaga? Nag-hunt pa man din ako ng marami to share them to you..." I added. 

"Hmmmp, basta hate kita!" 

"Talaga bang ayaw mo? O sige na nga alis na nga ako.." I turned my back to walk away. 

It seems that she's so confused if she will accept my offer or no. Pero maya-maya ay nagsalita sya. "Hey, ahmmm... Sige na nga ibigay mo na nga sa kin yung mga eggs na kinuha mo. Since, akin naman talaga dapat yung iba dyan."  

"Yes! O sige ibibigay ko na pero promise mo na di ka na galit sa kin and friends na din tayo.."  I said happily. 

"Okay, pero there is one condition.. Kung maging friends tayo, di ka na mang-aasar sa akin kahit kelan?" She asked me with the shy smile. 

"Promise!" I exclaimed. 

Then sabay kami umupo sa isang corner and then I gave her the Easter eggs. 

"Alam mo, kung di ko favorite ang jelly beans, no way ako makipag-friend sayo?" She started again the conversation. 

"Talaga? Favorite mo pala ang jelly beans? Kase favorite ko din 'to eh." I responsed. 

"Yey, talaga? Pareho pala tayo ng favorite. That's really awesome! Eh, ano nga pala name mo? I hope it starts with "J"? She remembered to ask my name. 

"Sorry pero di "J" ang start ng name ko e.. I'm Vince... How about you?" I replied.

"Oh, well... That's a nice name.. I'm Jelly.." She answered. 

"What? Jelly??? Jelly and Vince??? Jelly-Vince parang jelly beans? That's more awesome!" Then I laughed loudly. 

"Oo nga no? That's so exciting! So, I'm happy to be your friend Vince!" Then she gave me her hand for a hand-shake. 

"Me too!" And I reached her hand. 

"JELLY-VINCE!" We both shouted so loud that we got all the kids there to look at us.

It was one of the happiest moment of my life dahil na-meet ko ang first crush. Yun ang simula ng friendship namin pero ni minsan ay hindi ko ipinaalam sa kanya na una ko pa lang syang makilala ay naging crush ko na sya. Gustong-gusto ko mang sabihin pero laging nangunguna sa akin ang takot na hindi naman talaga nya ako magugustuhan dahil sa mga standards nya. May mga times nga naiinis ako sa sarili ko, bakit nga ba di pa naging "J" ang start ng name ko?

As we grow up ay nararamdaman ko din na nag-go-grow ang nararamdaman ko para kay Jelly. Napakahirap nang kalagayan ko dahil bestfriend lang talaga ang turing nya sa akin. I'm always feeling jealous pag nalaman ko na may crush sya o may nanliligaw sa kanya. But I can't do anything because I'm her bestfriend. I'm not supposedly feeling this way. Pero anong gagawin ko, sya ang nandito sa puso ko.

May mga pagkakataon na muntik ko na talagang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. I still remember, we were in 2nd year highschool and it was Valentine's Day. Bumili ako ng bouquet of white roses para ibigay kay Jelly. I decided na bahala na basta sasabihin ko ang nararamdaman ko sa kanya. Bahala na kung awayin nya ako o di na nya ako pansinin o kausapin pero sasabihin ko na talaga na mahal ko sya. I came to school very early para ako ang mauna sa class at mailagay ko sa desk ni Jelly ang roses. Nang malapit na ako sa door ng classroom namin ay nalungkot ako dahil may nauna na pala sa akin. Nasilip ko sa bintana na nasa loob na ng classroom si Jasper at inilalagay sa desk ni Jelly ang bouquet ng pink roses. 

"Sorry, may nauna na sa'yo." Bulong ko sa sarili ko. Ibinalik ko sa backpack ko ang roses at hindi ko na itinuloy ang balak ko. Takot ba ako na makipagsabayan? Hindi... Hindi ako takot... Ayoko lang na mang-bypass ng isang kaibigan. Kaya lang paano naman ang nararamdaman ko? Bakit ba ang hirap lagi ng sitwasyon ko?

That day when I failed to give the flowers to Jelly, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang di kunin ni Jelly ang bouquet of flowers na hindi nya alam ay galing kay Jasper. Natawa pa ako nang ibigay ni Jelly yun kay Ms. Mendez. Naisip ko lang, kung ako pala ang nauna ay malamang e napapunta lang din kay Miss Mendez yun dahil nga hindi ko din naman direktang inilagay sa card na that's from me. Pero hindi pa pala tapos ang araw na iyon. Dahil yun din pala ang day na sobra ang naramdaman kong selos sa kanilang dalawa ni Jasper. 

At 6 pm, nagkita-kita kami sa McDonalds sa MOA. We planned to eat first bago kami mag ice skating. Then after an hour, we planned to watch Avatar which was the popular movie that time.

After naming umorder ni Jasper para sa min lahat, nag-start na kaming kumain. Sa kabilang side ng table ako nakaupo at katabi ko si Jasper. Magkakatabi naman ang mga girls on the other side. Jelly and Jasper were sitting across each other at kitang-kita ko na kanina pa nagtitinginan ang dalawa. Maya-maya napansin ko na kinuha ni Jasper ang cellphone nya at nagtext. After nyang magtext, narinig kong tumunog phone ni Jelly. I assumed na nagtetext ang dalawa sa isa't isa kaya't naging uneasy na ang pakiramdam ko.

Maya-maya ay nagsalita si Nina, "Ano kaya kung mag-usap na yung iba dyan ng personal at ng hindi na dinadaan sa text. Mahirap mag-usap sa text di ba, nakakasakit ng fingers... ouch!" Then she winked at Jelly.

Napatawa si Jelly at Jasper. At ako naman ay lalong nakaramdam ng pagseselos.

"Itinatanong ko lang naman kase sa kanya kung bakit nya ibinigay yung roses kay Ms. Mendez kanina.." Paliwanag ni Jasper.

"Oo nga naman Jelly, bakit mo ba ibinigay?" Naisipan kong itanong.

"Fault yun ng kung sino mang nagbigay. Hindi naman kase nya nilagay yung name ni Jelly e. Ako man, I will assume na di sa kin yun." Alex said.

"That's right!" Nina agreed.

"Wait Jasper, what's the big deal ba na ibinigay ko yun?" Jelly asked.

"Wa-wala naman, concerned lang ako kung sino man yung guy na nagbigay, kawawa naman sya, hahaha!" He just laughed.

"Yun pala naman e, wala naman palang big deal sa issue na yan, e mabuti pa tapusin na natin food natin at nang magawa na natin lahat ng nasa itinerary natin." I suggested para mabago ang topic.

"Mabuti pa nga..." Jelly agreed.

At nagpatuloy na nga kami sa pagkain. 

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na agad kami sa skating rink. Lalapit sana ako para tulungang mag-tie ng shoe nya si Jelly kaya lang ay Lumapit na si Jasper to tie it. Naunahan na naman ako kaya't nag-decide na lang ako na mauna na sa rink.

Paglabas ni Jelly at Jasper ay nabigla talaga ako dahil magka-holding hands ang dalawa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang oras na iyon. My face feels so hot dahil sa pagseselos. Parang gusto ko nang mag-walk-out na lang pero pinigilan ko pa din ang sarili ko dahil ayokong magpahalata sa kanilang lahat.

"Wait guys, this is not what you think it is..." Jelly started explaining nang makalapit sa amin. "Jasper knows who was that guy that gave me the flowers so we just made a deal na magkaholding-hands lang kami hanggang uwian para sabihin nya sa kin kung sino yun?"

"Sure ka, Jasper?" Alex curiously asked.

"Blackmail..." Nina laughed sarcastically.

"Yes, I know..." Jasper replied while laughing.

"Pa'no mauubos oras natin, mauna na akong mag-skating sa inyo." I said sabay talikod para mag-skating. Ayokong kahit konti ay magkaron sila ng hint sa nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

"We'll go ahead too..." Alex said habang hila-hila si Nina.

"Okay, we'll follow." Jasper said na maya-maya ay hinila na din si Jelly.

Natapos kaming mag-skating ay nanood na kami ng movie, our last destination. Hanggang sa movie thater e magka-holding hands pa din silang dalawa. Naiisip ko lagi na sana ay ako na lang yun. Pero hindi kaya sorry na lang ako. Nasa pinakadulong chair si Jasper, then si Jelly. Nasa left ako ni Jelly na kasunod ay si Alex, then si Nina. Minsan e napapansin kong napapalingon sa kin si Jelly ngunit madalas ay kinukunutan ko lang sya ng noo. Naisip ko na mamaya kaya ay kausapin ko na lang sya. "Pero bahala na." Sabi ko sa sarili ko.  

The movie ended na hindi ko yata namalayan. Hindi ko tuloy na-enjoy ang pinanood ko dahil sa kasusulyap kay Jelly at Jasper.

Then nagpaalam na kami sa bawat isa. Maya-maya ay kami na lang ni Jelly ang natira

"Uy, may problema ka ba?" Tanong ni Jelly sa akin sabay pitik sa harap ng mukha ko.

"Wala po, exhausted lang talaga sa buong maghapon. Tara na bilisan mo na at naghihintay na si Kuya Jeremy sa parking lot." Ayokong mahalata nya na sumpong ako kaya inakbayan ko sya sa balikat nya. "Ikaw talaga ang cute-cute mo!" Sabay pisa sa ilong nya. "Alam ko kilig na kilig ka kanina sa deal nyong dalawa ni Jasper. At di man lang talaga nagpakipot, pumayag talaga sa deal, huh!" Pang-aasar ko.

"E kase nga po, sasabihin nya kung sino yung mistery guy, no?" Sagot nya na tila nagrereklamo.

"Naniwala ka naman. Eh kung sabihin ko sa'yo na alam ko din kung sino yung mistery guy na yun at sabihin ko holding hands tayo ng buong maghapon, papayag ka ba?" I said sarcastically.

"Hindi... Pa'no ako papayag e kahit naman hindi ako pumayag e hahawakan mo talaga yung kamay ko at ayan nga o nakaakbay ka pa sa kin!" Sabi nya sabay blehh.

"Hahaha! Talaga, ako pa!" Sabi ko habang nagpapa-cute sa kanya. "Pero seryoso, sinabi na ba nya sa'yo?" Curious kong tanong.

"Hindi pa, tomorrow sa clubhouse magkikita kami at 7 am." Sagot nya.

"Ah, I see..." Ngumiti lang ako ngunit sa kabila noon ay ang pag-aala-ala...

Nang umalis si Jasper papuntang Canada, akala ko pwede ko nang ipagtapat ang lahat kay Jelly. Kaya lang, nung malaman ko ang dahilan nya kung bakit hindi nya in-accept ang panliligaw ni Jasper ay dahil sa mga bata pa kami ay naisip ko na hindi pa nga tamang panahon. 

Nang alam ko na nasa tamang age na para magsabi din ako nang feelings ko sa kanya. Saka naman dumating si Josh sa eksena.

Ewan ko nga ba. Napakarami na ding pagkakataon na pinalagpas ko para masabi kay Jelly ang feelings ko hanggang sa dumating si Josh sa buhay nya and of course I'm still in the friend zone...

"Vince! Stop it! I'm still sleepy... " She started to kick me. "I don't want to stand up yet! I feel lazy today... Can you just ask Kuya to play with you since wala naman yata sila date ni Ate Paula today.." She pleaded. 

I was pushing her to play with me that Saturday morning before the University playoff the next week. I usually want to practice with her before any game. 

"No way, you already promised me last night when I phoned you... So pag di ka tumayo dyan kikilitiin talaga kita!" Then I started tickling her. 

"Stop it! Stop it!" She yelled as she started to protect herself with the pillow and blanket. 

We are just like little kids playing wrestling as she was kicking me while I was trying to tickle her.  

"Kase naman ayaw pang tumayo e!" I chased her already so wala na syang nagawa kundi umupo na lang while leaning at the headboard. 

"O ayan, stop it na nakaupo na ko!" She yelled at me. 

"What's the problem ba ng pinakamaganda kong bestfriend?" Sabay akbay ko sa kanya. 

"Pinakamaganda talaga kase wala ka naman ibang bestfriend kundi ako! Well, wala naman talaga akong problema. Ikaw problema ko now kase makulit ka!" She murmured as she hit me with her elbow. 

"Ouch!" I exclaimed. "Ikaw kase e, nagpromise ka kasi sa kin.. Pero kung ayaw mo talaga mag-game ngayon okay lang sa kin basta dito na lang muna ako." I said as I touched her chin. 

"Okay lang naman tayo mag-basketball today, kaya lang napuyat talaga ako kaya I still want to sleep..." She replied. 

"Okay seryoso na ko.. Ano ba talagang nagyari?" I asked seriously. 

"Okay, okay... It's Josh..." She sighed. 

"Sabi ko na nga ba e... But how about him? Nanliligaw na ba?" Curious kong tanong. 

"Yun na nga e. Hindi pa... Ewan, naguguluhan na ko sa kanya..." She answered. 

"Baka naman naghahanap pa ng timing yun tao.." I shrugged my shoulders. 

"Timing??? What timing??? After 3 months of letting me feel special, naghahanap pa ng timing??? Hello Vince! Parang ikaw lang kase... Look at what you're doing to Alex! Umaasa yung tao malamang matagal na wala ka naman sinasabi... paasa talaga! Pare-pareho kayong mga boys talaga!" She said as she's pinching my side. 

"Ouch! Nakakadami ka na ha!" Kilitiin kita ulit dyan e!" I said as I'm trying to tickle her knees again. 

"O sige subukan mo isa pa!" She told me while trying to punch me but I was so fast that I just easily grabbed her hands. 

Then I tried to make her look at my eyes. "Miss Jelly Joy Joaquin, not all guys are like that. We probably have our own reasons why we can't tell something to someone so important to us. But it doesn't mean we don't love them."  I said seriously. 

Gustong-gusto ko sanang sabihin. "Just like me, hindi ko masabi sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko ang totoo kong nararamdaman.." Nang oras na iyon ay parang gusto kong sabihin sa kanya, "Jelly, I love you so much..."

"Okay, okay... " Trying now to avoid my eyes. "I get it now... Don't worry, I'm fine now. Thanks!" Then she kissed me on my forehead. "Let's play basketball now!  

Gusto kong umiyak ng oras na iyon. Alam ko na kaibigan lang talaga ang turing ni Jelly sa kin. 

So, I just stood up para mapigilan ko ang pagpatak ng luha ko, "Then it's time for me to go out now! I know you still have to take a shower first. But be sure you'll take a shower because you stink already! Hahaha!" I said as I'm covering his nose. 

"Ewwwww! Of course not!!!" She yelled as she threw the pillow to me. "Go out now! You bastard!" 

"Hahaha! Pikon talaga! See you later stinky pooper! Bye!" I shouted as I ran though the door to hide my feelings that time.

"I hate you!" She yelled not knowing what I am feeling that moment...

Lagi na lang akong lihim na nasasaktan. Eh pa'no nga e lihim din naman ang pagmamahal ko sa kanya. Isa lang naman ang may alam ng nararamdaman ko para kay Jelly e. Kaya lang may magagawa nga ba naman sya sa gusto ng kapatid nya? Gusto man ni Kuya Jeremy na maging kami ni Jelly, e di naman nya pwedeng diktahan ang kapatid nya. At pinapangako ko din sya na wag na wag nya sasabihin kay Jelly...

I still remember nung before ang big date ni Jelly with Josh. Kinausap ako ni Kuya Jeremy noon about kay Jelly. Nasa may gazebo kami noon sa yard nila.

"Vince, as kuya, pwede kang magsabi sa akin ng mga problema mo. Para na rin kase kitang kapatid e. So kung kailangan mo nang advice, lapit ka lang sa kin ha." Kuya Jeremy started the conversation

"Sure Kuya, thanks. Yaan mo, sa'yo ako talaga lalapit in case na meron." I replied hesitantly.

"Pag meron? Ahmmm how about now, di mo ba need help ko?" Nakangiting tanong ni Kuya Jeremy.

"Now? Wala naman akong problem now e." Nagtatakang sagot ko.

"Are you sure? Baka hindi mo lang masabi, just tell me coz I'm ready to help you." He insisted.

"Kuya, ahhh kase..." Hindi ko alam ang susunod kong sasabihin ng oras na iyon.

"Vince, be honest... Si Jelly ba ang gumugulo sa isip mo?" Tanong ni Kuya Jeremy.

Hindi ko alam ang isasagot ng mga oras na iyon pero tumango din ako.

"Sabi ko na nga ba e. Hindi ako nagkamali ng pakiramdam... Alam ko na mahal mo sya noon pa. At kung ako ang masusunod, mas gusto kita para sa kapatid ko dahil nararamdaman ko kung gaano mo sya kamahal. At alam ko na higit sa lahat, ikaw ang pupwedeng magmahal sa kanya ng totoo."

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi ni Kuya Jeremy. Hindi ko alam na matagal na pala nyang alam.

"Why don't you tell her. Alam ko may pagka-weird ang mga qualifications nung kapatid kong yun pero baka pag ikaw ay magkaron ng exemption to the rule gaya na lang pagiging bestfriend nyong dalawa. Never na naging hassle ang pagiging hindi letter "J" ng name mo. Pa'no kung pareho pala kayo ng nararamdamang dalawa? Paano kung mahal ka din pala nya higit pa sa isang bestfriend?" Kuya Jeremy asserted.

"Malabo Kuya Jeremy, mahal nya si Josh e. Kaya sana i-promise mo sa akin na di mo sasabihin sa kanya ang feelings ko" I requested.

"Are you sure?" Seryosong tanong ulit ni Kuya Jeremy.

Tumango na lang ako.

"Mahal mo ba sya? Bakit di mo sabihin?" Kuya Jeremy asked seriously. 

"Mahal ko sya. Mahal na mahal. Gusto ko talagang sabihin kaya lang..." I said hesitantly. 

"Kaya lang ano?" Tanong uli ni Kuya 

Hindi ko pa nasasagot ang sumunod na tanong ni Kuya Jeremy nang magulat kaming dalawa dahil biglang sumulpot si Jelly sa isang tabi.

"Kaya lang natotorpe sya, yun ang reason nun!" Jelly interfered. 

Gulat na gulat ako at si Kuya Jeremy. Bigla akong pinagpawisan nang maisip ko na baka narinig nya ang mga pinag-usapan namin ni Kuya Jeremy.

"O anong nangyari sa nyong dalawa? Sobra naman ang pagkakagulat nyo! Di naman siguro ganun kalaki eyebags ko para mapagkamalan nyo kong zombie, no?" Natatawang sabi ni Jelly. 

"Yun nga yun kase, natotorpe si Vince kaya di nya masabi." Jelly added. 

Bigla akong nakahinga nang maluwag nang marinig ko ang sinabi ni Jelly. Ibig lang sabihin ay akala nya na si Alex ang pinag-uusapan naming dalawa ni Kuya Jeremy.

"Di masabi ni Vince kay Alex na mahal na mahal nya to kase nga natotorpe sya, yun ang reason why." Di ba Vince? Hehe, aminin mo na kase!" Jelly looked at me. 

"Ahhh, yun nga! Kaya nga di ko masabi kase hindi pa ako magkaron ng lakas ng loob. Torpe nga siguro ako, di ba Kuya Jeremy?" I pretended to agree. 

"Ah ganun ba? Don't worry masasabi mo din yun when the right time comes." Sagot ni Kuya Jeremy na alam kong sinasakyan lang ang takbo ng usapan para hindi makahalata si Jelly. 

"That's right kaya nga you should do it quickly para pareho na maging "In a relationship" ang status natin sa FB." Excited pang sabi ni Jelly.

"At kelan naman naging "In a relationship" ang status mo aber?" Kuya Jeremy asked sarcastically. 

"Tomorrow.. Kse malamang after tonight e "In a relationship" na ko. O baka nga pagkauwing-pagkauwi ko mamaya after the date e ibasura ko na yung "single" status ko.. weeee!" Sagot ni Jelly na abot hanggang tenga ang ngiti. 

Nagkatinginan kami ni Kuya Jeremy at sabay nagsalita. "Konting pakipot ha!" 

"Jinx..." Sabay high-five kaming dalawa. 

"Sabi ko kanina gusto ko ng fresh air kaya ako lumabas... Yoko na nga dito! Dun na lang ako sa kwarto magbu-beauty rest!" She murmured habang nanghahaba ang nguso. 

"Bye!!! Jinx again.." Tumatawang sabi naming dalawa ni Kuya Jeremy na nakaluwag ang paghinga dahil walang nalaman si Jelly.. 

"Tseh!" Jelly exclaimed as she walked away while stomping her feet.  

Yun ang araw ng date nila ni Josh. Hindi ko malilimutan ang saya ni Jelly nang umalis nang bahay kasama si Josh. Nang makaalis sila ay sobrang down na down ang feeling ko knowing na pag-uwi nya ay baka nga "In a relationship" na sya. Ahhhh, grabeng hirap ng pakiramdam! Sinadya kong hintayin ang pag-uwi nya para malaman ko kaagad ang good news nya pagdating nya na malamang ay bad nes naman para sa akin. Nang umuwi sya at nakita ko ang kanyang mga mata, di man nya sabihin pero alam ko na gusto na nyang umiyak. 

"Hey little sis! Mokong na Josh yun ah, di ka man lang inihatid dito sa loob." Salubong na sabi ni Kuya Jeremy kay Jelly.

"Oo nga bestfriend, bakit di man lang pumasok dito? Loko yun ah." Dagdag ko.

"Ahhh kse sinabi ko sa kanya umuwi na kse gabi na. Nagpupumilit nga na ihahatid nya ako sa loob di lang talaga ako pumayag." Sagot ni Jelly na pinipilit ngumiti.

"Hindi pa rin ah. Hindi ako papayag na di ko ihahatid ang girlfriend ko sa loob ng bahay no?" Kuya Jeremy said sarcastically.

"Kuya, kilala mo naman ako di ba? mananalo ba sya sa kin??? Tsaka anong girlfriend ang sinasabi mo? Hindi ko pa sya boyfriend no?" Inis na sagot ni Jelly.

"Kala ko ba pag-uwi mo eh in a relationship ka na ha?" May pang-aasar na tanong ni Kuya Jeremy.

"Sabi nyong dalawa magpakipot di ba? E di nagpakipot, hmmmp!" Jelly explained hesitantly.

"Jelly, tumingin ka sa kin..." I told her.

"Ayoko, gusto ko nang magpahinga sa kwarto ko. Pagod kaya ako no? Tulog na ba si Mommy at Daddy?" She's trying to avoid me.

"Jell, please look at me..." I insisted.

Kuya Jeremy just watched us.

Tatakbo na sana si Jelly nang biglang hawakan ko ang kamay nya at pilit ko syang iniharap sa akin..

Doon na bumuhos ang luhang alam ko na kanina pa pinipigilan ni Jelly. Sumubsob sya sa balikat ko at umiyak nang umiyak. Niyakap ko sya nang mahigpit para maramdaman nya na nandoon lang ako lagi para sa kanya.

"Shhhh... Tahan na... Don't worry nandito lang kami ni Kuya Jeremy to listen... Shhhh..." I tried to calm her.

"Tama si Vince, sis. Eto lang kami para makinig. Di ka namin iiwan. Pero mabuti pa dun na muna tayo sa loob okay. Siguro need mo muna uminom ng something para makalma ka." Dagdag ni Kuya Jeremy.

Hindi ko malaman nang oras na iyon kung matutuwa ako dahil hindi sila nagkatuluyan ni Josh o malulungkot dahil nasaktan na naman ang pinakamamahal ko.... Pero laging nananalo ang pagkalungkot dahil kahit kailan ay hindi ko ginusto na makitang umiiyak ang babaeng pinakamahalaga sa akin.

At ngayon dumating naman si Jed sa buhay nya. Hindi ba pwedeng mawala na lang ang lahat ng lalaking "J" sa buong mundo para ako naman ang mapansin ni Jelly. Natatawa lang ako sa mga immature na naiisip ko pero ang totoo lagi kong inaasam-asam na ako naman ang mapansin nya. Not just a bestfriend but the guy na pwede nyang mahalin nang higit pa sa isang kaibigan.

Ang pagpunta namin dito sa Boracay ay hindi naging biro para sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing magkatabi at magkahawak ang kamay si Jelly at Jed. Nagsisikip ang dibdib ko sa nakikita kong lambing nila sa isa't isa... Kaya't kanina sa Truth and Dare, binalak ko talagang sabihin na sa kanya, at sa kanilang lahat ang totoo... Ang totoong nararamdaman ko...

"Naku exciting to! Yun pa man ding magkatampuhan ang natapatan. Sana maganda ang mabunot ko." Excited na sabi ni Ate Paula na syang sumunod na naka-assign para bumunot.

"Okay eto na, babasahin ko... Ang nabunot nyo ay Truth!" Sigaw ni Ate Paula.

"Hahahaha!" Nagtawanan silang lahat maliban sa 'min ni Jelly na sasagot ng Truth Question.

"Ay ano ba yan.. Pwede bang dare na lang.." Nagpo-protestang sabi ni Jelly.

"Sorry, hindi pwede.. eto ang nabunot ko e, hihi!" Tawa nang tawa na sabi ni Ate Paula. 

"Okay na, sige Ate Pau, ano ba yang question na yan ha at di na ako makahintay.." Nakatawa na ding sabi ko.

"O sige, question... Who is your first crush?' O ang bilis lang naman nyan di ba? Kinabahan kayo no? Kala nyo kung ano na, hehe!" Ate Paula giggled.

"Ang bilis nga ng question, next question please... " I replied Trying to think what to say next.

"Napaka-simple talaga baka nga hindi pa namin kilala yung isasagot nyo, hehe!" Nina added.

"Sige na... sabihin mo na po please..." Paglalambing na sabi ni Jed kay Jelly.

Inisip ko na bakit nga ba ililihim ko pa sige sasagot na ako.

"O sige sabay na lang kaya kayong magsabi, bibilang kami ng tatlo tapos sabay nyong sabihin, okay?" Roy exclaimed.

Sabay-sabay silang bumilang ng, one... two... three!

At nagulat ang lahat sa sabay naming sagot ni Jelly.

"Si Vince..." Jelly answered.

"Si Jelly.." I answered.

Nagulat talaga ako sa mga pangyayari. Kaya't napatingin kami ni Jelly sa isa't isa... Hindi ko alam ang sasabihin sa oras na iyon. All this time pala ay ako pala ang first crush nya. Wala akong kaalam-alam na pareho pala kaming dalawa na first crush pala namin ay ang isa't isa.

"Oy di naman kayo mabiro... Nagbibiro lang tayo Vince di ba?" Ini-move ni Jelly ang kamay nya para makipag-high five sa akin.

Ayokong mapahiya si Jelly kaya't sinakyan ko na lang ang gusto nyang mangyari. "Ah, oo naman nangti-trip lang kaming dalawa.." Dagdag ko habang nakikipag-high five kay Jelly. "Eto maka-crushan ko e sobrang sungit nyan!"

"Masungit pala ha. Tsaka ikaw ba maka-crushan ko e unang una di ka "J", secondly super pang-asar kaya nyan no? Kaya no way!" Dagdag pa ni Jelly.

"Hayyy kayo talagang dalawa.. so bati na kayo ngayon? Nag-uusap na kayo e.." Curious na tanong ni Kuya Jeremy.

"Hindi pa din no?" Nakairap na sabi ni Jelly.

"Bahala ka mawawalan ka ng bestfriend na pogi." Birong sabi ko.

"Sheeeesh! Tama na nga yan! Wala naman tayong matinong nakuhang sagot sa dalawang yan kaya baguhin na nga natin, bubunot ulit ako!"  Ate Paula exclaimed.

"Okay eto na ang nabunot ko! Ayaw nyo nung mabilis na question na yun ha kaya eto ang sa inyo... "Dare! You should kiss the one you love... ops! may kadugtong... on the lips.." Ate Paula grinned.

"Oy jino-joke mo lang kami Ate Paula.. Patingin nga???" At kinuha ni Jelly ang papel. "Uh oh..." She said worriedly.

Kinuha ko ang papel at binasa, napakamot ako sa ulo. 

"O sige na nga..." Sabi ko na maya-maya ay tumayo. Nang oras na iyon ay decided na ako na aminin sa kanya. Ayoko nang mag-pretend sa aking nararamdaman para sa bestfriend ko.

"O Jelly, tumayo ka na din at puntahan mo na ang mahal mo.." Kumindat na sabi ni Kuya Jeremy.

"Yoko ngang mang-kiss..." Umiirap na sabi ni Jelly.

Ngunit kinakabahan ako nang oras na iyon. Paano kung halikan ni Jelly si Jed? Hindi pwedeng mangyari yun, bulong ko sa sarili ko. Kailangan kong mauna.

"Sige na please... sports lang, kiss mo na si Jed!" Roy teased Jelly.

Napilitan na ding tumayo si Jelly habang bumubuntong hininga ng malalim.

Sobrang kabado ako nang oras na iyon. Alam ko masasaktan ko si Alex pero hanggang kelan ako magkukunwari sa nsarili ko. Mas mabuti pang masaktan ko sya ngayon kesa pag mas malalim na ang nararamdaman nya sa akin.

Ngunit bigla kaming nagulat nang biglang may sumigaw ng...

"Arayyyyyyy!" Pleaseee help! My tummy's hurting so much!" Cried Alex.

Bigla kaming naglapitan kay Alex para alamin ang nangyayari sa kanya. Hawak hawak nya habang namimilipit ang kanyang tiyan. Dali-dali syang binuhat ko syang binuhat para dalhin sa loob ng cabin. 

Nasa isip ko nang oras na iyon na hindi man natuloy ang balak ko, pero hindi kami pwedeng umuwi ng Manila nang hindi ko naipapaalam kay Jelly ang totoo kong nararamdaman.

Gustong-gusto ko nang i-dial ang cellphone ko habang naglalakad ako sa dalampasigan. Gusto ko sanang gisingin si Jelly sa text gaya nang lagi kong ginagawa... Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at magsisimula na akong mag-text nang may mapansin akong babaeng nakaupo sa may buhanginan. Si Jelly.... 

Biglang lumundag ang puso ko na para bang sinasabi nang tadhana na eto na yun.. Eto na ang pagkakataon na hinihintay mo para masabi sa kanya ang lahat... Napatingin ako sa langit para bumulong ng "Salamat po..." Ramdam na ramdam ko na ito na nga ang tamang panahon..

Dahan-Dahan akong lumapit sa likuran nya. "Bakit naglalakad kang mag-isa? Alam mo bang delikado yan lalo na sa magandang dalagang kagaya mo?" Naisip kong itanong.

Muntik nang mapasigaw si Jelly sa pagkagulat. "Ano ka ba naman Vince! Magkakasakit ako sayo sa puso, bigla-bigla ka na lang sumusulpot!" Sabi nya habang nakahawak sa dibdib na mukhang nagulat talaga.

Maya-maya ay naupo ako sa tabi nya.

"Kumusta naman ang pinaka-maganda kong bestfriend?" Nakangiting tanong ko habang biglang iniakbay ang kanan kong kamay sa kanyang balikat.

"Okay naman, pinakamaganda pa din dahil ako lang naman ang bestfriend mo unless ipinagpalit mo na ako.." Masungit nyang sagot.

"Ang cute cute mo talaga pag nagsusungit! Kaya love na love kita e!" Sabi ko habang pinipisa ng kaliwa kong kamay ang ilong nya.

"Namiss ko to, sobra..." Maya-maya ay di na napigilang di umiyak ni Jelly at narinig ko ang paghikbi nya.

"O umiiyak ka ba? Ohhhh, parito ka nga hug kita ng sobrang higpit.." At niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit. Yakap na parang ayaw ko na syang pakawalan. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko ng mga oras na iyon habang naririnig ko din ang tibok ng puso nya.

"Tahan ka na, okay..." At pinaharap ko sya sa akin para punasan ko ang luha nya. "Bakit mo nga pala ako na-miss?"

"Wala ka na kayang oras para sa akin. Tapos di mo man lang ibinalita sa kin na nag-start ka na palang manligaw kay Alex. Wala akong kaalam-alam kung hindi pa namin napag-usapang mga girls kanina. Hmpppp..." Nagtatampong sabi nya.

Medyo natigilan ako. Hindi ko alam na may sinabi pala sa kanya si Alex. Pero alam ko sa sarili ko na informal lang yun, kung panliligaw ngang matatawag ang paghatid ko at pagbisita kay Alex.

"Ahh, sorry po sasabihin ko naman talaga e kaya lang... Kaya lang busy ka din naman kay Jed e..." I answered hesitantly.

"Of course not!" She disagreed.

"Yes, you are..." I argued.

"No, I'm not..." She insisted.

"Okay sige na.. Hindi na kung hindi... Isa na lang tanong... Ako ba talaga ang first crush mo?" I remembered to ask.

"Sabi ko na nga biro lang di ba?" She replied habang iniiwas tingin nya sa akin.

"Jell, walang biro..." Hinawakan ko ang dalawa nyang pisngi para di sya makatungo.

"Okay... that's true... Eh ikaw totoo ba yung sabi mo o biro lang din."

Tumango ako. "Yes, that's the truth."

"Bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong nya.

"Bakit di mo din sinabi sa kin?" Sinagot ko sya ng tanong din.

"Kase... kase mag-bestfriend tayo..." She exclaimed.

"Kase mag-bestfriend tayo o dahil kse may pangako ka sa sarili mo?" Sabi ko na hinahagilap ang sinseridad sa mga sinasabi nya.

"Honestly, hindi ko alam Vince... At ngayon na malapit ka nang magka-girlfriend e hindi ko alam ang mararamdaman ko..." 

"Anong ibig mong sabihin, Jell..." I was so confused that moment.

"Mahal mo ba talaga si Alex?" Tanong din ang ginawa nyang sagot sa tanong ko.

"Ikaw mahal mo ba si Jed?" Naramdaman ko na ayaw namin parehong sagutin ang mga tanong naming dalawa sa isa't isa.

Maya-maya ay bigla namang umiyak si Jell... Nakikita ko ang confusions sa kanyang mga mata.

"Bakit ka umiiyak... Ayokong nakikitang umiiyak ka..." Pinahid kong muli ang mga luha nya at muli ay niyakap ko sya..

"Hindi ko alam Vince pero tuwing nakikita ko kayong dalawa ni Alex na magkasama ay nagseselos ako...." Nagulat ako sa sinabi ni Jelly. Ibig bang sabihin ay mahal din nya ako? Na ang nararamdaman naming dalawa ay mutual? Lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko. 

Lalo ko pang hinigpitan ang yakap kay Jelly. "Kanina sa truth and dare, nang sinabi ni Ate Pau to kiss the one I love... Alam mo ba kung sinong gusto kong lapitan at halikan nang mga oras na iyon... Gusto mo bang malaman?" I said passionately.

Kumawala si Jelly sa pagkakayakap ko at tinitigan nya ako sa aking mga mata at pagkatapos ay dahan-dahan syang tumango.

Nakatingin ako sa mapupungay nyang mga mata at ibinaba ko ang tingin ko sa mapupula nyang mga labi. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na inilalapit ko ang mukha ko kay Jelly. Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi nya. I kissed her passionately. Napapikit ako sa sensasyong bumabalot sa akin ng mga oras na iyon. Ang malambot na labi ni Jelly ay bumabalot sa aking katauhan ng mga oras na iyon. I felt her heart that moment. Napakasaya ko dahil alam ko na mahal din ako ng babaeng pinakamamahal ko.

"I love you, Jelly... Mahal na mahal kita noon pa man..." Sabi ko sa napakalambing na boses.

Maya-maya ay nagulat na lang ako nang bigla akong itulak ni Jelly. Dali-dali syang tumayo at nagsimulang tumakbo papalayo sa akin. Nasapo ko ang aking noo dahil sa sobrang pagkalito. Ano ba itong nagawa ko? Hindi ko malaman ang gagawin nang oras na iyon. Pero alam ko, naramdaman ko na mahal din ako ni Jelly. Pero bakit ganun? Galit kaya sya sa kin dahil sa ginawa ko? Masisira na ba nang tuluyan ang friendship namin? Gulong-gulo ang isip ko... 


TO BE CONTINUED...



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE