Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Last Mr J

Image Description rochellyheart   |   24 April 2018


Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Nakarating si Vince at Jelly sa cabin nang hindi man lang nag-uusap. Dinala ni Vince si Jelly sa kwarto at iniupo sa bed. Maya-maya ay hinubad ni Vince ang sneakers ni Jelly at dahan-dahang itinaas ang mga paa nito sa kama. Iniayos nya ang unan na hihigaan ng dalaga. Hindi pa din sya nagsasalita at hindi din nya kinakausap si Jelly. Maya-maya ay lumabas si Vince papuntang kitchen at nagtimpla ng juice para kay Jelly. Pumasok sya muli sa kwarto na dala-dala na ang juice at sandwich para sa kaibigan.

"Kain ka muna. This is good for you para medyo ma-relax ang tummy mo." Alam ko na-stress ka kanina sa pagkakadapa mo..." Malambing na sabi ni Vince.

"Thanks but I'm okay... I'm not hungry yet..." Nginitian sya ni Jelly. "T-thank you nga din pala kanina sa paggamot sa akin at sa pagbuhat mo sa akin pabalik dito..." Jelly said.

"Okay lang yun... kahit medyo mabigat ka, hehe! Peace!!!" Nagbibiro nitong sabi...

"Ganun mabigat ako??? Naku lagot ka talaga sa akin! Pasalamat ka at may sugat ako sa paa at di kita mahahabol.. Kundi naku..." Jelly thrown him a sullen look.

"Ikaw naman, di ka na mabiro... Syempre di ako nabigatan sayo.. Ako pa e trained yata 'to..." He said while showing his muscles.

"Where? Where are the muscles???" Pang-asar na sabi ni Jelly as she's pretending to look for something.

At nagtawanan silang dalawa... 

"Can we always be like this?" Jelly asked.

"Like this, what?" Nagtatakang tanong ni Vince.

"Like this... Di nagsusungitan, di naiilang sa isa't isa kagaya nang dati." She said sincerely.

Biglang naging tahimik na naman silang dalawa.

"Why did you leave me?" Vince asked silently.

Hindi nakasagot si Jelly.

"Why did you run from me that night?" He added.

Bigla akong bumuntung-hininga para maka-recover sa nararamdaman kong kaba nang mga oras na iyon... "Ano bang dapat kong isagot?" Pilit pa ring tinatanong ni Jelly ang sarili dahil hanggang nang oras na iyon ay hindi pa rin nya alam ang dahilan kung bakit sya tumakbo nang gabing halikan sya ni Vince...

"Hindi ko alam, Vince... Honestly, hindi ko alam..." Sagot nya.

"Hindi mo alam? Gusto mo bang ipaalam ko sa'yo?" Medyo hesitant at emotional na tanong ni Vince.

Muli ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng magkaibigan.

"Duwag ka kase Jelly... Takot kang mahalin ako di ba? Yun ang dahilan kung bakit iniwan mo ako nung oras na iyon..." Vince declared. "Hanggang ngayon ganyan ka pa din... Laging takot..."

Napatingin si Jelly sa mata ni Vince... Ngunit muli ding tumungo pagkatapos dahil hindi nya matagalan ang mga tingin nito.

"Naaalala mo kung paano ka naging duwag sa pagmamahal mo noon kay Jasper. Natakot ka na ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya dahil sabi mo ay mga bata pa kayo... That will probably be a good decision dahil oo nga naman, mahirap makagawa nang isang bagay na hindi mo pinag-iisipan nang husto dahil nga bata ka pa... But still, nawala ang lalaking una mong minahal nang ganun-ganun na lang dahil naduwag ka. With Josh... actually may choice ka na pigilan sya na magpunta sa seminary, knowing na alam mo na mahal ka din nya. Kaya lang takot ka na baka di ikaw ang piliin nya, di ba? With Jed... takot ka na bigyan sya nang chance kase baka kapareho lang nang mga nagdaang "J" sa buhay mo ang mangyari sa inyong dalawa... At sa akin... duwag ka na ipakita ang totoo mong nararamdaman... Takot ka na mahalin ang bestfriend mo who doesn't possess the characteristics nang lalaking gusto mong makatuluyan someday. Bakit kailangang itago mo ang feelings mo Jell??? Alam ko... naramdaman ko ang tibok nang puso mo habang kayakap kita nang gabing yun... Lalo na nang magdikit ang mga labi natin dalawa... Alam ko Jell, hindi mo yun pwedeng itago sa akin... Mahal mo din ako..." Vince stated.

Jelly can't supress my tears that moment. Nagsimula syang mapaluha dahil sa mga narinig nyang salita mula kay Vince. Salitang punong-puno nang katotohanan. Jelly clearly knows that Vince is right... Tama ito sa sinabi na duwag sya. Sa lahat nang lalaking dumaan sa buhay nya ay naging duwag talaga sya. "I'm a BIG coward!" Bulong ni Jelly sa isip nya.

Nilapitan ni Vince si Jelly para patahanin.

"I'm sorry... I'm sorry to hurt you with what I said..." Niyakap ni Vince ang kaibigan habang hinahagod ang likod nito... "Don't mind everything that I said... Ayokong nakikita kang umiiyak..." Sabi ni Vince habang patuloy na inaamo si Jelly.

Tumingin si Jelly sa mga mata nito. Nakita ni Jelly na parang gusto na rin nitong umiyak nang oras na iyon. "Vince..." Bigkas nya sa pangalan ng kaibigan. Gusto na sana aminin ni Jelly dito ang nararamdaman nang oras na iyon ngunit inilagay ni Vince ang hintuturo nya sa labi ng dalaga upang  takpan ito.

"Ssshhhhh.... you don't have to answer me now Jell... Ayokong sagutin mo ang mga questions ko na hindi ka pa sigurado.... Gusto ko dumating yung araw na sasabihin mo ang totoo sa akin na walang regrets..." Bulong nya kay Jelly. "Pero sa ngayon, hayaan mo na lang mahalin kita nang buong-buo, nang walang pag-aalinlangan." Sabi ni Vince habang nakatitig sa mga mata ng kanyang pinakamamahal.

Habang nakatitig sya kay Jelly ay unti-unting nyang inilapit ang mukha nya sa dalaga upang muli ay ilapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito. Para manikang de susi si Jelly na ipinikit na kusa ang mga mata upang muling madama ang tamis nang halik na iyon. Naglapat ang kanilang mga labi sa ikalawang pagkakataon na mas lalong punong-puno nang damdamin. Ang pakiramdam na  parang lumulutang sa alapaap ay naramdaman nila muli. Parang ayaw na nilang matapos pa ang oras na iyon. Pareho silang sumisinghap-singhap nang maghiwalay ang mga labi nila. 

"I'm sorry..." Magkasabay na sabi nilang dalawa kaya't nagkatawanan sila.

"Honestly sorry talaga... Dalawang beses na kitang hinalikan nang hindi nagpapaalam sa'yo." Sabi ni Vince pagkatapos ay kumindat.

"Okay lang yun, I allowed naman e... H-hindi ko alam may talent ka pala sa pag-kiss..." Birong sabi ni Jelly para lang matabunan ang awkward moment na yun.

"Sorry talaga Jell, yan tuloy nagba-blush ka..." Ganting biro ni Vince.

"Oy hindi ahhh..." Nahihiyang sabi ng dalaga sabay hagip ng isang unan at takip sa kanyang mukha.

"Oy hindi daw... Tingnan ko nga!" Lumapit sa kanya si Vince at pilit na inagaw ang unan. Sa pagkaka-agaw ni Vince ng unan ay biglang napahiga si Jelly. As Vince is sitting and Jelly is lying down on the bed, he started staring at her eyes... He's examining every details of her face. Maya-maya ay hinaplos ni Vince ang pisngi nito at sinabi... " Although bestfriend lang talaga ang turing mo sa akin, napaka-swerte ko pa din. Kase you've been there for me since nun mga bata pa tayo... Di ka kahit kelan nagbago kahit nga may mga tampuhan tayo always... nandyan ka pa din... Hindi mo pa din ako tinatanggal sa buhay mo. Kaya nga gaya nang sabi ko kanina... Jell, hayaan mo lang mahalin kita, yun lang ang hiling ko. Di ko hinihiling na tumbasan mo kaagad yun pagmamahal na yun... Maghihintay ako... Maghihintay ako hanggang sa ready ka na at wala na ang fear dyan sa heart mo... I love you so much, Jell."

Nang oras na iyon ay alam na ni Jelly na may sagot na sya sa mga tanong ni Vince. Mahal din nya si Vince. Kung ano yung nararamdaman nito para sa kanya ay yun din ang nararamdaman nya para dito... Pero hindi pa sya handang sabihin. Tama si Vince, kailangan nyang maging handa muna... Kung wala na ang takot sa puso nya, yun ang oras na sasabihin nya dito ang nilalaman noon. "There are things that you'll rather keep unspoken but you'll choose to express it through your heart".

Again, her eyes can't contain the overflowing joy that moment as she look through the eyes of her bestfriend, who is now the reason why her heart is beating so fast. That's why she can't help but to cry again... But Jelly hopes that Vince will know, that those are tears of joy...

"Umiiyak ka na naman... lagi ka na lang umiiyak... Pinapalungkot ba talaga kita?" Malambing at nakangiting sabi ni Vince habang pinapahid ang luha ni Jelly.

Maya-maya ay iniayos ni Vince ang unan sa may headboard.

"Dito ka na nga, humiga ka nang maayos nang makapag-rest ka na muna... Kung ayaw mo pa talaga kumain e basta nandito lang ako pakakainin kita mamaya." He said habang tinutulungan si Jelly na mag-move papunta sa unan. Nahiga din ito at inilagay ang mga bisig nya sa may unan para doon humiga si Jelly. Pagkahiga ni Vince ay niyakap nya si Jelly. "O ayan mag-rest ka na at babantayan kita. Alam ko na gusto mo ang ganitong position tuwing galing ka sa pag-iyak." Sabi ni Vince habang tinatapik ang likod nya. 

Bigla tuloy naalala ni Jelly ang ganitong pwesto nilang dalawa noong mga bata pa sila. Lagi talaga silang magkayakap sa pagtulog lalo na pag umiiyak si Jelly. Tapos patatahanin sya ni Vince hanggang sa makatulog sya. Medyo nawala na nga lang yun simula nung mag-highschool na sila dahil syempre nagdadalaga't nagbibinata na. 

Maya-maya ay hinaplos ni Vince ang noo ni Jelly at hinalikan ito. Feeling ni Jelly ay secure na secure sya nang oras na iyon... Nararamdaman nya ang sakit nang binti nya pero mas nararamdaman nya ang tibok nang puso ni Vince nang mga oras na iyon. Puso na alam na alam nya kung sino ang itinitibok... Nangingiti pa si Jelly habang nararamdaman nya ang pamimigat ng kanyang mga mata...


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
18 September 2018