Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Sabi nga nila, life goes on...

After the heartache four years ago with Jasper, and just recently with Josh, Jelly is taking everything lightly these days. She focused herself in studying lalo na sa pagiging expert sa pagda-dissect ng frog, worms, baby pig, sheep's brain and baby shark... Ewwwww! Yeah eww talaga. Pero as a Biology pre-med student, kailangan medyo matibay ang sikmura nya sa mga ganyang bagay.

But anyway, syempre kailangan din naman na may excitement ang buhay nya. Kaya naman sumali na din sya sa Campus Music & Sound. Matagal na kase siyang niyayaya ni Vince na sumali noon pa kaya lang masyado syang naka-focus sa academics nya. Tutal wala na din naman si Josh dahil umalis na sya papuntang Cebu e wala nang iiwasan pa si Jelly na makita sa CMS.

Bitter??? No, nakapag-usap naman daw sila nang maayos bago umalis ito. Kaya lang syempre, it will take time bago totally mabalik yung dati according to Jelly. But Joah promised to communicate with her kahit nasa seminary na sya and Jelly wished him all the best naman. 

Isang hapon, nagulat na lang si Jelly paglabas nya ng Bio lab nila dahil may naghihintay sa kanya sa may hallway. 

"Jellyyyyyyyyyyy!" Sigaw ni Alex at Nina na kasama si Vince.

"Sissssesss! Ano ba, ginulat nyo naman ako!" Sabi ni Jelly habang lumalapit sa kanila at sabay beso.

"Bakit di man lang kayo nag-text sa kin? And di nyo man lang ako ni-pm sa FB na pupunta kayo." Dagdag pa ni Jelly.

Simula kase nung mag-graduate sila ng highschool at mag-enroll si Alex at si Nina sa "all girls school" ay naging madalang na ang pagkikita nilang tatlo. Minsan ay isang beses o dalawang beses na lang isang buwan dahil medyo malayo din yung school nila. Pero at least lagi pa din naman silang magkakachat. Salamat na lang din at merong Skype, FB, Instagram, at iba pa. 

"Well, of course! Surprise nga e, haha!" Sagot ni Nina. "Na-miss ka kaya namin gurl!" Dagdag pa nito.

"Oo nga Jell, sobra... Sana lagi na lang hindi tight ang sched para lagi tayo magkita-kita, di ba?" Alex stated. "Nga pala, we came din kse, Vince invited us sa general rehearsal nyo ng CMS and we wanted to watch you two guys, especially you gurl! Alam mo naman na fan mo kaming dalawa ni Nina pagdating sa boses mo na ewan nga ba at hindi mo pa ipinapa-discover sa The Voice Philippines!"

"Parang di nyo kilala yang si Jelly.. She hates spotlight." Vince interrupted. "Bata pa tayo dami nang kumukuhang artista dyan pero ayaw. Tita Jill can't even convince her to ramp her creations."

"Oy that's not true ha.. I'm wearing my mom's dresses nman di ba?" Jelly protested.

"But not in the catwalk gurl.." Clarified Nina.

"That's right!" Vince and Alex agreed.

"You know that I love my privacy a lot. Sarap kaya ng pakiramdam na nakakapasyal ka anywhere na walang nakasunod na camera sayo, no one will care what you wear, no one will comment on how you look and who you are with..." She explained.

"Alright, case closed!" Vince raised his two hands meaning surrender na sya.

Alex and Nina did the same.

"Okay, we gotta go!" Vince finally said.

"Okay, before tayo ma-late!"  Jelly added.

Kaya't naglakad na sila ng mabilis papunta sa kabilang building kung saan nandoon ang music hall.

Pagpasok nila sa music hall ay medyo marami na ding members ang naghihintay. Meron ding mga audience na malamang e mga friends or relatives din ng ibang members. Medyo kinabahan nga si Jelly kase mukhang mas madaming manonood this day kesa sa ordinary rehearsals nila. "Ano ba yan, hindi pa real concert e napakadami nang tao.. paano pa kaya sa actual day?" Bulong nya sa sarili. 

Maya-maya ay nagsimula na ang bawat numbers nila. May nag-instuments lang, may kumanta habang nagpi-play ng guitar or piano. Meron nmang kumanta lang with accompaniment ng CMS band. May kumanta din ng own compositions nila like Vince. Nagawa na din ni Jelly ang isang solo song nya na si Vince ang nag-guitar, "Wag na Wag Mong Sasabihin" by Kitchie Nadal. Pero ang sobrang  kabado si Jelly ay ang duet nya with one co-member na si Aaron na hindi pa dumarating ng oras na yon. Sabi ni Sir Maki, trainor nila, ay nagtext daw sa kanya na mali-late daw ito, pero three songs na lang bago sila ay hindi pa nagpapakita. "Well, rehearsal lang naman to." Jelly calmed myself. "Siguro naman okay lang na di namin magawa yung part namin." Bulong pa nya sa sarili.

Maya-maya ay tinawag sya ng kanyang Sir Maki. 

"Jell, okay lang ba sayo na kumanta na iba ang partner?" Tanong ng trainor nila.

"Ahmmm... Bakit po sir? Di ba talaga darating si Aaron?" Nagtataka nyang tanong.

"Hindi daw talaga e. Di daw talaga nya kaya dahil sobrang sakit ng throat nya." Paliwanag ni Sir Maki. 

"Ahmm.. okay lang naman po na iba yung maka-duet ko, sino po bang pwede?" Jelly curiously asked.

"Yung nephew ko, kayang-kaya nya yung song na yan." He replied.

Ilang saglit lang ay lumabas si Sir Maki mula sa back-stage. Di napansin agad ni Jelly nang bumalik si Sir Maki dahil nakatingin sya sa lyrics sheet na hawak nya para imemorize mabuti ang part nya. Maya-maya ay narinig nyang nagsalita si Sir Maki, "Jell eto na sya, ang makaka-duet mo." Sa pag-angat ng mukha nya ay nagulat sya sa lalaking nakatayo sa tabi ni Sir Maki nya na sobra ang pagkakangiti habang nakatingin sa kin. Ngingitian din sana nya ito ngunit biglang gumana kaagad ang kanyang antipatikang utak at binulungan ang sarili "Jelly, yan ka na naman e... Hindi ka ba familiar sa mga ganyang scenes? Gusto mo na naman bang umiyak?" Bulong ng kontrabida kong utak.

"Jelly, eto nga pala si Jed, ang pamangkin ko." Sir Maki stated.

"OH-EM-GEE! Talaga bang ganito ang life? Bakit madalas na lang ako pinaglalaruan ng tadhana??? Eto na naman po tayo..." Bulong nya muli sa sarili nya na feeling nya ay lalagnatin sya nang oras na iyon.

"Hi Jelly! Nice meeting you.." He greeted Jelly habang iniaabot ang kamay.

"He-hello.. nice meeting you too." She replied shyly and took the handshake.

"By the way Jelly, Si Jed nga pala ay supposedly member talaga ng CMS kaya lang, masyado syang busy sa pagiging basketball varsity. Pero hilig din nya ang music kaya lang priority nya yata talaga ang basketball." Nakangiting paliwanag ni Sir Maki. "O' pano check ko muna kung kayo na ha?" 

At iniwan na ng voice coach ang dalawa.

Ano beh nemen! Ang kaninang kaba nya sa idea ng pagpeperform ay nag-level up yata ng 10 times. "Paano kaya ako makakakanta ng maayos ngayon?" I asked myself.

Suddenly, Sir Maki called them for their turn. And Jelly felt like her knees were really shaking.

Lumakad sila ni Jed sa stage at nagpalakpakan ng sobrang lakas ang mga nasa audience na parang oras na talaga ng concert. Habang hinihintay nila ang intro ng band ay medyo na-out of balance si Jelly dahil na siguro sa sobrang panginginig ng tuhod nya kaya't napa-bent ng konti ang isa nyang paa. Nasalo ni Jed ang kamay ni Jelly kaya't hinawakan nya na lang ito para siguro hindi mahalata ng audience na muntik na itong matumba. Lalong nagpalakpakan ang ibang mga members at ang mga nakikinood nang oras na iyon at yung iba ay nagtilian pa. Maya-maya ay nag-intro na ang banda para sa song nila na "Give Your Heart a Break" na version ni Rachel Berry at Brody Weston of Glee. 

(CHECK THE FULL VERSION OF THE SONG IN MEDIA ON THE RIGHT SIDE)

The day I first met you

You told me you'd never fall in love

But now that I get you
I know fear is what it really was

Now here we are,
So close yet so far.
Haven't I passed the test?
When will you realize,
Baby, I'm not like the rest?

Don't wanna break your heart
Wanna give your heart a break
I know you're scared it's wrong
Like you might make a mistake
There's just one life to live
And there's no time to wait, to waste
So let me give your heart a break, your heart a break
Let me give your heart a break, your heart a break
Oh yeah, yeah

On Sunday you went home alone
There were tears in your eyes
I called your cell phone, my love
But you did not reply

The world is ours. If we want it,
We can take it if you just take my hand.
There's no turning back now.
Baby, try to understand

Don't wanna break your heart
Wanna give your heart a break
I know you're scared it's wrong
Like you might make a mistake
There's just one life to live
And there's no time to wait, to waste
So let me give your heart a break, your heart a break
Let me give your heart a break, your heart a break
There's just so much you can take
Give your heart a break
Let me give your heart a break, your heart a break
Oh yeah, yeah

When your lips are on my lips
Then our hearts beat as one
But you slip out of my fingertips
Every time you run, whoa-oh-whoa-oh-oh

Don't wanna break your heart
Wanna give your heart a break
I know you're scared it's wrong
Like you might make a mistake
There's just one life to live
And there's no time to wait, to waste
So let me give your heart a break

'Cause you've been hurt before
I can see it in your eyes
You try to smile it away, some things you can't disguise
Don't wanna break your heart
Baby, I can ease the ache, the ache
So let me give your heart a break, your heart a break
Let me give your heart a break, your heart a break
There's just so much you can take
Your heart a break
Let me give your heart a break, your heart a break
Oh yeah, yeah

The day I first met you
You told me you'd never fall in love

Sa unang mga linya ay kinakabahan si Jelly ng husto at hindi nya mailakas masyado ang boses nya. But when she heard Jed sing his lines ay sobrang na-encourage ang dalaga to give her best voice. She was thinking that she sings with a very good singer so she might as well do the same.

Napakaganda ng boses ni Jed. Feeling ni Jelly ay ka-duet nya ang isang member ng One Direction sa sobrang nakakakilig ng boses nito.

Nakita din ni Jelly na kilig na kilig sa panonood si Alex at si Nina at pasayaw-sayaw pa from their seats habang si Vince naman ay seryosong-seryoso sa panonood na akala mo ay hindi nag-eenjoy sa performance nila ni Jed. "Lagot sa kin yun mamaya." Sabi ni Jelly sa sarili. "Bestfriend ko pa man din sya pero parang di nya naaappreciate ang boses ko."

Natapos ang performance nila na very successful. Lahat ng numbers ay na-perform naman ng maayos and maganda ang evaluation ng Trainor nila. Maganda rin ang feedback ng bawat members and pati ang mga invited audience. All in all, Sir Maki said that they are really prepared na to do the actual concert. And all the members were so happy to hear that.

Matapos ang briefing ay lumapit si Alex at Nina kay Vince at Jelly.

"Gurl, you really rocked the stage especially nung duet nyo ni... ano nga bang name nung ka-duet mo?" Curious at kinikilig pang tanong ng dalawa.

"Si... Si Jed... Jed name nya..." Jelly babbled.

"Jed???" Muntik nang mapasigaw ang dalawa, buti na lang at natakpan nila kaagad ang bibig nila.

"Panibagong destiny na naman ba yan? hihi!" Bulong ni Alex.

"Malay mo, gurl sya na pla talaga..." Nina also whispered.

"Sshhhh... tumigil nga kayong dalawa dyan?" Saway ni Jelly sa dalawa.

"At ano naman kayang pinagbubulungan ng mga ito na di ko pwedeng marinig?" Sabat ni Vince.

"Wala pooo.." Sagot nilang tatlo.

"Hey pare!" Narinig nilang may nagsalita sa likuran ni Vince.

"Hey tol!" Sagot ni Vince na nakipag-high-five.

"Ah magkakilala pala kayo ni Jelly.. Hi again Jelly!" Sabi ni Jed na kakilala din pala ni Vince dahil pareho silang varsity basketball player.

"Yeah, magkakilala kami matagal na... He's my BF.." Jelly answered.

"BF?? Ah ganun ba?" Parang may-disappointment sa boses at mukha ni Jed nang marinig ang sinabi ni Jelly.

"Yes, BF nya si Vince.. BF as in bestfriend, hihi!" Sabat ni Nina.

Siniko ni Jelly sa tagiliran si Nina.

"Ahhh okay, akala ko kase... hehe! Oo nga pala, magkasama nga pala kami ni Vince sa varsity. Di ba tol?" Jed explained na medyo sumigla ang boses.

"Yeah, we are.." Vince confirmed at ngumiti lang ng matipid.

"Oo nga pala Jelly, thanks for letting me sing with you kanina ha. I really enjoyed it kse napakagaling ng ka-duet ko." Jed said.

"Ikaw kaya ang magaling..." Nakangiting sabi ni Jelly.

"Wag na kayong magbolahan dalawa kse pareho naman kayong magaling na singer and pati si Vince syempre." Alex added sabay kindat kay Vince.

Napangiti lang ang tatlo.

Maya-maya ay saba'y sabay na silang lima na naglakad palabas ng hall while still talking about the outcome of the final rehearsal and the details of the coming concert. Hindi humiwalay sa kanila si Jed hanggang sa makapag-uwian ang lahat. 

Magkasabay umuwi si Jelly at Vince. Magkasabay ding pumasok ang mag-bestfriend kaninang umaga, at dahil nga alam ni Vince na gagabihin sila ng pag-uwi ay nag-volunteer sya na kotse na lang nya ang gamitin nila.

"So, how are you and Alex? Did you talk already?" Jelly broke the silence.

"Talked about what?" Nakakunot ang noong tanong ni Vince.

"About yung feelings mo sa kanya?" Jelly chuckled.

"Huhh?" Nagtataka pa ding tanong ni Vince.

"Di ba nag-uusap kayo ni Kuya nun about sa hindi mo masabi-sabing feelings kay Alex dahil natotorpe ka?" Jelly added while laughing.

"Ahhh, yun ba? Wala, wala pa akong sinasabi sa kanya." Vince replied.

"Gusto mo tulungan kita, hihi!?" Kinikilig na sabi ni Jelly.

"Oy Jell don't even dare to do that... Bahala na ako dun.. Just leave that to me okay?" Inis na sabi ng binata.

"Ay ang sungit naman neto! Sya na nga tutulungan e, hmmmp!" Jelly murmured.

"Ikaw nga dyan ang dapat kong tanungin.. How do you find Jed? Mukhang di pa kayo masyado magkakilala pero comfortable ka na kasama sya..." Vince interrogated.

"Well, mukha naman syang mabait... Aside from his good voice at letter "J" na name e, cute din sya, hihi!" Jelly giggled.

"Jelly Joy Joaquin..." At tiningnan nya ng masungit na tingin si Jelly na parang gusto itong pagalitan.

"Chillax lang po! Wag masyado masungit... Yan oh, salubong na naman yang kilay mo. Wala naman akong sinabi na gusto ko syang maging boyfriend.. Heller! Di naman po dahil "J" sya ay magpapaligaw ako agad sa kanya. And di naman po ako assuming kse baka friendly lang po yung tao..." Nakasimangot na sabi ni Jelly.

"Ikaw pa! At sino kayang masungit sa ting dalawa? Yan oh, look at your nguso abot hanggang Luneta!" Sagot ni Vince na binago ang mood at pilit na nagtawa.

"Ikaw talaga! Ikaw talaga!" Sabi ni Jelly habang kinukurot ang tagiliran ng kaibigan.

"Stop it Jell! Sige mabangga tayo!" He protested while still laughing.

"Hmmmp!" Jelly mumbled and just crossed her arms." Lagot ka sa kin pagtigil ng kotse natin." She added.

"Okay, sure!" Tumatawa pa ding sabi nya.

Hanggang sa maihatid niya si Jelly sa bahay ay nakasimangot pa din ito at sya nama'y ngiting-ngiti dahil alam nya na panalo na naman sya sa pikunan portion.


TO BE CONTINUED....


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018