Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Minsan hanap tayo nang hanap ng "meant to be" natin. Lumingon pa tayo sa likod at sumulyap pa sa kaliwa at kanan... Yun pala, nandyan lang sya sa tabi mo...

Mga 12:30 a.m. na ay di pa ako makatulog kaya't nagdecide ako na magpahangin sa labas. Naglakad-lakad sa tabing dagat at naupo sa isang motor boat na naka-park sa malapit sa kinakatayuan ko. Aminin ko man o hindi, pero apektado talaga ako. Ano nga bang ginagawa ko pa dito? Magpapakatanga ba talaga ako gayung alam ko na ang babaeng minamahal ko ay may mahal namang iba?

"Gago ka kase Jed! Anong laban mo kay Vince? E bata pa lang magkasama na sila ni Jelly. Ikaw, ngayon ka lang sumulpot sa buhay nya." Sigaw ko sa sarili ko habang iniuumpog ang sariling ulo sa aking mga palad. "Pero mahal na mahal ko si Jelly." Tugon ng kabilang side ng utak ko. "Kailangan kong ipaglaban ang pagmamahal ko. Pero paano?..."

Gulong-gulo ang isip ko ng mga oras na iyon. Lalo na nang naalala ko ang mga pangyayari kanina sa Truth or Dare game namin.

"Naku exciting to! Yun pa man ding magkatampuhan ang natapatan. Sana maganda ang mabunot ko." Excited na sabi ni Ate Paula na syang sumunod na naka-assign para bumunot.

"Okay eto na, babasahin ko, Ang nabunot nyo ay Truth!" Sigaw ni Ate Paula.

"Hahahaha!" Nagtawanan kaming lahat.

"Ay ano ba yan.. Pwede bang dare na lang.." Nagpo-protestang sabi ni Jelly.

"Sorry, hindi pwede.. eto ang nabunot ko e, hihi!" Tawa nang tawa na sabi ni Ate Paula. 

"Okay na, sige Ate Pau, ano ba yang question na yan ha at di na ako makahintay.." Nakatawa na ding sabi ni Vince.

"O sige, question... Who is your first crush?' O ang bilis lang naman nyan di ba? Kinabahan kayo no? Kala nyo kung ano na, hehe!" Ate Paula giggled.

"Ang bilis nga ng question, next question please... " Vince replied.

"Napaka-simple talaga baka nga hindi pa namin kilala yung isasagot nyo, hehe!" Nina added.

"Sige na... sabihin mo na po please..." Nakikulit din ako para magsalita si Vince.

"O sige sabay na lang kaya kayong magsabi, bibilang kami ng tatlo tapos sabay nyong sabihin, okay?" Roy exclaimed.

Sabay-sabay kaming bumilang ng, one... two... three!

At nagulat ang lahat sa sabay na sagot ni Jelly at Vince.

"Si Vince..." Jelly answered.

"Si Jelly.." Vince answered.

Napapikit ako nang oras na iyon. "Bakit nga ba ako mabibigla?" Bulong ko sa sarili ko. Noon pa mang una ko silang makilalang dalawa alam ko na may feelings talaga si Vince kay Jelly. I'm also a man kaya alam ko. Pero di ko na lang pinansin lalo na nung malaman ko na iba naman talaga ang mga preferences ni Jelly at alam ko na sa mga preferences nya ay qualified ako dun. Kaya't nagdecide ako na, bakit nga ba? E di, may the best man wins. "Bakit ko kabasta isusuko ang babaeng minahal ko nang una ko pa lang makita?" 

Ngunit nung makita ko na nagkatinginan sila, parang nasaktan ako. "Mahal din kaya ni Jelly si Vince... Ahhh, hindi! Bestfriend lang ang turing ni Jelly sa kanya." Pilit kong ini-encourage ang sarili ko.

"Oy di naman kayo mabiro... Nagbibiro lang tayo Vince di ba?" Ini-move ni Jelly ang kamay para makipag-high five kay Vince.

"Ah, oo naman nangti-trip lang kaming dalawa.." Dagdag ni Vince habang nakikipag-high five Jelly. "Eto maka-crushan ko e sobrang sungit nyan!'

"Masungit pala ha. Tsaka ikaw ba maka-crushan ko e unang una di ka "J", secondly super pang-asar kaya nyan no? Kaya no way!" Dagdag pa ni Jelly.

"Hayyy kayo talagang dalawa.. so bati na kayo ngayon? Nag-uusap na kayo e.." Curious na tanong ni Kuya Jeremy.

"Hindi pa din no?" Nakairap na sabi ni Jelly.

"Bahala ka mawawalan ka ng bestfriend na pogi." Birong sabi ni Vince.

"Sheeeesh! Tama na nga yan! Wala naman tayong matinong nakuhang sagot sa dalawang yan kaya baguhin na nga natin, bubunot ulit ako!"  Ate Paula exclaimed.

"Okay eto na ang nabunot ko! Ayaw nyo nung mabilis na question na yun ha kaya eto ang sa inyo... "Dare! You should kiss the one you love... ops! may kadugtong... on the lips.." Ate Paula grinned.

Bigla akong kinabahan ng oras na yon. Pa'no kung halikan ni Vince si Jelly e eto talaga ang mahal nya?

"Oy jino-joke mo lang kami Ate Paula.. Patingin nga???" At kinuha ni Jelly ang papel. "Uh oh..." I said worriedly.

Kinuha ni Vince ang papel mula kay Jelly at binasa, napakamot sa ulo. 

"O sige na nga..." Sabi ni Vince na maya-maya ay tumayo.

"O Jelly, tumayo ka na din at puntahan mo na ang mahal mo.." Kumindat na sabi ni Kuya Jeremy.

"Yoko ngang mang-kiss..." Umiirap na sabi ni Jelly.

"Sige na please... sports lang, kiss mo na si Jed!" Teased Roy.

Mukhang napilitan na ding tumayo si Jelly habang bumubuntong hininga ng malalim.

Lumakas ang tibok ng dibdib ko sa mga susunod na mangyayari. Sino nga bang lalapitan ni Jelly? Ako ba? O si Vince... Sana nga mahal din ako ni Jelly... Sana.

Ngunit bigla kaming nagulat nang biglang may sumigaw ng...

"Arayyyyyyy!" Pleaseee help! My tummy's hurting so much!" Cried Alex.

Wheeeww... Nakahinga ako nang maluwag dahil parang ayokong malaman ang totoo. Paano kung mahal nga din pala ni Jelly si Vince? "Thanks Alex... You saved me from this..." I whispered to myself.

Di ako makatulog nang gabing iyon kaya't naisipan kong magpahangin sa dalampasigan. Paulit-ulit kong iniisip ang mga pangyayari nang nakaraang oras nang maya-maya ay mapansin ko si Jelly na naglalakad sa di kalayuan at umupo sa buhanginan. Lalapit sana ako kaagad pero inisip ko muna ang mga sasabihin ko. Iki-clear ko ba sa kanya ang nararamdaman nya? Itatanong ko ba sa kanya kung sino ba talagang mahal nya o kung may pag-asa ba talaga ako. Ahhh, ewan, bahala na! Lalapit na sana ako sa kinauupuan nya ngunit bigla kong napansin na papalapit sa kanya si Vince kaya't di ko na itinuloy ang paglapit. 

Nararamdaman ko talaga ang selos ng mga oras na iyon lalo na nang makita kong umupo sa tabi nya si Vince at nagsimula silang mag-usap. Masaya silang nag-uusap ng biglang nakita kong nagsimulang umiyak si Jelly. Susugod na nga sana ako dahil ayokong nakikitang umiiyak si Jelly pero maya-maya ay lalong tumindi ang nararamdaman kong selos nang makita kong niyakap ni Vince si Jelly. Pero sa kabilang banda ay nagtatalo ang isip ko dahil ano nga bang karapatan ko na magselos? Hindi ko pa naman girlfriend si Jelly, anong karapatan kong pigilan si Vince. Maya-maya ay lalong lumaglag ang mga balikat ko nang makita kong unti-unting inilapit ni Vince ang mukha nya kay Jelly at hinalikan nya ito. Napakasakit isipin na nakita mong halikan ng iba ang labi ng pinakamamahal mo. Wala akong nagawa nang mga oras na iyon kundi hawakan ang aking noo at tumungo. Sa pagtunghay ko ay nakita ko na lang na tumatakbo palayo si Jelly kay Vince. Ibig bang sabihin noon ay di mahal ni Jelly si Vince? Bahagya akong nabuhayan ng loob habang iniisip ko na may pag-asa pa pala ako. "Kailangan kong ipaglaban ang babaeng pinakamamahal ko..." 


TO BE CONTINUED...


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018